Marius POV
Ngayon ang araw kung saan kami magba-bakasyon sa probinsya namin. Sasakyan ko nalang ang sasakyan naming lahat dahil malaki naman ito at kasya naman kaming walo.
Oo walo kami, hindi na nakasama sa amin si Greg dahil bumalik na rin sya sa ibang bansa 1 month lang kasi ang kanyang bakasyon, ayaw rin naman ni Cindy na sumama kasi wala daw si Greg. Ako ang mag da-drive, nasa front seat naman si Steph, sa likuran namin si Althea, Gigi at Beth. Sa sumunod naman ay si Joseph, Tyrone at Marco.
Masaya ang naging biyahe namin. Maliban kay Althea na sobrang tahimik at ang lalim ng iniisip nya. Pa minsan-minsan ko siyang tinitingnan ng palihim sa salamin na nasa harapan ko. Alam kong naka masid lang si Steph kaya di ko na inulit pa. Puro kalokohan ang alam ng mga lalaki kaya naman tawa ng tawa lang ang ginawa ng mga babae.
Nagka-usap na rin kami ni Dad at balak nyang umuwi sa province na nandun pa ang mga kaibigan ko. Gusto nya daw makilala ang mga nakakasama ko. Feeling nya ata bata pa ako. Hahaha
Hanggang sa nakarating kami. Pinagbuksan ko pa ng pinto ng sasakyan si Steph at aking inalalayan. Gusto ko rin sana na gawin yun kay Althea pero nauna na silang bumaba.
Di ko ina-asahan na si Marco ang ga-gawa nun. Mukhang may pagtingin siya kay Althea.
Ang sarap manakit....
...
Althea POV
Nakarating na kami dito sa probinsya nila kuya Marius, parang pamilyar ang lugar ang saya parang dati ko na itong napuntahan.
" Girl ayyyiiiieeeehhhh!!! Ang gentleman naman ni sir Marco sayo talagang inalalayan ka pa at holding hands lang ang peg? Hahahahaha." tukso ni Beth
Inirapan ko lang siya....
Ito naman kasing si sir Marco akala ata lampa ako kung alalayan ako. Di ko alam kung kikiligin ako o maiinis....
" Uy girl biro lang napikon ka ata? Oh baka naman ayaw mo kay sir Marco at mas gusto mo kay kuya Marius,,,, Ayyyiiiieeeehhhh iba na yan! Hihihihi" tawa pa ni Beth.
" Sssshhhhssss... Wag kang maingay baka may makarinig sayo nandyan pa naman si ma'am Steph." Bulong ko sa kanya.
Napapalakas na kasi ang tawa nya.
Ang dami nilang tamin na puno, halos lahat may bunga. Ang daming mangga, malapit na ring mahinog yung avocado.
" Halika Beth mas maganda sa likod may punong guyabano dun tiyak na may bunga na rin yun. Alam mo bang paborito yun ng kababata ko?." Aya ko kay Beth sabay hila sa kamay nya
Pagkarating namin sa likod meron ngang guyabano. Sobrang tuwa ko. Sabay palakpak pa.
" Girl paano mong nalaman na may guyabano tree dito? Don't tell me manghuhula ka na ngayon? Oh baka naman dito ka lumaki tapos si kuya Marius si future hubby mo?Wwwwoooohhhhh....!!!!" Gulat na tanong nya sabay takip ng dalawang kamay sa bibig.
" Sira ang lakas ng trip mo Beth... Malabo yun, sana pareho kami ng mararamdaman kung sakali sa unang pagkikita namin. Huwag kang asyumera. Hehehe"
" Mga ate nandito pala kayo kanina pa kayo hinahanap ni ma'am Steph, may mga pinakuhang mangga si kuya Marius baka gusto nyo lang." Tawag sa amin ni Gigi.
" Ah sige sandali lang kukunin ko lang itong hinog na guyabano..." sagot ko.
Pagkatapos kong kunin ang guyabano ay pumunta na kami sa balkonahe nila kuya Marius nandun silang lahat, kami lang pala ni Beth ang napahiwalay.
" Saan kayo nag punta?" Tanong ni Ma'am Steph.
" Sa likod bahay ma'am kumuha lang kami ng guyabano. Ito po at may bunga na." Sagot ko sa tanong nya.
Nakita ko ang reaksyon ng mukha ni kuya Marius bakas sa kanya ang pagkabigla.
" May naaalala kana?" Paabulong na tanong nya
" Ano po yun?" Sobrang ingay kasi kaya di ko naman naintindihan.
" Ah wala, nevermind. Let's eat kumakain ba kayo ng mangga?" tanong niya pa.
Sasagot pa sana ako pero di ko na tinuloy....
...
Marius POV
Kanina pa hinahanap ng mga mata ko si Althea pero di ko siya makita. Ayoko namang mag tanong baka iba ang isipin nila. Kaya naisipan ko nalang na magpakuha ng mangga para ang mga kasamahan na namin ang mag hanap sa kanila. Mukha kasing abala sila sa kanya kanyang ginagawa nila. Wala si Althea at Beth saan kaya sila nagpunta?
Pabalik na sila ng mapansin kong may dala siyang guyabano. Isa ito sa ugali nya nung mga bata kami. Lagi nya akong dinadalhan ng guyabano kaya nga naging paborito ko ito. Akala ko ay ibibigay nya sakin. Pero hindi, inilagay nya lang sa lamesa kung nasaan nakalagay ang mga mangga. Sinadya ko talaga na mangga ang unang ipakaing prutas sa kanila dahil ito rin ang kanyang paborito. Pero mukhang wala pa talaga siyang maalala kasi nung tinanong ko sila hindi man lang siya sumagot.
...
Steph POV
Akala ko kakayanin ko pero ngayon palang natatakot na kong maalala si Althea, iba ang tingin ni Marius lalo na ng alalayan ng pinsan kong si Marco si Althea. Ang talim ng tingin nya sa kamay ni Marco. Nakaka pang selos. Pero ano ang gagawin ko? Ito lang ang paraan para maka alala si Althea ang makasama sa iisang lugar ang taong naging parte ng kanyang nakaraan. Ako ang nag sabi na sumama si Marco, alam kong may pagtingin siya kay Althea at mas okay yun para mabaling na rin ang pagtingin ni Althea sa kanya. Makasarili man tingnan but I don't care besides kaya lang naman namin to ginagawa is para masabi na ni Marius na di nya na matutupad ang pangako nya sa dalaga.