Binilisan niya ang pagkain nang makitang paupo na si Xion para kumain ng tanghalian. Back to work na siya kaya kahit papaano ay natuwa naman siya. Iniiwasan niya ito dahil iyon ang kailangan. Hindi p-pwedeng matuluyan siyang mahulog at maakit ng sobra rito dahil siguradong masasaktan siya.
Nasaktan na nga siya sa sinabi nito noong nakaraan na kaya lang ito nag-aalala dahil trabaho nito ang protektahan siya.
Pagkaupo nito ay tumayo na siya para ligpitin ang pinagkainan niya. Hinugasan niya iyon ng mabilis dahil gusto niya ng makaalis sa harapan nito.
"I'll eat dinner at the restaurant," sambit nito. Hindi siya umimik at pinagpatuloy ang paghuhugas. Nang matapos ay pinunasan niya na ang kamay niya at balak nang umalis sa kusina nang nagsalita ulit ito.
"Let's eat together later," he added.
"May trabaho ako, hindi na kailangan," she plainly answered. Tuluyan na siyang umalis doon at dumeretso sa kwarto niya para magbihis ng uniform.
Bahala siya dahil hindi ako sasabay sa kaniya!
Hindi siya umalis ng kwarto hangga't hindi pa oras ng alis nila. Nang saktong 12noon na ay tiyaka lang siya lumabas ng kwarto at bumaba. Nakaandar na ang sasakyan at naroon na rin si Xion na naghahantay sa kaniya. Deretso lang ang lakad niya papuntang sasakyan at pumasok agad sa loob ng kotse.
Doon pa rin naman siya umupo sa harapan dahil kung uupo siya sa likod ay baka sobrang mapansin na nito na nilalayuan niya ang binata.
Pumasok din ito at ramdam niya ang titig nito sa kaniya. Mabilis niyang sinuot ang seatbelt pero natigilan siya nang hawakan nito ang kamay niya at ito na ang nag-lock ng seatbelt niya.
"Are you okay?" Hindi!
"Oo," simpleng sagot niya. Hindi niya ito binalingan ng tingin o ano man.
"You're not. Do you have a problem with me?" Halos mapatalon siya sa gulat nang hawakan nito ang baba niya at pihitin para mapatingin sa kaniya. Awtomatikong hinawakan niya ang kamay nito para alisin iyon. Ito ang problema, sobrang laki ng epekto nito sa kaniya sa simpleng hawak lang.
"A-ano ba?" pagsusungit niya. "Wala, wala akong problema," ani niya at iniwas ulit ang tingin.
Bumuntong hininga ito bago paandarin ang sasakyan. Buong biyahe ay alam niyang patingin-tingin ito sa kaniya pero hinahayaan niya lang. Nang makarating sila ay hindi pa rin siya nagsasalita. Palabas na siya ng kotse nang magsalita ito.
"I'll be here at 6 pm, let's eat dinner together."
"May duty pa ako no'n, hindi pwede," sambit niya at nilingon ito. Seryoso naman ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya.
"It's possible, believe me," he said. Napailing na lang siya at tuluyan nang lumabas ng kotse. Hindi niya na ito nilingon pa at dere-deretso lang na pumasok sa restaurant.
Hindi niya alam kung bakit gusto nitong magsabay sila sa pagkain. Umiiwas nan ga siya tapos bigla itong maggaganon?
"Oh, problema mo?" napatingin siya kay Dianne. Kakarating lang din nito dahil nasa employee room pa ito.
"Huh? Wala naman," sagot niya at nilapag ang gamit sa upuan.
"Anong wala? Nakabusangot ka riyan at mukhang malalim ang iniisip. Nag-away ba kayo ng pogi mong kaibigan na hinahatid sundo ka?" mausisang tanong nito at diniinan pa talaga ang salitang 'kaibigan'.
"Hindi ah!" tanggi niya. Inayos niya ang uniform na suot at tinali niya na rin ang buhok niya. Maaga pa bago sila mag-in kaya tambay muna sila sa room.
"Sus, hindi raw! Ay siya nga pala, may mga intern tayo rito at ang po-pogi! Galing talaga kumuha ni ma'am Sharron," tuwang-tuwa na ani nito.
"Nag-start na pala sila?" tanong niya. Alam niya kasi ang tungkol doon dahil ininform sila dati na magkakaroon nga ng mga intern sa restaurant. Dagdag tulong na rin sa mga ginagawa nila.
"Oo, noong isang araw pa!" masayang sambit nito.
Nagkwentuhan muna sila para pampalipas oras. Nang maka-in na sila ay saktong dating naman ng mga intern. Tama nga si Dianne at mga gwapo ang mga intern. Tatlong lalaki iyon na matatangkad, natawa na lang siya ng mas lalong kumulit si Dianne at talagang kinakausap at inaasikaso ang tatlo.
***
Binagsak niya ang mga papeles na binabasa dahil kahit ni katiting ay hindi niya maintindihan ang mga 'yon. Hindi siya makapag-focus dahil sa kakaisip kung bakit ilang araw na siyang hindi pinapansin masiyado ng dalaga.
Pinipilit niyang isipin kung ano ang maling ginawa niya. Noong gabi na pag-uwi niya ay wala ito labis ang pag-aalala niya rito dahil wala itong pasabi na aalis pala. Hindi niya tinapos ang meeting para lang makasabay ito kumain ng hapunan dahil lang sa text nito. Tapos pagdating niya roon ay wala naman pala ito.
"Sir, you have a meeting with Mr. Acosta at 5:30 pm—"
"Cancel it," he said to his secretary.
"P-po?" gulat na tanong nito sa kaniya. Bumuga siya ng hangin bago ulitin ang sinabi niya.
"Cancel it. Cancel my meetings starting at 5 pm, I have something important to do." Nakita niya ang gulat at pagtataka sa mukha ng sekretarya niya pero hindi na ito nagsalita at tumango na lang bago lumabas ng opisina niya.
Great, Xion. You just cancel a meeting that you don't actually do.
He never canceled meetings when it comes to work. This is the first time that he canceled an important meeting to have just dinner with his wife. He literally f****d up because it bothered him a lot when Aj was not talking to her like she usually does.
He knows that Aj is distant from him for the past few days...
Binagsak niya ang ballpen na hawak at ginulo ang buhok. Sinandal niya ang likod sa swivel chair at napapikit para ikalma ang isipan niya.
What the hell is wrong with me?
Naidilat niya ang mata nang marinig ang pagbukas ng kaniyang pintuan sa opisina.
"What's up?" Francis asked while walking toward him.
"Why are you here?" walang kaabog-abog na tanong niya. Tumawa naman ito bago umupo sa sofa niya.
"Why are you look so pissed, Mr bodyguard?" he laughed.
"Don't start with me, Baltazar," he scoffed and shut his eyes again. He doesn't feel good.
"Your secretary was shocked, asking me if you're okay because you just canceled a meeting," he smirked. Naidilat niya ang mata at tiningnan ito ng masama. Alam niyang aasarin siya nito dahil sa ginawa niya.
"Sabi ko na nga ba, dadating din ang araw na isang babae ang magiging dahilan kung bakit ka nag-cancel ng meeting."
"Shut the f**k up."
"So, when are you planning to tell her that you're her husband? I mean, contract husband." Napaisip naman siya bigla dahil sa totoo lang ay wala pa sa isipan niya ang magpakilala rito.
"I don't know, I didn't think about it," aniya.
"So, why did you cancel your meeting later? Is there something that happened?" usisa nito at tumayo para umupo naman sa harapan niya. Kinuha nito ang rubics cube na nasa table niya at ginulo-gulo iyon.
"You don't have a work? Ako na naman ang ginugulo mo," inis na sambit niya rito. Kung hindi niya lang ito kaibigan at hindi magaling sa pagiging lawyer ay matagal niya na itong tinanggal.
"I have work. I am curious about my client's contract wife," he wiggled his eyebrows.
"I think she's mad at me," bulalas niya at napabuntong hininga.
"Did you do something wrong? Baka naman nambabae ka?" tawa nito.
"Are you kidding me? What's the connection? I'm her bodyguard!"
"Are you sure that you're a simple bodyguard for her?" tanong pa nito na ikinakunot niya ng noo.
"What's your point?" he asked. Hindi niya ito naiintindihan. Francis just shrugged and smiled.
"Nothing. Do whatever you want, dude. Basta, kung hindi mo siya gusto sa akin na lang. I can wait." Nag-isang linya ang labi niya dahil sa sinabi nito. Sinundan niya ito nang tumayo at dumeretso sa pintuan nang hindi siya nililingon.
"Do you like her?" inis na tanong niya. Hindi niya nga alam kung bakit siya naiinis dahil sa sinabi ng kaibigan.
"Hindi siya mahirap gustuhin," sambit nito bago tuluyang lumabas. He licked his lower lip and let out a heavy sighed.
Wala sa sariling naikuyom niya ang kamao at mas lalong nakaramdam ng inis.
Time passed. Mabilis siyang tumayo nang malapit ng mag ala-sais. Nagbihis siya ng simpleng damit dahil minsan ay nakakalimutan niyang magpalit pagsusunduin nito. Mabuti na lang ay hindi na nagtatanong sa kaniya ang dalaga kung bakit napaka pormal ng suot niya kada susunduin niya ito.
Nang makasakay sa kaniyang kotse ay mabilis niya iyon na pinaandar. Medyo traffic kaya dumaan pa siya sa alam niyang shortcut. Nakarating siya roon ng 6:10 ng gabi at nang makalabas ng kotse ay natanaw niya agad ito malapit sa cashier. Malawak ang ngiti nito habang kausap ang isang lalaki na sa tingin niya ay intern dahil sa klase ng suot.
He clenched his jaw. Dere-deretso siyang pumasok sa loob ng restaurant at nakita naman siya agad nito. Hindi man lang siya nilapitan at nginitian nito kun'di binalik din ng dalaga ang tingin doon sa intern.
"Uy, Aj! 'yong kaibigan mo nandito," sambit ng isang katrabaho ng dalaga.
A friend?
"Hello sir! Hindi pa po out ni Aj," nakangitin ani nito sa kaniya.
"I know. I'm here to have dinner with her."
"Po?! A-ah, pero bawal po siya dahil naka-duty siya," paliwanag nito.
"Where's your manager?" he impatiently asked. Akala niya ay magtatanong pa ito pero mabilis naman siyang ginaya nito kung nasaan ang manager nila.
Pumasok ito saglit para tawagin ang manager at nang makalabas na ito ay mabilis niyang nilahad ang calling card niya.
"Oh... you're the said bodyguard of Mr. Horton?" Uh, huh? I am a bodyguard of myself.
"Yes."
"Okay, wala na pong problema. The reservation is already paid and you can also ask Aj to eat with you." He simply nodded his head. Of course, papayagan talaga siya nito dahil binayaran niya lang naman ang buong restaurant para mapayagan si Aj kumain kasama siya.
He spends money to have dinner with her. He canceled his important meeting to eat with her. He does things that he doesn't do, for her.
I'm f*****g doomed...
Naglakad siya patungo sa dalaga at mabilis na hinawakan ang kamay nito para hatakin.
"O-oy! Anong ginagawa mo?" gulat na tanonog nito habang nakatingin sa kaniya.
"We will have a dinner together," sambit niya at napatingin sa lalaking humawak sa siko ni Aj.
"Sir? Excuse me? Ano pong ginagawa niyo?" sabat ng intern.
"Don't touch her," seryosong sambit niya sa lalaki na alam niyang mas bata sa kanila.
"O-okay lang ako, Henry, kilala ko siya," singit ng dalaga at nginitian pa ang lalakii. Mas lalong kumulo ang dugo niya at gusto niya na lang ito hatakin para maalis ang hawak ng lalaki sa dalaga.
"May duty ako!" inis na baling nito sa kaniya.
"I know. That's why I paid— I mean... your husband reserved this whole place for you to have a good dinner." Nanlaki ang mata nito sa sinabi niya. Tuluyan na niyang hinatak ito papunta sa bakanteng table.