Episode 9

810 Words
Althea POV Ang gaan ng pakiramdam kong may napagsabihan ng nakaraan ko. Di ko akalaing kay kuya Marius pa talaga... Masaya akong kasama siya at talagang hanggang matapos ako ay sinamahan nya ako. Sabay pa kaming nag lunch, minsan gusto kong kiligin dahil ang sweet nya rin pala, ang sarap nyang kasama. Pagkatapos kumain ay nag kwentuhan pa kami. Nalaman ko ring may kababata siya na taga probinsya pero wala na daw ngayon sa probinsya yung babae. Inaya rin nya akong pumasyal sa probinsya nila. Noong una ay nag dalawang isip pa ako pero nung sinabi nyang kasama ang mga kaibigan namin ay saka lang ako pumayag. Mukhang masaya naman dun base na rin sa kwento nya, ngayon lang ako makaka punta sa probinsya kung sakali. Nakaka excite... Mag ha-hapon na ng makauwi kami sa mansyon. Di na rin siya nag abalang bumaba dahil dadaan pa daw siya sa opisina nya kaya bumaba nalang ako at nagpaalam. " Salamat sa pag sama po sa akin!" Magalang na pasasalamat ko. " Welcome, hope next time mag kasama pa ulit tayo. Bye for now!" Pamamaalam nya. Gusto kong kiligin, kanina pa yung mga banat nyang yan. Nagkaka gusto na ata ako. Pero hindi pwede, ako lang din ang talo sa huli. Erase erase erase,,, Hindi pwede may naghihintay pa sa akin, hahanapin ko pa siya. Sa kanya ako nakapangako ng pang habambuhay. ... Marius POV Di ko na pansin ang oras ang sarap kasama ng kababata ko. May meeting ako ngayon pero di na ako nakapunta, maraming miss calls galing sa aking secretary. Noong nasa room na si Althea para sa exam saka lang ako tumawag sa aking secretary. " Hello sir, kanina pa po ako tumatawag pero di po kayo sumasagot. Ngayon po ang meeting nyo with Cervantes Company. Kanina pa po siya narito." aniya " Ohhhh s**t di ko na pansin ang oras. Okay can you please tell him na kung makakapaghintay pa siya ay nandyan na ako ng mga 4pm meron lang akong hinihintay". sagot ko " Yes sir tawagan nalang po ulit kita kung ano pong sagot nya." Pinutol ko na ang tawag. Di ko talaga akalain na may makakalimutan ako. Ngayon lang nangyari ito. Pero ang saya ng puso ko. Lalo na kapag napapatawa ko siya bumabalik ang nakaraan. Ang cute nya pa rin parang nung mga bata pa kami. Mabilis lang natapos si Althea kaya inaya ko na siyang umuwi dahil balak kong pumunta sa opisina, hindi ko na mahintay ang tawag ng secretary ko at mukhang nakalimutan nya na naman nai inform ako. Tumatanda na talaga sya.. Kinuha ko si ate Julie na maging secretary ko dahil sa kabutihang loob, siya lang naman ang pinupuntahan namin ni Althea noong mga bata pa kami kapag masama ang loob namin, kapitbahay namin sya sa probinsya lagi nya kaming pinapakain ng iba't ibang pagkain kaya naman lagi na kaming pumupunta sa kanila. Napaka buti nya sa amin. Huling kita ko sa kanya ay noong paalis na sya papunta dito sa Manila para magtrabaho. Mabuti nalang at nag krus ulit ang landas namin. Nag apply siya dito sa Company namin bilang janitress pero ng minsang nakita ko sya at nalaman ko na sya nga si ate Julie sa probinsya, inilipat ko sya bilang secretary ko. Para maiwasan na rin ang tukso dahil kapag dalaga at maganda pa ang kukunin ko sure na naman ang tukso. Nakakatawa man pero ayokong matukso sa iba. Nang makarating ako dito sa opisina ay nakita ko nga si Mr.Cervantes na matiyagang nakaupo dito sa loob ng opisina ko. " Mr.Cervantes good day! I'm sorry if I forgot our meeting today." Bati at hingi ko ng paumanhin sa kanya. " Mr.Buenavites it's fine wala rin naman akong gagawin. Pwede bang huwag na tayo dito mag-usap, let us drink may alam akong bagong bukas na bar. If it's okay to you." mahabang pahayag nya. Hindi na ako tumanggi dahil ako naman ang may kasalanan. Sumakay na siya sa sasakyan nya at sumunod naman ako. Halos kalahating oras lang at nakarating na kami sa tinutukoy nyang bar. Pinarada lang namin ng maayos ang mga sasakyan namin at sabay na kaming pumasok. Maganda itong bar na ito mukhang mayaman lang ang makaka afford sa sobrang ka sossyhan ng lugar. Maya-maya pa ay binigay na ang order naming alak. Ayokong magpakalasing kaya mild lang ang inorder ko. " By the way Mr. Buenavitez regarding sa alok mo gusto ko yun. Ako na ang bibili ng lahat ng bigas na ma produce nyo nitong anihan. Balak ko kasing mamahagi ng tulong sa mga na bagyo kaya kailangan ko ng maraming bigas." aniya " Thank you! Ibibigay ko nalang sayo sa mababang halaga. Ang ganda ng pamamalakad mo sa foundation nyo marami ang natutulungan." sabi ko Marami pa kaming napag-usapan hanggang sa nahagip ng mata ko si Althea... Bakit nandito sya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD