Halos magtago na siya sa loob ng bahay dahil sa ginawa ni Maceh. Na-surpresa niya nga ang magulang niya at mga kapatid pero siya naman ang na surpresa sa ginawa ng kaibigan. May liga pala sa kanila at sa street nila may grupo ng mga manlalaro na wala pang muse kaya ang ginawa ni Maceh ay nilista ang pangalan niya kaagad para walang kawala.
"Labas na!" sigaw ni Maceh habang tumatawa.
"Ayoko! Masiyadong maiksi itong palda na 'to!" sigaw niya pabalik. Sa kwarto siya nagtatago para hindi siya mahatak nito.
"Isa! Sisigaw pa ba ako rito? Nagpapahinga na si tito oh? Tiyaka payag naman sila tito at tita lalo na mga kapatid mo." Napapadiyak siya sa inis. Totoong naiinis na talaga siya dahil ayaw niya nga ng ganito. Bigla tuloy umasa ang mga kapitbahay nila na may muse na ang grupo.
Kilala naman niya ang mga manlalaro dahil may iilan siya roon na naging schoolmate at classmate. Hindi lang talaga siya confident magsuot ng ganito. Naka-tuck-in ang jersey na suot sa hapit na palda na maiksi.
"Naka-cyclings ka naman ate!" sigaw ni Aimee.
"Shh! Manahimik kayo, nagpapahinga na si papa!" sita niya sa mga ito.
"Bahala ka riyan. Sisigaw kami lahat!" Mabilis niyang binuksan ang pinto at kinurot sa tagiliran si Maceh.
"Aw! Aw! O-oh, 'di ba! Napalabas ko rin. Hawakan niyo dali!" Nanlaki ang mata niya dahil talagang inutusan pa ng kaibigan ang mga kapatid niya.
"Tigilan niyo ako ha!" inis na sambit niya. Mukha namang natakot sa kaniya ang mga kapatid niya dahil hindi na siya hinawakan.
"Ano ba 'yan! Sige na kasi, saglit lang naman 'yong rampa mo. Kawawa naman 'yong street natin, walang muse pag hindi ka sumipot." Napailing siya dahil kinonsensiya pa talaga siya nito.
"Tiyaka maglalaro si Hayden! 'di ba crush mo 'yon dati?" tawa nito habang tinataas baba ang kilay.
"Highschool pa 'yon!" sambit niya rito. Tiningnan niya ang itsura sa salamin nila. Hindi naman siya nahihiya sa jersey nasuot dahil maputi naman ang kilikili niya ang problema niya lang talaga ay ang maiksing palda at mababang confidence. Magaling siya sa live selling pero sa pagrampa ay hindi.
"Aj? Tao po!" Napatingin siya sa pinto dahil may kumakatok doon.
"Oy! Si Hayden," nakangiting ani ni Maceh at dali-daling pumunta sa pinto para buksan. Nagsalubong ang tingin nila kaya ngumiti siya rito kahit pilit.
"Oh, ikaw pala," ani niya dahil walang masabi.
"Handa ka na? 8pm daw ang start natin. Mabuti na lang ay dumating ka kanina kun'di olats kami sa muse," tawa nito at napakamot sa batok.
Napatingin siya kay Maceh at halatang kinokonsensiya siya nito dahil sa mga senyas. Napabuntong hininga siya dahil mukhang wala na siyang magagawa talaga.
"Saglit lang naman 'di ba?" tanong niya rito.
"Oo mga 20 minutes lang tapos kung hindi ka komportable sa suot mo balik ka muna rito at magbihis tapos balik ka rin agad. Panoorin mo kami!" nakangiting wika nito.
"Sige... susunod na lang ako sa court. Mag-aayos muna ako." 30 minutes na lang ang time niya bago mag 8pm kaya kailangan niya na dalian. Simpleng makeup lang naman ang gagawin niya.
"Sige, salamat ulit!" Tinapik siya nito sa balikat bago magpaalam.
Pagkalabas nito ay tinukso na siya ng mga kapatid at lalo na ang magaling niyang kaibigan. Sikat kasi sa mga kababaihan si Hayden sa lugar nila. Guwapo naman kasi talaga ito at maganda ang katawan dahil mahilig mag-basketball. Naging crush niya ito noong highschool siya pero hanggang doon lang naman 'yon.
"Oh 'di ba? Wala ka rin nagawa!" Napailing na lang siya at 'di na nagsalita. Tinulungan siya ni Maceh na magkulot ng dulo ng buhok. May pangkulot kasi si Maceh at dinala niya iyon sa bahay. Habang nagme-makeup siya ay kinukulutan na siya nito. Ang mga kapatid naman niya ay hinanda ang heels niya. Mabuti na lang ay bagong heels si Aimee at magkasing sukat lang sila ng paa.
Limang minuto bago mag-alas-otso ay natapos na sila. Naka-tsinelas lang siya habang papunta sila sa court dahil doon niya na susuotin ang heels para hindi siya mahirapan.
Mabuti na lang ay may kagalingan siya sa pagme-makeup dahil sa pagla-live selling niya. Dahil noon ay halos araw araw siya nagme-makeup maipakita lang na maganda ang mga binebenta niya.
Nakarating sila ng saktong alas-otso sa court. Pumwesto siya sa tabi ng mga team players ng street nila.
"Ang ganda mo, Aj!" sigaw ni Adong.
"Si Aj pa ba? Lagi naman 'yang maganda," sambit ni Hayden. Napangiti siya rito ng tumabi sa kaniya.
"Napakabolero niyo naman," tawa niya.
"Totoo naman! Tiyaka mas gumanda ka nga eh," sambit pa nito. Ngumiti na lang siya rito at binaling na ang tingin sa gitna ng court.
Mayamaya ay pinapila na ang mga players. Nasa harapan siya at si Hayden, iikot lang naman pala sila sa court. Nagsimula ang mga pagrampa ng ibang teams kasama ang mga kaniya-kaniya nilang muse. Sila ang pinakahuli kaya medyo kinabahan siya.
Nagsimula silang rumampa at pinipilit niyang pataasin ang confidence niya para hindi naman siya mukhang ewan sa paglalakad.
Mas pinalakas ang tugtog kaya ginanahan naman siya sa paglalakad. Nang huminto sila sa gitna nag-pose siya dahil may photographer. Nagulat pa siya dahil hinapit siya sa bewang ni Hayden at tiningnan siya nito dahilan para magkatinginan sila.
Nagsitilian ang mga nanonood at ang pinaka naririg niyang tili ay galing kay Maceh.
"Beautiful," ani ni Hayden habang nakangiti. Hindi naman siya nakapagsalita dahil nahihiya siya sa mga nanonood. Sa totoo lang ay wala naman siyang naramdaman na kakaiba. 'Di ba pag sinasabihan ka ng isang lalaki na maganda ay kikiligin ka lalo na't guwapo si Hayden pero hindi man lang siya nakaramdam ng kilig.
Dahil ba may iba akong gusto? At ang buong atensyon ng Sistema ko ay nasa kaniya?
Pabalik na sila sa pwesto ng team nang may mahagip ang mata niya. Natigilan siya at muli iyong nilingon, halos manlambot ang tuhod niya nang makita si Xion na masama ang tingin sa kaniya lalo na sa lalaking katabi niya.
Mabilis siyang nagpalit ng tsinelas at inabot kay Aimee ang heels na hiniram niya.
"Aalis lang ako," ani niya.
"Saan ka pupunta? Bakit ka nagmamadali?" tanong ni Maceh. Pati si Hayden ay napatingin sa kaniya.
"A-ah kasi may pupuntahan lang ako, teka lang ha!" Hindi niya na hinantay ang sasabihin ng mga ito at mabilis na tumakbo sa entrance ng court. Wala na roon si Xion pero paglabas niya ng court ay nakita niya ang isang pamilyar na sasakyan.
Hindi na siya nagdalawang isip at nilapitan iyon at binuksan ang pinto shotgun seat.
"Bakit ka nandito?" 'di makapaniwalang tanong niya. Hindi naman siya nito tiningnan, nakahawak lang ito ng mahigpit sa manubela habang nakatingin sa harapan.
"Get in," mariin na sambit nito. Hindi na siya nagreklamo at sumakay na lang dahil pinagtitinginan na rin siya ng mga tao sa labas ng court. Paniguradong nagtataka ang mga ito kung sino ang kausap niya at sino ang may-ari ng mamahaling kotse na 'to.
Hindi niya naman pwede sabihin na bodyguard niya ito at ang kotse ay sa asawa niya.
Pinaandar nito ang kotse ng hindi nagsasalita. Sinuot niya ang seatbelt dahil mabilis ang pagpapatakbo nito. Hininaan niya ang aircon na nakatapat sa kaniya dahil nilalamig siya.
Napatingin naman siya sa hita niya ng bumagsak doon ang kamay ni Xion. May hawak itong coat kaya naintindihan niya ang gusto nitong mangyari. Binuklat niya ang coat na inabot nito para takpan ang hita niya.
"B-bakit ka pala nandito? Kakarating mo lang ba?" tanong niya rito para basagin ang katahimikan.
"I'm here to see you," he plainly said while looking at the road.
Kumabog naman ang kaniyang puso na parang hindi na mapakali dahil sa sinabi nito.
"Paano mo nalaman na nandito ako? Sinabi ba ng asawa ko? Hindi ko naman kailangan ng bodyguard at driver. Mabilis lang naman makasakay ng bus."
"I'm here because I wanted to." Napayuko siya at napahawak ng mahigpit sa coat. Sabi niya ay iiwasan na niya ito pero mukhang hindi niya pala kaya.
Nakita niya lang ito halos tumakbo na siya para lang malapitan ito. Napatingin siya sa labas nang may pinasukan silang parking lot. Nakita niya ang isang sign ng kilalang luxury hotel doon.
"Dito ka matutulog?!" gulat na tanong niya.
"Yes. We need to talk," ani nito at binalingan siya ng tingin nang nakapag-park na ng maayos.
"P-pwede naman na tayong mag-usap ngayon. Kailangan ko pa kasing umuwi," ani niya at iniwas ang tingin sa binata.
"Wear my coat. We will go to my room." Pinatay nito ang makina at lumabas kaya siya rin ay napalabas ng sasakyan.
"Pwede naman tayong mag-usap dito. Ano ba ang pag-uusapan natin? Kailangan ko pa kasing bumalik doon at manood ng laro," paliwanag niya pa. Napahinto ito at napatingin sa kaniya. Mas lalong dumilim ang mukha nito at ang titig nito ay parang tumatago sa kaloob-looban niya.
"To watch that guy who touched you? No f*****g way." Nanlaki ang mata niya dahil sa pagmumura nito. Naglakad ito papasok ng hotel at sinalubong naman sila ng mga staffs. Hindi tuloy siya makapagsalita dahil baka akalain pa ng mga tao roon ay nag-aaway sila.
Nang makasakay ng elevator ay hindi pa rin siya makapagsalita dahil may kasabay sila. Kagat-kagat niya ang ibabang labi hanggang sa makapasok sila sa room nito.
"Ano ba kasing paguusapan natin —" Nanlaki ang mata niya ng hinapit nito ang bewang niya at lumapat ang labi nito sa labi niya. Para siyang na-estatwa sa kinatatayuan niya at hindi alam ang gagawin. Ang t***k ng puso niya ay halos magwala dahil sa nangyayari.
"Ah!" daing niya ng kagatin nito ang labi niya dahilan para umawang iyon. Doon na siya napapikit at napakapit sa leeg nito. Parang may nagsindi ng apoy dahil biglang sumiklab ang init na nararamdaman niya.
Taas baba nitong hinahaplos ang bewang niya. Kahit may damit pa siya ay ramdam niya ang init ng palad nito.
Halos magprotesta siya ng tumigil ito sa paghalik at tingnan siya sa mga mata.
"No other man can touch you here," mariin na sambit nito. Napapikit siya ng maramdaman niya na ang init ng palad nito sa balat niya. Hindi niya alam kung paano nito naitanggal ang pagkaka-tuck-in ng jersey.
"And, of course, you can't wear any jersey with a surname of other men, baby." She gasped when Xion tore the jersey she was wearing.
Napalunok siya dahil muli nitong hinapit ang bewang niya.