Episode 16

709 Words
Daddy Austin POV Kanina pa ako nakarating sa bahay namin sa probinsya. Pero wala sila Marius, ang sabi sa akin ng kasambahay ay nag punta daw sila ng ilog, sa sobrang kasabikan kong makita ang tunay kong anak ay minadali ko talaga ang pag uwi dito. Hindi na ako nag pahinga pa sa Manila dumeretso akong bumyahe papunta dito. Maraming ala-ala ang nag balik-tanaw sa lugar na ito. Malu-lungkot na nakaraan pero mas marami ang masasaya. Kung hindi dahil dito sa lugar na ito ay di ako magkaka anak. Yung sariling akin kahit na di man nya ako kinilalang ama pero naramdaman ko naman ang pagmamahal ng isang anak sa kanya. Naging mas malapit siya sa akin kaysa sa tinuturing niyang ama. Hindi ko rin naman itatanggi pero mukhang na spoiled ko rin siya, kapag umaalis ako dahil sa business trip at kapag bumalik na ako ay pareho sila ni Marius na may pasalubong sa akin. May mga pagkakataon pa nga na ayaw niyang tanggapin dahil sinasabihan siya ng kanyang ina pero ng tumagal ay tinatanggap nya na rin. Madalas ko kasing tinatanong siya kung ano ang gusto nya at yun ang bibilhin ko. Nang dumating sila Marius ay una ko talagang hinanap si Althea ng palihim pero di ko siya nakita. Medyo nadismaya ako pero ng marinig ko ang pag sigaw niya ay bigla ring nawala ang aking lungkot. Sobrang kasiyahan ang pumalit ng masilayan ko na sya. Di nga mapagkakailang anak ko siya. May hawig kasi talaga kami. Yung mga taong di kami kakilala ay tiyak na mapagkakamalan na mag-ama kami. Niyakap nya ako ng mahigpit. Hindi ko na rin napigilan ang pagkasabik ko at niyakap ko siya pabalik. Hinalikan ko pa ang kanyang ulo... " Iha kamusta ka?" Yun lamang ang tanging nasambit ko. Ang sabi kasi ni Marius sa akin ay may amnesia siya. Isa rin yun kung bakit ako umuwi, balak kong patingnan ang kalagayan nya sa mga espesyalista para gumaling na rin sya. Kaya ang laking pagtataka ko ng nakilala nya ako. Alam kong nagulat rin ang lahat ng naka saksi base na rin sa kanilang mga mukha. " Ayos lang po daddy ninong. Bakit po pala kayo nandito?" Tanong nya. " Kararating ko lang iha pag iwas ko sa tanong nya." " He is my father Althea" Singgit na sagot ni Marius... Natahimik ang lahat.... Nagtanong ulit si Althea Hindi nya pinansin si Marius. " Daddy ninong nasaan po si M.A.? Kasama mo rin ba siyang dumating? Sabay ngiti nya. Doon ko lang na kumpirma na talagang ako lang ang naaalala nya. Hindi nya naaalala si Marius. At bakit M.A. ang tawag yiya? Naguguluhan man ako pero umiling nalang ako bilang sagot sa kanya... " Naalala ko na si M.A. daddy ninong... Mapaghahandaan ko na ang pagkikita namin. Sana lang di nya ako nakalimutan sa tagal na di kami nagkita..." ngisi nya pang sabi. -------- Steph POV Nabigla ako sa mga pangyayari... Imbis na si Marius ang maalala ni Althea ay kung sinong M.A ang sinasabi nya. Nakilala nya rin ang ama ni Marius at masasabi long napaka close pala nila sa isa't isa. Maya maya pa ay nag aya na ang daddy ni Marius sa kusina nila para mag meryenda muna kaya naputol ang usapan nila. Nakita ko pang yumakap si Althea kay Beth sabay bulong, ang alam ko ay sila ang matalik na magkaibigan. Bigla akong nailang sa sitwasyon. Imbis kasi na kay Marius naka tutok si Tito Austin, ramdam kong lahat ng atensyon nya ngayon ay na kay Althea lamang. Mukhang di naman apektado si Marius dahil natutuwa pa siyang pagmasdam sila Tito at Althea na masayang nag kwentuhan... " Honey try this one..." Sinubuan ako ni Marius ng malagkit na kanin pero matamis at kulay brown. " What's this? Masarap ah..." Ngiti ko sa kanya. Di pa rin nawawala ang pagkamalambing nya sa akin. " Biko ang tawag dyan hon." Sabay akbay nya sa akin at halik sa ulo ko... Ramdam kong nahahati ang puso nya ngayon. Para sa akin at kay Althea pero kung dumating man ang time na mas piliin niya si Althea ay magpaparaya ako para sa ikaliligaya nya. Ganun kalalim ang pagmamahal ko sa kanya. Kaya kong isuko ang lahat maging masaya lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD