Episode 11

889 Words
Marius POV Sa sobrang gulat ko ay naipreno ko ang sasakyan. Kaya biglang nahinto rin siya sa ginagawa nya. Ibang pakiramdam yung halik na yun. Ang bilis pero nagawa nyang painitin ang buong katawan ko. Sobrang nabitin ako. Gusto ko sanang halikan siya pero di ko ginawa ayokong magkasala. " Sorry kuya sobrang init, parang may hinahanap ang katawan ko. Please tulungan mo ako." pagmamakaawa nya. Di siya lasing pero ramdam ko ang paghihirap nya. Parang gusto nyang hubarin ang polo shirt na suot nya, pinigilan ko lang sya. Kaya minadali kong maiuwi siya. Pero imbis na sa mansyon nila Steph ay sa penthouse ko siya idinala. Doon na muna siya baka kung ano pang mangyari kung iuuwi ko siya sa mansyon. Bumaba na kami sa sasakyan. Inalalayan ko siya kasi nasa 10th floor pa ang penthouse ko. Pagdating namin sa penthouse ko ay pinaupo ko muna siya sa sofa at kinuhanan ng malamig na tubig. Ininom nya naman to, hindi talaga sya mapakali kaya sinabihan ko na rin siya na maligo para malamigan siya. Sandali akong nagpaalam para kuhanan siya ng comportableng damit para sa kanya. Sa guestroom ko siya pansamantalang pinatuloy. Lumabas na muna ako para kunin ang susuotin nya. Dahil wala naman akong damit na pang babae dito ay t-shirt na cotton at boxer na di ko pa nagagamit ang ipapagamit ko sa kanya. Hindi na ako kumatok sa guestroom, di ko rin naman na isinarado kanina dahil babalik pa ako para ibigay to. Pag pasok ko ay yun din ang paglabas ni Althea sa banyo. Sa sobrang pagkabigla nya ay nalaglag ang towel na nakabalot sa kanya. Natulala ako. Di ko agad naalis ang mga mata ko sa maganda nyang katawan napakakinis niya. Di ko inaasahan na iba ang magiging reaction ng katawan ko sa nakita ko. Bago nya pa makita na nakatingin ako sa kanya ay dali dali kong iniba ang tingin ko. Nakita ko pang dali dali nya ring pinulot ang towel at humingi ng paumanhin. Iniabot ko lang ang damit na gagamitin nya at nagpaalam na akong lalabas. ... Althea POV Sobrang nahiya ako sa mga nangyari, nandito ako ngayon sa kwarto na pinahiram ni kuya Marius. Di ko sukat akalain na magagawa ko sa kanya yun. Natatandaan ko lahat ng ginawa ko at sobrang hiyang hiya ako. Hinalikan ko siya sa loob ng sasakyan at nakita nya pa yung hubad kong katawan. Baka isipin nyang inaakit ko sya. " Hayyyysssstttt ang tanga tanga ko talaga, napaka pabaya ko!" pagsisising usal ko. Nagtataka lang ako bakit nakaramdam ako ng ganun mabuti nalang at nakaligo ako ng malamig na tubig at naibsan ang init ng katawan ko. Kinaumagahan ay maaga akong nagising, pinagluto ko si kuya Marius bilang pasasalamat sa ginawa nyang tulong sakin. Sinangag ko yung kanin, nag prito na rin ako ng sausage at itlog at pinag timpla ko na rin sya ng kape. Nang matapos ko ay pinuntahan ko sya sa kwarto nya. Bago ako kumatok ay huminga muna ako ng malalim. (tok..tok..tok) Binuksan nya naman ang pinto at tamang tama lang pala ang pag punta ko dahil mukhang palabas na rin sya, nakabihis na siya ng pang office. Inaya ko na syang mag almusal at sabay na kaming kumain. Makikita sa mukha nyang na tuwa sya sa ginawa ko. " Ngayon lang ako nakakain ng sinangag, masarap rin pala... Hehehe" ngisi nyang biro sa akin. Tumango lang ako. " Kuya yung nangyari nga pala kagabi sorry at thank you." Hinging paumanhin ko. " No worries, advise ko lang nextime huwag kang pupunta sa ganung lugar specially kung mag-isa ka lang. Baka may masamang mangyari sayo doon." Payo nya naman sakin. " Opo kuya! Hindi naman po talaga ako pumupunta sa ganoong lugar kung hindi lang dahil sa kaibigan kong si Beth." Naku po si Beth nga pala!!!" Nakalimutan ko nga pala, si Beth ang dahilan kung bakit ako nasa lugar na yun. Pagkatapos namin kumain ay hinanap ko na ang aking cellphone. Tiningnan ko kung may mensahe sakin si Beth. My best: Sorry girl di kita na replyan. Nandito na ko sa mansyon. Nasaan ka na? Tiningnan ko ang oras 11pm. Buti nalang at nakauwi na sya at walang nangyaring masama sa kanya. Hindi na rin ako nag reply dahil pauwi na rin naman ako. Sumabay na rin ako kay kuya Marius pero di na ko nagpahatid mismo sa mansyon kasi alam kong lalayo pa si kuya Marius kaya nag decide nalang ako na mag taxi, pumayag rin naman sya dahil maaga pa daw ang meeting niya. Pagkarating na pagkarating ko sa mansyon ay nakita ko si Beth. Bakas sa mukha nya ang pag-aalala. " Sus girl saan ka ba nag punta? Magdamag akong di nakatulog kahihintay sayo. Buti nalang at nakauwi kana. Malapit na kitang ipa report sa pulis para hanapin ka as missing person" Huhuhu mahigpit na yakap nya sa akin. " Ang OA mo Beth. Ikaw nga ang hinanap ko. Bakit wala ka naman sa sinabi mong Bar? Tanong ko sa kanya. " Ah pumunta ka ba dun? Lumipat kami, nag text kasi yung friend ni Tyrone na sa ibang Bar sila kaya lumipat kami." Paliwanag nya. " Nag text ako sayo di mo natanggap?" " Halla wala akong natatanggap." Sagot nya. Pagkatapos naming mag-usap ay nagbihis lang ako at nag umpisa na kaming magtrabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD