Episode 8

638 Words
Steph POV Gulat na gulat ako sa sinabi ni Greg, mga maids ko pala ang tinutukoy nila na kasama sa swimming sa Batangas, yung time na nakapag sinungaling sa akin si Marius. Ang tinutukoy nya pala na first love nya ay si Althea, di ko mapigilang mag selos. Lalo na't napakaganda ni Althea napaka simpleng tao nya. Sa ilang buwan na kasama ko sya dito sa bahay ay masasabi kong napakasipag nya. Kaya nga nung minsan kong marinig na nag-uusap sila ni Beth na gusto nilang mag-aral ay binanggit ko kaagad sa aking mama kaya siya binigyan ng scholarship. Pero kailangan nya pa munang mag entrance exam kasi yun ang policy ng school ng pamilya namin. Yung school pala na yun ay pag mamay-ari ng magulang ni Marco kaya madali lang din na bigyan ng scholarship si Althea dahil kay Marco dahil mukhang tinamaan ng husto ang loko. " Honey I think sa iba mo nalang ipasabay si Althea bukas." Suggestion ni Marius. " Bakit honey may problema ba? Mas okey siguro na maging close kayo para matulungan mo na rin siyang maka-alala. At kapag nangyari yun saka mo sabihin na ako na ang mahal mo para matapos na rin ang iniintindi mo. Alam kong mahihirapan ka pero tulungan mo siya. Don't worry about me." Mahabang pahayag ko sa kanya. Sa totoo lang takot na takot ako ngayon. Mula kasi ng sinabi nya ang lahat sa akin ay biglang natakot ako sa susunod na mangyayari. Ayokong mawala sa akin si Marius. Pero di naman ako selfish para ipagdamot siya kung siya lang din naman ang susi para maka-alala na si Althea. ... Marius POV Sobrang nagulat ako sa mga sinabi ni Steph sa akin. Ang haba talaga ng pang unawa nya. Akala ko nung ipinagtapat ko sa kanya ang tungkol kay Althea ay di nya na ako palalapitin pa kay Althea. Pero ang gusto pala nya ay ako pa mismo ang tumulong sa babae para maka alala. Kaya mahal na mahal ko si Steph kaya di ko na sya iiwan. Kinabukasan, maaga kong dinaanan si Althea sa mansyon nila Steph. " Good morning po!" bati nya sa akin. Nginitian ko lang sya. Nang bubuksan nya ang pinto sa likod ay inunahan ko na sya. Sabi ko sa harap na siya umupo at baka mapagkamalan akong driver nya na ikinangiti nya naman. Nakita ko na naman ang mga biloy sa pisngi nya. Natuwa rin ang puso ko. Nasabik ako sa kanya. Gusto ko siyang yakapin pero baka magulat siya kaya di ko nalang tinuloy. Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang siya. " Althea can I ask something?" basag ko sa katahimikan. " Sige po!" Tipid niyang sagot sa akin. " May probinsya ka rin ba? Maganda sana kung nextime dun tayo pumunta kasama ng mga kaibigan natin." Sabi ko. " Pasensya na si--sir este kuya sa totoo lang po hindi ko alam. Nagka amnesia po kasi ako." Malungkot na sagot nya sa akin. " Anong nangyari? Naaksidente ka ba? Wala kang maalala kahit isa man lang?" Sunod-sunod na tanong ko. " Wala po maliban sa batang lalaki na pinangakuan ako ng kasal. Gustong gusto ko siyang maalala kaya lang di ko maalala. Ang tagal na panahon pero di ko pa rin siya nakikita." Maluha luha nyang banggit. Masakit para sa aking marinig yun, di ko na matutupad ang pangako ko sa kanya. Hindi ko rin masabi na ako ang batang yun. Di ko kasi alam kung paano ko sa kanya sasabihin. " Alam mo kuya mahal na mahal ko siya, siya lang ang mamahalin ko kaya kapag nakaalala ako ay siya ang una kong hahanapin." Madamdaming sabi nya. " Pero sana po sikreto lang natin to. Di ko rin alam kung bakit naikwento ko sayo." Biglang tawa nya. " Sana nga makaalala kana." Impit na panalangin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD