Episode 4

1178 Words
Marius POV Salamat talaga sa mga kaibigan ko dahil sa sobrang kalasingan ay sila na rin ang nagdala sa akin sa Hotel kung saan kami mag papalipas ng gabi. Maluwang ang kwarto kaya naman tatlo kami nila Tyrone at Joseph na magkakasama sa isang room. Si Greg at Cindy kasi ay humiwalay ng kwarto. Yung tatlong babae naman ay isang kwarto rin ang sa kanila. Nagising ako 9pm na, wala na ang mga kasama ko. Saan kaya nagpunta ang mga yun? Nagutom ako bigla, naalala ko di nga pala ako nakakain ng tanghalian dahil nga sinundan ko sila Althea sa pag swimming. Tanging beer lang ang laman ng tiyan ko. Naligo muna ako bago ko ni-check ang phone ko. May mga miscalled sakin si Steph then ilang text. May text din si Greg kaya naman yun ang una kong binasa. Nang buksan ko ang mga text ni Steph karamihan ay tinatanong if nasaan ako. Bakit hindi daw ako nakipagkita sa kanya? Kaya tinawagan ko na lamang sya. "Hello honey! What happened bakit di mo ako pinuntahan? What are doing? Hinintay ka pa naman nila Daddy kanina akala nila sabay-sabay tayong mag lu-lunch." Tuloy-tuloy nyang tanong. "I'm sorry honey my urgent meeting kasi kami out of town, di na rin kita natawagan kanina dahil naiwan ko pala itong phone ko sa sasakyan. Mabuti nalang at ibinalik ni Mang Cardo dito sa akin. Kahit nakarating na sya dyan sa Manila." alibay ko "Kumain ka naba? Huwag kang magpapalipas ng gutom. Maybe on Tuesday babawi ako sayo sorry again hon I love you!" sabi ko pa "I love you too honey take care always. Sige ibaba ko na tong tawag. Good night!" narinig kong sagot ni Steph Mukhang malaki ang tampo nya sa akin. Kasi sa tuwing magka-usap kami ay halos ayaw nyang ibaba ang tawag ko. Di bale babawi nalang talaga ako sa kanya. Susuyuin ko nalang ulit sya. ... Steph POV Tumawag sa akin si Marius para mag explain pero bakit iba ang sinabi nya sa akin na reason kung bakit di nya kami sinipot ng mga magulang ko. Ito ang araw ng monthsary namin 7months na kami pero mukhang nakalimutan nya. Ang sabi nya urgent meeting. Pero katatawag ko lang kay Tyrone at nasa isang resort daw silang magkakaibigan for fun not urgent meeting na sinasabi ni Marius. Tinanong ko naman si Tyrone if may girls silang kasama pero according to him ay ang girlfriend lang daw ni Greg ang kasama nila. I'm not sure if totoo ba. At saka bakit naman magpapakalasing si Marius ng todo na to the point na di na nya kaya pang tumayo? Ang pagkakakilala ko kasi sa kanya ay hindi sya mahilig sa alak. So anong problema nya? Kaya daw di nya sinasagot ang mga calls ko dahil sa kalasingan. Anong nangyayari sa kanya? This is the first time na nagsinungaling sya sakin. Pwede nya naman sakin sabihin ang totoo dahil maiintindihan ko naman sya. Ganun ko sya kamahal kayang kaya ko syang intindihin. Hindi rin naman ako mahigpit sa relasyon namin kaya I think di ko naman sya nasasakal. Malaki ang tiwala ko sa kanya. Never ko naman naramdaman na niloloko nya ako because dati pa man kahit marami ang lumalapit na girls sa kanya ay sya pa mismo ang lumalayo and kapag kasama nya ako always nyang sinasabing taken na sya at ako nga ang girlfriend nya. Ganun sya ka proud na ako ang kasintahan nya. Pero bakit ganun? Iba ang pakiramdam ko ngayon. Meron na kaya syang ibang pinag kaka abalahan? Sana naman wag babae, dahil kung mangyari man yun kakalbuhin ko talaga ang babaeng ipapalit nya sakin. ... Althea POV Nasaktan ako ng bigla akong sigawan ni sir Marius. Ewan ko ba, nakakatakot siya. Iniisip ko baka ayaw nyang tawagin ko sya sa pangalan nya kaya sya nagalit. Bakit ba naman kasi natawag ko lang syang Marius eh sabi nya nga kuya Marius daw ang itawag namin sa kanya. Hayyyysssst, di ko napigilang umiyak kanina. Buti nalang at walang nakakita sa akin kung hindi sigurado ay puro tanong na naman ang maririnig ko sa kanila. Hindi ako nakapag hapunan kanina dahil wala talaga akong gana. Itinulog ko nalang ang sama na nararamdaman ko. Ika 9pm na pala ng gabi ginugutom ako, buti nalang itong hotel na kinuha nila Cindy eh parang bahay at ang sosyal kompleto Ang gamit sa loob meron ding sariling kusina. Pwedeng tirahan. Papunta na kong kusina ng biglang may narinig akong nagluluto kaya sumilip ako. Si kuya Marius pala ano kaya ang niluluto nya?Mukhang masarap kaya kakalimutan ko na muna yung nangyari kanina. At saka mukhang di nya naman maalala yun dahil sobrang lasing nga sya. Magpapanggap nalang akong wala akong sama ng loob sa kanya. Hehehe kaya nilapitan ko na sya. "Hi kuya ano pong niluluto nyo?" tanong ko sa kanya? Mukhang nabigla sya sa tanong ko. Kasi lumaki pa ang abong mga mata nya. "Oh akala ko kasama ka nila sa baybayin ngayon? Nandun na kasi sila Greg nag message sila sakin na sumunod ako. Pero nagugutom na kasi ako kaya nagluto nalang ako dito. Gusto mo ba? Kumuha ka ng plato mo at sabay na tayong kumain." utos nya pa sa akin. Grabe ang daming sinabi. Tama nga ang hinala ko di nya natandaan yung nangyari kanina. Buti nalang talaga. Kaya naman dali-dali akong kumuha ng plato ko at sabay na nga kaming kumain. Tahimik lang syang kumakain kaya naman di na rin ako nagsalita hanggang sa matapos kami. Ako na rin ang nagprisinta na maghuhugas ng pinag kainan namin. At pumayag naman sya. Nagpaalam na sya sa akin na magbibihis lang at sabay na daw kaming pumunta kung nasaan sila Cindy. Wala naman akong pamimilian dahil wala man lang ka text text sa akin ang mga bruha. Kaya di ko alam kung nasaan na sila ngayon. Sasabay nalang ako kay sir Marius. Habang naglalakad kami ay biglang umihip ang malamig na hangin. Ano ba naman yan sa dami ng makakalimutan ko eh yung jacket ko pa talaga. Niyakap ko na lamang ang akin sarili dahil sa lamig habang naglalakad kami. Ngunit biglang naibsan ang lamig na nararamdaman ko. Nakita ko nalang na nasa akin na ang jacket na gamit ni sir Marius at talagang inilagay nya pa sa ulo ko ang hood para daw di ako sipunin. Wwwwooooooohhhhhh..... Ang sssswwweeeet kinilig talaga ako, pero syempre di ko pinahalata. Sobrang saya ng puso ko. Sana all... Sana makahanap ako ng lalaking kasing gentleman ni sir Marius... Nagpasalamat naman ako sa kanya, nakita ko rin ang simpleng pag ngiti nya. Grabe ang gwapo nya talaga, nahuhulog na yata ako sa kanya. Pero kailangan kong pigilan to habang bago pa lang dahil tiyak ko kasing ako lang ang masasaktan sa huli. Alam ko naman kung gaano ka mahal ni sir Marius si ma'am Steph at saka napakabuti ni ma'am Steph sa aming mga maid nila. Kaya di ko kayang saktan ang damdamin nya. Sabagay di naman mangyayari yun dahil wala namang pagtingin sa akin si sir Marius hanggang sa ilusyon lang talaga ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD