Episode 12

912 Words
Marius POV Isang buwan na ang nakalipas mula noong nangyari yun. Nagpaka busy ako sa Company. Pero di ko pa rin naman nakakalimutang bigyan ng oras si Steph. Sinabi ko na rin pala ang plano na bakasyon namin sa probinsya namin. Tamang tama at mag susummer kaya itataon kong anihan para naman makita nila ang pag-aani ng palay. Nandito ngayon sa Opisina ko ang makukulit kong kaibigan. " Bro regarding in your plan, isasama ba natin sila Beth?" Tanong ni Tyrone. Mukhang may bago na naman syang gusto. Siya kasi sa magkakaibigan ang playboy, maraming dumaraan na babae sa kanya at halos lahat fling lang. Nag-aalala ako para kay Beth dahil mukhang sya ang flavor of the week ni Tyrone. Pero mas nag-aalala ako sa mararamdaman ni Althea kung sakaling lokohin ang kaibigan nya. " I think mas maganda kung marami tayo kaya invite nyo rin si Cindy at Gigi. Alam na ni Steph yung balak ko, nasabi ko na kanina.. Besides nasabihan ko na rin naman si Althea last month pa. Biglang tumingin silang lahat sa akin na may pagtataka. " Why??" Tanong ko sa kanila. " Really bro mas nauna mong sabihan si Althea sa plano mo bago si Steph??" Takang tanong ni Joseph. Hindi pa nga pala nila alam na yung dating kwenento kong kababata ay natagpuan ko na. Alam nilang lahat ang paghihirap ko nung nawala si Althea at nalaman kong patay na sya. Ano kayang sasabihin nila kung ipagtapat ko sa kanila ang totoo? " Yeah sya ang una kong inaya na mag bakasyon sa probinsya. Why may problema ba?" " Wala namang problema dun, nahahalata lang namin na mas napapalapit ka ata kay Althea?Bro alalahanin mo may Steph ka na. Kung sakaling may iba ka nang nararamdaman kay Althea please lang ayusin mo muna ang sa inyo ni Steph mahirap na kapag pinag sabay mo. Halata kasing may gusto rin si Althea sayo." sabi ni Greg. " Paano mo namang nasabi na may gusto sya?Eh kailan lang sinabi nya na hindi ako ang tipo nyang lalaki." takang tanong ko. " Ayoko ring pangunahan pero yun kasi ang nakita ko nung nasa Batangas tayo mukhang may gusto sya sayo." aniya pa Dahil malapit ng mag uwian, inaya ko sila sa bagong bukas na Bar para ipagtapat sa kanila yung tungkol kay Althea. Mabilis lang kaming nakarating dahil wala namang traffic. " Bro ang ganda dito," bulalas ni Joseph Nasa VIP room kami ngayon dahil ayaw ko ng maingay, gusto kong humingi rin ng opinyon sa mga kaibigan ko kung anong dapat kong gawin. Umorder na kami ng mga inumin. " Bro ano palang sasabihin mo? Mukhang importante." sabi ni Tyrone. " Naalala nyo yung naikwento ko sa inyong namatay kong kababata. Yung pinangakuan ko ng kasal? Yung unang minahal ko?" " Yes we remember." sabay pa nilang sabi. " Si Althea siya ang batang yun." pagtatapat ko sa kanila " Paanong nangyari yun? Diba ang sabi mo sa amin nasunog ang katawan nya? Paanong nabuhay pa sya? Sunod-sunod na tanong ni Greg " Iba kasi ang pakiramdam ko, napaka pamilyar ng mukha nya lalo na ang biloy nya sa dalawang pisngi nya. Kaya pinaimbestigahan ko sya. At kailan ko lang din nalaman na sya nga yun. Pero may isang problema. Meron siyang Amnesia." malungkot na sabi ko " Alam na ba ni Steph ito?" tanong ni Tyrone " Yes inamin ko sa kanya para walang problema." Ayokong pagmulan pa ng away namin ito. " Wala ka na bang nararamdaman kay Althea? Di mo na ba sya mahal?" direktang tanong ni Greg " Mahal ko sya pero bilang kaibigan nalang. Si Steph na talaga ang gusto ko. Kailangan ko lang syang tulungan na makaalala para masabi ko na wala na syang maaasahan sa akin. Para maka move on na rin sya." " Anong ibig mong sabihin? Di pa sya naka move on?" si Joseph " Mukhang hindi pa kasi yung last na usapan namin ang sabi nya hahanapin nya pa yung pinangakuan nya at yun lang daw ang mamahalin nya. Di ko naman masabing ako yun dahil baka ma bigla sya. Gusto ko unti unting maalala nya. " Kaya ba gusto mo syang isama sa probinsya para makita nya ang pinagmulan nyo?" si Tyrone " Oo yun ang balak ko kaya gusto kong mag bakasyon tayo doon. Asikasuhin nyo na ang mga dapat nyong gawin sa opisina nyo para makapag bakasyon na tayo kahit 1week lang. Nag inom lang kami pero maaga rin kaming nag siuwian, may pasok pa kasi bukas. Habang nasa kwarto ako ay biglang tumawag si Daddy... " Hello son, how are you?" " I'm fine dad, how about you and mom?" " We're okay son don't worry about us. Kamusta ang business?" " Ayos naman po. Medyo busy kasi nadagdagan ng clients. Dad can I ask something?" " Yes son, ano yun?" " About Althea my childhood friend in our province." " What about her?" Pagtatakang tanong nya. "Sino po ang gumawa ng DNA test sa mga labi nila?" " I forgot the name of the laboratory, only your mom can answer that. She recommended that laboratory. Why?" " She's not dead" Biglang tumahimik.. " Dad are you there?" " Oh I'm sorry son na bigla lang ako. Paano mong nasabi na buhay sya?" Hindi makapaniwalang tanong nya. " Are you crying dad?" pag aalalang tanong ko. " I want to see her." Di nya nasagot ang tanong ko hanggang sa naputol ang linya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD