Panimula

5002 Words
Althea POV Hanggang ngayon hirap pa ring alalahanin ni Althea kung sino ba ang batang lalaki na kanyang napangakuan ng kasal noong mga bata pa sila. Ngayon ay ika 22 taong gulang na niya. Wala na siyang mga magulang. Ang mga malapit na kamag-anak naman ay hindi nya alam kung nasaan dahil sa nakalimot siya. Kaya siya na lamang ang mag isang namumuhay. Buti na lamang at meron siyang matalik na kaibigang si Beth ang kasa-kasama nya mula ng siya ay maulila. (Siya si Althea Rivera na nagka amnesia matapos ang isang aksidente kung saan dun din binawian ng buhay ang kanyang ama't Ina). "hoy girl ano na naman yang iniisip mo? Super deep ah." Ani beth Di naman girl may naalala lang ako...( napa lalim na naman ang iniisip ko. Katatapos lang ng birthday party ko at kaaalis lang din ng mga malalapit na kaibigan namin) na miss ko na naman ang mga magulang ko. Hindi ko alam ang tunay na nangyari sa aksidente dahil nawalan ako ng alaala. Ikinuwento lang sakin ng nagpakilala kong kamag-anak na pagkatapos daw naming mabangga sa poste dahil sa nawalan ng preno ang sinasakyan namin na puno ng palay na ihahatid sa bibili nun sa Bulacan ay sumabog din ang truck kaya sunog ang mga labi ng aking mga magulang. Pero ang sabi 3 daw ang sunog na labi, di ko naman maalala kung sino yung isang labi.) " Huwag mong sabihing si future hubby mo na naman yan? Kung ako sayo kalimutan mo ng tuluyan yan, ay sorry girl nakalimutan ko, di mo nga pala siya maalala" sabi pa ni Beth habang napapakamot pa ng ulo. "Kaya pala girl Happy birthday ulit heto yung gift ko sayo pagpasensyahan mo na bawi nalang ako sa susunod kapag natanggap na tayo sa work" sabi nya pa. Isa iyong bracelet na may pangalan ko... Thank you girl kahit walang gift ayos lang basta kasama kita.Ikaw na nga ang nagpa surprise party para sakin tapos may pa gift pa.Thanks girl ang sweet sweet mo talaga.lika nga dito pa hug...hhhhhuuuummmmpppp. "Sige girl pahinga kana. Maaga pa tayong mag-aapply bukas.Sana naman matanggap na tayo."Sige girl good night"paalam na ni Beth. Ito ang taon na naalala kong magpapakasal ako,pero paano ko naman gagawin yun eh di ko nga alam if saan yung groom ko. Kahirap kahit mukha nya di ko maalala, ang lagi lang sa panaginip ko ay ang pag-uusap namin.Kaya boses nya lang talaga ang natatandaan ko.Pero paano yun mga bata pa kami.Siyempre iba na ang boses nya ngayon dahil malalaki na kami.Kung 22 taon na ko ngayon sigurado nasa 25 taong gulang na sya, yun kasi ang sinabi nya na pakakasalan nya ako kapag nasa 22 na ko dahil 25 na siya nun.Ang hirap mag-isip.Ano nga bang pangalan nya.Sana pag gising ko maalala na kita. ... Marius Anthony Pov Sa kabilang banda naman tuwing araw na ito naglalasing si Marius sa kanyang mini Bar ito kasi ang kaarawan ng batang minsan niyang minahal at pinangakuan ng kasal. (Siya si Marius Anthony Buenavitez apo ng isang Bilyonaryo at ngayon ay CEO ng isang sikat na kompanya ang Buenavitez Ricemill Corp.Matangkad,kulay abo ang kanyang mata dahil sa banyaga ang kanyang mommy,maganda rin ang kanyang katawan at ubod ng gwapo,kaya maraming kababaihan ang talagang humahanga sa kanya.Marami rin silang pag mamay-ari na lupain at sakahan sa isang probinsya). Naalala ko ang nakaraan noong bata pa ako,napakalungkot ng Buhay ko.Lagi nalang nasa ibang bansa ang mga magulang ko at lagi akong naiiwan sa pangangalaga ng aking yaya Meding.Hanggang sa mapagdesisyonan nila mommy at daddy na pagbakasyunin ako sa probinsya ng aking Lolo Juanito isa sa pinakamayaman sa kanilang probinsya.Ang batang si Althea ang unang lumapit sa kanya at nakipagkaibigan.Sinungitan nya pa ito noong una dahil ayaw nyang makipag-usap sa kahit sinong bata.Pero si Althea pa rin ang lapit ng lapit, araw-araw siyang binibigyan ng iba't ibang prutas.May bayabas, sampalok, mangga, kaimito,saresa,at ang nagustuhan ko ay yung guyabano na hanggang ngayon ay paborito ko pa rin.Napakasaya nyang kasama,siya rin ang nagturo sa akin na maligo sa ilog, ang sumakay sa kalabaw,magpakain ng damo sa mga kambing at mag alaga ng bibe. Sanay na sanay na siya sa mga gawaing ganoon dahil bata pa lang sya ay tinutulungan nya na ang kanyang mga magulang.Sila kasi ang katiwala ng aking Lolo sa sakahan at sa mga alagang hayop nito.Ang ganda ni Althea kaya sobra akong humanga sa kanya,kapag tinititigan ko ang kanyang mukha ang dalawang biloy sa magkabila nyang pisngi ang lagi kong nakikita kapag tumawa na siya ang sarap sarap pagmasdan.Kaya lubos ang panghihinayang ko dahil hindi ko na kahit kailan makikita yon. Kung di sila naaksidente at namatay sana ngayong taon na ang aming kasal.Hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko.Sana pala hindi nalang ako umalis para sumama sa magulang ko sa ibang bansa para doon na mag-aral.Sana mas matagal ko pang nakasama si Althea.Sa sobrang kalasingan ay sa mini bar na siya nakatulog. ... Althea POV "Ang hirap mag apply ngayon lalo na at high school graduate lang ang tinapos natin madalas college level ang hinahanap nila"pagmamaktol ni Beth habang palabas kami sa isang restaurant hindi kasi kami natanggap. Ayos lang yun marami pa namang iba,apply pa tayo mahaba pa ang araw.Pagpapalakas ng loob ko sa kanya. (Habang palabas sina Althea hindi siya napansin nung nagmamadaling lalaki kaya sila nagkabungguan..."Ohh I'm sorry miss I'm in a hurry..." di pa siya nakapagsasalita ay tinalikuran na siya.Biglang kumalabog ang dibdib nya.Parang pamilyar yung pakiramdam yung boses bakit ganun.Hanggang sa hinila na lamang siya ni Beth paalis sa lugar na yun dahil natulala na naman siya). Di ko napigilang isipin yung nangyari kanina parang may iba sa lalaking yun ba't ganun nalang ang kalabog ng dibdib ko.Ang bilis ng pintig ng puso ko.Di ko naman nakita ang buong mukha nya.Sayang talaga mukhang gwapo pa naman mukhang na love at first sight ako.hehehe ... Marius POV "Oh honey I'm sorry I'm late."sabay mabilis na halik sa labi...paghingi ng tawad ni Marius sa kasintahan dahil tinanghali siya ng gising sa sobrang kalasingan.Ngayon nya naipangako na ililibot si Steph sa kanilang farm. Anim na buwan palang silang magkasintahan.Nakilala nya si Steph sa isang event hanggang sa lagi na silang lumalabas.Mabait naman si Steph at may taglay na kagandahan at kasexyhan kaya siguro madali siyang nahulog sa dalaga kahit na may puwang pa rin sa puso nya si Althea. "It's okey honey kararating ko lang din naman dito so I suggest kain muna tayo before bumyahe"palambing na sabi ni Steph Pagkatapos kumain ay umalis na sila Marius papuntang Nueva Ecija. "Grabe honey ang layo ng province nyo,bakit di nyo nalang ibenta tong sakahan nyo besides nasa Amerika naman na lahat ng kamag-anak at magulang mo" yamot na sabi ni Steph dahil sa pagod. Kahit may sarili silang sasakyan mahaba-haba pa rin ang byahe nila papunta sa probinsya kaya di maiwasang ma badmood si Steph dahil sa pagod na ito. "Hindi ko maaaring ipagbili ito dahil ito nalang ang natitirang alaala ko sa una kong minahal lahat ng masasayang alaala ay nandito..."di nya na sinatinig dahil baka magtanong pa si Steph sa nakaraan nya at kung sino ang unang minahal nya. "Hmmmp masarap kasi magbakasyon dito kaya di ko ito ipagbibili.Isa pa, ang tinatanim dito ay palay na syang ginagawang bigas kaya masarap ang kinakain natin dahil mula sa sakahan na ito galing yun. "Kung nasaan ka man Althea ikaw pa rin ang babaeng una kong minahal.Kung sana nabuhay ka lang, sana tayo ang magkasama ngayon."Malungkot na bulong ni Marius. Althea POV Hindi na nagdalawang isip sila Althea at Beth,may nakita silang mapapasukan bilang isang katulong sa isang mansyon, napakalaki ng sweldo, stay-in pa sila at madali silang natanggap.Balita pa nila nagbibigay daw ng scholarship ang mga amo nila kapag nagustuhan ang gawa mo.Tiyak na makakapag-aral na sila ng College kapag nagsipag sila.Yun kasi ang plano nila kaya nag iipon sila para makapag-aral ulit.Mula ng naaksidente sila ng magulang nya may isang matandang babae na kumupkop sa kanya at dinala siya sa Manila kaya lang isang araw nabalitaan nya na lang na patay na ito dahil matagal na palang wanted ito dahil sa pagbebenta ng mga batang babae sa ibang bansa.Mabuti na lang at hindi pa siya nabenta nito.Hanggang siya na ang dumiskarte ng pagkain nya.Nasubukan nya ring mamalimos.Sa edad na labindalawa ay nasubukan nyang di kumain maghapon.Hanggang sa isang araw ay nakita siya ni Beth at pinatuloy sa kanila.Tanggap siya ng pamilya ni Beth at tinuring siya na kapamilya.Kaya hanggang ngayon ay magkasama pa rin sila.Nag turingan na silang magkapatid dahil nag-iisang anak lang si Beth. "Ayos lang sayo girl kung dito muna tayo pansamantala?Kaya naman natin ang mga gawaing bahay, hindi tayo mahihirapan,mag tiyaga lang tayo pansamantala lang ito. Masmabilis tayong makakaipon dito."pagkukumbinsi ni Beth sa akin. "Ano kaba naman ayos lang sakin,mukhang mababait naman sila.Pero ang sabi meron sila Unica iha,sana lang mabait rin siya noh?Sana makilala natin siya." "Uuwi daw sa susunod na araw sinama lang ng kanyang kasintahan kaya wala ngayon dito."sagot ni Beth sa akin. Kinabukasan maagang gumising sila Beth at Althea.Magkasama sila sa silid.Lahat ng katulong ay may kanya-kanyang silid sa maids quarter pero mas pinili nilang dalawa na magsama nalang sa iisang kwarto. Mga iha ako nga pala si Peyna,nanay Peyna nalang itawag nyo sa akin.Ako ang magtuturo sa inyo ng mga gagawin nyo. "Nanay Peyna ilan po ba ang kasambahay dito ang laki po ng mansyon na ito?".Usisa ni Beth "10 tayong lahat ngayon iba-iba kasi ang mga gawain natin kaya marami tayo.Kayong dalawa ang matotoka sa paglilinis ng garden at swimming pool kaya halika na kayo at ituturo ko pa saan banda yung garden at pool at para makapag-almusal na rin tayo bago nyo umpisahan ang gawain nyo". aya ni nanay Peyna. Steph POV "Honey ang sarap pala talaga dito kaya pala sobrang nagustuhan mong magbakasyon dito nakakawala ng stress ang sariwang hangin".(Nasa kubo sila sa gitna ng palayan ngayon habang kumakain ng Indian mango na sinasawsaw sa ginisang alamang na niluto ng asawa ng katiwala) "Ngayon lang din ako nakakain ng manibang mangga nakakatuwa.Ang saya sa pakiramdam ng first time".dagdag ko pa bago ko siya niyakap ng mahigpit. May di ako mapaliwanag na nararamdaman.Laging natutulala si Marius sa tuwing nakikita nya ang puno ng guyabano.Gusto ko sana siyang tanungin kaya lang ayoko kasing mag usisa sa personal na buhay nya.Hayaan ko nalang na diya na mismo ang mag kwento sa akin tungkol sa anong iniisip nya at sobrang malalim.Pinawalang bahala ko na lamang ito,mas nag-uumapaw kasi ang kasiyahan sa aking puso dahil sa sobrang ganda ng paligid,sariwang hangin na aking nalalanghap at bonus nalang na kasama ko pa ang aking minamahal. Ang sarap pa ng aking kinakain na mangga.Nakakatuwa lang talaga. ... Marius POV (Biglang may naalala si Marius sa sinabi ni Steph.Mahilig ding kumain si Althea ng manibang mangga lagi nya pa nga itong dinadalhan sa kanilang munting bahay at doon na siya maghapon nakatambay.Ang ama kasi ni Althea ang dati nilang katiwala sa palayan kaya bata palang sila ay magkaibigan na sila hanggang sa unti-unting nahulog ang loob nya. Ang batang puso nya ay sobrang minahal si Althea kaya hanggang ngayon ay di nya pa rin makalimutan ang nakaraan). Parang kahapon lang lahat ng nangyari... Kinaumagahan inaya ni Marius si Steph sa ilog,gusto nyang maligo sa ilog na miss nya ito ng sobra. "Wow ang ganda naman honey" Sabi ni Steph "Ang lamig ng tubig at napakalinaw kaya lang maraming bato.hihi dagdag pa nya. Ganito talaga ang ilog honey pero masarap maligo dito.May time lumalalim din ito lalo na kapag nag-umpisa na ang sakahan.Dito kasi nanggagaling yung patubig sa mga palayan. "First time kong ma experience ito and masarap nga ang saya saya.Sana pala may province din kami para enjoy ko ang childhood ko". si Steph Natutuwa rin ako kay Steph kahit lumaki sya sa siyudad hindi pa rin siya na impluwensyahan ng pagiging maarte.Isa pa naman yun sa ayaw ko sa isang babae. (Magtatanghalian na ng umahon si Marius at Steph,hindi nila namalayan ang oras dahil sa sobrang na enjoy nila ang ilog.Paahon na sila ng maamoy nila qng inihaw na Tilapya.Natakam si Steph kaya dali-dali syang pumunta sa banda likuran kung nasaan ang ihawan.Nagulat siya ng may iniihaw ding tahong). "Wow pati shell iniihaw?aniya pa. "Tahong yan honey masarap yan kapag inihaw."sabi ko "Kumakain ka rin nyan?"takang tanong nya. "Oo hon masarap yan.Halika muna sa ilalim ng puno, masyado ng mainit doon muna tayo habang hinihintay nating maluto ang ating pagkain."aya ko sa kanya (Mabuti na lamang at sinamahan sila ni Desa at Doey ang kambal na anak ng kanilang katiwala.Sila ang umasikaso sa pagluluto) Masaya ang maghapon namin sa ilog,ramdam ko ang kasiyahan ni Steph kaya naman sobra Rin ang maramdaman kong saya ngayon.Kahit pa minsan minsan ay sumasagi sa aking isipan ang nakaraan,pero mula ngayon ay balak ko na ring kalimutan para sa ikatatatag ng pag sasama namin ni Steph,sya na ang buhay ko kaya mag mo-move on na ko. Kinaumagahan ay maaga kaming nagising ni steph.Ito na kasi ang araw na babalik na kami sa Manila.Pero bago kami umalis ay kumain muna kami ng almusal.Maraming pinadalang mga prutas ang aming katiwala at balak kong ipasalubong lahat ng mga ito sa pamilya ng aking kasintahan. "Honey may gusto ka pa bang puntahan bago kita ihatid sa Bahay nyo?" tanong ko kay Steph habang nasa byahe pa kami.Lagi ko siyang kinakausap para di sya ma boring.Ayaw naman daw niyang matulog kaya nag kwentuhan nalang kami. "Wala na honey siguro mas best if sa bahay na tayo tumuloy dun ka na rin mag palipas ng gabi.Matutuwa si Daddy at mommy kapag nakita ka."paanyaya ni Steph sakin "Sige honey kung yan ang gusto mo?Mabuti nga para makamusta ko rin ang mga magulang mo."sagot ko Nakarating kami sa kanilang bahay mag-aalas sais na ng hapon kaya't medyo madilim na.Pinarada ko muna ang sasakyan ko at binilisan kong bumaba para pagbuksan ng pinto ng sasakyan si Steph.Inalalayan ko sya.Nakayakap sya sakin habang naglalakad kami patungo sa pintuan ng kanilang bahay ng biglang may nahagip ang mata ko sa garden nila,isang dalaga na may dalawang biloy rin sa kanyang pisngi.Mukhang nagkakatuwaan sila ng kausap nya dahil panay ang tawa nya.Di ko naalis ang tingin ko sa kanya hanggang sa mapansin na rin ni Steph at sinundan nya ang tingin ko. "Halika na honey sa loob, mukhang sila na yung sinasabi ni mommy na mga bagong kasambahay namin"sabay ngiti sa akin ni Steph "Oh cuz buti nalang dumating kana.Ikaw talaga ang sadya ko dahil may gusto sana akong ipagawang design sayo pang gift sana kaso huwag na muna siguro, may nakita na ulit akong bago"Kindat pa ni Marco kay Steph "Ano na namang kalokohan yan cuz?At sinong girl naman yan?"Taas kilay na tanong ni Steph sa kanyang nag-iisang pinsan na lalaki. "Hindi mo sinabing may kasambahay pala kayo dito na ubod ng ganda, edi sana dito nalang lagi ako tumatambay hindi sa kung saan-saan pa. hehehehe" tawang biro pa ni Marco. "Oh by the way nice meeting you again pare.Ingatan mo ang puso ng pinsan ko ah.Sayo lang tumibok yan wag mong sasaktan."sabay tapik sa balikat ko. "Yes pare don't worry I love her so much,di ko kayang saktan sya." sagot ko "Sige pumasok na kayo hinihintay na kayo nila uncle at auntie sa kitchen, mag dinner na daw kayo." si Marco "Oh halika na sabayan mo na kami cuz"aya ni Steph kay Marco "Thanks cuz but maybe nextime nalang,mas masaya sa garden maraming tanawin dun na masisiyahan ang mga mata ko.hahahaha."sagot ni Marco bago kami iwan. ... Althea POV "Dumating na si Ma'am Steph sobrang ganda pala talaga nya at sobrang gwapo rin nung bisita ni Ma'am Steph.Yun na kaya ang kanyang nobyo?".Kalabit ni Beth sakin "Saan?Di ko napansin." sagot ko Mabuti nalang talaga at pala kwento si nanay Peyna kahit wala dito ang anak ng mga amo namin ay nakuha pa rin namin siyang makilala dahil pinakilala na sya sa amin sa mga larawan.At tunay ngang napakaganda nya.Di rin kami nagkakalayo ng edad mas matanda lang sya ng isang taon. Maya-maya pa ay dumating naman si Sir Marco.Pamangkin sya ni Sir Solomon ang aming among lalaki.May dala syang fish cracker. "Hi ladies para sa inyo!"Bigay nya sa amin. "Thank you sir,sana po di na kayo nag abala pa."Sabi ko "No worries Althea Basta ikaw."sabay ngisi at kindat nya sakin. Ang gwapo rin ni sir Marco ang ganda ng mga ngipin nya at pati katawan.Mukang batak na batak sa gym. Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin sya sa amin.Ang dami nyang dalang kwento kaya naman di matapos-tapos ang tawa namin ni Beth.Ang sarap nyang kasama di ka talaga ma bo-bored sa kanya. Pagkatapos namin mag hapunan ay dumeretso na kami sa aming kwarto,Wala naman na ring gagawin dahil nagawa na namin kaninang umaga pa yung paglilinis sa pool at garden. Nauna ng naligo si Beth,pagkatapos nya ay ako naman ang sumunod. Patapos na ako ng marinig kong may kumakatok sa aming pinto.Binuksan ni Beth ang pinto at napag-alaman kong pinapatawag daw kami ni Ma'am Steph para personal na makilala.Iniwan na ako ni Beth dahil sabi ko ay susunod nalang ako kapag nakapag bihis na ako at para di rin maghintay ng matagal si ma'am Steph. Palapit na ako sa kanila ng biglang kumalabog na naman ang aking puso,sobra akong kinakabahan.Lalo na't di lang pala si Ma'am Steph ang gusto kaming makilala,kasama nya ngayon ang kanyang bisita. Ng makalapit na ako sa kanila ay bumati muna ako ng Magandang gabi sabay ngiti. Napatingin ako kay ma'am Steph at nginitian nya rin ako sabay pakilala nya sa akin kaya't nagpakilala na rin ako.Nakipag kamay din sya sakin.Nakakatuwa kasi di sya maarte tulad ng mga mayayaman na napapanood ko sa tv.Ang bait nya ng bumaling ako sa kasama nya ay parang tumigil ang mundo.Nakatitig lang din sya sakin kaya di na ko nag abala na makipagkamay pa sa kanya.Mukhang kakainin nya ako ng buhay sa titig nya.heheheh.Ang gwapo,likas talaga ata sa mayayaman ang sobrang gwapo.Pinakilala sya ni Ma'am Steph sa amin na nobyo nya.Kaya hanggang pantasya nalang kami sa kanya. ... Marius POV Nakahiga na kami ni Steph sa kama nya.Yes magkatabi kaming natutulog pero walang nangyayari sa amin.Gusto ko kasi makuha sya sa oras na napakasalan ko na sya.Ganun ko sya nirerespeto.Kahit minsan sya na rin yung nagpapakita ng motibo pero tinatanggihan ko ayokong masira ang pangako ko sa kanya.Minahal ko sya di dahil dun. Di ako dalawin ng antok.Sumasagi pa rin sa isip ko yung kasambay na nakilala ko kanina.Yung mga biloy sa mukha nya,yung pangalan nya yun kakaibang naramdaman ko kanina, para talaga sya yung kababata ko.Pero paanong nangyari eh pina autopsy pa ni daddy yung batang bangkay dahil sa pamimilit ko at tumugma naman kay Althea,sya talaga ang sunog na bangkay ng bata.Paanong mangyayari na buhay sya.Gusto kong malaman amg family background nya,bukas na bukas din papaimbestigahan ko sya. Biglang gumalaw si Steph kaya't niyakap ko na lamang sya.Bukas ko na iisipin pa si Althea jung sya talaga yun bakit parang di nya ako nakilala.Eh ang batang mukha ko wala namang masyadong pinagbago sa ngayon.Kung sya man yun bakit di nya na ba ako natatandaan?Ang sakit isipin na nakalimutan nya na ko.Pero bago pa ako malungkot aalamin ko muna kung siya nga si Althea na first love ko. ... Althea POV Ang aga kong gumising.Masarap mag trabaho ng sobrang aga.Kaya nga 5am palang ay nag-ayos na ako ng aking sarili.May uniform rin pala ang mga maid dito nakakatuwa nga Kasi yung sa amin ni Beth eh pang sexy talaga.Humahapit sa aming katawan.Kaya di ko rin masisisi si Sir Marco kung bakit nagkagusto sya agad dahil di naman lingid sa kaalaman ko na maganda ako.Maraming nagsasabi na dahil daw sa ngiti ko.Nakakaakit.Marami akong naging manliligaw pero wala akong sinagot dahil naka focus kami ni Beth na maiahon sa hirap ang kanyang mga magulang na tinuring ko na ring pamilya.Napakabuti nila dahil habang wala pa akong maalala sa nakaraan ko ay pinagamit nila pansamantala ang kanila Apelyido sa akin kaya ako nakapag-aral.Kinunan nila ako ng Birth certificate late registration na kaya nga Rivera ang aking Apelyido kagaya ni Beth kaya ang alam ng lahat at magkapatid kami.Ang natatandaan ko lang talaga noong pagkagising ko ay ang pangalan ko dahil yun ang lagi kong napapanaginipan kasama ang batang lalaki na kulay abo ang mga mata.Kapareho ng mata ng nobyo ni Ma'am Steph kulay abo rin. "Magandang umaga po ma'am Steph." pagbati ko sa kanya ng makalapit sya sakin,base sa pananamit niya ay maaga syang maliligo sa swimming pool. "Magandang umaga rin Althea ang aga mo ata nakapag-almusal ka na ba?"tanong niya sa akin "Mamaya nalang po ma'am nagkape naman na po ako kanina.May gusto po ba kayong iutos sa akin?" "Ah wala naman, later on nandyan na mga pinahanda ko for breakfast.Thanks for asking." ngiti nyang sabi sa akin. Di ko sinasadyang mapatingin sa kanyang likuran at nagtama ang aming mata ni sir Marius yun ang pangalan ng kanyang nobyo.Nag iba na naman ang pakiramdam ko.Sinamahan pa ng hiya ay yumuko na lamang akong umalis. ... Marius POV Iba ang epekto sa akin ng masilayan ko ang mukha ni Althea nakakabighani ang kanyang ganda.May hawig talaga sya sa Althea na kababata ko.Kaya lang meron syang peklat sa bandang noo na kitang kita dahil sa morena nyang kulay.Gusto ko sana syang makausap kaya lang walang pagkakataon dahil sa tuwing nakikita ko sya kasama ko si Steph at mukhang lagi syang umiiwas lagi syang yumuyuko. Pagkatapos naming kumain ng breakfast ay nag start na kaming mag swimming habang maaga pa..Habang lumalangoy pa si Steph ay naisipan kong umahon muna.Di ko inaasahang makikita sa garden si Althea nagdidilig sya ng mga halaman at wiling wili sya sa ginagawa nya.Di ko maiwasang tingnan sya pero biglang nagbago ang mood ko ng makita kong kinukulit siya ni Marco.Naiinis ako,gusto ko silang lapitan pero di ko magawa wala akong karapatan.Ano ba itong nararamdaman ko nag seselos ba ako?Pero ba't naman ako magseselos?Wala rin namang dahilan.Nag uumpisa na bang magustuhan ko sya?Hindi pwede ito paano si Steph alam ko na mahal ko talaga sya.Bumalik na lamang ako para maligo. Nagpaalam na rin ako kay Steph at sa Mommy nya.Tumawag na kasi ang aking secretary para I remind na may board meeting ako ng 9:30am. Nasa opisina ako katatapos lang ng meeting,wala ako halos naintindihan,walang pumapasok sa aking isipan.Halos lahat ay sinakop ng maid nila Steph.Ano bang nangyayari at di ko sya makalimutan.Ginugulo nya ang isip ko.Pauwi na ko sa aming bahay ng may tumawag,tiningnan ko ang aking phone at ang aking kaibigan palang si Joseph ang tumatawag. "Bro where are you?"tanong nya sakin. "I'm going back home.Why?" "Pwede kaba ngayon bro nag-aya kasi sila Greg kararating nya lang galing ibang bansa. Inom tayo i-text ko nalang sayo kung saang bar tayo magkita-kita" aya nya pa sakin Sige uuwi lang ako saglit sa bahay ko para makapagpalit ng damit. ... Althea POV "Ate Althea pwede ko ba kayong imbitahan mamayang gabi.Birthday ko kasi darating ang aking nobyo galing ibang bansa.Gusto nyang magsama ako ng mga kaibigan ko dahil isasama nya rin ang mga kaibigan nyang lalaki.Gusto rin sana kitang ipakilala sa kanila" ani Cindy Isa rin syang maid kagaya namin ang kaibahan lang ay malapit nya ng matapos ang kanyang pag-aaral.Ngayong taon na sya magtatapos bilang Guro. Natutuwa ako sa kanya bukod sa pagiging matalino at masipag ay likas din sa kanya ang pagiging mabait.Mula ng nagtrabaho kami dito ay isa sya sa lagi naming kasama.Sya ang taga palengke namin kaya ayos sa schedule nya sa pagpasok dahil di naman lagi namamalengke dahil 2 beses lang sa isang Linggo kung magpa grocery sila ma'am.Madalas kasi sila na rin ang bumili ng mga pangangailangan dito sa bahay. Nagulat lang ako meron na pala syang kasintahan.Pero ang sabi nya ay bago palang sila kaya di na rin ako nag-usisa pa. "Sige anong oras ba para makapaghanda ako?tanong ko "Mga 7pm pa naman po isama na rin natin si ate Beth at Gigi para marami tayo.hihi" Bago mag alas 7 ng gabi ay nakagayak na kami.Sabi ni Cindy susunduin daw kami dito ng kanyang nobyo.Maya-maya nga ay dumating na ang isang magarang sasakyan.Isa palang Bilyonaryo ang kanyang kasintahan,mas ma edad sa kanya ng 5 taon si Greg.Yun ang kanyang pangalan,pinakilala sya sa qmin ni Cindy bago kami sumakay sa sasakyan.Si Cindy ang nasa harap kami naman nila Beth at Gigi ang nasa likod.Ang swerte ni Cindy bukod sa gwapo at mayaman ni Greg ay napaka sweet rin nito sa kanya.Sana lang ganun din ang magiging first boyfriend ko para sya na hanggang sa huli. Dinala nya kami sa isang mamahaling Bar sa Makati.Oh grabe ang higpit ng security nila dito kung wala kang maipakitang ID ay di ka papapasukin.Buti nalang ng kami na ay may pinakita lang si Greg na Card ay pinapasok na kaming lahat.Ang ganda ng bar sobrang sosyal talaga.Pumasok kami sa isang room ang rinig ko VIP room daw dahil talagang para sa amin lang ang kwartong yun.Pero nagulat ako ng pagpasok ko dahil hindi lang pala kami ang tao may nauna ng mga lalaki.Nagpakilala sila at masasabi kong mga gentleman sila.Si Joseph sobrang tangkad 6ft height halos tingalain ko sya nung nakipagkamay ako.Ang gwapo nya rin.Di lingid na may lahi syang banyaga dahil sa kulay nyang sobrang puti at asul na mata.Halos kiligin si Gigi nung sya na ang nakipag kamay.Di nya naitago dahil halos masambit nya ang kanyang paghanga sa lalaki.Ang isa naman ay si Tyrone super hunk ang ganda ng katawan.Isa kasi syang model kaya naman sobrang alaga ng katawan nya.Gwapo rin sya at may lahi ding banyaga.Natuwa naman ako at mukhang tinamaan ang aking best friend na si Beth sobrang hiyang hiya sya.Natatawa ako ng palihim na may pakurot kurot pa sakin sa sobrang pigil ng kilig aysus tinamaan kay Tyrone. Dahil sa may kanya-kanya na silang kausap kaya naman nakapagsolo ako,uminom ako ng hard wine.Grabe ang pait di ko ulit titikman ang ganitong alak.Nahilo ako.Nagpaalam muna ako sa kanila na gagamit ng palikuran dahil gusto kong maghilamos para mabawasan man lang ang pagkahilo ko.Gusto pa nga akong samahan ni Beth pero tumanggi na ko. Nang makapasok ako sa comfort room may iilang mga kababaihan ang nandun. "Oh my gosh nakita mo ba nandito ngayon ang grupo nila Tyrone may gosh ang gwa gwapo nilang apat lalo na si Greg ko."sabi ng babaeng sobrang kapal ng make up. "Bet ko pa rin si Joseph ko my dear hihihi"sambit pa ng isa na medyo chubby "Tigilan nyo nga yan pinaka gwapo sa kanila si Marius kahit na nakakatakot pa".hahaha singit naman ng isa pa nilang kasama. Sino daw yung isa pa?Marius daw?It means may di pa sila dumarating na kaibigan.Nandyan na kaya sya?Dali dali akong bumalik sa VIP room na kinuha namin.Pagbukas ko palang ng pinto ay naabutan kong nagkakatuwaan sila.Biglang lumapit si Beth sa akin sabay bulong na nandito nga si Marius.Si Marius na kasintahan ni ma'am Steph.Bigla akong kinabahan dahil iba ang nararamdaman ko sa kanya.Bumilis na naman ang pintig ng puso ko.Mukhang may naghahabulan sa loob ng dibdib ko lalo na nung nagtapat ang aming paningin. "Hi Althea" bati nya. "H-he-hello sir good evening po."medyo nautal ko pang sagot sa kanya. "Come here have a seat.Please lang don't call me sir right now."Tingin nya sa aming mga girls. "Besides you are Cindy's friend, right? Girlfriend ni Greg si Cindy and bestfriend naman kami ni Greg so I think it's better if you call me Marius or kuya Marius nalang para di na kayo mailang sakin.I don't care if ako ang boyfriend ni Ma'am Steph nyo. "Yes kuya Marius"chorus na sagot pa nila. Ako naman ay natahimik lang sa isang gilid.Oo sa gillid ako umupo imbes na sa tabi nya.Nakaka pressure kasi siyang tingnan. Inumpisahan na namin ang birthday party ni Cindy dahil sabi nga nya ay kompleto naman na ang kanyang mga bisita. Ang sweet talaga ni Greg,nagbigay pa sya ng birthday greetings kay Cindy with gift pa.Grabe ang sweet nakaka-inggit para sa tulad namin ni Beth na NBSB.Sumunod na nagbigay ng gift si Tyrone tapos sunod-sunod na silang mga boys na nagbigay ng gift. Nakakahiya nga kasi kaming mga girls hindi prepare para sa party na to.Kaya utang muna ng gift namin kay Cindy hehehe. Hanggang sa nag-umpisa na silang mag-usap-usap.Napatingin ako kay Sir Marius. Ang daldal nya pala at di naman pala totoong suplado sya sadya lang namimili siguro sya ng gusto nyang kausapin. Habang tumatagal ay iba na ang hilong hatid sa akin ng alak na iniinom ko.Ayoko na sanang uminom kaya lang sabi nga ni Cindy minsan lang naman mangyari to.At wala naman daw kaming dapat ipag-alala kahit malasing kami dahilan para magpakalasing na rin ako.Super enjoy ako. Hanggang sa nilapitan na ako ni Sir Marius at nakipag kwentuhan sa akin.Kanya-kanya na kaming kapareha.hehehe kapareha talaga assuming ko talaga.Habang tinititigan ko sya parang may pamilyar na pakiramdam akong naramdaman.Yung saya na hatid nya di nakakasawa.Naikwento nya sakin na childhood friends nya sila Joseph,Greg at Tyrone.Silang apat na talaga ang magkasama dati pa.Nagkakilala naman sila dahil magkaka business partner ang mga ama nila.Oh Diba mga bata palang ay mayayaman na sila.Mga young Billionaire ika nga. Hanggang sa nag-aya na si Cindy na umuwi dahil sobrang gabi na.Bukas ay may trabaho na naman kami.Si Greg na ang nag hatid sa amin sa mansyon. Kinabukasan maaga kaming nagising ni Beth.Sobrang saya ng kaibigan ko,hiningi raw ni Tyrone ang kanyang numero.Mukhang magkaka love life na si Beth.Masaya ako para sa kanya.Blooming ang loka may inspiration na sya ngayon. Pagkatapos naming magbihis ng aming uniform ay bumaba na kami para mag-almusal muna bago gawin ang aming mga trabaho.Nadatnan namin si Gigi na nagkakape.Ayon sa kanya nasobrahan sya ng inom at may hang-over sya ngayon kaya sobrang tapang na kape ang kanyang iniinom.Pero kahit may hang over pa sya, todo kwento pa rin sya sa nangyari kagabi.Tinamaan sya sa kagwapuhan ni Joseph,sabi pa nya ay ultimate crush nya daw ang lalaki.Di ko napigilang mapangiti mukhang masusundan pa ang pagkikita kita nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD