CHAPTER 11

1349 Words
Nagising siya ng masakit ang ulo, ayaw niya pa sana bumangon pero nakaramdam na siya ng tawag ng kalikasan. Kahit masakit at mabigat ang ulo niya ay pinilit niyang makatayo at dumeretso ng banyo. Halos nakapikit pa siya nang biglang mapadilat dahil iba ang scent ng banyo niya ngayon. Nilibot niya ang paningin at laking gulat dahil hindi naman ito ang guest room na tinutulugan niya. Pagkatapos niya umihi ay agad siyang nag flush at tiningnan ang mga gamit. Puro panlalaki iyon kaya binuksan niya agad ang pintuan at halos lumuwa ang mata niya nang mapagtanto kung kaninong kwarto ito. Napasabunot siya sa buhok at pilit inaalala ang nangyari kagabi pero wala siyang maalala. Siguro ay nag lakad siya papunta rito at dahil tinamaan na siya ng alak ay hindi niya na alam kung saan siya pumasok. Napatampal siya sa noo at nailing na lang. Mabuti ay wala si Xion dahil kung hindi lagot siya. Bumalik siya sa kama at napahiga muli dahil masakit pa talaga ang ulo niya. Napatulala siya sa kisame dahil naalala niya ang panaginip niya. Pati ba naman sa panaginip ay naroroon ang binata. Pinikit niya ang mata ng ilang minuto bago tuluyan ng tumayo at ayusin ang kama. Pagkatapos ay bumaba siya para kunin ang cellphone niya dahil panigurado ay naiwan niya iyon sa sala. Napakamot naman siya sa pisngi nang makita ang cellphone sa lamesa na nakalapag ng maayos. Hindi lang iyon ang pinagtaka niya dahil wala ng kalat sa sala. Ine-expect niya kasi ay naroroon pa ang mga bote ng smirnoff at balat ng chips. "Niligpit ko na ba?" napakamot siya sa ulo niya. Kinuha niya na lang ang cellphone at tiningnan iyon. "Chinarge ko rin ba 'to?" bulong niya sa sarili dahil full charge ang cellphone niya. Talagang na lasing ata siya kagabi at hindi na maayos ang utak niya. Hindi niya maalala ng maayos ang mga ginawa niya kagabi pwera sa panaginip niya. Dumeretso siya sa kusina para uminom ng tubig. 9 am na pala ng umaga kaya kulo na rin ng kulo ang tiyan niya. Magluluto na lang siya ng bacon at egg para sa almusal. Binuksan niya naman ang cellphone nang mag-vibrate iyon. From Ma'am Sharron, - Good morning, Aj! Okay lang ba sa'yo na bukas na kaagad ang day-off mo para sa week na 'to?May dagdag interns kasi at baka mas rumami ang employee sa loob ng restaurant. Text me back if you're okay with that but if it's not because you have something important to do on Sunday it's fine for me. I'll just ask Dianne. ? Napaisip naman siya, wala naman siyang gagawin sa Sunday kaya okay lang na bukas agad ang day off niya para sa week na 'yon. Pupunta na lang siguro siya sa laguna ngayong araw at babalik bukas ng gabi, tutal wala naman siyang kasama rito sa bahay at mabo-bored lang siya. Nag-reply siya kaagad dito para pumayag. To Ma'am Sharron, - Okay lang po ma'am. Sakto po bibisita na lang po ako ngayong araw sa laguna dahil wala naman po ako pasok bukas. Thank you po! From Ma'am Sharron, - Oh! Good to know! Thank you for understanding, Aj. See you on Tuesday! Nilapag niya na ang cellphone niya at nagluto ng umagahan niya. May tira pa namang kanin kaya iyon at ininit niya sa microwave. Kay Francis na lang siya magpapaalam kung pwede siya umalis ngayong araw sa bahay para bisitahin ang magulang at mga kapatid niya. Pagkatapos niya kumain ng umagahan ay nag-ayos siya ng gamit na dadalhin niya. Mga importanteng gamit lang naman dahil may mga damit pa siya roon sa bahay nila. Tinext niya na rin si Francis at pumayag naman ito dahil wala namang problema iyon. Basta't 'wag lang daw ako magtatagal at laging magsabi kung aalis para alam nito kung saan siya hahanapin kung may emergency. Mabuti na lang ay alam ng driver niya na wala siyang pasok kaya hindi ito pumunta sa bahay. Nang makaligo at makapag-ayos ay umalis na rin siya ng bahay. Sinigurado niyang lock ang lahat ng pinto para siguradong ligtas ang bahay. Kumain muna siya ng tanghalian sa karinderya na malapit sa terminal bago tuluyang sumakay ng bus. Saglit lang naman ang byahe mga isa't kalahating oras lang kung sakto lang ang traffic. Hindi siya nagsabi na uuwi siya sa laguna dahil gusto niya surpresahing ang mga ito. Na-miss niya na rin talaga ang mga kapatid at magulang niya. Excited na siyang muling makita ang mga ito pati na rin ang mga kaibigan doon. *** "Sir, approved na po sa client ang design ng building na ipapagawa niya. Wala na raw po kailangan baguhin dahil satisfied na po si Mr. Green," ani ng isang architect sa kompanya niya. "Good. Do things neatly as possible." Uminom siya ng kape habang nakatutok pa rin ang mata niya sa computer. Tinitingnan niya ang mga designs na pina-check sa kaniya ng mga architects. Kakatapos lang niya sa isang project na tinanggpa niya kaya isang linggo siyang nawala. Ngayon mukhang hindi muna siya tatanggap ng mga projects dahil ayaw niya umalis ulit ng matagal. Hahayaan niya muna ang mga employees niya na kumilos sa mga ibang trabaho. As an architect he still accepts projects. Usually, ang mga projects na kinukuha niya ay talagang malalaki. Ang mga kumukuha sa kaniyang clients ay mga celebrities at mga famous businessman and businesswoman. Bilang lang sa daliri niya kung ilang proyekto ang kinukuha niya sa isang taon dahil hindi lang naman iyon ang inaasikaso niya kun'di ang pagiging ceo sa kumpanya. He has his own business at the same time he handles that business of his late grandfather. Nag-ring ang cellphone niya at nakita niyang si Francis iyon kaya hindi niya sinagot ang tawag. Kanina pang tanghali ito tumatawag pero hindi niya sinasagot dahil alam niyang mangungulit lang ito at gagambalain siya sa trabaho. Napabuga siya ng hangin nang mag-ring muli ang cellphone niya. Kinuha niya iyon at sinagot ang tawag. "You have 1 minute to talk," inis na sambit. "Woah, bakit ang init ng ulo? Dahil ba umalis siya?" he laughed. Kumunot ang noo niya dahil hindi niya ito naintindihan. "What are you talking about?" "Kanina ka pa bang umaga sa opisina mo? So, you didn't know that your wife already left?" "What? Did she leave?" gulat na tanong niya rito. Iniwan niya itong natutulog sa kwarto niya kaya papaanong umalis na ito. "Hmm... I think my time is done, goodbye!" pang-aasar nito sa kaniya. "Just kidding. Nagpaalam siya sa akin na uuwi muna siya sa laguna pero babalik din bukas ng gabi. Hindi sa'yo nag-text? Kawawa ka naman," dugtong pa nito habang tumatawa. Agad niyang binaba ang tawag at tiningnan ang oras. 5 pm na at may last meeting pa siya ng 5:30 pero mukhang hindi na siya aattend doon. Habang nagsusuot ng coat ay saktong pumasok ang secretary niya. "Sir—" "Continue the meeting without me." Kinuha niya ang gamit niya at deretso nang lumabas ng opisina. Hindi niya alam kung bakit niya pa susundan ang dalaga kahit alam niya naman uuwi rin ito. He would not feel at ease if he didn't see her immediately. Nilagay niya sa waze ang address nito sa laguna. May copy siya ng background information nito dahil hiningi niya iyon kay Francis. Pinaandar niya ng mabilis ang sasakyan para makarating din agad kung nasaan ito. He said to himself that he was not interested in his contract wife but look at him now; he canceled a meeting several times because of that woman. Hindi pa rin mawala sa utak niya ang nangyari kagabi. Akala ng dalaga na panaginip lang iyon pero hindi. Pinilit niyang makauwi agad dahil hindi talaga siya kampante at hindi siya mapakali dahil ilang araw niya na itong hindi nakikita. He didn't sleep well that week and just finished all his work quickly. He wants to go home as soon as possible because of her. Kung bakit niya ito nararamdaman ay hindi niya rin alam. This is the first time for him. He felt that he would go crazy if he didn't see her face.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD