Episode 5

614 Words
Marius POV Tapos na ang isang araw na bakasyon. Bakasyon nga bang masasabi yun? Marami akong nagawang mali, nakapag sinungaling pa ako sa aking kasintahan. Papunta ako ngayon sa mansyon nila Steph, pero bago ako pumunta dun ay dumaan muna ako sa isang sikat na flower shop nagpagawa ako ng bulaklak na kakaiba ang arrangement para naman maging special kapag binigay ko sa mahal ko. Ipagtatapat ko na rin lahat sa kanya ayokong lokohin sya dahil maling mali na nag sinungaling ako sa kanya. Di nya deserve yun. Pag tapat ko pa lamang sa malaki nilang gate ay pinagbuksan na ako ng kanilang security guard. Bumati rin sya ng isang magandang umaga at ngumiti lang ako ng tipid. Paglabas ko ng aking sasakyan ay sinalubong na ako ni Steph niyakap nya ako at hinalikan sa labi, tinugon ko naman ang kanyang mainit na halik. Nang bumitaw sya sa aming halikan ay kinuha ko na ang bulaklak na ibibigay ko sa kanya. "Honey for you. I'm sorry again." simula ko "It's okey honey I understand. But please contact me first if may urgent meeting ka para alam ko." sabi nya pa "Can we talk? May gusto sana akong ipagtapat." sabi ko sa kanya. "Yah sure. Dapat na ba akong kabahan? hehehe" biro nya pang sabi. "No honey don't worry. I love you and always remember that." sabi ko ulit "Let's go in my room para makagayak na rin ako at makapunta na sa opisina." aya nya sa akin "Nakapag breakfast ka na ba? After kong mag bihis then we will eat first bago tayo umalis." aniya Habang paakyat kami ay nasalubong namin si Althea at binati nya kami ng magandang umaga at saka yumuko, nginitian lang sya ni Steph kaya hindi na rin ako bumati pabalik sa kanya. Ikwenento sakin ni Steph na pinatawag daw ng mommy nya si Althea para alukin ng scholarship. Hanggang highschool lang pala ang natapos nya at balak nyang mag-aral ng college. Iniisip ko pa lang na marami syang makikilalang lalaki sa school na papasukan nya ay sobrang naiinis na ako. Hindi ko na naman maintindihan itong nararamdaman ko ang mahirap pagdating kay Althea nawawala ako sa sarili. "Honey ano nga pala ang ipagtatapat mo?" tanong ni Steph bago kami pumasok sa kwarto nya. Naupo muna ako sa sofa nya at sya naman ay sa kama bago ako nagsalita. "Honey about the urgent meeting na nasabi ko sayo I'm sorry that is not true. I lied. And I'm very sorry about that. Nasabi ko lang yun kasi para di kana magtanong pa. Actually kasama ko sila Greg, Joseph and Tyrone nagpunta kami sa Batangas kasama namin yung girlfriend ni Greg with her friends. "What? You mean di lang kayong magkakaibigan ang magkakasama? Yung friends ba nung sinasabi mong girlfriend ni Greg is all girls?" medyo tumaas ang boses nya. Nabigla sya sa sinabi ko. "Yes all girls." agad na sagot ko Kita ko ang pag seryoso ng mukha ni Steph, alam kong galit sya ngayon at mababakasan ng selos. "Bakit Marius may nagustuhan ka ba sa kanila?Ilang beses mo ng na meet ang mga yun? Kaya ipinagtatapat mo yan dahil iiwan mo na ako?umiiyak na sabi nya. "No no please don't cry. I said I love you. Ikaw lang ang gusto ko. Huwag mong isipin na ipagpapalit kita. Di ko rin alam bakit ako nakapag sinungaling sayo di ko sinasadyang saktan ka. Mahal na mahal kita. Please please!" sabay halik ko sa noo nya ng paulit-ulit. Nalungkot ako dahil nasaktan ko si Steph pero gusto ko na ring ikwento sa kanya yung nakaraan ko. Yung una kong minahal para kung sakali man na tama ang kutob ko ay maintindihan nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD