Episode 13

866 Words
Daddy Austin POV Umiinom ako ngayon dito sa Mini Bar ng aming mansyon. Di ko sukat akalain na malalaman kong buhay si Althea. Kaninang kausap ko si Marius ay balak ko lang sana siyang kamustahin pero may iba pa pala akong malalaman. Sobra akong nasaktan sa kanilang pag kamatay. Pero ngayong nalaman kong buhay siya kailangan ko na siyang makita, kailangan kong umuwi ng Pilipinas, kailangan kong makita ang Unica hija ko. (Nakaraan) " Dad I'm sorry if I disappointed you. Napamahal na ako kay Carina kaya gusto ko sanang I-pa annul na namin ni Rebecca yung kasal namin. 3 years na kaming mag kasama pero di ko pa rin kayo mabigyan ng tunay na apo galing sa kanya." Kausap ko ngayon ang aking ama. " No!!! Hindi mo pwedeng iwan si Rebecca, paano nalang si Marius ikaw ang kinilalang ama na nya mula ng isilang siya. Huwag mo siyang abandunahin anak." Pakiusap ni Don Juaquin. " Pero buntis si Carina at alam kong akin yun, paki usap mas gusto kong bigyan ng buong pamilya ang tunay kong anak." Pagmamakaawa ko pa sa kanya. " Hindi maaari masisira ang pangalan mo. Bunga siya ng pagkakamali." aniya. " Huwag kang mag-alala di mailalayo ni Carina ang anak nyo kung yun ang inaalala mo." dagdag pa niya. Nagkalamat ang aming samahan ng aking ama mula nun. Ang relasyon namin ni Rebecca ay bunga lamang ng isang arrange marriage. Nabuntis siya ng kanyang kasintahan at ng malaman ng pamilya nya ay nakiusap sila na ako ang ipakasal sa Unica hija nila. At dahil sa may utang na loob ang aking ama sa kanila ay mabilis siyang pumayag. Hindi rin naman mahirap mahalin si Rebecca napaka maalagain nya, kaya lang halos mag 3years na kaming mag kasama pero di nya pa rin ako ma bigyan ng anak. Inisip ko tuloy na sa akin ang problema dahil nagka-anak naman na sya. Hanggang sa isang araw ay nakuha ang atensyon ko ng anak ng katiwala ng aking ama sa lupain na sinasaka. Morena lang sya pero masasabi mong may angkin ganda. Alam ko ring may nobyo na siya kaya iniiwasan nya ako. Hanggang sa isang gabi ay may nangyari sa amin. Ako ang nakauna sa kanya kaya lubos ang kasiyahang naramdaman ko. Inamin ko sa kanya na may pagtingin ako. Pero sinabi nyang yun na ang huli naming pagkikita, umamin rin siyang nahulog na ang loob nya sa akin, ngunit isang pagkakamali ang aming ginawa. Hindi na nga sya nag pakita sa akin, umalis sya ng probinsya namin, sobra-sobra ang kalungkutang naramdaman ko. Hanggang sa nabalitaan kong buntis siya at umuwi na siya sa kanilang bahay. Dahil sa tuwa ko ay palagi akong pumupunta sa kanilang bahay pero hindi ako nagpapakita sa kanya. Nasubaybayan ko ang paglaki ng tiyan nya. Ako na rin ang tumulong sa gastos sa panganganak nya. Pero nakiusap ako sa kanyang ama na huwag sasabihin kay Carina. Nakita ko ang unti unting pag laki ni Althea at masasabi kong may pagkakatulad kami. Napaka ganda niyang bata. Nang siya ay binyagan ay kinuha pa nila akong ninong na hindi ko naman tinanghihan pa. Isa lang ang di ko nagustuhan, noong malaman kong ikakasal na sya sa kanyang nobyo. Yun kasi ang pinakilala nyang ama ni Althea kahit ang totoo ay anak ko siya. Nag pagawa ako ng lihim na DNA test at positive nga na anak ko si Althea. Lumipas pa ang ilang taon at tinupad ng aking ama ang pinangako nya. Kinuha nyang katiwala ang asawa ni Carina na di naman tinanghihan ng huli kaya palagi ko na silang nakikita. Unti-unti ko na ring natanggap na hindi nga kami pwedeng mag katuluyan ni Carina kaya ibinaling ko na ang pagmamahal sa mag ina ko. Pero pinararamdam ko rin kay Althea kung gaano ko siya kamahal. Kaya naman napalapit rin ang loob nya sa akin. Hindi man bilang ama kundi bilang ninong nya ay ayos na rin sa akin. Bago kami umalis sa Pilipinas para doon na manirahan sa ibang bansa ay nalaman ko sa aking ama ang balak nyang pagpapakasal kay Marius at Althea sa takdang panahon, pinagawa nya na pala ang last will and testament nya. Na kailangang pakasalan ni Marius si Althea para makuha lahat ng ipapamana sa kanya. Mukhang di naman na mahirap sa aking anak yun dahil ramdam kong nagkakapalagayan na sila ng loob. Bata palang ay alam kong mahal na nila ang isa't isa. Umayon na rin ako sa gusto ng aking ama para matamasa rin ng aking tunay na anak ang kaginhawaan ng buhay sa piling ni Marius. Pero isang trahedya ang di ko inaasahan. Naaksidente ang sinasakyan ng pamilya ni Carina, ang masakit ay namatay silang lahat kasama ang aking anak. Doble dobleng sakit ang nadarama ko. Nasa ibang bansa kami noong mangyari yun. Alam ko ng sila ang nakasakay pero pinili ko pa ring ipa DNA test sila para sure, pero ang totoo gusto ko lang malaman kung anak ko nga yung batang bangkay. At sa ilang linggong paghihintay namin ay positive ang naging resulta. Ang sakit sakit bilang isang ama ang mawalan ng sariling anak. Hindi ko man lang nakita ang pagdadalaga nya. Marami akong pinagsisihan sa buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD