Marius POV
On the way na kaming opisina nila Steph. After naming mag breakfast inaya nya na akong umalis. Halos kalahating oras din bago kami bago nakarating sa opisina nila. Sobrang traffic di na talaga nagbago ang Manila ang lapit lang ng pupuntahan pero ang tagal ng biyahe.
Honey I think hanggang dito na lamang ako. Di na kita mahahatid sa taas. May text ang aking secretary may appointment pala ako kay Mr. Villegas now.
"It's okey honey. Drive safe. Bye!" paalam ni Steph bago ako halikan. Kumaway pa sya sakin ng paalis na ang sasakyan ko.
Nasabi ko na rin kay Steph ang tungkol kay Althea na kababata ko at sa Althea na maid nila. Hanggang ngayon hinihintay ko pa rin ang report sa akin ng inutusan kong imbestigahan ang pagkatao ni Althea na nakilala ko bilang kasambahay ng aking girlfriend.
At ngayon nga ay tumawag na at gusto nyang makausap ako ng personal.
Di ko na sya pinapunta sa opisina ko dahil masyadong malayo pa para sa akin, mas matatagalan akong makarating kaya naisip kong magkita nalang kami sa isang coffee shop.
"Mr. Buenavitez good day!" Bati nya sa akin.
"Mr. Villegas." Sabay shake hands namin.
"Meron ka na bang nalaman na impormasyon about Althea Rivera?" Tanong ko agad pagkatapos kong umorder ng maiinom namin.
"Yes, nasa loob ng envelope na lahat ng mga na kuha kong impormasyon, meron din yang picture noong napunta sya sa poder ng mga Rivera." sagot nya.
"What do you mean na napunta sya sa mga Rivera?" takang tanong ko.
"She is adopted sir at age of 12. Nakita daw ng anak nilang si Bethany na palaboy laboy si Althea kaya inampon nila. Nakausap ko mismo ang magulang ni Bethany. Meron daw amnesia si Althea ma pa sa hanggang ngayon dahil wala syang maalala maliban sa pangalan at ang kaarawan nya." mahabang pahayag pa nya.
After naming mag kape ay nagpaalam na ako.
"Okay thank you for the information babasahin ko nalang itong laman ng envelope sa opisina ko na. I have to go. My full p*****t will deposit to your bank later." pamamaalam ko.
"Copy sir, call me if you have any questions about that. Thanks again." sabay shake hands ulit namin.
Habang nasa daan ako ay di ko maiwasang mag isip. Kung sakaling sya nga ang Althea na kababata ko ano ang dapat kong gawin? Wala rin syang maalala. Paano kung maalala nya ang lahat? Lalo na ang pangako ko sa kanya. Paano kong tutuparin ito gayung balak ko ng ayain ng kasal si Steph. Malaking gulo ito kung sakali. Alam ko sa sarili ko na mas mahal ko ang kababata ko kesa sa aking kasintahan kaya't natatakot ako sa resulta ng pagpapa imbestiga ko.
Nakarating ako sa aking opisina na yun pa rin ang laman ng isip ko. Agad akong binati ng aming guard at mga empleyado at tango lamang ang tanging sagot ko sa kanila.
"Miss Diana please cancel all my appointments today. Wag ka ring magpapasok sa aking opisina kahit sino. Understand?
"Yes Sir!" maikling tugon ng aking secretary sabay yuko.
Binuksan ko ang envelope na binigay sa akin at inisa-isa kong binasa. Nakita ko rin ang picture nya nung bata. Tama nga ang hinala ko, siya nga ang Althea ko... Kaya iba talaga ang pakiramdam ko noong una ko syang matitigan sa mansyon nila Steph. Mas gumanda pa sya ngayon. Kung alam ko lang na buhay sya sana noon ko pa sya hinanap. Bakit may bangkay ng bata na kasama ng magulang nya. Sino ang gumawa nun? Bakit magka match sila ng DNA sample? Sino ang nasa likod nito? Hindi kaya sinadya ang lahat para paghiwalayin kami?Pero mga bata pa kami noon bakit naman gagawin yun kung sino man sya. Ang raming tanong sa isip ko ngayon. Gulong gulo ako. Pero sa kabilang banda sumaya naman ang puso ko. Alam kong buhay ang first love ko....