Althea POV
Nasa kwarto na ako ngayon dahil oras na para matulog. Tatlo kami nila Beth at Gigi sa kwarto. Pero si Beth lang ang naka kasama ko kasi kagabi di ko alam saan si Gigi na tulog. Hindi ko na rin naman tinanong.
Bumalik na naman ang pag-iisip ko sa nangyari kanina...
Nang makita ko si daddy ninong, lahat ng alaala ko ay unti-unting bumalik. Magulo pa rin sa isip ko kung si Marius nga ba ang kababata ko noong una. Pero mas na kumpirma ko pa ito ng sinabi nyang sya ang anak ni daddy ninong. Alam ko na isa lang ang anak ni daddy ninong at siya ang batang una kong minahal at pinangakuan ng pagmamahal habambuhay. Pero mukhang hindi na ito matutupad dahil may mahal na siyang iba. Ayoko rin namang maging hadlang para di siya maging masaya. Nakikita ko naman na si ma'am Steph na talaga ang mahal nya at ang tanging mag papa saya sa kanya... Kaya naisip kong magpanggap nalang na ang tanging naaalala ko lang ay ang pangalang M.A. ako lang din ang tumatawag sa kanya noon kapag gusto ko siyang asarin. Ayaw nya kasing tawagin ko siyang ganun. M.A. means Marius Anthony... Pero nung bata pa kami Anthony talaga ang tawag ko sa kanya... Natatakot pa akong mag-usap kami. Hindi ko kasi alam kung paano siya kakausapin. Hindi rin lingid na nag ka gusto na ko sa kanya bago pa man malaman kong siya nga ang hinahanap ng puso ko. Kaya pala ang gaan nyang kasama. Parang kaya niya akong protektahan kahit sa paanong paraan. Alam nya na rin kaya na ako si Althea na kababata nya?
Bumalik lahat ng alaala ko... Si daddy ninong ang tumayong ama ko dahil ang kinilala kong ama ay di ko man lang maramdaman na mahal ako. Mabuti na lamang at mabait ang aking ina, malambing din siya at mahal na mahal ako. Kaya kahit salat kami sa karangyaan ay di nya naman ako pinabayaan at sobrang nag papasalamat ako dahil sa konting panahon na nakasama ko sila ay masasabi kong sobrang saya ko.
Hindi rin naman ma sasabi na sobrang hirap ng buhay ko noon kasi lahat ng kailangan ko lahat ay binigay ni daddy ninong. Kaya sobra ang pasasalamat ko sa kanya.
Isang araw ay inaya ako ni Marius sa tabing ilog, ito na kasi yung huling araw na mag ka kasama kami dahil bukas kasi ay aalis na sila, si daddy ninong ang unang nag paalam sa akin. Aayusin lang daw nila ang kumpanya ng pamilya ni Ninang Rebecca dahil nagkaroon daw ng problema. Doon na muna daw sila hanggang sa maayos ito. Na lungkot ako pero naintindihan ko naman na yun talaga ang kailangan.
" Thea ito na ang huling araw nating mag kasama, sana gawin nating memorable ito." Ngumiti siya sakin pero di abot sa mata.
" Sige, mag-iingat ka sana balikan mo ako dito hihintayin kita nandito lang ako lagi bilang kaibigan mo." Sagot ko naman sa kanya.
Naligo kami, nag picnic, nang huli ng isda, kumain ng mga paborito naming prutas... Nag kwentuhan... Masayang masaya kami nung araw na yun.
Bago kami umuwi ay may sinabi syang tumatak sa puso't isip ko kaya hanggang ngayon ay pinanghahawakan ko.
" Althea hindi lang kaibigan ang tingin ko sayo. Siguro nga ay gusto na kita. Hindi ko talaga kayang lumayo sayo. Sa edad mo na 22 babalik ako. Siguradong kaya na kitang buhayin dahil 25 na ako nun. Mag pa kasal tayo. Gusto kong ikaw ang makasama kong bu buo ng pamilya. Hintayin mo ako at babalikan kita. Mahal na mahal kita"
" Sige balikan mo ako hihintayin kita! Pangako ikaw lang din ang nag iisang nasa puso ko"...
Hinalikan nya ako sa labi...
...
Marius POV
Hindi ako mapakali dahil gustong gusto ko ng ma kausap ni Althea pero hindi pwede hangga't di pa siya maka-alala dahil baka mas ma guluhan siya. Nagkausap na kami ni Dad na ipapagamot namin siya ayoko namang hindi bumalik ang alaala nya dahil masyado ng matagal ang 10years gusto ko na rin na umalis siya kanila Steph, ako na din ang mag papa-aral sa kanya pero tinutulan ni Dad ang plano ko, ang sabi nya sya na daw ang bahala sa lahat.
Hindi pa pala alam ng aking mommy na buhay si Althea kaya pala mag-isa si Dad dito na bumalik. Ang alam lang ni mommy ay may business meeting si dad kaya sa isang linggo ay babalik na sya pero bago daw siya maka balik dapat ay nasa maayos na kalagayan na si Althea.
Naaawa rin ako sa kababata ko, dahil ilang taon rin siyang dumanas ng hirap. Nalaman ko pa sa inutusan kong mag imbestiga ay nag palaboy laboy pa siya bago nakita nila Beth.
Dapat rin pala naming pa salamatan ang pamilya ni Beth dahil sila ang kumupkop sa kanya habang kami ay ang alam ay patay na siya.
Sinabihan rin ako ni dad na wala daw muna kaming dapat pag sabihan na buhay pa si Althea kasi mukhang nasa panganib ang kanyang buhay. Napag alaman kong sinadya ang aksidente, ayon sa mga police na kausap ni Lolo at bago siya mawala ay pinuntahan nya pa si daddy para sabihin yun.
Sino kaya ang may kinalaman dito???....