Marius POV
Late na kaming natulog, nag-aya pa kasi sila Tyrone na uminom. Dahil totoo namang talaga na iba ang lamig sa probinsya.
Hanggang sa nagpaalam na isa isa dahil inaantok na. Tumayo na rin ako para ihatid si Steph sa kwarto nya. Maraming guestroom ang bahay namin dito kaya naman magkahiwalay na rin ang kwarto namin. Bukas na rin darating ang aking ama at di nya magugustuhan kapag nalaman nyang nagtatabi na kami sa pagtulog ng aking kasintahan. Alam kong walang tutol sa relasyon namin lalo na ang aking ina.
" Kasama kaya siya ni daddy bukas?" Tanong ko sa aking sarili.
Kinabukasan ay maaga akong nagpahanda ng makakain. Doon na lang kami sa kubo kakain para mahangin. Masarap ding paminsan minsan ay makalanghap naman kami ng sariwang hangin dahil sa Manila ay sobrang polluted na ang hangin.
Habang kumakain kami ay di ko maiwasang tingnan si Althea, talagang sineryoso na ni Marco ang panliligaw at pinagsilbihan nya hanggang sa pagkuha ng pagkain si Althea. Naaasar ako sa tuwing ngingiti si Althea kay Marco para magpasalamat. Dapat sa akin lang yung ngiti nyang yun. Hindi ko namalayan mapalakas na pala ang pagkuha ko ng kanin kaya tumunog talaga ang sandok at parang padabog. Humingi ako ng pasensya saka ngumiti. Hindi ko rin napansin na di pa pala kumukuha si Steph ng pagkain nya. Marahil ay hinihintay nyang pagsilbihan ko rin siya. Kaya naman dali-dali ko siyang sinandukan ng kanin at ulam na gusto nya. Masyado na kong naka focus kay Althea di ko alam bakit kailangan kong maramdaman na magselos.
Selos nga bang matatawag yun?
" Honey eat this it's delicious. Hipon yan na galing sa ilog. Mabuti at malalaki ang nahuli nila ngayon." sabay subo ko kay Steph.
Nakita kong tumingin sa amin si Althea at bakas ang lungkot sa kanyang mga mata. Nang tingnan ko siya ay saka naman iniwas nya ang kanyang tingin. Sinubuan rin siya ni Marco at talagang pinilian pa sya ng binata ng pinaka malalaking hipon at binalatan pa.
Natapos ang umagahan namin ng puro tawanan. Sobrang saya daw nila dahil ang sarap dito sa probinsya namin. Mamaya aayain ko sila sa ilog para doon na kami maligo.
--------
Althea POV
Sobrang lungkot ko, hindi ko na maitago. Bakit kapag nakikita ko si kuya Marius na sweet kay ma'am Steph ay parang pinipiga ang puso ko. Parang di ko kayang tagalan na tingnan lang sila. Di mag kasundo ngayon ang puso at isip ko kaya naman nung nag-aya si kuya Marius na maligo sa ilog ay tumanggi na ako. Hindi na muna ako sasama sa kanila. Gusto kong matulog at ipahinga ang puso ko. Nasasaktan ako.
Di ko namalayan ang oras at mukhang hapon na. Nakaligtaan ko ng kumain ng tanghalian kaya naman heto na ang tiyan ko at nag aalboroto. Nag ayos lang ako ng aking sarili at naisipan ko ng pumuntang kusina. Pero bago ako makapunta sa kusina ay madadaanan ang balkonahe nila.
Aba at nakarating na pala sila. Mukhang may bisita. At paglingon nga ng matandang lalaki ay ganun na lamang ang tuwa ko dahil kakilala ko siya.
" Daddy ninong....." Sigaw na tawag ko di ko na pinansin ang mga reaksyon ng mga nasa paligid ko. Bigla akong na sabik sa taong nakita ko. Siya lang ang di ko nakalimutan. Ang aking favorite ninong at ama ng aking first love....
...
Marius POV
Hindi sumama sa amin si Althea para maligo sa ilog. Tuwang tuwa naman ang iba dahil halos karamihan pala sa kanila ay di pa naranasan ito...
Nang pabalik na kami ay nakita ko na ang kotse ng aking ama. Nakarating na siya. Sobrang nasabik ako sa kanila ni mommy. Ang tagal ko na rin di sila nakikita ni mommy. Nakita ko siyang nakaupo sa balkonahe...
" Dad how's your flight?" niyakap ka siya.
" It's fine son, sila na ba ang mga kaibigan mo?" Mukhang may hinahanap pa ang kanyang mga mata sa tanong niyang yun.
" Hi Tito nice to see you again." si Tyrone na nag mano pa sa dad ko.
" Hi Tito!" maikling bati naman ni Joseph sabay nag mano rin.
" Nice to see you to Tyrone and Joseph, wala yata si Greg?" Tanong ni dad.
" Bumalik na sa Amerika dad may business meeting pa siyang aattendan kaya di na siya nakasama dito." Ako na ang sumagot.
" Hindi mo kasama si mom???" Tanong ko sa kanya.
" Yes ako lang mag-isa son." Tumango nalang ako.
" By the way dad this is my girlfriend Steph."
" Steph he is my father daddy Austin."
Pakilala ko muna sa daddy ko dahil ngayon lang sila nag kita ng personal.
" Hi Tito!" Bati ni Steph sabay beso beso sa ama ko.
" Oh hi young lady nice to meet you in person. Mas maganda ka pala sa personal. Magaling talaga ang anak kong pumili." Papuri niya kay Steph sabay tawa.
" They are my friends Gigi , Beth and Marco Steph's cousin." Pakilala ko pa sa ibang kasama namin.
" Nice to meet you guys, hope you enjoy your vacation here." nakangiting sabi ni daddy.
Nang maipakilala ko na silang lahat ay bilang may sumigaw...
" Daddy ninong!" Mula sa likuran ay nakita ko si Althea na palapit kay dad. Hindi nya ata kami na pansin dahil bigla nya nalang niyakap ng mahigpit ang ama ko. At nakita ko pa ang luha sa mga mata nya. Na para bang ang tagal na nangulila. Nakita ko ring yumakap na pabalik si Dad....
" Nakaka alala na si Althea?" Yun na lamang ang impit na nasambit ko....