CHAPTER 2

1688 Words
Nilibot niya ang paningin niya pagkababa niya ng sasakyan. Isang malaking bahay lang naman ang bumungad sa kaniya. Napaka-ayos ng disenyo at napaka-modern ng style. Parang 'yong nag-isip ng ganitong disenyo ay napaka-professional. Naka-park kasi ang sasakyan ni Francis sa loob kaya kitang kita niya ang bahay. "A-ako lang titirar dito?" 'di pa rin makapaniwalang tanong niya. "Yes. Do you want to hire a maid? I can tell him—" "Hindi! 'di ko 'yon kailangan. Kaya ko naman maglinis at kumilos para naman may trabaho pa akong gawin," tanggi niya rito. Sa laki ng sahod niya dapat lang na siya na ang maglinis ng malaking bahay na 'to. Mas madali pa nga 'to kaysa sa mag-serve ng mag-serve sa customer sa gabi at 'yong mga lasing ay babastusin lang siya. Nagawa niya ring makaalis doon ng mabilis dahil kay Francis. Pumasok sila sa pinakaloob ng bahay at mas lalo siyang namangha sa interior design. Pagpasok mo pa lang ay alam mong lalaki na ang nakatira dahil sa ayos. Napakalinis din lahat ng pagkaka-ayos. Black, white, gray lang ang konsepto ng kulay ng buong bahay. Mataas rin ang ceiling at may chandelier pa. Dalawang palapag lang pero napakalawak ng bahay. Minimalist style, kaya para siyang nasa ibang bansa. Naglakad siya papunta sa kabilang bahagi at nakita niya roon ang malaking glass door, tanaw niya ang glass pool sa kinatatayuan niya. "You can do whatever you want here. Basta 'wag ka lang pumunta sa kwarto na mga naka-lock." Sunod sunod ang pagtango niya kay Francis. Kumilos na rin siya para ayusin ang mga gamit niya. Ginaya siya ni Francis sa taas at kanang bahagi na kwarto. "You can sleep here," ani nito nang makapasok. Bumungad sa kaniya ang malaking kama. May vanity mirror sa gilid at may working desk pa. May sarili ring banyo dahil nakita niya ang pinto. "That is a mini walk-in closet, pwede mo na ilagay lahat ng damit mo riyan. If you have a question feel free to text me." "Salamat, pero 'wag ka mag-alala hindi naman kita iistorbohin," napakamot pa siya ng ulo. Tumunog ang cellphone niya kaya kinuha niya 'yon at gano'n na lang ang gulat niya nang may mag-send ng 100 thousand sa bank account niyang walang laman. Napatingin siya kay Francis na nasa harapan niya. "B-bakit may 100 thousand agad na sinend sa akin?" tanong niya. Hindi pa naman kasi siya nakaka-isang buwan. "Oh, you already received it? It's a bonus for you because you signed the contract." Umawang ang labi niya at napatango-tango. Grabe, sobrang yaman pala ng napangasawa niya dahil may pa-bonus pa! parang 13th month pay ang peg! "Anyways, i need to go! goodluck!" ngumiti ito sa kaniya at nagpaalam na kaya hinatid niya ito sa labas. Bago pa ito makasakay ng kotse ay bumalik ito sa harapan niya. "Muntik ko nang makalimutan! This is your wedding ring, just always wear it." Inabot nito ang pulang box bago tuluyan nang magpaalam. Automatic ang sara ng gate dahil mukhang may remote ito. Pumasok na siya sa loob ng bahay at umupo sa sofa tiyaka binuksan ang pulang box. Natulala siya dahil hindi siya pwedeng magkamali, isa iyong diamond ring. "Wow, iba talaga pag mayaman ka! Hindi mo na kailangan tingnan ang presyo pag bumibili," naiiling na ani sa sarili. Contract marriage lang naman ang meron pero ang sosyal ng singsing niya. Nagpahinga muna siya saglit bago kumilos at ayusin lahat ng gamit niya sa kwarto. Sakto lang naman ang dami ng damit niya ang sapatos naman niya ay isang rubbershoes at sandals lang na mumurahin. Mabilis lang din siya nakapag-ayos at nang matapos ay humiga siya sa malaking kama. Damang dama niya ang kalambutan noon at parang gusto niya ulit maging bata at talunan iyon. Hindi niya pa nagagawa ang ganong bagay dahil noong bata siya ay manipis na foam o kaya naman banig ang hinihigaan niya. Napahawak siya sa tiyan nang kumulo ang tiyan niya. Awtomatikong napabangon siya at dumeretso sa kusina. Napanguso siya nang walang pagkain na makikita sa ref at kung saang cabinet. Ala-singko pa lang naman ng hapon kaya lalabas muna siya at pupunta sa mall na malapit. Dahil hindi niya kabisado ang lugar ay napilitan siyang mag-taxi nang may dumaan. May isang libo naman siya sa wallet niya kaya okay lang at isa pa may pera na siya sa inaamag niyang bank account. Bibili na rin siguro siya ng mga kailangan niya pang gamit at stock ng pagkain. Nang makarating siya sa mall ay habang naglalakad ay tinawagan niya si Jane. "Hello, Jane? Nagluto na ba kayo ng pagkain niyo?" tanong niya agad sa kapatid. "Hindi pa ate, kakauwi lang namin. Binisita namin si papa sa hospital! Ang laki ng hospital tapos may sariling kwarto si papa na parang sa hotel," pagk-kwento nito. "Panigurado pagod kayo sa byahe. Bumili ka na lang ng lutong ulam diyaan sa kanto natin." "Eh ate hindi naman karinderya 'yon kaya mahal do'n! Kami na lang magluluto rito." Umiling siya rito kahit hindi siya nito nakikita. "Huwag nang makulit, 'yong iniwan ko sa inyong pera ay bawasan mo na. Kahit umabot 'yan ng 500 pesos okay lang! magpapadala ako kay Aimee ng pera. Tiyaka kung gusto niyo bumili kayo ng tig-iisang chocolate, ako na ang bahala!" Napapikit siya ng marinig ang tili ni Arilyn at Jennilyn na mukhang nakikinig din pala. "Tala ate ha? wala ng bawian!" singit ni Arilyn. "Ano ka ba! paano kung wala ng pera si ate?" rinig niyang sambit ni Jane. "Ay, oo nga! sige 'wag na." Napangiti siya dahil sa usapan ng mga ito. Talagang napakaintindihin ng mga ito sa kaniya. "May pera ako! Kaya bumili na kayo ng pagkain at ng tsokolate niyo. Basta ang gusto ko lang ay mag-aral ng mabuti ha? Bibilhan ko kayo ng tig-iisang cellphone pag grumaduate kayo ng may honor!" sambit niya. "Salamat po ate! Kahit wala ng cellphone basta po mag-iingat ka lang. Hindi po namin papabayaan ang pag-aaral! Pag kami nakatapos, ikaw naman ang magiging prinsesa!" Nakagat niya ang labi dahil sa sinabi ni Jennilyn. Miss niya na agad ang mga ito. Ang mga kapatid niya lang ang nagpapakilig sa kaniya ng ganito. "Walang anuman. Lahat gagawin ni ate para lang sa inyo. Sige na at mag-ingat sa paglabas ng bahay. Pasama kayo kay Aimee ha? Si mama pala?" "Opo ate! si mama nasa labas kausap ang kaibigan niya." "Oh sige, sige. Ingat!" Pinatay niya na ang tawag at pinasok na ang cellphone sa maliit niyang bag. Napagdesisyunan niyang kumain sa isang korean restaurant. Minsan lang naman siya mag ganito at parang reward niya na rin sa sarili. Pagkapasok niya ay may nakabangga sa kaniya kaya natigilan siya. Isang lalaking naka-sumbrero na itim. Dahil matangkad ito ay napatingala pa siya habang hawak hawak ang braso niyang natamaan. "Okay lang po—" naputol niya ang sasabihin nang nilagpasan na siya nito na parang walang nangyari. Napakunot siya ng noo at sinundan ng tingin. Mabango pa naman sana pero napaka suplado naman! Siya na nga ang nakabangga, ako pa ang lalagpasan? 'di man lang nag-sorry?! Tuluyan na siyang pumasok sa restaurant at sa wakas ay nakakain na rin. Pinicture-an niya pa ang mga pagkain niya para may memories siya sa bago niyang phone. Buong araw ay masaya siya. Pagkatapos niya kumain ay nag-grocery siya ng mga pagkain at mga gamit na kailangan niya. Umuwi rin siya agad dahil gabi na, nag-taxi ulit siya dahil wala siyang choice, bukas na lang niya kakabisaduhin ang lugar at kung paano mag-commute. *** Nakahinga ng maluwag si Xion nang makitang maayos na ang marrige contract niya. Wala na siyang po-problemahin kun'di mag-focus pa sa kaniyang trabaho. "What's up!" napaangat ang tingin niya kay Francis nang makapasok ito. "You will have a meeting with attorney Diaz tomorrow morning, maipapasa na sa pangalan mo ang lahat ng iniwan ng lolo mo." "That's good. Be sure that Lloyd will not know about this," sambit niya. "Of course! Your step-brother will do anything to make your reputations go down. At isa pa your wife is kind of interesting," Francis chuckled and gave him a amused look. "How interesting? well i don't care. I just care to my grandfather's will and company." Hindi niya nga tiningnan kung sino ang naging asawa niya sa kontrata. May tiwala naman siya rito sa kaibigan niya kaya ito ang pinakilos niya para hanapan siya ng babaeng papayag sa ganitong sitwasyon. He already build his name and his reputation. May sarili siyang pera dahil sa sariling galing, hindi siya umaasa sa mga naiwan ng kaniyang lolo pero ayaw niya pabayaan iyon at mapunta lang sa kamay ni Lloyd, ang step-brother niya. Simula nang makilala niya ito ay puro problema na lang ang dinala sa pamamahay nila kaya naging maayos lang ang lahat ng umalis na ito sa mansyon. "You'll see if you meet her." Umiling siya rito at tumayo. Tinanggal niya ang coat na suot at kinuha na ang bag niya para umuwi sa penthouse niya. Hindi siya makakauwi sa sariling bahay dahil doon niya pinatira ang babae dahil pag nag-imbestiga ang attorney ng kaniyang lolo at hindi nakita ito sa sariling bahay niya ay baka magkaroon pa ng problema. "Not interested," he answered. Lumabas na silang office at sumunod naman ito sa kaniya. "Let's drink. Stop being work-a-holic, man. Kaya wala kang lovelife!" pang-aasar nito. Nang makarating sila sa parking lot ay pinatunog niya ang kaniyang sasakyan para bumukas. "Work is my lovelife," ani niya at pumasok na sa kotse. "Next time. I have to work more in my penthouse," dugtong pa nito at tinaas ang kamay para magpaalam sa kaibigan. "Soon, you'll find someone that can make you change. Tatawanan na lang talaga kita pag nalaman kong nagpa-cancel ka ng mga meetings dahil lang sa isang babae," sigaw nito at kumaway na rin sa kaniya. He manuevered the car and pressed the horn in the car. Bumusina rin si Francis sa kaniya para magpaalam. Uuwi man siya pero magta-trabaho pa rin siya kahit nasa bahay. He loves to work and what Francis told to him earlier? It's impossible. He can't cancel his meetings because of a woman. Very impossible...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD