Althea POV
Tuwang-tuwa ako pagkatapos akong kausapin ni Senyora. Inalok nila ako ng scholarship, meron rin pala silang pag mamay-ari na school at doon pinapapasok lahat ng scholar nila. Hindi ko na tinanghihan ang alok dahil yun naman talaga ang dahilan kung bakit kami naghanap ng trabaho ni Beth. Hiling ko lang na sana ay alukin din nila si Beth para sabay na kaming papasok sa college.
Masaya kong binalita ito kay Beth at tuwang-tuwa rin sya para sa akin. Malaking tulong ito para sa mga pangarap ko.
"Girl kagabi nanaginip ka, may tinatawag ka... Anong napanaginipan mo at bigla ay nagsalita ka nalang?" Birong tanong niya sa akin sabay ngisi.
"Wala akong matandaan, bakit ano bang sinabi ko? Tanong ko naman sa kanya.
"Hhhhmmmmp ewan ko kung makakatulong to sa pag-alala mo sa nakaraan pero sige sasabihin ko para dagdag sa iisipin mo hehehe." sabi pa nya.
"Ano nga yun Beth?" seryosong tanong ko.
"Ang sabi mo M.A. sana tuparin mo yung pangako mo sa akin. Babalikan mo ako. Hihintayin kita."
sabay aksyon nya na nag da-drama...
"Hahaha galing mo mag biro..." Sabay palakpak ko naman.
Sino naman kaya si M.A. yun na kaya yung batang lalaki na lagi kong napapanaginipan?
Saan ko naman kaya siya makikita. Ni hindi ko sya matandaan. Sana maka-alala na ako.
Natapos ang araw na yun lang ang nasa isip ko. Ang sakit sa ulo di rin pala magandang pilitin na pabalikin ang alala mas lalong di ko maalala. Maaga na rin akong nagpahinga.
Kinabukasan, maganda na ang pakiramdam ko. Kumain muna kami ng almusal bago sinimulan ang aming trabaho. Maya-maya ay may narinig akong mga dumarating. Kaya agad akong lumabas para tingnan ang mga bagong dating. Nagulat ako sa mga kasama ni ma'am Steph, sila kuya Marius, Greg, Tyrone at Joseph lang naman. Bigla akong kinabahan. Alam kaya nila na maid lang kami dito? Alam ko si Greg at kuya Marius alam pero si Tyrone at Joseph kaya?
"Beth bilisan mo nandyan sila Tyrone kasama ni ma'am Steph?" Patakbong tawag ko sa kanya.
Sobrang natataranta ako, kinakabahan na di ko alam ang gagawin ko. Bakit ano ang ginagawa nila dito?
"Sinabi ba ni Cindy na dito tayo namamasukan?" Balik na tanong ni Beth sakin.
"Bakit ako ang tinatanong mo? Nasaan ba si Cindy?" Napataas ang boses ko sa pagtatanong.
"Si Cindy nasa school pa yun ga-graduate na siya kaya sure na di na natin siya laging makikita dito." Sagot ni Beth.
"Uy Althea hinahanap ka ni ma'am Steph ikaw daw ang mag serve sa kanila ng pagkain." singgit na salita ni Gigi na kina bigla ko.
"Alam mo ba kung sino ang mga bisita ni ma'am Steph?" Tanong ko sa kanya.
"Oo sila kuya Marius, wooooohhhh nakita ko na naman si Joseph my gosh ate Beth sumilip ka nandun rin si Tyrone." Kilig na kwento ni Gigi.
"Di halata na kinikilig ka noh?" Sabat ni Beth na naka ngisi pa.
"Oh sige maiwan ko muna kayo dyan aasikasuhin ko na muna sila." Paalam ko naman.
Dala-dala ko na ang isang tray na may lamang isang pitsel ng Juice at 5 baso. Yung isang kasamahan ko naman ang may bitbit ng slice cake na nakalagay sa 5 platito.
"Althea nandito ka na pala. Halika may sasabihin ako sayo." Paanyaya ni ma'am Steph sa akin.
"Ano po yun ma'am?" Tanong ko sabay lapit sa kanya.
" Magandang araw po sa inyong lahat!" Bati ko naman sa apat.
"Nice meeting you again Althea." sabay ngiti ni Greg.
" Kapag may time ulit at di busy sa Company ulitin natin yung vacation atleast 2 or 3 days man lang." Singgit ni Tyrone.
"Oh kakilala nyo si Althea? Takang tanong ni ma'am Steph.
"Yes Steph! Sorry if di ko na sabi na girlfriend ko si Cindy, ayaw nya kasing banggitin ko hangga't di pa daw siya nakakapagtapos ng pag-aaral." si Greg
"Oh really? Wow nice maganda at sexy naman si Cindy at sa ugali sobrang bait at sipag nya kaya wala namang problema sakin." Sagot ni ma'am Steph na naka ngiti.
" So you mean guys sila ang kasama nyo sa Batangas?" Dagdag na tanong pa ni ma'am Steph
"Yeah!" Maikling sagot ni kuya Marius.
" So siya ang Althea na sinasabi mo sa akin honey?" Bulong ni ma'am Steph na di ko naman naintindihan dahil nag kanya-kanya na sila ng usapan.
" Ma'am Steph excuse po, tanong ko lang po sana kung bakit nyo ako pinatawag?" Singgit na tanong ko kay ma'am Steph.
"Di ba Althea tomorrow pupunta ka sa school for entrance exam? I think much better if si Marius na ang kasama mo. Sumabay kana sa kanya." aniya
Tumango nalang ako at ngumiti sabay paalam ko na sa kanila. Naiilang talaga ako sa titig ni kuya Marius di ko maintindihan din ang sarili ko nung mag kausap sila ni ma'am Steph at simpleng nagtatawanan. Naiinis ako. Lalo na ng makita ko ang kamay ni kuya Marius na nasa beywang ni ma'am Steph gustong gusto kong alisin. Di ko alam pero feeling ko nagseselos ako...