CHAPTER 6

1809 Words
Nakatambay lang siya sa bahay dahil hindi pumayag si Xion na pumasok siya sa trabaho. Wala tuloy siyang nagawa kun'di umabsent ng isang linggo. Pinaliwanag niya ang nangyari sa kaniya ng gabing iyon at dahil nagkaroon ng sprain ang kamay niya hindi rin naman siya makakapag-serve ng maayos kaya pumayag si Ms. Sharron. Nakatanaw lang siya sa binata na nag-wo-workout ngayon sa may garden. Lagi ng busog ang mata niya dahil sa katawan nitong nakalantad. Mahilig ito mag-exercise dahil walang araw ata na hindi niya ito nakikita na hindi nag-e-exercise. Bumaba ang tingin niya sa kamay nitong nakahawak sa jumping rope na ginamit. Alam niyang sobrang lakas no'n dahil napatumba nito ang lalaki noong isang araw. Sigurado siya na kaya siya nitong buhatin at ibagsak sa kama. T-teka sa kama?! Kristel, pigilan mo ang utak mo! Malakas niyang tinapik ang pisngi para magising sa katotohanan. Hindi niya alam kung bakit tuluyan na siyang naa-attract sa binata. Parang ang landi niya na dahil may iba siyang lalaki na iniisip habang may asawa siya. Kahit hindi niya naman kasi kilala at mahal ang asawa niya sa papel ay hindi pa rin maikakaila na kasal siya. Kaya kailangan niya pigilan ang magkagusto sa ibang lalaki. Dalawang taon na nga lang siya nakakontrata sa asawa niya ay magloloko pa siya. Hindi niya pwedeng lokohin ito dahil malaki ang itinulong nito sa kaniya. Unti-unti ng umaayos ang kalagayan ng ama niya at natutustusan niya na rin ang mga pangangailangan ng pamilya niya. Isa pa't ayaw niya na mainlove dahil ayaw niya na ulit masaktan. Naranasan niya ng masaktan dahil sa ex niyang s*x lang naman pala ang habol sa kaniya. At dahil ayaw niya ibigay iyon hangga't hindi sila nagpapakasal ay nagloko naman ito sa kaniya at nag hanap ng ibang babae para sa gano'ng bagay. Napabuntong hininga siya kasabay no'n ang pagtama ng paningin nila ng binata. Nataranta naman siya at iniwas agad ang tingin dito. Umupo siya ng maayos sa sofa at tinuon na lang ang tingin sa tv na kanina pa nakabukas habang iba naman ang pinapanood niya. Narinig niya ang pagbukas ng pinto pero hindi na siya lumingon pa. Iisa lang naman ang labas pasok sa bahay na ito, si Xion. "Hows your sprain? Masakit pa rin ba?" tanong nito sa kaniya. "Hindi naman na masiyado," simpleng sagot niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa tv. Gusto niya sanang lingunin ito para makakita ng mas maganda at malapit na view sa pandesal nito pero hindi na lang. Baka hindi niya mapigilan ang sarili at himasin iyon. Hay nako self, lumalabas na naman ang kaharutan mo! "I'm going to the supermarket, do you want to come with me?" Napallingon siya rito at napanguso nang naka-tshirt na ito. "Oo, sasama ako," sagot niya. Boring naman dito sa bahay lalo na't ayaw siya pakilusin ng binata sa bahay dahil sa lagay niya. Eh hindi naman siya lumpo, may sprain lang ang isang kamay niya at masakit lang ang balakang niya. "I'll just take a bath first, wait here." Tango lang ang tugon niya dahil mabilis din naman siya nito tinalikuran. Tumayo siya at dumeretso na rin sa kwarto niya para magbihis ng maayos. Naka-pajama pa kasi siya pero tapos na siyang maligo kanina. Nagpalit siya ng short na may kaiksian kaya pinartneran niya iyon ng malaking t-shirt. Sinuot niya ang nabiling sandals na itim at napatingin sa malaking salamin. Maayos na siyang tingnan kahit simple lang ang suot niya. Noong unang sweldo niya kasi sa restaurant ay bumili siya ng mga damit at sapatos, 'yong kailangan niya lang at matagal na magagamit. May pera naman na siya ang kaso lang ayaw niya pa rin gumastos ng malaki dahil mas makakabuti kung iipunin niya ang sinasahod niya bilang contract wife. Naghintay lang siya ng halos kalahating oras at mayamaya ay may kumatok na sa pinto niya. "Let's go," ani nito sa labas ng kwarto niya. Binuksan niya iyon at sinukbit ang bag. Nakangiti siya habang nakatingin dito. Simple lang ang suot nito, plain black shirt, gray sweatshort and black sandal slippers. Maglalakad na sana siya nang harangan siya nito pero dahil nabigla siya sa pagharang ng kamay nito ay hindi siya agad nakahinto. Tumama ang dibdib niya sa maugat na kamay nito. Literal na natigilan siya at natulala, ramdam na ramdam niya iyon sa dibdib niya. "Damnit," bulong nito na narinig niya. "A-ah ano... ano, bakit? Ano 'yon?" Gusto niyang kurutin ang sarili dahil utal-utal siya magsalita na parang baliw. Napalunok siya at napatingin sa sahig ng binaba nito ang kamay at umatras ng bahagya. "Wear some pants," he commanded. Tinaas niya ang tingin at kita niyang sobrang seryoso ng mukha nito. "Naka-shorts ako," ani niya at tinaas pa ang t-shirt pero agad siya nitong hinawakan sa kamay para maibaba iyon. Nag-react siya nang maramdaman na parang nakuryente siya dahil sa paghawak nito. Binawi niya iyon at napaatras ng kaunti. Binasa niya ang labi dahil parang nanuyo iyon sa hindi malaman na dahilan. "Naka-shorts naman ako, okay naman ito," sambit niya pa at tinalikuran na ito. Mahigpit ang hawak niya sa sling bag niya dahil pilit niyang iniisip kung anong nangyayari sa kaniya. Napapikit siya dahil hindi maalis sa utak niya ang pagtama ng dibdib niya sa kamay nito. Hindi niya makalimutan kung paano ito nauntog doon at kung paano iyon napisil. Sobrang init ng pisngi niya at hindi siya makapagsalita lalo na ng makasakay na sila sa sasakyan. "Seatbelt," sambit nito na ikinataranta niya. Sinuot niya iyon bago pa man ito ang magsuot sa kaniya. Sa daan lang siya nakatingin habang nasa byahe sila. Hindi siya nagsasalita at gano'n din naman ito. Siguro ay talagang ang awkward ng nangyari kanina. Nag-park sila sa parking lot ng mall. Doon sila mamimili sa malaking supermarket. Hindi niya alam kung anong bibilhin nito at kung bakit sa malaking supermarket pa. "Marami kang bibilhin?" tanong niya rito nang makapasok sila sa mall. "Yes. Mga stock sa bahay," ani nito na parang ito ang may ari ng bahay. Nagtaka naman siya kung binigyan ba ito ng asawa niya ng pera para sa grocery. Wala naman kaso kung siya ang gagastos dahil malaki naman ang sweldo niya sa asawa pero medyo nagtataka na rin siya dahil hindi na rin nagpaparamdam sa kaniya si Francis. Parang kampante ito na okay lang siya sa bahay kasama ang bodyguard na ito. "Okay, buti na lang dala ko ang card ko," sambit niya rito. Kumuha siya ng malaking cart at siya na ang nagtulak pero inagaw iyon ni Xion. "Don't move your hand too much," bulalas nito. "Hindi naman ako lumpo," bulong niya sa sarili. "Wala akong sinabing lumpo ka." Napanguso siya dahil narinig pala nito ang sinabi niya. Nalukot ang mukha niya nang may dalawang babae ang sumisingit sa gilid ni Xion. "Excuse me? Can you get that spread for me? I can't reach eh," ani ng isang babae kay Xion. Hindi naman nagsalita ang binata at kinuha ang spread na malapit lang sa kaniya at binigay sa babae. "Omg! Thank you... your name?" Nag beautiful eyes ito sa harapan ni Xion habang hawak-hawak ang spread. Napairap siya sa kawalan at binunggo iyong cart nila at nilagpasan na ang mga ito. Nabwi-bwiset siya sa mga ito. Naiinis siya sa tono ng boses ng babae, masiyadong pabebe. Hindi niya na hinintay si Xion at tumungo sa section ng mga chips. Kumuha siya ng iilan doon at napatingala nang makita ang favorite niyang junk foods, ang ruffles. Mahal iyon kaya minsan lang talaga siya makakain noon dati. Tumingkayad siya at pilit na inaabot iyon pero dahil hindi naman siya katangkaran ay hindi niya iyon nakuha. Napabuga siya ng hangin at aalis na sana roon nang may naramdaman siyang lalaki sa likuran niya. Inangat niya ang tingin at kita niya ang kamay nitong kumuha ng dalawang ruffles chips. "Here." "Uh... salamat— Francis?!" gulat na sambit niya nang mapalingon na siya rito. Ngumiti ito sa kaniya kaya ngumiti rin siya rito. Masaya siyang makita ulit ito, ilang linggo niya na kasi itong hindi nakikita pati makausap ay hindi na rin. Paniguradong busy ito dahil sa trabaho. Napahawak ito sa bewang niya nang natapilok siya sa biglaang atras. "Oh!" "Careful! Sinong kasama mo?" "Ah, si—" "Ako." Pareho silang napalingon kay Xion na paparating sa pwesto nila. Nagulat siya nang hawakan nito ang braso niya at hatakin siya papalapit rito. "Why did you leave me? Hindi ako agad nakaalis sa dalawang babae," kunot noong sambit niya. "Oh, anong gagawin ko? Ayaw mo no'n may nagpapapansin sa'yo?" taas kilay na ani niya. Ewan niya ba dahil nainis na siya rito. "What? Do I look like I care?" "Sa tingin mo ba may pakialam din ako?" Pareho silang nakatingin sa isa't isa at pareho ring salubong ang mga kilay nila. "Woah, woah, woah. Mag-aaway talaga kayo sa harapan ko?" Napaiwas siya ng tingin at nag-init ang pisngi niya dahil sa hiya, nakalimutan niyang nasa harapan pala nila si Francis. "H-hindi kami nag-aaway!" dipensa niya. "I see... That's called love quarrel," bulalas nito na ikinalaki ng mata niya. "Anong love? M-may asawa ako ha!" halos pasigaw na sambit niya at pinanlalakihan ng mata si Francis. Medyo lumapit siya rito para bulungan. "Wala siyang alam tungkol sa kontrata," bulong niya rito. Umawang naman ang labi ni Francis pero halatang nangingiti. "Joke lang naman 'yon! Siguro naman hindi magagalit ang asawa mo sa mga gano'n na joke," he smirked. Nailing siya dahil naging mapang-asar ito ngayon. "Well, hindi na pala ako nakakatawag sa'yo. Ang bodyguard mo na ang bahala sa mga gastusin sa bahay. Siya na rin ang magbabayad ng mga pang-grocery dahil siya na ang aabutan ng asawa mo," sambit nito sa kaniya at bumaling kay Xion. "' Di ba? What's your name again?" "You son of a— Xion, I'm Xion," he scoffed. Siniko niya ito dahil nagsusungit pa kay Francis. "Okay, I got to go. May binili lang ako saglit, may work pa kasi ako. Nice to meet you, Xion." Tinapik nito sa balikat si Xion at kumaway naman ito sa kaniya. "Ikaw! 'wag kang aasta ng gano'n sa kaniya. Lawyer siya ng asawa ko!" saway niya rito. Paano na lang kung matanggal ito kung magalit din si Francis sa binata. "I don't care." Kinuha nito ang mga hawak niyang chips at nilagay sa cart bago iyon itulak. Huminto rin naman ito agad at muli siyang binalikan. "Dito ka lang," sambit nito habang nakatingin sa mga mata niya. Dumausdos ang isang kamay nito sa kamay niya at dinala iyon sa hawakan ng cart. Hindi siya nakapagsalita dahil para siyang nabingi sa t***k ng puso niya. Palakas iyon ng palakat at parang bawat segundo ay bumibilis. "Huh?" wala sa sariling sambit niya habang nakatulala pa rin dito. "Don't let any other man touch you. Dito ka lang sa tabi ko at 'wag na 'wag kang aalis."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD