Episode 3

709 Words
Beth POV Nasa gitna kami ng dagat ng biglang dumating si kuya Marius. Yun daw ang itawag namin sa kanya at dahil mas matanda naman sya ng dalawang taon sa akin ay kuya nalang din ang tawag ko. Tuwing napapatingin ako sa kanya ay lagi ko syang nahuhuling naka titig kay Althea. Nakakapagtaka talaga mukhang may lihim na pagtingin sya sa best friend ko. Hindi maaari na mahulog ang loob nya kay Althea masasaktan lang ang kaibigan ko. Masyadong malayo ang agwat ng pamumuhay nila sa amin kumpara kay ma'am Steph. Mas nababagay sila kesa kay Althea sana lang talaga di rin mahulog ang loob ng best friend ko kay kuya Marius. ... Althea POV Bigla akong natulala ng makita ko sya, totoo bang nandito sya? Ano kayang nangyari ba't ang bilis naman ata nila ni ma'am Steph at talagang humabol pa sya dito eh ang layo rin ng Batangas. "Bro you're here! What happened bakit di mo nalang sinama si Steph dito para naman maka pag enjoy din?" tanong ni Joseph ng makarating na sya sa cottage namin. "May emergency meeting si Steph, nagpahatid lang sya sakin. Kaya humabol nalang din ako papunta dito besides wala naman akong gagawin today." sagot naman nya. "Oh hi Althea." baling nyang bati sa akin. "Hi..." tipid na sagot ko naman at saka umiwas na ako ng tingin. Pinili ko nalang ding tapusin ang kinakain ko at ng maka pag swimming nalang ulit. Nakaka pressure ang titig nya sa akin naiilang akong tingnan syang pabalik. Habang nasa dagat ako ay panay naman ang biro at tukso sa akin nila Beth at Gigi. Naiwan kasi si Cindy sa cottage dahil magka-usap sila ni Greg ngayon. Itong dalawa namang kasama ko kanina pa nagtutuksuhan, kesyo si Beth daw kay Tyrone, si Gigi naman kay Joseph at pati ako ni link kay sir Marius. Tapos bigla pa silang magpapa sad face kasi nga taken na daw si Sir Marius. Hahaha nakakaloka talaga sila. Kanina pa nila ako pinapa amin kung crush ko daw ba si sir Marius. Sa totoo lang siguro nga gusto ko na sya pero iba ang sinagot ko sa kanila. Ang sabi ko di ko sya type, hindi ganun ang ideal man ko. Lahat ng wala sa katangian nya ay yun ang sinabi ko. Sabi ko ayoko ng may lahing banyaga at mas ma edad sakin di ko talaga sya magugustuhan kasi kabaligtaran nya ang gusto ko sa lalaki. Ayoko rin ng sobrang yaman gusto ko yung tama lang yung kaya nya lang akong buhayin ayos na sakin yun. ... Marius POV Kanina ko pa nakitang nagbibiruan ang mga girls kaya pa simple akong lumangoy malapit sa kanila. Kami palang magkakaibigan ang pinag usapan nila. Napag alaman ko na may gusto pala si Beth kay Tyrone, si Gigi naman kay Joseph pero noong tinukso na nila si Althea sa akin bigla akong nalungkot dahil ang layo ko pala sa ideal man ni Althea halos lahat ng meron ako ay ayaw nya. Nasaktan ako sa mga sinabi nya. Ine-expect ko pa naman na may gusto rin sya sakin. Ang gusto kong marinig mula sa kanya ay kung paano nya ako ka gusto. Pero di yun ang narinig ko. Kaya nga lumangoy nalang ulit ako pabalik sa cottage namin. Buti nalang at may dala silang beer, dun ko nalang binuhos ang sama ng loob ko. Bakit ako nagkaka ganito? Sa ego ko ba? Pride na mareject? Oh dahil may gusto na ako sa kanya? Marami na akong nainom, nag iba na rin ang mood ko. Bumalik ako sa pagiging seryoso, yung tipong pati mga kaibigan ko ay ayaw ko ring kausapin. "Marius pwede bang tama na yang pag inom mo? Baka malasing ka..." "Ano bang pakialam mo pwede ba wag nyo akong pakialamanan." pa sigaw na sagot ko sa nagsabi sa akin non. Pero bigla akong napatingin sa nagsalita bigla kasi syang humikbi. Umiiyak ba sya? Shit talaga! Nung nilingon ko ay patakbo na si Athea palayo. Di ko namalayan na nasa pampang na pala yung cottage namin. Kanina lang nasa gitna pa kami ng dagat... Ako nalang din ang sakay ng floating cottage na ni rent ni Greg, wala na rin yung mga gamit namin. Kaya pinilit kong tumayo medyo nahihilo pa ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD