Tumaas ang isang kilay ni Xion nang tumunog ang cellphone niya. Galing sa bank account ang notification na 'yon at kita niya ang halaga ng pera na sinend niya sa kaniyang contract wife ay naibalik.
"Why?" Francis chuckled at him. "Sabi ko sa'yo, she's interesting," natatawa pang ani nito.
"Is it too little? Are you sure that she's not going to back out with this deal?" he asked while signing important documents. Hindi na ito p-pwedeng mag-back out dahil na-proseso na ang lahat, nasa kaniya na ang mga naiwan ng lolo niya.
"She's not that kind of woman, bro. Believe me! If you saw her? She's very simple. Walang luho, hindi mukhang pera at higit sa lahat ginagawa niya ang lahat para sa pamilya. She's not a gold digger."
Kumunot ang noo niya dahil sa mga sinabi nito. "Do you like her?" he asked seriously.
"Hmm... should I make a move to get her?"
Nag-isang linya ang kaniyang labi at napatigil sa pagpirma. "After 2 years, not now," he hissed.
Muli niyang narinig ang tawa nito kaya napailing siya. He knows, Francis was teasing him.
"Is that a promise?"
"Shut up. I'm busy." Mabilis na pinatay niya ang tawag dahil naiistorbo na siya nito. Nag-focus siya ulit sa mga ginagawa pero hindi na niya matanggal sa isip kung anong klaseng babae ba ang napangasawa niya sa papel.
Francis was interested too, and he got curious big time.
"f**k!" he cursed when his mind is now occupied with curiosity. Ilang araw na rin kasi siya kinukulit ni Francis na tingnan man lang o kilalanin ang babae na nakatira na sa bahay niya.
Pero kung sakali man gusto niya itong kilalanin, hindi siya magpapakilala rito bilang isang boss o asawa sa papel. He will not do that because he still doesn't know her. He already met a lot of shameless woman who wants him and his money.
***
Kasalukuyang naghahanap si Aj ng trabaho malapit sa tinirhan niya. Kahit na malaki ang sahod niya ay ayaw naman niyang maging tambay lang sa malaking bahay. Ilang araw na siyang naglilinis lang ng bahay, kahit malaki kasi iyon para sa kaniya ay mabilis lang linisin dahil hindi naman siya makalat at higit sa lahat pagkarating niya roon ay bawat sulok malinis.
Kumislap ang mata niya nang makita ang nakapaskil sa pinto ng isang restaurant.
'Hiring Waitress'
Sa wakas ay may nakita na siya. Kanina pa siya naglalakad para tumingin tingin pero hindi hiring ang mga ibang establishment. Huminga siya ng malalim bago pumasok sa restaurant. Hindi ito fast-food chain dahil labas palang sobrang ganda na, lalo na sa loob.
"Magandang umaga po ma'am," nakangiting bati sa kaniya ng guard.
"Magandang umaga po kuya, tungkol po sana sa nakapaskil na hiring, magpapasa po sana ako ng resume," deretsong sambit niya.
"Ay okay po, sandali lang po." Ngumiti siya rito at tumango. Naghintay siya sa isang tabi nang umalis ang guard para puntahan ang isang manager. Alam niyang manager iyon dahil iba ang suot nito kaysa sa mga server na kumikilos.
Napangiti siya nang tinawag siya ng guard para palapitin sa pwesto ng manager.
"Mag-apply ka? Can you wait for 5 minutes? May gagawin lang ako at iintereview-hin na kita agad," ani ng manager. Mabilis siyang tumango, siyempre payag siyang maghantay 'no. Siya ang may kailangan at kung gaano pa katagal ay gagawin niya.
"Wala pong problema, maraming salamat po." Pinaupo siya sa dulong table at doon naghantay. Habang naghahantay ay kinalikot niya muna ang cellphone at nakita niyang may bagong message ang si Francis.
From Lawyer Francis,
- I already returned the money. Are you sure that you don't want to accept it? You can buy anything you want with that money.
Napabuga siya ng hangin bago nag tipa ng mensahe pabalik dito.
To Lawyer Francis,
- Sigurado po ako. Malaki na ang sinasahod ko, hindi naman ako abusado. Isa pa't malaki na ang tinutulong niya sa akin para sa gastusin sa hospital.
Paano ba naman kasi ay pinadalhan siya nito ng malaking pera para pangbili ng mga gusto niya at siyempre siya naman ay tinanggihan niya. Kahit nga mas maliit pa ang sweldo niya basta lahat ng gastusin sa hospital ay mabayaran okay na siya. Napakalaking tulong na iyon sa kaniya.
Tinago niya ang cellphone niya sa bag nang makita niya nang papalapit ang manager.
"So you're Aimar Joyce Balansag, 25 years old from laguna," sambit ng manager habang binabasa ang resume niya. "Bago ka lang dito sa manila?" tanong pa nito.
"Opo, last week lang po."
"You already have experience in fast-food chains so you're good. We badly needed a waitress asap because tomorrow a client reserved this whole restaurant for her niece's birthday party. Can you work tomorrow?"
"Oo naman po!" masayang sambit niya.
"Good. You can start tomorrow, ihabol mo na lang ang medical certificate mo. May sss, philhealth at pag-ibig ka na naman kaya hindi na mahirap para sa mga requirements mo. Ang medical certificate na lang talaga ang kulang. By the way, baka nagtataka ka dahil batas ako rito," she chuckled. "I'm the owner of this restaurant, I'm Sharron Cy. I work also here as a manager, nice to meet you," nakangiting sambit nito at nakipagkamay sa kaniya. Agad niya naman iyong tinanggap at nakipagkamay.
"So, what should I call you?
"Aj na lang po, short for Aimar Joyce."
"Okay, see you tomorrow, Aj.
Masaya siyang nagpaalam kay Ms. Sharron at sa guard na mabait. Hindi na niya sinayang ang oras at pumunta na sa malapit na clinic para magpa-medical. Inabot siya ng ilang oras kaya gabi na siya nakauwi sa bahay. Naligo muna siya para ma-preskuhan bago kumain ng pagkain na binili niya sa labas.
***
"Where are we going?" tanong niya kay Francis dahil nangulit itong uminom naman daw sila.
"Bro, as I said, you need to see your wife, at least," he smirked. Napailing na lang si Xion dahil sa kaibigan. Gustong-gusto talaga nito na makilala niya ang asawa sa kontrata. Wala naman kasi siyang pakialam kung sino pa ito dahil para sa kaniya ay empleyado niya lang ito na nakakontrata ng dalawang taon bilang asawa niya.
"Hindi ka ba nacu-curious?" Hindi siya nakasagot agad dahil sa totoo lang ay may katiting sa kaniya na gusto niya ito makilala dahil sa mga sinasabi ni Francis.
"I don't know," he simply said.
"You're now curious," he chuckled. Hindi niya na ito pinansin at napatingin na lang sa labas ng kotse. Ang pamilyar na daan ay sumalubong sa kanila. Nakapasok na sila sa high-end village kung saan nakatayo ang bahay niya. Hindi siya rito tumitira dahil may kalayuan sa opisina niya. Isa pa't sanay na siya sa penthouse lagi dumeretso dahil hindi sayang sa oras.
Tumigil sila sa may katabing bahay at doon nag-park sa labas.
"I can't park in front of your house, alam niya na ang sasakyan ko," sambit nito at napakamot sa ulo.
"Then why did you f*****g drag me here?" he scoffed. He licked his lower lip out of frustration.
"Just go and check her," kibit balikat na ani nito na parang napakasimple lang.
"How? Don't tell me you want me to knock and talk to her?" hindi makapaniwalang sambit niya rito. Naiirita na siya dahil sa pinapagawa nito. Mukhang masasayang lang ang oras niya dahil sa kaibigan. Ang ayaw niya pa naman sa lahat ay ang nasasayang ang oras niya sa walang kwentang bagay. Kung sana ay ginamit niya na lang ang oras na ito para gawin pa ang ibang mga trabaho.
"Yes. If you don't want to introduce yourself as her contract husband then you can introduce yourself as a guard in this village," he joked. Tiningnan niya ito ng masama, hindi siya natutuwa sa mga sinabi nito.
"Go! Kausapin mo lang talaga saglit at okay na ako. Hindi na kita kukulitin tungkol sa asawa mo. Alam mo na, mas okay pa rin kahit papaano na kilala mo siya," he added.
He sighed before he opens the car door. Lumabas siya ng kotse at naglakad patungo sa bahay niya. Mabibigat ang bawat paghakbang niya dahil kahit na-curious siya sa babae ay hindi pa rin iyon sapat para gustuhin niyang kausapin ito.
I don't have f*****g time for this. Damn you, Francis!
Nakabusangot ang mukha niya habang binubuksan ang gate ng bahay niya. Dere-deretso lang ang pagpasok niya hanggang sa tumigil siya sa tapat ng pintuan. Kumatok siya roon ng ilang beses. Nagsalubong lalo ang kilay niya dahil hindi pa rin binubuksan ang pinto.
Muli niyang tinaas ang kamay niya para sana kumatok muli pero bigla naman iyong bumukas. Natigilan siya at napatitig sa kabuuan nito.
"A-ano pong kailangan niyo? Paano po kayo nakapasok sa gate?" nauutal na sambit nito. Hindi siya nakasagot bigla dahil nakatulala pa rin siya sa itsura nito. She's wearing a simple sleevless top and a cotton short. Her hair is on messy bun and her hands is kind of wet.
Is she doing laundry at this hour?
"K-kuya?" natatakot na sambit nito habang unti-unting sinasarado ang pinto. Mabilis niyang hinarang ang kamay niya roon at bumuntong hininga. Nakalimutan niyang dapat sa labas siya ng gate kumatok hindi sa mismong pintuan. Sino ba naman ang taong deretso pumasok sa loob nang hindi naman niya pagmamay-ari ang bahay. He will not introduce hisself as her husband, never.
"I'm..." f**k, " I'm the bodyguard of your husband," he said in a lower voice.
Fuck! f**k! f**k! I'm a f*****g bodyguard? Oh, yes! Great, Xion.
"B-bodyguard? Ng asawa ko?" hindi makapaniwalang tanong nito. "Paano ko malalaman na bodyguard ka talaga ng asawa ko? May i.d ka ba?" Ramdam niya na hindi pa rin ito naniniwala sa kaniya. Napatingin siya sa mukha nito nang kagat-kagatin nito ang labi dahil sa kaba.
Muli siyang napamura sa isipan dahil natulala pa siya sa mapulang labi nito.
What the f**k are you doing right now, Xion?! Stop staring!
"You can call the lawyer of your husband so you can trust me."
"O-okay," ani nito at mabilis siyang tinalikuran at natanaw niyang kinuha nito ang cellphone na binigay niya. Mayamaya ay may kinakausap na ito.
"May nagpakilalang bodyguard ng asawa ko? Totoo ba 'to?... Hindi lang kasi ako makapaniwala na pumunta siya ng ganitong oras... oo... sabi niya bodyguard siya... okay... dito siya titira? Ha?! A-ah... s-sige..." Napabaling ito ng tingin sa kaniya bago marahan na lumapit.
"P-pasok ka..."
"No need —"
"Ay nako, 'wag ka na magalit! Pasensiya na ha? Hindi kasi ako nasabihan na titira ka na rito kasama ako."
"What?!" he exclaimed.
"Ha? Ah, nasabi na sa akin ni sir Francis na titira ka na raw rito para maging driver at bodyguard ko dahil iyon ang utos ng a-asawa ko," she said while laughing awkwardly.
Naikuyom niya ang kamao niya nang makapasok sa loob ng bahay.
"Upo ka. Kumain ka na ba?" tanong pa nito sa kaniya. Mas lalong uminit ang ulo niya dahil talagang inasikaso pa siya nito sa ganitong ayos. Nakasuot lang ito ng manipit at maiksing damit habang nakaharap sa hindi niya kilalang tao. Paano na lang kung masamang tao siya.
"G-galit ka ba? Pasensiya na," halos pabulong na sambit nito. Umupo siya sa sofa at sumandal.
"I'm not."
"Pero nakasimangot ka," bulong nito sa sarili pero nakaabot naman sa tainga niya. "Siya nga pala hindi ko alam kung saan ka matutulog, siguro sa isang guest room na lang?" sambit pa nito sa kaniya.
"Why? Are you using the other guest room?" Nagtataka naman itong tumingin sa kaniya. "I mean, hindi ka ba natutulog sa kwarto niyo ng asawa mo," bawi niya rito. Nanlaki ang mata nito at mukhang nataranta.
"A-ah ano... natutulog ako roon... siyempre!" tumawa ito na parang kinakabahan.
She's great at hiding their secret.
"Minsan lang doon ako natutulog sa kabilang guest room kasi nami-miss ko ang asawa ko," bawi pa nito. He smirked because of the thought she's acting like a real wife.
Well, hindi na siya kakabahan, mukhang hindi naman ito magsasalita sa sikretong arrangement nila. Napatingin siya sa kamay nito at kita niya na suot nito ang singsing gaya ng inutos niya.
"Ah sige... tapusin ko lang ang nilalabhan ko ha? Bukas kasi ay may trabaho pa ako," nakangiting ani nito sa kaniya. Nagsalubong muli ang kilay niya.
"You're working? Hindi ka ba pinapadalhan ng asawa mo para sa mga kailangan mo?" he can't helped but to ask because he got more curious. Lahat ng extrang pera ay binabalik nito sa kaniya. Woman loves luxury things and shopping that's why he was confused that this woman rejected the extra money he gave.
"Pinapadalhan." Tsk. That's her income. "Ayaw ko naman umasa sa asawa ko. Kaya ko rin magtrabaho 'no."
"Your husband, my boss, is richer than you think, barya lang yan sa kaniya."
Ngumiti ito ng tipid sa kaniya. "Mayaman siya, siya ang mayaman at hindi ako. Ayaw kong umaasa sa pera niya, gusto ko rin magtrabaho at makaipon dahil pinaghirapan ko ang mga nakuha ko."
"Iyong tipo na makakabili ako ng sariling bahay at para sa magulang at mga kapatid ko," she dreamily added.
Pinagsiklop nito ang kamay na parang nangangarap pero agad ding nataranta dahil mukhang na-realize nito ang nasabi.
"S-siyempre... gusto ko rin ng sariling bahay na binili ko gamit ang pera ko. S-suportado naman ako ng asawa ko roon."
He didn't say anything and he let himself stare at her. At this time, he got more curious about her. Is this really her personality or she was acting like a kind woman?
Women flock to his feet and most of them are willing to do anything for money and fame. But this woman in front of her is simple-minded. He wants to know more about her so he will just continue to act like he's a bodyguard in the meantime.
Damn you, Francis. You made me do what you want again.