Episode 1

359 Words
Marius POV Di ko makalimutan ang nangyari sa Bar, nakausap ko si Althea ng harapan nakita ko na naman ang kanyang dalawang biloy sa pisngi, nakakadala napapangiti rin ako kapag nakikita ko yun. Ang gaan nyang kausap. Kahit limitado lang ang mga naikwento nya ay lubos na ang aking kasiyahan dahil nakipag kwentuhan rin sya kahit pa-paano. Hindi ko na talaga maitatago pa na talagang nagkaka interes na ako sa kanya... "Naku naku bro iba na ata ang tama mo napapangiti ka na mag-isa." ani Tyrone Paano nakapasok dito sa opisina ko ang tatlong kaibigan ko? Hindi ko man lang sila na pansin. "Sobrang lalim nyan bro sino ba ang iniisip mo? Si Steph ba o baka naman si Althea? Hahaha." pang-aalaska pa ni Greg sakin "Bakit naman naisali si Althea dito?" balik na tanong ko. "Naku bro halatang halata ka kaya, grabe ang titig mo kay Althea, sabagay iba rin kasi ang ganda nya lalo na kapag ngumingiti." sagot naman ni Joseph "Pero payo lang bro kung sakaling may pag tingin ka kay Althea mas mabuting tapusin mo muna yung relasyon nyo ni Steph para walang masaktan kung sakali." payo ni Greg "Wala akong gusto kay Althea, at alam ko sa sarili ko na si Steph ang mahal ko. Balak ko na nga siyang ayaing magpakasal." pagku-kumbinsi ko sa kanila. "Ikaw ang bahala bro. Edi di ka sasama sa Linggo sa amin? Sinadya ka talaga namin dito para sana imbitahan. Gusto kasi ni Cindy na mag swimming sa dagat. Pero Sunday lang kasi ang day off nilang apat kaya sa Sunday balak naming pumunta ng Batangas. Sige bro wag kana sumama baka may pupuntahan rin kayo ni Steph. Eh ayoko rin namang ayain si Steph kasi tiyak na mai-ilang lang sila Cindy dahil amo nila ito sa mansyon." mahabang pahayag ni Greg Wala naman siguro kaming pupuntahan ni Steph so I think sasama nalang ako sa outing nyo. Day off ko rin naman so okey lang." nagmamadali na sabi ko sa kanila. Nagka tinginan silang tatlo. Sobrang obvious ba ako? Kaya pinagsalubong ko nalang ang aking mga kilay para di halatang na excite akong makita ulit si Althea.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD