Malaki ang ngiti niya nang maipadala niya na ang mga order ng mga buyers niya. Marami-rami rin siyang naibenta. Naubos ang mga damit na binebenta niya kaya ang gaan ng kalooban niya. May kita na naman kasi siya kahit maliit lang. Malaking tulong na iyon para sa pang-araw araw na gastos sa bahay.
Bukas ulit ay magla-live selling siya para maibenta naman niya ang mga cosmetics na binebenta niya. Kailangan niya magsikap dahil siya ang nagta-trabaho sa pamilya nila. Ang kaniyang ama ay may sakit at hindi sila makapunta sa hospital dahil ayaw nito. Nag-aalala na nga siya rito kaya pilit niyang binibilhan ito ng mga vitamins.
Siya ang pinakamatanda sa limang magkakapatid. Puro sila mga babae kaya talaga siya ang kumakayod ng husto. 25 years old na siya at ang sumunod sa kaniya ay 18 years old na si Aimee, ang sumunod naman ay 15 years old na si Jane, 13 years old na si Jennilyn at ang bunso ay 11 years old na si Arilyn.
Napakahirap maging panganay sa totoo lang, hindi niya naman masisisi ang magulang dahil hindi rin ginusto ng mga ito na magkasakit. Ang ina niya ay wala namang sakit pero medyo mahina ito kaya ayaw niya na pagtrabahuin pa, isa pa't wala ring mag-aalaga sa mga kapatid niya kung magta-trabaho pa ito.
Lahat ay iniinda niya kahit mahirap. Positibo lang siya sa mga bagay bagay dahil alam niyang malalagpasan nila ang ganito kahirap na buhay.
Dumeretso siya sa grocery store para mamili ng mga pagkain, para kahit papaano ay may stock sila ng mga canned foods. Isang libo lang ang ginastos niya dahil iyon lang ang nasa budget niya, marami pa siyang bayarin katulad na lang ng renta, tubig, kuryente at mga kailangan ng mga kapatid niya dahil mga nag-aaral ito. Tipid talaga sila kung tipid. Naaawa man siya sa mga kapatid niya pero wala na talaga siyang magagawa.
Umuwi na siya para surpresahin ang mga kapatid niya sa mga pagkain na dala, bumili rin kasi siya ng kaunting tsokolate na mumurahin lang. Pagkapasok niya sa loob ng bahay ang ngiti niya ay napawi dahil naabutan niyang umiiyak si Jane, Jennilyn at Arilyn. Naibagsak niya ang hawak hawak at nilapitan ang mga ito. Niyakap niya si Arilyn para patahanin ito habang ang mata niya ay nakatuon kay Jane.
"Anong nangyari? Bakit kayo umiiyak at bakit may basag na baso rito?" pilit niyang kinakalma ang sarili kahit na dumadagundong na ang puso niya sa kaba. Pakiramdam niya namumutla na siya dahil sa kaba kahit hindi niya pa alam ang nangyari.
"S-si papa po, ate... Si papa po umubo ng dugo tapos bigla na lang siyang bumagsak dahil hindi makahinga. Nagpatulong po si mama at ate Aimee para dalhin sa ospital si papa," paliwanag ni Jane habang umiiyak. Nanginig ang kamay niya habang hinahawakan ang tatlong kapatid.
"Tumahan na kayo, okay? nasa ospital na 'yon at panigurado gagaling din si papa. 'Wag na kayong umiyak at mag-pray na lang kayo." Niyakap niya ang mga ito at pagkatapos ay humiwalay rin para kunin ang cellphone niya sa bag. Nanginginig ang kamay niya habang tinatawagan ang kaniyang mama para malaman kung nasaan ang mga ito.
"Hello ma? nasaan kayo? papuntan ako," ani niya nang sumagot ito.
"A-anak... a-anak ang papa mo," humagulgol ito kaya nakagat niya ang labi para pigilan din ang sarili humagulgol.
"Magiging okay lang po si papa, ma. Sabihin niyo po sa akin kung nasaan kayong ospital para puntahan ko kayo."
"Nandito kami malapit sa munisipyo na hospital, anak."
"Sige po ma, pupuntahan ko na po kayo riyan." Pinatay niya ang tawag at muling nilapitan ang tatlong kapatid.
"Jane, marunong ka na magluto 'di ba? ipaghain mo ang dalawa mong kapatid, pupunta lang ako sa ospital. Ibibilin ko na rin kayo kay Maceh para kung may kailangan kayo ipaalam niyo sa kaniya, okay?" Sabay sabay tumango ang tatlo kaya muli niyang niyakap.
Pagkalabas niya ay saktong nasa tindahan si Maceh, ang kaibigan niya sa street na ito.
"Aj! nabalitaan ko ang nangyari sa papa mo, okay na ba siya?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya nang makalapit siya.
"P-papunta pa lang ako sa ospital, hindi ko pa alam Maceh," kinakabahang sambit niya. "Pwede bang pakitingnan naman ang tatlo? babalik din kami pag-okay na," pakiusap niya rito. Ala-sais na kasi ng gabi at kahit marunong ang tatlo maiwan sa bahay ay lagi niya itong pinapatingnan kay Maceh.
"Walang problema! Magkatabi lang naman tayo ng bahay, sige na at mag-iingat ka!"
"Maraming salamat, Maceh." Tumalikod siya agad dito at patakbong pumunta sa pila ng tricycle. Sumakay siya kahit special na ang bayad basta makaalis lang agad at makapunta roon sa ospital.
Pinunasan niya ang luha na tumulo sa mata niya. Ayaw niyang umiyak sa harapan ng mga kapatid niya, ayaw niyang nakikita ng mga ito na mahina siya. Kailangan niyang magpakatatag lalo na ngayon.
Nakarating siya sa ospital at kita niyang umiiyak pa rin ang kaniyang ina. Nakatayo ang mga ito sa labas ng emergency room. Nang makita siya ng kaniyang kapatid ay sinalubong siya ng yakap nito.
"Ate, s-si papa..." Hinaplos niya ang likod nito para pakalmahin bago puntahan ang kaniyang ina. Niyakap niya ito ng mahigpit at hinaplos ang buhok.
"Tama na ma, alam kong nag-aalala ka ng sobra pero baka naman ikaw ang mapano dahil sa kakaiyak mo. Baka mas lalo na akong bumigay pag pati ikaw magkasakit pa," ani niya sa malungkot na boses. Hindi niya na kakayanin na pati ang ina niya ay magkasakit din.
Ngayon ay naglalakas lakasan lang siya dahil hindi siya pwedeng maging mahina. Siya ang inaasahan ng lahat kaya hindi siya pwedeng bumigay.
"Sino po ang guardian ni Mr. Roilan Balansag?" napalingon siya at agad silang napalapit sa lumabas na doctor.
"Ako po ang asawa," sambit ng kaniyang ina. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito habang nakaharap sa doctor.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa mrs. Ang iyong mister ay may stage 2 lung cancer at may kalakihan ang tumor niya sa lungs. Kailangan niya dumaan sa proseso para gumaling. Kailangan niya magpa-chemoteraphy bago siya ma-operahan."
She bit her lips and tried to stopped her tears. Her mother hugged her and cried again. Maski siya nanlulumo sa mga balita. She can't lose her father, hindi niya kakayanin at mas lalong hindi kakayanin ng ina at mga kapatid niya.
"G-gagawin po namin iyon doc," baling niya sa doctor.
"Pero hija, kailangan mo ilipat sa mas malaking ospital ang iyong ama. Kulang kami sa gamit dito at walang surgical oncologist na mag-oopera sa ama mo. Kung gusto niyo ay tutulungan ko kayo ilipat siya sa manila pero malaki ang gagastusin niyo. May kilala kasi ako roon na pwedeng umasikaso sa ama mo," paliwanag ng doctor.
"Mga magkano po kaya doc?" lakas loob na tanong niya.
"He will undergo chemoteraphy and radiation. Atleast prepared 1 million pesos." Nahigit niya ang hininga niya. Saan siya ngayon hahagilap ng malaking pera ng isang bagsakan? Hindi niya nga kaya iyon kahit isang taon pa niya pagtrabahuan.
"O-okay po doc."
"Kailangan niya na mag-start ng chemo within 5-6 weeks dahil hindi basta basta ang lagay niya. Ililipat na siya sa isang kwarto, pwede niyo siya mapuntahan doon." Natulala na lang siya at tanging tango na lang ang kaniyang tugon ng magpaalam ang doctor.
Tila ba nanigas ang buong katawan niya at parang lutang ang pag-iisip niya. Na-blanko siya at hindi alam ang dapat gawin.
Isang milyon? Paano niya kikitain iyon?
"Umuwi muna kayo ni mama, ako na ang bahala rito," utos niya kay Aimee.
"Ma, magpahinga ka at bukas ka na lang pumunta rito. Ako na ang magbabantay kay papa—"
"Hindi, ako ang magbabantay sa kaniya. Umuwi ka na dahil alam kong pagod ka pa." Tututol sana siya rito nang magsalita ang kapatid niya.
"Sasamahan ko si mama ate, 'wag ka mag-alala okay lang kami rito. May trabaho ka pa bukas ng gabi, wala naman din akong pasok bukas kaya okay lang na nandito ako."
Wala na siyang nagawa kun'di sundin ang mga ito. May duty pa siya sa bar after live selling niya ng hapon bukas.
Hanggang sa makauwi ay tulala siya, hindi na nga siya nakakain ng maayos dahil wala talaga siyang gana. Pinaliwanag niya sa mga kapatid ang sitwasyon ng kanilang ama pero sinigurado niya na gagaling ito at nangako siya sa mga ito.
Ako ang gagawa ng paraan... Gagaling ang papa ko at kahit ano ay gagawin ko para lang maipagamot siya.
Hindi niya alam kung anong oras siya nakatulog dahil sa kakaisip ng problema. Inasikaso niya ang mga kapatid niya bago niya gawin sa kwarto ang pagla-live selling niya. May kaliitan lang ang sarili niyang kwarto at doon siya nagla-live selling.
Dati katabi niya ang dalawang kapatid pero nagpaubaya ang mga ito na matutulog na lang sila sa sala para may sarili siyang pwesto at makapag-live selling ng maayos.
Napaka-intindihin talaga ng mga kapatid niya at proud na proud siya sa mga ito. Kahit anong hirap ay pinipilit din nilang maging positibo. Pamilya niya ang motivation niya para kumayod pa ng husto.
Kahit papaano ay may benta ulit siya ngayong hapon kahit kaunti lang. Binalot niya na agad iyong mga benta para maipadala bukas sa mga buyers.
Pagkatapos niya ay nagpahinga lang siya ng ilang minuto at kumilos na agad para magluto ng pagkain. Pagkalabas niya ng kwarto ay napangiti siya nang makita si Arilyn na nagsaing na, si Jane at Jennilyn naman ay naghahanda ng gulay.
"Ate magluluto lang kami ng gisadong gulay na may kauntin hinimay na isda," ani ni Jane.
"Ako na dapat ang magluluto eh," sambit niya sa mga ito at nilapitan.
"Sabado naman ngayon ate, wala kaming pasok tiyaka tinapos na namin ang assignments namin kanina!" pagmamalaki na sambit ni Jennilyn.
"Ang babait talaga ng magaganda kong kapatid!" tuwang-tuwa na saad niya.
"Siyempre ate! Kami pa ba?" bulalas ni Arilyn.
"Sige na ate, magpahinga ka muna o matulog dahil may pasok ka pa mamayang gabi."
Tumango siya sa mga ito at hinayaan na ang mga ginagawa. Kahit kasi mga bata pa ito ay natuto na ito magluto, lalo na si Jane na gustong maging chef paglaki. Magaling ito magluto kaysa sa kaniya kaya ito talaga ang nagpe-prisinta na magluto kahit ang mga ingridients lang nila ay limitado.
Bumalik siya ng kwarto at humiga sa kama. Nakaligo na rin naman siya kaya sakto lang ang gising niya ng 7pm para kumain at magbihis ng uniform. 8pm kasi ang duty niya sa bar mamaya hanggang 1 ng madaling araw.
Puyat puyat man pero okay lang basta may sasahurin.
Mabilis siyang dinalaw ng antok at nagising sa alarm niya. Bumango na rin siya agad at kumain tsaka muling naghilamos at nag-ayos ng mukha. Kahit papaano ay marunong siya mag-make up kaya mukha na siyang disente tingnan.
Saktong alas-otso umalis na siya para kung sakaling traffic man ay hindi siya mamroblema.
Hindi na siya nagulat na traffic ngayon, sabado kasi at maraming tao na nasa labas.
Pagkarating niya ay marami-rami na agad ang customer nila. Sa likod siya dumaan para deretso tagos sa room kung nasaan ang mga locker at pwesto ng mga waitress.
Binati niya ang manager pagkapasok pati na rin ang isang ka-work niya. Nagpalit na siya ng damit sa cr. Fitted polo shirt at pencil skirt ang uniform nila rito. Hindi man komportable pero okay na rin, wala naman siyang magagawa.
Nag-serve agad siya ng mga alak at tinulungan ang kasama niya. Hindi man sobrang laki ng bar na ito pero okay naman ang disenyo at malinis naman lagi. May maliit din na bar counter kung gusto ng mga customer magpa-timpla ng mga alak.
Nanlaki ang mata niya nang masagi siya ng isang malaking lalaki, akala niya matutumba na siya nang may humawak sa braso niya. Agad niya iyon tiningnan, isang lalaking formal ang suot at mukhang mayaman.
"T-thank you," ani niya rito at tumayo ng maayos. Tumango lang ito at 'di na nagsalita. Sinundan niya ito ng tingin at pumunta sa bar counter.
Binalingan niya naman ng tingin ang suot niya at pasimpleng binaba ang skirt na medyo tumaas.
"Miss! Isang bucket pa ng beer!" tawag sa kaniya ng isang customer. Kumilos siya at kumuha ng bucket ng beer at pinuntahan ang mga ito. Kinuha niya rin ang bayad at inabot sa kahera nila.
Habang wala pang umo-order ay naglinis siya ng mga table na may mga kalat. Ang iba kasing customer ay umalis na. Mabilis lang ang oras at alas dose na ng umaga.
Dumaan siya banda roon sa bar counter at nakita niya pa rin na umiinom ang lalaking tumulong sa kaniya. Ngayon pa lang niya nakita ito dahil ito lang ang pumunta rito na naka-formal attire.
Her body froze when she felt a hand in her butt. Napaatras siya at napatingin sa lalaking lasing.
"Hi miss? pwede ba kitang i-table?" nakangising ani nito habang pasuray suray na ang kilos. Nagsitawanan ang mga kasama nitong lasing na rin.
"S-sorry po pero hindi po," tanggi niya rito at hinatak ang kamay niya pabalik.
"Ito naman miss—"
"If you don't want to go to jail, stop what you're doing." Napalingon siya sa lalaking nagsalita sa likod niya. Iyon ang lalaking nakasalo sa kaniya kanina.
Umatras naman ang lalaking nambastos sa kaniya at parang natakot sa lalaking nasa likod niya. Nakahinga siya ng maluwag nang hindi na nanlaban ang lasing.
Nilingon niya ang lalaki at nagpasalamat dito.
"Maraming salamat talaga." Umupo ito ulit sa kinauupuan.
"Is it hard?" natigilan siya sa tanong nito.
"Huh?"
"Working here. Maraming nambabastos dahil sa mga walang hiya na lalaki. They are sexualizing some of the waitress because of your clothes. Don't get me wrong, wala naman sa damit niyo 'yon, talagang bastos lang ang ibang mga customer pag mga lasing," paliwanag nito.
Napatango naman siya at lumapit dito.
"Mahirap. Lahat naman ng trabaho mahirap," ani niya at tumawa pa. "Pero kailangan ko kayanin kasi kailangan ko ng pera," dugtong niya pa.
"Ako, sinasanay ko na lang ang sarili ko sa mga ganitong bagay. Marami akong problema lalo na ngayon na hospital pa ang papa ko. Wala akong pangpa-opera! magiging-choosy pa ba ako sa trabaho ko? highschool graduate lang ako kaya wala akong choice!" pagku-kuwento niya. Mukha naman itong mabait at panigurado hindi ito taga rito kaya okay lang na maglabas siya ng problema sa isang estranghero.
"I can offer you a better job," saad nito habang nagbabayad sa cashier. Napasunod siya rito dahil sa sinabi.
"Anong trabaho, sir?"
"Be my client's wife," natigilan siya at unti-unting sumilay ang ngiti sa labi niya hanggang sa matawa siya.
"Sir! ikaw pabiro ka talaga! Anong klaseng trabaho 'yon—"
"I'm not kidding. I am finding a woman to be my client's wife for 2 years. For me you're suitable for that, you're pretty and i think your personality too."
Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya dahil mukhang seryoso talaga ang lalaking kaharap niya.
"Are you in or not?"
Umiling siya rito dahil hindi nagpo-proseso sa utak niya ang offer nito.
Naghahanap ito ng babaeng mapapangasawa ng client nito? parang pakiramdam niya ay ibebenta niya ang sarili niya pag pumayag siya.
"No, sir. Pasensiya na po pero hindi ko gusto ang offer mo, salamat na lang po."