Chapter 4

2271 Words
Chapter 4    BRIE   Halos mapaluha siya nang umiling ang kahera ng gasolinahan matapos na lumabas iyon sa cubicle at ipinakita sa kanya ang listahan ng mga advances niya. Laglag ang mga balikat na nakaramdam lalo ang dalaga ng panghihina sa isang sulyap pa lang sa total balance ng mga pinag-tally na numero. “Wala ka ng makukuha. In fact, may bayaran ka pang dalawang araw na serbisyo rito. Tingnan mo ang bale mo.” Ipinakita sa kanya ni Vina ang journal at sa itaas ay may pangalan niya. May mga date sa gilid at nasa debit side ang kabuaan niyang sweldo sa isang buwan at sa credit side ang mga advances. Ang sweldo niya ay inaabot lang ng 370 isang araw at kulang na kulang pa iyon kung tutuusin sa minimum pero nagtiyaga siya. Sa mga pagkakataon na nakakakita siya sa lansangan ng mga batang kalye na nakasakay sa kariton ay binibilhan niya ng masasarap na pagkain ang mga iyon. Nakalimutan niya na hindi na nga pala siya si Brie na prinsesa ng ama niya. She’s just an ordinary poor girl who works to eat everyday. Ultimo shampoo niya ay pinagpapawisan niya samantalang sa bahay nila ay isang pindot lang niya sa pader ng banyo, may lalabas ng shampoo, conditioner at feminine wash. She spent too much but would she count it as, ‘too much’ if she used her money for the sake of the kids on the streets? “Ang ibig mong sabihin, Ma’am Vi, hanggang sa isang araw pa ako dapat mag-trabaho para bayaran ko pa ang balanse ko?” hindi makapaniwalang tanong niya rito. Tumango naman ito kaagad at tumaas nang bahagya ang mga kilay. “Mismo, Allison. Ayun oh,” nguso nito sa may likuran niya kaya napalingon din siya nang kaunti. “Tulungan mo si Eugine kasi maraming sasakyan ang magpapa-gas.” Tumalikod na ito at iniwan siyang nakatanga sa hawak na libro. Nang tila mahimasmasan siya ay parang nakaramdam siya na maluluha na talaga kaya ipinatong na lang niya sa counter ang record book. She tiredly turned her back and walked to the gasoline stand. Naghihintay doon ang ilang pila ng sasakyan. Nang umpisahan niyang ibaba ang metro ng stand at masinghot ang gasolina, inutok-utok na naman siya kaagad ng ubo kaya tinakpan na lang niya ang bibig. Dumaan na siya sa center kanina at inirekomenda siya sa isang private na duktor dahil nga sabi niya ay may lumabas na dugo sa bibig niya. She needs sputum testing and she knows it’s kinda expensive. Wala niyon sa center at mukha raw na ang kailangan na niya ay isang lung expert. Umalis na lang siya sa center na nag-iisip kung paano pa o paano na. Lumayas siya sa kanila at kailangan niyang pagbayaran ang karma. Kasalanan pa rin niya kung bakit siya nakararanas ng ganoon pero bakit wala siyang maramdaman kahit munti man na pagsisisi? “Miss! Tatanga ka na lang ba? Sayang ang ganda! Huwag tanga!” singhal sa kanya ng isang lalaki na nasa loob ng pick-up at naninigarilyo habang nakalabas ang kamay sa bintana ng sasakyan. Napatingin sa kanya si Eugine at parang naawa naman. “Huwag naman mayabang, boss. Babae ang ipinahihiya mo sa harap ng karamihan.” Aniyon kaya kahit paano ay nakaramdam naman siya ng kaunting tuwa. Isa si Eugine sa mga taong nagpapakita sa kanya ng totoong malasakit at kaibigan niya ang lalaki. Hindi ito magandang lalaki pero mabuti ang kalooban. Patunay na hindi lahat ng maganda sa panlabas ay ganoon din sa loob. “Sumasagot ka sa customer? Baka gusto niyong sabay na tumalsik dito? Bilis!” singhal pa ng lalaki kaya umiling na lang siya at tumingin sa takip sa tangke na inaalis ng lalaking nakamotorsiklo. “Magkano ho, sir?” tanong niya habang nakatakip sa bibig. Gulat siya nang bigla itong bumaba sa motor at sa laking tao nito ay totoong napatingala siya na parang nalulula. Dinukot nito ang pitaka sa bulsa ng suot na leather pants at sa tingin niya ay miyembro ito ng Riders Club. He’s in full black; leather coat, leather pants with side pockets, matching with his black combat boots. Shit! Nakakapalaway ang height ng estranghero at kahit na naaamoy niya ang gasolina ay hindi nakaligtas sa ilong niya ang amoy ng mamahalin nitong panlalaking pabango. Napatanga lalo ang dalaga sa helmet nitong itim din. Parang gusto niyang iangat ang mirrored shield na tumatakip sa mga mata nito. Saglit itong pumihit at pakiramdam niya ay nakatingin ito sa kanya. Her heart accelerated for an unknown reason and so she smiled to ease herself. “How much, sir?” “Full tank.” He replied in his baritone voice. Agad na natigalgal si Brie dahil um-echo sa lahat ng sulok ng tainga niya ang boses nito kasama na pati ang accent sa pananalita. Iisang tao ang naalala niyang may boses na tulad nito, buo, malalim, maganda. Kahit na maraming taon na ang lumipas ay hindi niya pwedeng makalimutan ang lalaking ‘yon na bumihag sa bata niyang puso pero nang lumaon ay nawala nang magkaroon siya ng interes sa kababata niyang si Liam. “Miss! Bilis!” singhal na naman ng lalaking nakasakay sa pick-up kaya napakurap siya at bumalik sa huwisyo. There’s no way that the man in black is agent Thomas Henri Villaverde. Hindi niya alam kung nasaan na ang hero niya at hindi niya alam kung magkikita pa sila. “Kung hindi ka lang maganda, binato na kita.” Bulong pa ng sarkastikong lalaki at sukat doon ay napameywang ang lalaking may-ari ng motorsiklo na naghihintay din na ma-full tank ang sasakyan. Pumihit ang ulo nito papaharap sa mayabang na nakasakay sa pick-up at talaga yatang pinagmamasdan nito nang husto. “Allison! Bilisan mo na nga at humahaba ang pila! Daig mo pa naman kasi ang mayaman eh mahirap lang naman!” sigaw ni Vina sa kanya nang saglit siyang lumayo sa nakasaksak na gasoline dispenser sa tangke ng motor. “Paubo-ubo ka pa!” Mabilis siyang bumalik pero tinatanggal na ng lalaki ang dispenser at iniabot sa kanya. “Magkano ka ba at nang maiuwi na lang, mapagparausan.” Humalakhak ang lalaki sa loob ng sasakyan kaya nagkatinginan sila ni Eugine. “Parausan mo ang mukha mo.” Mataray na sagot niya pero may humaklit sa braso niya na halos ikatumba pa niya.  “Huwag ka ng sumagot.” Gigil na sabi sa kanya ni Vina. “Bakit hindi ho ako sasagot ay karapatan ko ‘yon? Hindi kasama sa trabaho ko ang mabastos.” “At ano naman mapapala mo kung lalaban ka? Magkakapera ka? Ganoon?” sarkastiko pang tanong ng kahera saka siya inirapan. “Mataray pala ang gasoline girl dito. Maganda lang naman at mukhang masarap. Baka ni elementary hindi naka-graduate.” Insulto rin ng lalaki sa kanya at talagang nanggigigil na siya. Matapos na maiabot ng lalaking nakamotor ang bayad kay Vina ay humakbang iyon papalapit sa pick-up. The man’s gesture is cool but Brie was shocked when he pulled the driver’s door and pulled the driver out by his collar. “Foul mouth.” Bigla na lang tinapik ng lalaking nakaitim ang bastos na driver at nagpumiglas iyon pero hindi makawala sa malaking bulto ng estranghero. “Gladly I came, lady. This man is bothering you and insulting you. You just have the guts to defend yourself but quite not enough.” Aniyon at saka walang pangingimi na iniumpog ang lalaki sa katawan ng sasakyan. Natutop niya ang bibig at nanlaki ang mga mata. Tommy? Halos mapigil ng dalaga ang paghinga lalo na nang masapo ng lalaking mayabang ang ulo. Nakatunganga lang ang lahat sa ginawang pagtatanggol sa kanya ng lalaking wala pang mukha dahil suot pa rin nito ang helmet, pero habang tumatagal ay lalong bumibilis ang pagtibok ng puso niya. Tinanggal nito sa wakas ang helmet at lalong parang umusli ang mga mata niya sa paghihintay na makikita niya ang walang kasinggwapong mukha ng lalaking hinangaan niya noon pero bakit ibang mukha ang nakita niya? The man is fully bearded and his hair is as messy as a bird’s nest. Para iyong isang lalaking matagal na nakulong sa ataol ni Dracula at hindi nakapagpagupit, ni nakapag-ahit man lang. But there’s something about the stranger, especially his voice, only that it’s so cold. Mataman niya itong tinitigan sa mukha hanggang sa titigan niya ito sa mata. Oh Daddy! Napasinghap siya nang makilala ang mga mata nitong asul. “T-Tommy?” bumilis ang t***k ng puso niya at hindi niya alam kung magtatatalon siya o iiyak. “Hi Peaches.” He coldly replied, stretching out his arms. Peaches? Tuluyang naglaho ang agam-agam ni Brie at napatakbo siya papalapit dito. Yumakap siya sa batok ng binata at halos umangat siya sa semento nang gantihan siya nito ng yakap. Nagawa pa niyang belatan ang lalaking nambastos sa kanya at pinasibad kaagad ang sasakyan kahit na hindi pa nakakapagpagasolina. “Oh my gosh, agent Villaverde. I can’t believe this.” Napaubo siya pero hindi mapuknat ang pagkakalambitin niya sa batok nito at sa isang iglap ay batang sampung taon ulit ang pakiramdam niya. Shit! He’s harder this time. He smells so awesome though he looks awful. Ang tigas ng braso nitong nakapulupot sa baywang niya at mariin na pisil ang mga iyon, kabilaan. She felt protected once again and nothing compares to that feeling. “This girl you’ve been insulting, woman is the only daughter of the Prime Minister of Canada.” Mabalasik na sabi nito marahil kay Vina kaya agad siyang napatikal. She’s alarmed when all the people there looked at her with disbelief. No. Ayaw niyang pagpiyestahan siya roon. “Take me away. Please. I’ll explain everything.” Inalog niya ito sa braso at ang mga mata nito noon na malamlam kung tumitig bakit ngayon ay malamig at puno ng galit nang tingnan siya? What happened to him? Maraming tanong ang pumasok sa isip niya pero hindi iyon ang tamang lugar para alamin niya ang mga sagot. “Please,” pakiusap niya nang may ilang dumukot ng cellphone at mukhang kukuhanan pa siya ng litrato kaya agad niyang inagaw ang helmet at isinuot iyon. Dinampot niya si Tammy at walang habas na hinila ang malaking binata na parang hindi pa gustong umalis doon at balak pa yatang pasabugin ang buong gasoline station dahil lang inaway siya ng mga tao roon. “Allison,” halos hindi mausal na tawag ni Eugine sa kanya kaya nalingon niya ang kaibigan. “I’ll text you.” She waved her hand. Walang pag-aalinlangan siyang sumakay sa motor na parang sintaas yata ng kabayo. “Hold tight, little girl.” Utos sa kanya ni Tommy at bahagya pa itong lumingon kaya parang bigla na lang na bumalik ang kilig niya. Years ago, she was shy but now…she’s not. “I will. Don’t worry, agent.” Napangiti siya sa ilalim ng helmet at iniyakap niya ang isang braso sa katawan ng binata habang yakap naman sa isa si Tammy. Her savior is back and what she’ll do first is ask him to treat her. Ubo siya nang ubo habang lulan sila ng motorsiklo at halos mapuno na nga yata ng laway niya ang helmet na suot. “Gross.” She whimpers. “Hell, you are sick. What did you do, Brie Addison? Why the heck are you here and looks like a terrible mess?” masungit na palatak nito sa kanya at ramdam niya na kahit taon ang hindi nila pagkikita ay malapit pa rin talaga siya rito at hindi siya makaramdam ng pagkaalangan. “Who looks like a mess? Ask yourself, Mister. My god! You look seventy years older!” bulalas niya sa likod nito at nakita niya sa salamin ang pagtigas ng mga panga ni Tommy. She muffled her giggle though it really is the truth. Bakit kaya mukha itong pinagkaitan ng razor? Bakit nasa Pilipinas ito at sa laki ng mundo, bakit nag-krus ulit ang landas nila kahit na mas pinili nitong kalimutan siya simula nang matapos ang pagpapagamot niya sa girlfriend nitong si Dra. Genesis? At nasaan na ang duktora? Kasama ba nito iyon ngayon sa Pilipinas? Kasal na kaya ang dalawa at isang dosena na ang anak? Bakit para itong hindi na malambing? Bakit parang bigla na itong naging bato na kahit mga mata nitong asul ay parang pinatigas din? “Where are we going, agent Villaverde?” she asked. “You decide because you have a lot of explaining to do. I didn’t save you long time ago just for you to waste your precious life.” Hmp! Napaismid siya sa maaga nitong pasermon. “I’m not wasting it. I’m fixing it.” Giit naman niya pero siya rin ang halos mapangiwi. Sa estado ng buhay niya sa ngayon ay masasabi niya bang maayos talaga siya o gusto niya lang itanim sa isip niya na tama siya sa ginawang paglalayas at papaniwalain ang sarili na okay siya? Wala siyang narinig na sagot mula sa binata na mataman niyang pinagmasdan sa side mirror. Anong klaseng swerte ba ang inihulog ng langit at nakita niya ulit ang isa sa mga taong paulit-ulit niyang gugustuhin na makita? If it wasn’t because of  Thomas Henri, Brie knows that she could no longer be existing in this world; and she’d always owe him something as big as her life.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD