"Magandang gabi po!" bati niya sa mga kakapasok na customer sa restaurant. Binigyan niya ng menu ang mga ito at hinintay makapili ng o-orderin. Masaya siya sa trabaho niya at mababait naman ang mga kasama niya rito. Ilang linggo pa lang siya at kasundo na niya ang mga chef at ibang server.
Mabilis din siyang natuto dahil magagaling mag-guide ang mga ito. Muli siyang lumapit sa mga bagong customer at kinuha ang mga order nito pagkatapos ay dumeretso siya sa area para sabihin ang order sa mga chef.
"Kuya Jon, isang set ng family D at additional pesto platter," sambit niya sa isang chef na naka-duty.
"Noted!" ngumiti ito sa kaniya kaya ngumiti siya pabalik. Nakasalubong niya naman si Dianne na nag-buss out.
"Malapit na out mo, magpunas ka na lang diyan, ako na ang bahala mag-serve sa bagong customer," ani nito sa kaniya.
"Salamat," sambit niya rito dahil sampung minuto na lang talaga ay out niya na.
"Walang problema, susunduin ka ba ulit ng pogi na 'yon?" kinikilig na ani nito habang pinupunasan ang top table ng receiving area.
"H-hindi... may inaasikaso kasi siya," ani niya rito. Lagi kasi nito nakikita si Xion na hatid sundo siya at talagang kinikilig naman ito. Siyempre, sino ba naman hindi kikiligin kahit makita lang ang binata. Totoo naman kasing malakas ang dating nito.
"Kaibigan mo lang talaga 'yon?" tanong ulit nito.
"Oo! Kaibigan lang..." Ayaw niya kasi sabihin na may asawa na siya at bodyguard niya ito. Baka magtanong pa ang mga ito kung sino ang asawa niya at bigla wala siyang masagot dahil maski siya ay hindi kilala ang asawa.
Hindi na siya nakipagdaldalan dito at kumilos na agad. Nagpunas lang siya ng mga lamesa at inayos niya lang ang mga upuan na bakante bago siya makapag-out. Hindi siya masusundo ni Xion dahil may importante raw itong trabaho at utos iyon ng asawa niya. Dalawang araw ito wala at hindi niya alam kung bakit matagal.
Hindi ko naman siya hinihintay... Nagtataka lang talaga ako kung bakit dalawang araw talaga... O-oo! Iyon ang dahilan ko.
Kahit may pagkasungit ito sa kaniya at mukhang work-a-holic ay naaappreciate naman niya ang paghatid sundo nito sa kaniya. Nasabi niyang work-a-holic dahil parang mina-maximize nito ang oras na may magawa. Paano ba naman pagkatapos siya ihatid ay pagkasundo nito sa kaniya ay iba na ang damit at napaka-formal, ang dahilan nito ay nagta-trabaho rin ito para sa asawa niya.
Naisip niya tuloy na napaka-loyal nito sa asawa niya dahil bumabalik pa rin kung saan para lang pagsilbihan ang boss.
Siguro naman kaya pang kumuha ng asawa niya ng panibagong bodyguard, pero baka rin naman na sadiyang magaling talaga si Xion at hindi mabitawan ng asawa niya.
Tinanggal niya ang tali ng buhok nang makalabas na ng restaurant. Sinuklay niya iyon gamit ang kamay para hindi naman buhaghad tingnan.
Naghintay siya ng jeep o taxi dahil iyon lang ang masasakyan niya hanggang sa gate ng village. Ang taxi naman ay pwedeng makapasok sa loob ng village pero kailangan mag-iwan ng driver ng i.d.
Napakamot siya sa noon ang walang dumadaan na jeep o taxi man lang. 10:30 na ng gabi at medyo madalang talaga ang dumadaan doon. High end kasi ang lugar na 'yon at puro kotse ang dumadaan. Napagdesisyunan niya na lang na maglakad, tutal malapit-lapit lang naman at sanay naman siya sa mga lakaran.
Tiningnan niya ang cellphone niya nang makatanggap siya ng mensahe.
From Xion,
Are you going home now?
Nireplyan niya naman ito agad.
To Xion,
Oo, naglalakad na ako.
Itatago na sana niya ang cellphone nang nag-ring na iyon, nakita niyang si Xion ang tumatawag. Sinagot niya naman iyon agad.
"Hel—"
"Why are you walking? You said that you're going to ride a taxi!" he fumed. Oo nga pala, nakalimutan niya palang nagpumilit ito na may papalit sa kaniya ng dalawang araw pero hindi niya ito pinayagan dahil okay lang naman talaga na siya lang mag-isa at sasakay na lang siya ng taxi.
"Malapit lang naman kasi—"
"No. It's a 10-minute walk, it's not near!"
"Ito naman, galit ka na naman sa aki—" Napatigil siya sa pagsasalita nang may sumigaw na babae doon sa malapit na eskinita. Naibaba niya agad ang cellphone at mabilis na tumakbo patungo roon. Nakita niya ang isang babae na hinahatak ng isang lalaki.
"Bitawan mo ako! Hayop ka!" sigaw nito. Hindi na siya nagdalawang isip at mabilis na nilapitan ang babae at hinawakan ang isang kamay nito para hatakin palayo sa lalaki.
"Anong ginagawa mo?!" sigaw niya rito. Napalunok pa siya sa kaba dahil may kalakihan ito.
"Bitawan mo ang asawa ko!" sigaw nito habang hindi pa rin binibitawan ang babae. Binalingan niya ng tinging ang babae at nanginginig ito sa takot.
"S-sinasaktan niya ako... ayoko na sa kaniya," iyak nito at nagmamakaawang tumingin sa kaniya. Kita niya ang mga pasa sa mukha nito na ngayon niya lang napansin. Mas hinigpitan niya ang kapit dito at tiningnan ng masama ang lalaki.
"Asawa?! Asawa pero sinasaktan mo? Gago ka pala eh!" sigaw niya kasabay ang paghatak niya ng malakas sa babae. Nakawala naman ito sa pagkakahawak ng lalaki at mabilis na nagtago sa likuran niya.
"Miss, 'wag kang makikialam sa away mag asawa, baka gusto mo ikaw ang saktan ko," galit na bulalas nito sa kaniya.
"Bakit hindi ako mangingialam eh nananakit ka na ng babae!" sigaw niya pabalik. Pilit niyang pinapatatag ang boses kahit ang totoo ay talagang natatakot na siya rito lalo na ng humakbang pa ito papalapit sa kanila.
"Ayoko na sa'yo! Anim na buwan pa lang pero pinapakita mo na ang tunay mong anyo! Lagi mo akong sinasaktan at binubugbog dahil sa walang kwentang pagseselos mo! Nagta-trabaho ako para may makain tayo dahil puro luho lang ang iniisip mo!" sigaw ng babae habang umiiyak.
"Nagta-trabaho ka habang nanlalalaki! Hinatid ka pa talaga ng hayop na 'yon? Ano kayo na ba?! Bakit mas magaling ba siya sa akin?!"
"Napakakitid ng utak mo! Hinatid niya ako dahil sobrang gabi na ng out naming at pareho lang naman ang daan papunta sa bahay nila— ahhhh! Bitawan mo ako!" Nataranta siya dahil hinablot ng lalaki ang damit ng babae at hinatak ito papalayo sa kaniya pero dahil mabilis siya nakapag-react ay sinipa niya ito sa hita pero mukhang hindi man lang ito nasaktan at nagawa pa siyang tulakin ng malakas. Nagulat ang babae habang napatingin sa kaniya. Mas nagwala ito at pinagsasapak ang lalaki para makawala sa pagkakahawak.
"Siraulo ka! Nananakit ka pa ng ibang babae! Bitawan mo ako!" Napadaing siya sa kamay niya dahil kumirot iyon. Mukhang naapektuhan ang ugat niya sa kamay dahil iyon ang itinukod niya ng bumagsak siya. Nakagat niya ang ibabang labi at muling tumayo para hampasin ang mukha ng lalaki ng bag na dala.
"Hayop ka, bitawan mo siya! Mukha ka namang unggoy, akala mo kung sinong gwapo!" hiyaw niya habang pinaghahampas ito ng malakas. Nabitawan nito ang babae at siya naman ang hinawakan sa kwelyo. Napaubo siya dahil nasasakal siya sa ginagawa nito.
Magsasalita pa sana siya nang biglang may narinig siyang mabilis na sasakyan galing sa likod niya. Nabitawan siya ng lalaki kaya bumagsak siya ng malakas sa sahig.
"Sino ka?" sigaw ng lalaki. Hindi siya makatingin sa likuran niya dahil hinahabol niya pa rin ang paghinga niya. Napatingin siya sa gilid ng may dumaan at bago niya pa maiangat ang tingin niya bumagsak na ang lalaki sa harapan niya.
"Who I am? I'm the one who will f*****g kill you, asshole!" Natigilan siya saglit at mabilis na inangat ang tingin at kita niya ang mukha ni Xion na galit na galit habang nakakuyom ang mga kamao.
May nagdatingan din na police kaya tiningnan niya na ang babaeng nawalan ng malay. Mukhang nanghina na ito ng tuluyan dahil sa ginawa ng lalaki.
"I told you! Don't walk at this hour," galit na sambit sa kaniya ni Xion at umupo para mapantayan siyang nakaupo sa sahig. Kinuha nito ang kamay niya pero napadaing siya ng malakas dahil sa kirot at sugat ng kamay niya.
"That fucker," bulong nito at akmang pupuntahan pa ulit ang lalaki nang hinawakan niya ito sa braso gamit ang isang kamay.
"H-hayaan mo na 'yon..." Pinilit niyang tumayo pero hindi siya makatayo dahil pati ang balakang niya ay napuruhan ata dahil sa malakas na pagkabagsak.
"Sir, dadalhin na po namin sa presinto ang lalaki. Nandiya na rin po ang ambulansiya para dalhin ang babae. Pwede ko po ba kayong matawagan bukas para itanong ang buong pangyayari ma'am?" baling sa kaniya ng isang police.
"Opo, pupunta po ako. Paki-asikaso na lang po 'yung babae. Asawa niya 'yong nangbugbog, 'wag po sana hayaang makalapit 'yong lalaki sa asawa," nag-aalalang sambit niya rito.
"Makakaasa po kayo, ma'am. Maraming salamat po ulit, ma'am, sir." Hindi na siya nakasagot dahil bigla siyang binuhat ni Xion. Napatingin siya sa mukha nito at na nakabusangot. Sinakay siya nito sa sasakyan at umikot ito para makasakay naman sa drivers seat.
Doon niya lang napansin na mas formal ang suot nito. Aakalain mo na para itong boss na galing sa isang business meeting at hindi bodyguard.
"Hindi ka kasi nakikinig, masiyadong delikado maglakad ng gabi at wala ka pang kasama," pagalit na sambit nito habang pinapaandar ang sasakyan.
"Okay lang naman kasi talaga ako—"
"Okay? You're not f*****g okay! Look at you, you can't even walk properly!" Napasuklay siya sa buhok niya, para siyang pinapagalitan ng tatay niya.
"Basta 'wag mo na lang sabihin ito sa asawa ko," ani niya rito. Ayaw niyang mamroblema pa ito dahil sa nangyari sa kaniya. Baka isipin pa no'n ay mahilig siya pumasok sa gulo. Hindi lang naman kasi niya kayang lagpasan ang nangyayari. Lalo na ang mga pang-aabuso na mga gano'n.
"Why? Ayaw mong malaman niya na makulit ka?" galit na bulalas nito.
"Hindi sa gano'n! Alam mo naman na matanda na 'yon, baka mamroblema pa at lalong magkasakit," sambit niya habang tinitingnan ang mga gasgas sa kamay. Muntikan naman siya sumubsob sa harapan, kung wala siyang suot na seatbelt ay tumama na ang mukha niya sa harap.
"What?!"
"Hoy! Bakit ka bigla huminto?" kinakabahang sita niya rito. Ang lakas tuloy ng t***k ng puso niya.
"You think your husband is a rich old man?" Kunot noo itong bumaling ng tingin sa kaniya. Mas lalo tuloy siyang kinabahan dahil baka nagkamali siya at baka hindi naman ito sobrang tanda. Paano na lang kung mabuking siya nito na hindi pa talaga sila nagkikita ng asawa niya.
"A-ano... matanda na siya siyempre... pero hindi naman sobrang tanda 'di b-ba?" tumawa siya ng pagak at iniwas ang tingin sa binata. Pinikit niya ang mata niya para makaiwas dito, baka magtanong pa ng kung ano-ano at mas lalo siyang mabisto.
Ang daldal mo talaga Aj! Sikreto nga 'di ba?! Sikreto!