CHAPTER 4

1686 Words
Sumimsim siya ng kape habang pasulyap-sulyap sa lalaking hindi niya pa natatanong ang pangalan. Umuwi rin kasi ito kagabi dahil wala palang gamit na dala. Hindi niya alam kung bakit pa ito pumunta ng gano'ng oras para magpakilala sa kaniya na siya ang bodyguard ng asawa niya. Sobra ang kaba niya dahil muntikan na siyang madulas kagabi na hindi niya talaga kilala ang asawa niya. Mayayari siya pag nagkataon. "Kain," ani niya nang pumunta ito ng kusina para kumuha ng tubig. Sa tingin niya ay nakatira na rin ito dati rito dahil parang kabisado na kabisado ang buong bahay. Sa totoo lang mukhang ito nga ang may-ari eh, kung hindi niya ito kilala. Hindi niya mapigilan na hindi rin tumitig sa mukha at katawan nito dahil may ipagmamalaki. Mukha itong mayaman dahil sumisigaw sa kaperpektuhan ang mukha at ang katawan naman ay nagmamalaki dahil sa mga muscles nito. Hindi bulky ang muscles nito, sakto lang na para bang isang modelo ito. "Tapos ka na mag-ayos?" tanong niya rito dahil umupo na rin ito sa lamesa para kumain. "Yes," tipid na tugon nito. "Englishero ka talaga?" tanong niya. Hindi niya mapigilan punain ang pagsasalita nito. "Mayaman ka 'no?" dagdag na tanong niya pa. "English language can use by any people. No status is needed." Tumawa siya dahil sa kaseryosohan nito. "Alam ko naman! Ito naman hindi mabiro." Inubos niya ang kinakain niya at ang kape na iniinom. "Aalis pala ako ng 12 noon, 1pm kasi ang duty ko ngayong araw. Kahit hindi mo na ako ihatid at bantayan dahil malapit lang naman iyon, pwedeng lakarin," nakangiting sambit niya rito habang nililigpit ang pinagkainan. "No worries. It's my... job," sagot nito. Hindi na siya nagreklamo pa at tumango na lang. Tinapos niya ang hugasin dahil kailangan niya na maligo at mag-ayos pa. "Maliligo lang ako," paalam niya rito pero nakita niya ang iritadong mukha nito. "Just do whatever you want. You don't need to tell me what you're going to do." Nanlaki ang mata niya dahil mukhang iritado talaga ito sa kaniya. "S-sinabi ko lang naman..." Gusto niya lang kasing sabihin dahil baka magtaka ito kung bakit siya biglang aakyat. "That's the problem! You still don't know me and you easily trust me," ani nito at binaba ang kutsara at tinidor tiyaka siya tiningnan. "Sinabi ko lang naman na maliligo ako —" "That's the problem, you're like inviting me to have a shower with you." Nag-init ang kaniyang pisngi dahil sa sinabi nito. Sobrang bilis ng t***k ng puso niya dahil sa pagkataranta. "H-hindi gano'n ang pinaparating ko!" she exclaimed. Pakiramdam niya ay kulay kamatis na ang mukha niya dahil sa kahihiyan. Hindi na ito umimik kaya mabilis niya itong tinalikuran at umakyat papunta sa kwarto niya. Para siyang hinihingal pagdating niya sa loob ng kwarto. Naiiling pa siya dahil sa mga naiisip. Gusto niya maging ka-close ito dahil makakasama niya ito ng matagal sa iisang bubong. Dumeretso na siya sa banyo para maligo. Habang nasa ilalim ng shower ay hindi niya mapigilan na ma-imagine na kasama ito sa loob ng cr. Napasuklay siya sa basang buhok at pinikit niya ang mata niya. Umagang-umaga ay ginugulo siya agad nito. "Ano ba itong naiisip ko!" impit tili niya. Winaksi niya ang nasa isipan at pinagpatuloy na lang ang pagligo. Nang matapos siya ay nagbihis siya ng itim na pants at t-shirt. May iaabot naman sa kaniyang pantaas na uniform basta ang kailangan lang ay naka close shoes siya at black pants. Pagkatapos niya magpatuyo ng buhok ay bumaba na siya para maghanda ng tanghalian para makakain man lang bago sila umalis. Pagkababa niya ay hindi niya nakita ang binata kaya dumeretso na lang siya sa kusina para magluto ng adobo. May ingredients pa naman kaya 'yon na lang ang lulutuin niya. Habang naghihintay siya na lumambot ang baboy at kumuha muna siya ng juice sa ref para inumin. Umalis siya sa kusina para pumunta sa sala at manood saglit. Isang oras niya pa kasi papakuluan ang baboy para sobrang lambot. Saktong pag-upo niya ay bumukas ang pinto kaya napalingon siya roon. Nasamid naman siya sa iniinom nang makitang pumasok ang binata na walang saplot pantaas. Naka-sweatshort ito at nakasuot ng sapatos, ang katawan nito ay pawis na pawis. Tuloy-tuloy ang pag-ubo niya kaya napatayo siya at dali-daling pumunta sa kusina para uminom ng tubig. "Are you okay?" Hindi niya namalayan na sumunod pala ito sa kaniya. Tango lang ang tugon niya at nag-thumbs up dito. Hindi niya ito nilingon dahil baka maubo na naman siya. "N-nag jogging ka sa labas?" tanong niya habang hindi pa rin ito nililingon. Ramdam na ramdam niya pa rin ang mainit na presensiya nito. "Yes," tipid na tugon nito. Hindi na siya sumagot at tinuon ang pansin sa niluluto. Kinagat-kagat niya ang ibabang labi dahil kinakabahan talaga siya. Hindi niya ma-explain ang nararamdaman niya sa oras na ito. Tumigil ka Aj! Katawan lang 'yan... "A-ano... ah... Kumakain ka naman nito 'no?" walang kwentang tanong niya rito. Hindi ito sumagot kaya roon na siya napalingon, nakita niya itong seryoso na nakatingin sa cellphone. Mayamaya ay tumayo ito at hindi man lang siya pinansin, mukhang may tinatawagan. Sa totoo lang ay nahihiwagaan siya rito hindi lang dahil mukha itong mayaman kun'di ang bawat kilos ay sumisigaw na hindi ito basta-basta na simpleng tao. Pero hindi na rin siya magtataka kung ganito talaga ito, kung sobrang yaman talaga ng asawa niya ay paniguradong mga professional ang mga nasa paligid nito. Napatango-tango siya sa naisip. Pinatay niya ang apoy nang matapos magluto. Inihain niya iyon sa lamesa pati na rin ang kanin. Bumalik muna siya sa kwarto niya para ayusin ang gamit niya, medyo maaga pa naman para kumain siya. Pagkatapos niya sa ginagawa niya ay lumabas na siya ulit ng kwarto at sakto na lumabas din ang binata sa katapat na kwarto niya, iyong isang guest room. "K-kain na muna tayo bago umalis," sambit niya rito. Nautal pa talaga siya dahil nagsalubong ang kanilang paningin. Tumango naman ito kaya kahit papaano ay napangiti siya dahil sumagot ito. Siya ang naunang naglakad pababa para tumungo sa kusina. Nakasunod lang ito sa kaniya at nang makaupo sa dining table ay umupo na rin ito. "Anong oras ang labas mo?" tanong nito habang nagsasandok ng pagkain. Napatitig naman siya sa isang kamay nito na hawak-hawak ang isang bowl. Ang ugat nito sa kamay pataas sa siko ay halatang-halata. Napalunok siya dahil sa natatanaw. Siya lang ba iyong mahilig sa mga halatang ugat ng lalaki? Gusto niya kasi iyong mga manly at malalakas tingnan. "You're spacing out." Halos mapatalong siya nang marinig ang boses nito. "H-ha? A-ano 'yon?" mabilis na tanong niya. Binasa nito ang labi habang nakatingin sa kaniya kaya napalunok siya. Binaba nito ang bowl ng kanin habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa kaniya. "I'm asking you, what time is your out." Mukhang nawalan ito lalo ng mood dahil wala man lang siyang expression na makita sa mukha nito. "10pm," sagot niya agad. Tango lang ang tugon nito at kumain na ng tahimik. Siya rin ay tinuon na lang ang pansin sa pagkain dahil nadidistract na siya sa binata. Oo nga pala! Hindi ko pa pala naiitatanong ang pangalan nito. "Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" basag niya sa katahimikan. Nilunok niya ang pagkain at uminom ng tubig. "Xion, you can call me Xion," sagot nito nang maiangat nito ang tingin sa kaniya. Umawang ang labi niya ng kaunti dahil sa maganda nitong pangalan. "Ang ganda naman ng pangalan mo!" ngiting sambit niya. "Ako kahit Aj lang ang itawag mo sa akin, short for Aimar Joyce," dugtong niya pa. "Okay." Napanguso siya dahil mukhang hindi naman ito interesado sa pangalan niya. Tinuloy niya na lang ang pagkain at nang matapos ay naghugas agad siya at bumalik sa kwarto. Hindi niya na ito inimik dahil mukha namang ayaw siya kausapin. Napaka-boring ko ba kausap kaya gano'n siya? Tsk. Nag-ayos siya ng sarili at naglagay ng kaunting makeup para maging presentable siya tingnan. Ngumiti-ngiti pa siya sa salamin bago tuluyang lumabas ng kwarto para bumaba. Pagkalabas niya ng bahay ay nakaandar na ang makina ng kotse sa garahe. "Are you good now? Wala ka ng nakalimutan?" tanong nito sa kaniya. Umiling siya at ngumiti rito. "Okay na, pwede na tayong umalis." Pumasok sila sa kotse, doon siya umupo sa harapan dahil hindi naman siya madam para sa likod kahit na bodyguard niya pa ito. "Seatbelt," sambit nito sa kaniya nang makapasok din. Agad naman siyang kumilos para isuot ang seatbelt kaso ayaw makisama no'n, hinahatak niya pero mukhang naka-stock dahil hindi iyon humahaba. Nahigit niya naman ang hininga nang biglang humawak si Xion sa headrest ng inuupuan niya. Napatingin siya sa mukha nitong kaunti lang ang layo sa kaniya. Kitang kita niya ang natural nitong mahabang pilik mata pati ang matangos nitong ilong at mapupulang labi. Sobrang lakas ng t***k ng puso niya na parang hindi na siya makahinga ng maayos. Kumunot ang ang noo nito habang inaayos ang seatbelt na nasuot na sa kaniya. "I can hear your heartbeat, are you okay —" Doon na siya nanigas ng husto nang lumingon ito at nagtama ang ilong nila. Halata ring nagulat ito dahil nakita niya sa mata nito. Napatitig siya sa abong mata nito na para siyang hinahatak sa kung saan. Hindi niya alam kung ilang segundo silang nagtitigan pero parang ilang minuto 'yon dahil parang kakawala na ang puso niya sa ribcage ng katawan niya. "f**k," he mumbled. Mabilis itong umalis sa gano'ng posisyon at inayos ang sariling seatbelt. Tumikhim pa ito na parang nagbara ang lalamunan kaya siya rin ay napatikhim. Nag-inhale exhale pa siya dahil sa pagpigil niya kanina sa paghinga. Kalma Aj! Kumalma ka! Hindi naman siguro ako mao-hospital dahil sa ganitong klaseng kaba 'di ba? Wala pa naman sigurong kaso na lumabas ang puso sa katawan dahil sa kakaibang pagwawala ng puso? Napapikit siya ng mariin at pilit na kinakalma ang sarili. Nababaliw na ata siya dahil kung ano-ano ang mga pinag-iisip niya. Pasimple siyang tumingin sa binata nang mag-drive ito palabas, Muli pa siyang napalunok dahil sa labi nitong mapupula.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD