Episode 2

362 Words
Althea POV Ngayon ang araw na napag-usapan. Inaya ulit kami ni Cindy na mag outing. Ilang linggo lang kasi nya makakasama ang kanyang boyfriend dahil babalik na naman ito sa ibang bansa sa susunod na buwan. Excited ang tatlo, makikita na naman nila ang mga nagpapatibok ng puso nila. Mukhang mag sosolo ako, kasi ang sabi ni Cindy eh di daw makakasama si sir Marius. Bigla daw nagsabi sa mga kaibigan na may pupuntahan sila ni ma'am Steph. Nag-assume agad ako na sya ang makaka pareho ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nalungkot. Eh kung tutuusin eh dapat lang naman nyang unahin ang kanyang nobya bago ang iba. Wala naman akong karapatan na mag emote kasi di naman ako ang girlfriend nya. Sasakyan na ni Greg ang ginamit namin papuntang Batangas. Halos ilang oras din bago kami nakarating. Nakatulog pa nga ako sa byahe. Pagkagising ko ay yun naman ang paghinto ng aming sinasakyan. Nasa Batangas na kami dahil nalalanghap ko na ang hanging galing sa dagat. Pagkababang pagka baba ko ay inikot ko ang aking paningin. Marami rin palang pumupunta dito pero karamihan ay mga torista. Habang naghihintay kami ng aming floating cottage na request ni Cindy ay dumating na rin ang dalawang kaibigan ni Greg, si Joseph at Tyrone. Medyo na dis-appoint talaga ako. Wala kasi si sir Marius sa totoo lang nakakalungkot. Sumakay na kami sa floating cottage, nakaka amazed kasi hinila kami sa gitna ng dagat mas maganda pala talaga ang view dito kesa sa pampang lang kami. Habang inaayos namin ang mga dala naming pagkain ay may lumapit sa aming cottage na mga staff ng resort at binigyan nila kami ng life vest isa-isa. Ang raming activities na pwedeng gawin sa dagat. Mag-eenjoy talaga ako nito. Ang sarap ng sariwang hangin. Tanghali na kaya napag pasyahan namin na kumain muna ng tanghalian. Kumakain na kami ng biglang may pamilyar na boses akong narinig na tumatawag kanila Greg palapit ng palapit ang tinig. Nakatalikod kasi ako sa tumatawag kaya di ko pa sure kung tama nga ang hinala ko. Hanggang sa paglingon ko ay nagtama ang mga mata namin ni Marius. Oh bakit bigla syang nandito???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD