Naglalakad siya sa loob ng village para naman may magawa kahit papaano. Hapon na at halos tumulala na lang siya magdamag sa kwarto niya. Dahil naka-leave pa rin siya sa trabaho ay talagang buryo na siya sa bahay. Wala si Xion dahil umalis na naman ito.
Napanguso siya at sinipa ang bato na maliit sa kalsada. Dumeretso siya sa playground at may Nakita siyang naglalaro na mga bata sa slide. Lumapit siya at umupo sa bench na bakante.
Bigla niya tuloy na-miss ang mga kapatid niyang makukulit. Siguro magpapaalam siya sa susunod na buwan para mabisita ang mga ito sa laguna, sana lang pumayag ang asawa niya.
"Ate, ate!" Napatingin siya sa batang babae na papalapit sa kaniya. Mahaba ang nguso nito at parang galit pero cute pa rin tingnan.
"Ano 'yon?" tanong niya rito.
"That boy is not playing with me! He said that he has a crush on me but he don't want to play with me because of that other boy," kwento nito sa kaniya. Napanganga naman siya dahil mukhang nasa 7 o 8 years old pa lang ito. Iba na ba talaga ang mga kabataan ngayon, may pa-crush crush na kaagad sa edad na 'yan.
"Bakit ayaw kang isali?" tanong niya rito. Umupo naman ito sa tabi niya kaya inalalayan niya.
"Because it's a boy thing daw po, and I'll might get hurt if I join them," sagot naman nito. Napangiti siya rito at napatingin sa lalaking naglalaro ng habulan.
"Gusto ka niya kaya ayaw ka niyang masaktan," sambit niya naman dito.
"Gano'n po ba 'yon?" tanong nito gamit ang cute na boses. Ginulo niya ang buhok nito at tumango.
"Gano'n 'yon, nagagalit sila kahit sa mababaw na dahilan lalo na pag nakita nilang nasaktan ka. Nag-aalala kasi siya sa'yo na baka masugatan at mapahamak... ka..." Natigilan siya nang may pumasok sa isip niya. Ang mukha ni Xion na galit na galit sa kaniya noong napahamak siya at ang boses din nito na pinapagalitan siya.
Napailing siya at natawa ng pagak. Imposible naman ang mga nasa isip niya. Xion would like her? Of course not! She has a husband and Xion is the loyal bodyguard of her husband.
Binuksan niya ang tubigan na dala at tiyaka uminom. Huminga siya ng malalim dahil sa kakaibang nararamdaman. Walang araw na hindi pumasok ang binata sa isipan niya at hindi na talaga iyon maganda.
"Ate, bye na po! Thank you po sa pakikipagusap sa akin, nandiyan na ang mommy ko!" Paalam ng bata at hindi na siya nito hinintay makapagsalita dahil tumakbo na papalapit doon sa may babae.
Tumayo na siya at nagsimulang maglakad pabalik sa bahay. Para siyang lutang habang naglalakad dahil sa mga kung ano-anong iniisip.
"Tumigil ka Aj, tumigil ka," bulong niya sa sarili. Kilala niya ang sarili at alam niya kung nagkakagusto na siya sa isang tao ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit mas ibang iba itong nararamdaman niya. May kung ano na hindi niya maipaliwanag sa kaloob-looban niya. Hindi naman siya ganito noong nagkagusto siya sa ex niyang manloloko.
Bumuga siya ng malalim at tiyaka binuksan ang gate nang makarating siya sa bahay. Bagsak ang balikat niya dahil wala pa rin sa bahay si Xion. Nakailang buntong hininga na siya, para na siyang baliw na gustong magmukmok. Umupo siya sa upuan at kinuha ang cellphone, hindi na siya nakatiis kun'di i-text ito kung uuwi ba ito ng hapunan.
To Xion,
- Uuwi ka ba at dito maghahapunan? Magluluto ako! ?
Kagat-kagat niya ang labi habang naghihintay sa reply nito. Nakayakap na siya sa kaniyang tuhod habang nakatanaw pa rin sa cellphone. Ilang minuto ang lumipas at nag-reply rin ito kaya lumawak ang ngiti niya sa labi.
From Xion,
- I don't know. I'm busy right now.
- I mean your husband is busy, he's in a meeting right now and I can't leave immediately.
Lumukot naman agad ang mukha niya, gusto niya talaga kasi ito makasabay sana.
To Xion,
- Anong oras ka uuwi? Mahihintay naman kita para may kasabay ako.
- Ang boring naman kasi kumain mag-isa.
Nagdahilan siya rito kahit ang totoo naman ay gusto niya lang ito makita agad. Bahala na, siguro susunod na lang siya sa nararamdaman niya kahit ngayon lang. Ginulo niya ang buhok nang hindi na ito nag-reply. Sumandal siya sa sofa at natulala lang doon. Nababaliw na siya at mababaliw pa ata.
Tumayo siya at dumeretso sa kwarto niya. Sa labas na lang siguro siya kakain ng hapunan, ngayon lang naman siya ulit gagastos. Boring talaga sa loob ng bahay lalo na mag-isa lang siya. Nagbihis siya ng mas maayos na damit at kinuha ang sling bag at wallet. Muli siyang lumabas ng bahay at naglakad papuntang gate ng village para roon mag-abang ng taxi. Limang minuto lang naman ang hinintay niya at nakasakay na agad siya.
Nang makarating sa mall ay nilibang niya ang sarili niya. Windong shopping lang ang ginawa niya dahil wala naman siyang balak na gumastos ng malaki. Ang budget niya lang sa pagkain niya ngayon ay 300 pesos lang. Malaki na nga 'yon para sa kaniya pero dahil alam niyang mga mahal ang pagkain sa mall ay iyon na ang binudget niya.
Binuksan niya ang sling bag niya para kunin ang cellphone roon pero hindi niya nakita iyon sa loob ng bag.
"Naiwan ko?" bulong niya sa sarili. Umawang ang labi niya at napatampal sa noo na maalala na nailapag niya pala iyon sa sofa. Napatingin siya sa relo na suot, ala-sais pa lang naman at paniguradong hindi naman na siya kokontakin ni Xion dahil nga busy raw ito.
Pinagpatuloy niya ang paglilibot niya hanggang sa makaramdam ng gutom. Pumunta siya sa isang ramen restaurant, parang natakam kasi siya roon at gusto niyang tikman. Bumili siya ng best seller na mild spicy ramen para sa hapunan niya. For sure ay busog na siya roon dahil sa laki ba naman ng bowl. Sayang nga lang ay hindi niya mapi-picture-an ang kakainin niya dahil hindi niya dala ang phone.
"Oh!" react niya nang may makabangga sa kaniya. Grabe ang kaba niya dahil bitbit niya ang tray na may lamang ramen. Muntikan na iyon matapon kung hindi lang siya nahawakan ng isang lalaki.
"Sorry!" sabi ng babae sa kaniya.
"Okay lang po," ngiting sambit niya. Naintindihan niya naman dahil nakita niyang hinahabol nito ang isang chikiting na parang nakikipaglaro. Hindi naman natapon ang pagkain niya muntikan pa lang kung hindi lang siya nahawakan sa braso ng lalaki.. Bumaling siya rito at ngumiti tiyaka nagpasalamat.
"Thank you," mahinang sambit niya.
"No problem," sambit nito sa baritonong boses. Napatitig siya rito saglit, hindi dahil gwapo ito kun'di parang pamilyar ang mukha nito. Parang may kamukha kasi itong kilala niya na hindi niya naman matukoy kung sino.
"Are you done?"
"Huh?"
"Staring at me obviously," he smirk. Nanlaki ang mata niya at naibaba agad ang tingin.
"H-hindi ah... s-sige una na ako, salamat ulit." Mabilis niyang nilagpasan ito at umupo sa pinakadulong bakante na table. Napailing na lang siya dahil sa kahihiyan na nagawa. Tahimik siyang kumain mag-isa at nang matapos ay nagpahinga muna siya saglit doon dahil busog na busog siya. Napasarap ang kain niya at simot talaga ang bowl.
Halos alas-diyes na siya ng gabi nakarating sa bahay. Pagkapasok niya pa lang sa gate ay kita niya na ang kotse ni Xion. Patakbo siyang pumasok sa loob ng bahay dahil na-excite siyang makita ito.
"Nandito ka na pa—"
"Where have you been?!" Napaatras siya nang bumungad sa kaniya ang galit na galit na mukha ni Xion. May hawak itong dalawang cellphone sa magkabilaang kamay.
"Nandito ka na pala," pag-uulit na sambit niya.
"I'm f*****g here three hours ago and you're not here! I told you that don't go anywhere without saying anything to me!" Magkasalubong ang kilay nito at napasuklay pa sa buhok.
"Akala ko kasi busy ka, tapos naiwanan ko pala itong cellphone ko," paliwanag niya at kinuha ang cellphone nang makita iyon na nasa glass table na.
He let out a heavy sighed. "You made me worried as f**k! Akala ko may nangyari na naman sa'yo!" Humawak ito sa sintido na parang pinapakalma ang sarili.
"N-nag-alala ka sa akin?" wala sa sariling tanong niya. Kumalabog ng husto ang dibdib niya na parang kakawala na naman.
Tumingin ito sa kaniya ng seryoso. "I'm your bodyguard, Aj. My job is to protect you."
Parang binuhusan siya ng malamig na tubig at nagising sa katotohanan. Oo nga pala, bodyguard niya nga pala ito. Normal lang dito ang mag-alala sa kaniya dahil kung mapahamak man siya ay mayayari ito sa asawa niya.
Bakit niya nga ba nakalimutan ang totoong relasyon nila sa isa't isa. Nakalimutan niya na hindi niya ito kaibigan at mas lalong hindi niya ito kasintahan.
Napatango siya ng dahan-dahan at tipid na ngumiti. Binaba niya ang tingin sa sahig dahil ayaw niya na itong titigan sa mata dahil baka kung ano lang ang maipakita niyang emosyon.
"S-sorry. 'Wag ka mag-alala hindi naman kita isusumbong sa asawa ko at wala rin naman ako balak sabihin kung may mangyari man sa akin. Hindi naman kita ipapahamak. Pasensiya na dahil sa kakulitan ko ay hindi mo magawa ng maayos ang trabaho mo." Tinalikuran niya ito at hindi na nilingon pa. Dumeretso siya sa kaniyang kwarto at pagkapasok na pagkapasok ay sinara niya iyon.
Pabagsak siyang humiga sa kama at napatingin sa kisame. Napahawak siya sa kaniyang pisngi nang maramdaman na basa iyon.
Umiiyak ako? Anong katangahan 'to, Aj? Huwag mong sabihin na gusto mo na talaga ang masungit na lalaki na 'yon?
Kinuha niya ang isang unan at tinakip sa kaniyang mata. Pilit niyang inaalis ang gumugulo sa isip at puso niya.