CHAPTER 1

2175 Words
Maganda ang gising niya dahil may nag message sa kaniya sa social media at balak nitong pakyawin ang mga cosmetics na tinitinda niya. Hindi siya nag live ngayon dahil kahapon ay pinadala niya ang mga products na in-order sa kaniya noong isang araw na nag-live selling siya. Mamayang alas-kwatro ng hapon pi-pick-up in at cash daw ang bayad kaya hindi na siya mahihirapan pa. Nilagay niya sa isang malaking box ang mga cosmetics at sinigurado niyang hindi mapipipi ang mga iyon. Inayos niya ang pagkakasara ng box at nang matapos ay tinabi niya iyon. Nasa 35 thousand pesos din ang total no'n at mga nasa sampung libo naman ang tubo niya. Sobrang laking tulong para sa kaniya. Nagpapasalamat talaga siya sa diyos na kahit anong paghihirap niya at ng pamilya nila ay hindi siya nito pinapabayaan. Pinagluto niya ang mga kapatid niya at dahil malaki-laki ang tubo niya mamaya ay bumili siya ng isang buong manok at nagluto. Tuwang-tuwa ang mga kapatid niya dahil nag fried chicken sila ngayon. Si Aimee at ang ina niya ay nasa ospital pa rin pero umuwi kanina si Aimee para kumuha ng damit kaya inabutan niya ito ng pera para kumain ang mga ito. Magana rin siyang kumain at nang matapos siya na rin ang nagligpit dahil hinayaan niyang maglaro ang mga kapatid niya dahil hindi na masiyado nakakapaglaro ang mga ito. Nang mag alas-kwatro na ng hapon ay sakto narinig niya ang pagbusina sa tapat ng bahay nila. Lumabas siya habang bitbit ang malaking box, malakaw ang ngiti niya nang makita ang isang mamahaling sasakyan. "Magandang hapon po—" natigilan siya nang tuluyan niyang makita ang lalaking lumabas sa sasakyan. "Good afternoon!" ngumiti ito sa kaniya at itinaas ang kamay. "Ikaw?!" "Yes. I'm the buyer," saad nito. Naibaba niya ang box na bitbit at napakunot dito. "Alam ko babae ang ka-chat ko kahapon?" paninigurado niya sa kaharap niya. "It's my secretary. This is my calling card, para alam mong hindi ako masamang tao." Inabot nito ang calling card galing sa mamahaling coat nito. Inabot niya iyon at gano'n na lang ang gulat niya nang lawyer ito sa isang sikat na law firm. Francis Johnson, Lawyer. "Can we talk? but not here," mahinang sambit nito at napatingin sa paligid. Pati siya ay napatingin na rin at kita niya ang mga kapitbahay niyang nakiki-chismis sa kanila. Ang iba ay mga naglalaba sa labas, 'yong iba naman kunwari nagdidilig pero mahaba naman ang leeg at halatang gusto makinig. Napabuntong hininga siya at tumango. Siguro kailangan niya talaga ito kausapin dahil mukhang hindi siya nito titigilan. "Okay." Nagpaalam muna siya saglit sa kapatid niya na kailangan niya lang umalis. Sumakay siya sa shotgun seat at kita niyang nilagay nito ang box sa likod ng sasakyan. Napaisip tuloy siya kung sinadya lang ba nito pakyawin ang paninda niya para makausap siya. Umandar ang sasakyan at sa sobrang tahimik ay siya na ang bumasag sa katahimikan. "Huwag mong sabihin na binili mo ang mga paninda ko para lang makausap ako?" pagtatanong niya. Tumawa naman ito at tumango. "Yes, but don't worry i'll donate all the cosmetics." "Sino ba ang kliyente mo at bakit naghahanap ng mapapangasawa? 'di ba magpapakasal ka lang pagmahal mo ang isang babae o lalaki?" naguguluhang tanong niya. "Sometimes is not about love, its all about business. I can't tell who he is." "Matanda na 'yan 'no?" nagkibit balikat ito. "Sa office tayo mag-uusap at ipapaliwanag ko sa'yo ang lahat." Hindi na siya nagsalita pa hanggang sa makarating sila sa isang building. Maliit na building lang 'yon at mukhang hindi naman law firm. "This is not my office, it's my friend's office. Nanghiram lang ako sa kaniya dahil kailangan kita makausap, privately." Napatango siya habang nililibot ang mata sa paligid. Parang printing shop nga iyon, mas malaki nga lang sa ordinaryo. Umakyat sila sa taas at pumasok sila sa isang room. "Have a sit," sambit nito at tinuro ang sofa. Sumunod naman siya at umupo. "Do you want a coffee or juice?" tanong nito habang binubuksan ang mini fridge. "Juice na lang," sagot niya. Inabutan siya nito ng bottled juice at agad naman niyang tinanggap at ininom. "Bago ang lahat, ito ang bayad ko sa'yo." Inabot nito ang sobre at kita niyang makapal iyon. Tinanggap niya iyon at hindi na binilang pa, malakas naman ang pakiramdam niya na hindi siya lolokohin nito. "Salamat." "Back to business, i want you to do this job. You're suitable for this, because you need a million, right? I do a background check about you. Kailangan mo ng malaking pera para mapagamot ang tatay mo. You also need him to transfer in a bigger hospital. If you accept this offer, your contract husband will pay all of your father's medication and operation. Wala kang gagastusin hanggang sa gumaling ang tatay mo, plus you will have 100 thousand pesos salary a month." Nanigas ang katawan niya at napakurap pa siya dahil pilit niyang pino-proseso sa utak ang lahat ng sinabi nito. 100 thousand pesos in a month?! Bukod na ito ang sasagot sa mga hospital bills at kailangan ng ama niya ay may sahod pa siya na gano'n kalaki! Hindi niya alam kung hulog ba ng langit ang lawyer na ito dahil nakilala niya at natipuhan siya. Pero parang hindi niya pa rin kaya magpakasal lalo na hindi niya kilala ang papakasalan niya. "M-magsasama ba kami ng magiging asawa ko?" kinakabahang tanong niya. "No. Hindi mo makikilala ang asawa mo. I will not tell you the name, age or his profession. You just need to sign this marriage contract and live to his house." "Sa bahay niya? m-may kasama ba ako roon o wala?" "Wala. Ikaw lang ang naroroon. You can do anything you want." "Tapos gano'n kalaki ang sahod ko?!" gulat na tanong niya. Paano ba naman kailangan niya lang pumirma sa marriage contract at tumira lang sa bahay ng contract husband niya tapos may gano'n kalaki na siyang sweldo. "H-hindi ka naman scammer 'di ba?" napakamot pa siya sa ulo. Tumawa ito kaya napanguso siya. "No. You already have my calling card. Why would i waste my time for this if i'm a scammer," natatawang sambit pa nito. "Pwede bang ipaliwanag mo pa sa akin ang tungkol dito?" tanong niya sa papel na nilabas nito at nilagay sa table na nasa harapan. "Okay. This is a marriage contract from Australia, it means you can two divorce. Wala kang magiging problema sa lahat, just sign this paper and done." Napaisip pa siya ng husto. Unang-una ay hindi niya makakasama ang asawa niya kaya okay 'yon para sa kaniya. Pangalawa ay magagawa niya ang gusto niya, pangatlo ay masu-suportahan niya na ng mas maigi ang pamilya. Wala siyang po-problemahin sa gastos sa ospital at may sahod pa siya na makakatulong sa pang-araw araw nila. "Accept or reject?" napatingin siya sa mga mata ng lawyer na ito. Nagpakawala muna siya ng isang malakas na buntong hininga bago tumango. "Accept... tatanggapin ko basta ipangako mo na kayo bahala sa papa ko," ani niya. "Of course. Ako ang mag-aayos ng mga papeles para mai-transfer ang tatay mo bukas na bukas." Inusog pa nito ang marriage contract papalapit sa kaniya. Inabutan din siya nito ng ballpen na agad niyang tinanggap. You can do this, Aj! Hindi mo naman ibebenta ang katawan mo, ang kailangan lang nila ay pirma mo at magpanggap na asawa ng kliyente ng lawyer na 'to. Pinindot niya ang ballpoint na hawak at bago pa siya makapirma ay natigilan siya at tinaas ang tingin sa lalaking naghihintay sa kaniya. "Lawyer ka 'di ba? hindi ba 'to illegal?" kunot noong tanong niya. "It won't be illegal if you know about this. Hindi naman kita pinilit, ikaw na mismo ang pumayag," he shrugged. Sumenyas ito na ituloy na ang pagpirma kaya ginawa niya na nga. May mga pinirmahan pa siyang iba bago matapos. Sinundan niya ng tingin ito at may kinausap sa cellphone, narinig niya pa nga ang pangalan ng papa niya at kung nasaan ospital ito. Kinakabahan man siya sa mangyayari sa buhay niya dahil sa desisyon niya pero gumaan naman kahit papano ang loob niya nang malaman na magagamot na ang kaniyang ama. She will really do anything for her family. Kahit siya na ang mahirap at magdusa 'wag lang ang pamilya niya. Wala naman siyang kasintahan kaya okay lang. Niloko lang naman kasi siya ng first boyfriend niya. Mas inuna ang tawag ng katawan kaysa sa pagmamahal. Sa totoo lang hindi niya rin alam kung bakit niya iyong minahal at sinagot. Madalas siyang saktan nito at may time rin na bigla na lang siyang hindi papansinin. Tanga talaga siya sa pag-ibig! Kaya ayaw niya muna mahulog sa lalaki. Siguro tiyaka na niya iisipin ang lovelife niya pagnatapos na ang kontrata niya sa kasal na ito. "Let's go. Ihahatid na kita sa inyo," baling sa kaniya ng lalaki. Tumango siya at sinundan ito palabas hanggang sa makababa sila at makasakay sa kotse. "This is your new phone," ani nito at inabot ang isang cellphone na box pa lang ay alam niyang mahal. Iphone 13 pro max lang naman ang inabot nito sa kaniya. "Bukas na 'yan. Nilagay ko na ang number ko at number niya." "Huh? number niya?" tanong niya dahil hindi niya ito naintindihan. Pinaandar muna nito ang sasakan bago nagsalita. "Your husband's number," he said while manuevering the car. "B-bakit? akala ko ba hindi ko siya makikita or makikilala?" kinakabahang tanong niya. "Incase of some emergency?" ngumiti ito sa kaniya pero mabilis din binalik ang tingin sa gitna ng daan. Hindi na siya nagtanong pa at binuksan ang box para kunin ang cellphone. Sierra blue ang kulay nito at talagang napakaganda. Bago sila dumeretso sa bahay ay dumaan muna sila sa isang fastfood chain at um-order si Francis ng kung ano-anong mga pagkain. "Para saan 'yan? ang dami mo naman kumain," biro niya pa rito. "It's for you and your siblings. Have a good dinner with them, you'll leave the day after tomorrow." Natigilan naman siya at napabuga ng hangin. Hindi na siya nagsalita pa dahil kailangan niya naman talaga lumipat sa manila. Laguna lang naman sila at may kalapitan lang pero hindi niya pa rin maiwasan di malungkot. Mami-miss niya ang mga kapatid niya at ang magulang niya. "Salamat," sambit niya nang makarating sila sa tapat ng bahay. "H-huwag ka ng bumaba, ako na ang magbibitbit ng mga ito," pigil niya nang balak pa nitong bumaba. Ayaw niya narin pababain dahil nakakahiya na masiyado. Nagpaalam siya muli at sinundan ng tingin ang kotse hanggang sa makaalis ito sa paningin niya. "Psst! Daming pagkain ah, pakain naman!" sitsit sa kaniya ni Maceh habang nakadungaw sa may bintana. "Punta ka lang sa bahay, masiyadong marami ito para sa amin," ani niya nang makalapit. Apat na paper bag kasi ang hawak niya at totoong marami talaga. "Talaga? sige punta na ako, tawagin ko lang si Noy para may kapalit ako rito," tumango siya rito. Nauna na siya pumasok sa bahay at napangiti siya nang makitang umuwi na ulit ang mama niya at si Aimee. "Ate! ang dami mong dalang pagkain ah? ang babango! nanalo ka ba sa lotto?" natutuwang sambit ni Arilyn at tinulungan agad siya sa mga bitbit. "Hindi lotto pero may bago na akong trabaho at mas malakig ang sweldo!" pag-aanunsyo niya sa mga ito. "Ito, bigay ito ng magiging boss ko." Half truth half lie, totoo namang bigay ang mga pagkain. "Talaga? saan ang trabaho mo ate? tiyaka anong klaseng trabaho?" tanong ni Aimee sa kaniya habang hinahain ang pagkain. "Office, assistant ako. Kaso kailangan ko tumira sa manila dahil doon ako magta-trabaho. Libre naman ang tutuluyan ko kaya pumayag na ako," pagsisinungalin niya pa. "Baka naman masiyado mong sinasagad ang sarili mo? alam kong marami ka ng trabaho para lang matustusan kami," malungkot na ani ng ina niya kaya nilapitan niya ito at hinawakan ang kamay. "Ma, kaya ko po at 'wag po kayong mag-alala. Masaya po ako sa ginagawa po kaya kahit mahirap okay lang at isa pa hindi naman nakakapagod," niyakap niya ito ng mahigpit at nang bumitaw ay ngumiti siya ng malawak sa kaniyang ina at mga kapatid. "May tutulong na sa atin para mapagaling si papa! sponsor sila at saktong kilala ng boss ko kaya nasabihan agad! Sinabi sa akin na sila na ang bahala sa gastusin hanggang sa gumaling si papa!" sigaw niya na ikinatuwa ng kapatid niya. Nakita niya namang naluha si Aimee at ang kaniyang ina. Niyakap niya ang mga ito at sumunod naman ang tatlo. Mahigpit niya niyakap ang mga ito dahil paniguradong mami-miss niya ang pamilya niya. Pwede naman niya itong bisitahin pero iba pa rin na araw araw niya kasama ang mga ito sa iisang bahay. "Hay nako! tama na ang iyakan dahil chibugan na!" pumalakpak pa siya at sabay sabay silang nagtawanan. "Magandang gabi po! makiki-chibog din ako!" sulpot ni Maceh. Pinapasok niya ito at sabay sabay silang kumain ng hapunan. Tuluyan na talagang gumaan ang bigat na nararamdaman niya. She will just think that the offer is a gift from god.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD