Chapter 3
TOMMY
Hawak niya sa kamay ang litrato ng batang minsan niyang iniligtas sa kamay ng mga sindikato, bata na anak ng isa sa pinakamakapangyarihang tao sa Canada.
Kung mayroon man pagkakaiba makalipas ang sampung taon, iyon ay hindi na bata ang nasa litrato na nakapuyod sa magkabilang gilid at may suot na sumbrero.
Brie Addison really grew up dashing. She looks purely Asian but she has a different kind of charisma. Simple itong babae sa litrato na hawak niya pero bakas sa aura ng mukha nito ang karangyaan, even her hairclip has shining diamonds on it. She has beautiful long brown hair, running smoothly down to her spine, a pair of beautiful brown eyes, pink thin lips, pointed nose, and a pair of small dimples under the corners of her lips.
Kung ito pa man ang Brie na hinahanap niya sa ngayon ay hindi siya mahihirapan pero kung nagbagong anyo ang dalaga matapos na lumayas sa poder ng mga magulang ay pihadong parang susuot siya sa karayom na walang butas para lang makita ito.
What the s**t has gotten into your mind, Peaches?
Naningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa litrato nito habang hinahaplos ng hinlalaki ang magandang korte ng mukha nitong walang kasing amo. Iyon ang latest na picture na iniabot mismo sa kanya ni Mister Robinson, dalawang linggo na ang nakalilipas nang magkita sila sa Jamaica.
Nasa lungga niya siya sa isang pribadong isla sa Palawan nang kontakin siya ng direktor ng FBI. Naka-indefinite leave siya sa trabaho at ang indefinite leave na iyon ay taon na ang binibilang simula nang mamatay ang asawa niyang si Genesis nang dukutin iyon ng mga sindikato na mismong dumukot sa batang si Brie. It was more likely revenge and Tommy lost his wife. He never had a chance to see her when the whole brothel was bombed into ashes.
Nahuli siya ng dating para iligtas ang babaeng pinakasalan niya, at ang masakit ay naghiwalay sila na puno iyon ng hinanakit sa kanya.
After three years, he received a call. Finally, he stepped out from his cocoon. Ang condominium na binili niya sa Makati ang naging libingan niya kahit buhay pa siya. Hindi niya sana balak na tanggapin ang alok na trabaho ng direktor pero nang marinig niya na galing iyon sa Prime Minister ng Canada, paano siya magdadalawang-isip? Ang unang pumasok sa utak niya ay si Brie. He was banged instantly and his heart gone wild inside his chest.
The girl he saved long ago is missing again but now it’s a different story. She ran away. Hindi alam ng mga magulang nito kung nagtanan ba ito o kung ano pero mas nabalisa siya dahil ilang na buwan na pala itong nawawala.
Wala na silang komunikasyon matapos silang maghiwalay noon nang umuwi ito sa Toronto, Canada mula sa tatlong buwan na pangangalaga niya at ni Genesis. Namuhay siya na aktibo pa rin sa pagiging FBI agent and married his long-term girlfriend but just after a month, their relationship turned sour. Siya ang may problema. Siya ang nagkaroon ng dep’rensya. Pinilit niyang itama ang sarili sa kedemonyohang bumalot sa sistema niya pero mukhang hindi niya iyon napagtagumpayan. Akala niya sa paglipas ng maraming taon ay magiging maayos ang lahat pero lalong lumala nang ma-diagnosed si Genesis na hindi pwedeng magkaroon ng anak. Lalong lumayo ang loob sa kanya ng asawa at nagsasama sila sa loob ng iisang bubong pero halos parang hindi sila magkakilala. Until he asked for divorce three years ago when they’re still in U.S. Humingi siya ng diborsyo na lalong ikinasama ng loob ng misis niya. Hindi na sila nauwi sa ganoon dahil kinuha na ito ng mga sindikato at nang mapagtanto ng mga iyon na siya rin ang lalaking nakapagligtas sa hindi mabilang na batang biktima ng human trafficking, mas ikinatuwa iyon ng mga kalaban.
Napabagsak niya ang lahat pero hindi niya nagawang iligtas si Genesis.
Sa pagkakita niya ulit kay Brie na hindi niya kailanman nasilip sa dyaryo man o sa TV, bumalik ang lahat ng kasalanan niya sa asawa niyang namatay.
Bring back my daughter and you can have anything you want. You name it, you’ll have it. Just bring her back, alive and okay. I will owe you my life, agent VillaVerde.
It was what PM Samuel Robinson told him over the phone and after a brief while, he got a picture of the old man’s daughter via E-mail—zoomed view.
The cute little girl ten years ago is now a stunning Chemistry professor. Anong dahilan ng biglaang paglalayas nito?
Ang hindi niya alam kung saan siya magsisimula at sa laki ng mundo, saan niya ito hahanapin? Walang maisip ang mga magulang ni Brie kung saan iyon sumuot o kung aling bansa ang pwedeng puntahan. Kumakabog ang dibdib niya sa kaba na baka napahamak na iyon sa kamay ng kung sino. Son of a wench!
He’d kill for the umpteenth time if somebody hurt that girl.
Bumuntong hininga si Tommy at tumingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Gumagana na ang mga contacts niya sa iba’t ibang panig ng mundo at baka mamayang gabi ay lumipad din siya papunta sa Canada. Mag-uumpisa siya sa malapit lang sa lugar kung saan nanggaling si Brie. Isa iyong prinsesa ng mga Robinson at hindi kayang mamuhay na mahirap at malayo sa lahat. Baka nasa malapit lang iyon sa mga magulang pero sadya lang na hindi nagpaparamdam.
If by chance God will let him see her, he’ll bring her home safe and sound again, no matter what it takes.
Napasulyap din siya sa salamin at napatanong sa sarili.
Would she recognize him when he’s changed from a neat, overly gorgeous looking guy down to a sturdy bearded, old f*****g man?