Episode 10

839 Words
Althea POV Nakauwi na ko dito sa mansyon, ngayon ko lang inopen ang cellphone ko. Masyado akong na busy mag hapon. Nextweek pa malalaman ang result kung nakapasa ako sa entrance exam na yun. Dalangin ko ay makapasa ako para makapag-aral na rin ako ng koleheyo. Gusto kong matupad ang pangarap kong maging isang magaling na Accountant. Pero may second choice ako in case na di ako makapasa eh mag take nalang ako ng agriculture siguro, parang gusto kong matuto sa pagtatanim. Inumpisahan ko ng basahin ang mga mensahe sa cellphone ko. Meron message si nanay, si Gigi at si Beth. Inuna ko ng basahin ang kay nanay. Nanay: Kamusta na kayo dyan ni Beth anak? Agad naman akong nag reply... Me: Ayos lang po inay inalok na rin pala ako ng mga amo namin na makapag-aral kaya po kanina ay nanguha ako ng exam kung makakapasok ako sa University na yun. Sunod kong binuksan yung kay Gigi... Gigi: Ate nasaan ka? Hindi ko na ni replyan. Maya-maya kasi ay magkikita rin kami. Nakakapagtaka lang kanina ko pa hindi nakikita si Beth. Binuksan ko na rin ang mensahe ni Beth... My Best: Girl baka magtaka ka at wala ako pagdating mo. Sumama lang ako kay Tyrone dahil inaya nya akong mag bar... Alam mo naman kung gaano ko siya kagusto kaya sumama ako. (2nd msg) My Best: Maganda itong bagong Bar na pinuntahan namin ang sossy. Kaya lang wala pa yung mga kaibigan nya di ko pa nakikita. (3rd msg) My Best: Girl incase lang na di pa ako makauwi dyan, puntahan mo nalang ako dito sa ******** Bar hahahah, baka kasi malasing ako at masuko ko ang bataan. hahahahaha Nag reply naman ako agad... Me: Beth nandyan pa ba kayo? Sige hintayin mo ako at pupuntahan kita. Hindi ko pwedeng pabayaan ang best friend ko. Ayokong pagsisihan nya kung ano man ang mangyari kaya kailangan ko siyang maiuwi dito bago pa man siya malasing. Hindi ko na inabala ang sarili kong tingnan ulit ang aking cellphone. Nagbihis na ako. Simpleng polo shirt at maong pants lang ang sinuot ko. Nag rubber shoes na rin ako. Nagpaalam muna ako sa aming among babae bago ako pumunta para sunduin si Beth. Nakarating na ako sa sinasabi nyang Bar at namangha ako, sobrang class naman nito at pang mayaman talaga. Hinanap ko agad si Beth pero di ko sya makita. May mga nagsasayawan na, mga babaeng halos nakahubad na. Talagang binabalandra nila ang katawan nila para sa mga lalaking mabibingwit nila. Natawa nalang ako sa sarili ko. Nag uumpisa na ring dagsain ng tao ang Bar. Ang raming nag gwagwapuhang lalaki. Halos lahat masasabi mong mayayaman talaga. Nahihilo na ako kaya napagdesisyonan kong umupo muna. May lumapit naman sa aking lalaki. Matangkad at sobrang gwapo nya rin. Noong una ayoko talagang may ka share sa table. Pero ang sabi nya iisa lang din daw sya, gusto nya lang uminom kahit di daw kami mag-usap, kaya naman pinagbigyan ko na rin sya. Bilang pasasalamat nya ay inorderan nya ako ng Juice. Sinabi ko kasing ayoko ng alak, mabilis kasi akong malasing at kailangan ko pang mahanap yung kaibigan ko. Tinupag nya nga ang sinabi nya, di nya nga ako kinausap kaya naman binuksan ko na lang yung cellphone ko. Tahimik lang din naman syang umiinom. Walang reply si Beth. Ano na kayang nangyari sa kanya. Nagtipa ulit ako ng mensahe para sa kanya. Me: Beth nandito na ko sa Bar na sinabi mo. Saan ka? Para makauwi na tayo. Tiningnan ko ang oras at 11pm na. Masyado ng gabi paano kaya ito di ko man lang napansin ang oras. ... Marius POV Napansin kong parang may hinahanap si Althea kasi kanina pa sya lingon ng lingon. Hanggang sa dumami na rin ang mga tao. Nag umpisa ng umingay ang bar pero di ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya. Hanggang sa nakita kong umupo sya sa pinakadulong table. Medyo madilim sa pwesto nya kaya nabahala ako. Lalapit na sana ako sa kanya pero di ko maiwan si Mr. Cervantes dahil marami pa syang sinasabi pero di ko na maintindihan dahil inuukupa na ni Althea ang isip ko. Maya-maya pa ay may lumapit sa kanya na lalaki. Nag-usap sila, hindi ko naman maintindihan dahil masyado silang malayo sa kinauupuan namin. Hanggang sa tumabi na siya kay Althea. Binigyan nya rin ng Juice si Althea at ininom naman nito. Kanina pa nangangati ang paa ko, gustong gusto ko na silang puntahan pero di ko pa rin magawa. Hanggang sa magpa-alam na si Mr.Cervantes 11pm na masyado na ring late at may pasok pa ako sa opisina bukas. Kaya naman gusto ko na ring umuwi pero bago ako umalis sa Bar na yun ay hinila ko na si Althea, alam kong na bigla sya sa pagkikita namin pero sumama na rin sya sa akin. Sinabi kong ihahatid ko na sya sa mansyon. Pero may napansin ako sa kanya, parang pinagpapawisan sya di rin sya mapakali hanggang sa bigla nya nalang akong hinalikan...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD