Chapter 2
BRIE
“Allison, lumabas ka riyang bata ka! Lintik na, dalawang buwan ka ng hindi nakakapagbayad ng upa mo! Pati na ang deposito mo, nagamit mo na, may utang ka pang bata ka! Allisoooooon!” malakas na
sigaw at kalampag ng isang babae sa pintuan ng dalagang nahihimbing.
Naiinis na kinalkal ni Brie ang ulo nang maalimpungatan siya sa malabumberong bibig ng landlady sa inuupahan niyang barung-barong. Araw-araw na lang ay iyon ang naririnig niya simula nang lumagpas siya sa taning ng pagbabayad ng upa.
“Sandali ho.” Humihikab na lambing niya sa babae na wala ng ibang ginagawa kung hindi ang bungangaan siya.
Ano bang magagawa niya ay inuna niya ang mga gamot na kailangan niya nang magkaroon siya ng Bronchitis kaya hindi siya nakapagbayad ng upa?
Kaya nga nag-resign na siya sa pinagtatrabahuhang gasolinahan dahil baka sa susunod ay Tuberculosis na ang sambutin niya sa araw-araw na pagsinghot ng gasolina at krudo. Dinaig pa nga niya ang isang adik at minsan ay bangag na siyang umuuwi.
Naghahanap pa siya ng bagong trabaho at kinukuha pa niya ang balanse niyang isanlibo at dalawandaang piso roon. Seven hundred ang upa niya sa bahay na tagpi-tagpi na, hugpungan pa ng mga kanal kaya magkakaroon na lang siya ng dalawandaang balanse kapag nakapagbayad siya. Papayag naman siguro ang matandang bungangera kung makikiusap siya.
Nagtityaga siya roon dahil wala naman siyang binitbit na ATM niya. Mata-track siya ng Daddy niya sa oras na magkaroon siya ng withdrawals. Nakapag-withdraw naman siya noong nasa Canada pa siya ng sapat lang at nang tumira siya sa mamahaling apartment ay doon naubos ang pera niya dahil hindi siya kaagad nakakuha ng trabaho. When she left her unit, she chose to live in a place like it doesn’t really exist, the place where she lives right now.
Mas mabuti na rin iyon. Una siyang hahanapin malamang ng ama niya ay sa mga mamahaling unibersidad sa buong mundo sa pag-aakala baka na gagamitin niya ang propersyon na kanyang tinapusan pero hindi. Nagbagong bihis siya at nagmukhang isang dukha. Kung may mga bagay man na nagpapatunay na buhay prinsesa siya, iyon ay ang kutis niyang parang hindi gugustuhin ninuman na magasgasan, and her earrings. Regalo ng Daddy niya ang mga totoong Emerald na pares ng mga hikaw na sabi niya sa karamihan sa tuwing pinapansin ay pwet lang ng baso.
No one knows that she’s an heiress and her father is triple times richer than what the people think. She could even buy the entire Makati but she’s not the kind of person who typically shouts her wealth. Namuhay siyang alaga ng yaya, inihahatid sundo ng limousine na may mumunting mga bandila ng Canada, na kung saan gustuhin ng driver na iparada ay walang sisita, ilag sa kanya ang mga nambu-bully sa eskwela dahil sa kapangyarihan ng Daddy niya, nakakapamili siya na walang dalang pera pero hindi niya kailanman ginawang sangkalan ang mga bagay na iyon para umere at magmayabang.
She’s a simple girl. She lived a simple life, off from the news, from magazines and cameras. Iyon ang privacy niya na iginalang naman ng lahat na kahit pangalan niya ay hindi niya ibinibigay ng buo sa tao. She usually says that she’s Brie Wei, not Brie Addison Wei Robinson.
She coughs and walks toward the door. Kasusunod niya ang alaga na si Tam-Tam na lumukso rin mula sa papag. Nang buksan niya ang pintuan ay eksakto naman na natanggal pa ang bisagra sa ibaba kaya halos sambutin niya ang kabigatan ng pinto.
“Ay!” napatili ang dalaga at halos mapapikit pa nang mariin.
“Ayan, sinira mo pa!” masungit na daldal ng may-ari sa kanya.
“Eh sira na naman ho talaga.” She replied. Ano namang Hahanapin nitong kaayusan sa paupahan na ibinigay sa kanya na kulang na lang ay sabihin niyang mas maganda pa ang kulungan ng mga alagang K9 dogs nila sa mansyon?
“Rumarason ka pa!” duro nito sa kanya gamit ang pamaypay. “Bibigyan kita ng tatlong araw, Allison, lumayas ka na kapag hindi ka pa nakapagbayad ng renta.” Mataray at tahasang utos nito at napabuntong hininga na lang siya.
“Aling ano naman…” napakamot siya pero tumalikod na ang babae.
“Bakit ba kasi hindi mo na lang ibenta ang aso? Binibili na sa’yo no’ng border ko sa kabila na mayaman, mas gusto mo pang mapalayas kaysa ibenta ang balbon na ‘yan.” Parang iniinsulto pa siya nito sa salitang mayaman pero hindi na lang siya umimik. Mapepera kasi ang nasa konkretong paupahan nito. Up and down ang unit at walong libo ang upa roon buwan-buwan. Naroon nakatira ang mga may propesyon at de kotseng mga tao. Ang isa roong anak ng teacher sa isang preschool ay nililigawan na ibenta niya si Tam-Tam sa halagang tatlong libo.
Tam-Tam was a gift from her father and it’s from the Queen.
Ikaw ang ibenta ko sa palengke para katayin, makuha mo. She mentally rolled her eyes.
Hinding-hindi niya ibebenta ang alaga niya. Sa gupit pa lang ni Tammy at sa injections, lugi na siya sa tatlong libo tapos ay bigay iyon ng Daddy niya sa kanya kaya kahit na mamatay siya sa gutom ay sabay sila ng alaga niya na ililibing.
“Didiskarte na lang ho ako.”
“Sumayaw ka na lang sa kabaret, total maganda ka naman.” Ismid pa ng may edad na babae sa kanya at hindi na lang niya pinansin iyon. “Huwag ka ng mapili pa sa buhay, Allison. Ang mga mahihirap na tulad mo ay dangal na ang ibinibenta para lang huwag mabasa sa kalsada at kumalam ang sikmura.”
The old woman could actually say that? Sabagay, anong aasahan niya sa isang babaeng matandang dalaga na mukhang hindi nakatikim ng sampung pulgada?
Napahagikhik siya sa kapilyahan pero agad na inutok-utok ng ubo.
Isinara niya ang pintuan at bumalik sa higaan. Tumingin siya sa lamesa na may isang plato na natatakpan. Tuyo ang laman no’n. Noong unang beses siyang makatikim ay sarap na sarap siya pero nang lumaon na iyon na lang nang iyon ang ulam niya dahil nagtitipid at walang pera ay nagsawa na rin siya. She doesn’t have any choice but to eat it anyway than to starve to death. Pakiramdam niya nga ay magkakasakit na siya sa kidney dahil sa walang sawang tuyo ang madalas na ulam niya na nabibili niya sa halagang sampumpiso sa tindahan ni Trinidad. Iyon lang ang matiyagang tao na hindi sa kanya nagsasawa na magpautang kahit na minsan ay sapin-sapin na parang baraha na ang listahan niya.
Minsan kapag naiisip niya ang lahat ng hirap na pinagdaanan niya ay gusto na niyang bumalik sa Canada at sundin na lang ang lahat ng gusto ng Daddy niya, pero paano? She’s afraid to fail him and her best choice was to run away. Gusto naman niyang ma-realize ng mga magulang niya na tao siya at hindi isang manika o robot na utusan. Her mind isn’t designed to become a PM because she experienced to have a father who’s the head of a government. Masyado iyong nakakalungkot para sa mga magiging anak niya dahil ganoon ang pakiramdam niya. Para siyang walang mga magulang na tumanda na sa pagseserbisyo sa bansa pero sariling anak ay hindi magawang alagaan kapag may sakit.
She misses her parents, too but…do they feel the same? Ilang buwan na ang lumipas at sa internet na lang siya nag-aabang ng tungkol sa mga magulang niya. Doon, nalalaman niya ang kalagayan ng mga iyon at mukhang maayos naman ang dalawa, parang hindi naman nga nararamdaman ang pagkawala niya.
“I guess it’s just really you and me, Tammy.” Hinalikan niya ang alagang aso sa ilong saka niya inilapag sa unan.
Another morning to fight for her salary. Ilang araw na siyang pabalik-balik sa lintik na gasolinahan ay hindi pa rin niya makuha ang kulang sa sweldo niya. Hindi pa raw nako-compute kung magkano lahat ang advance niya.
She fixed herself and ate the leftover on her table—again. Ultimo gamot niya ay kulang na rin dahil hanggang sa susunod na linggo pa siya dapat na uminom. Naghahanap na rin naman siya ng bagong trabaho pero bakit parang wala yatang bakante at nagkasabay-sabay na ganoon kung kailan naman niya kailangan?
Meron palang bakante, dancer sa club o sa maikling salita, GRO.
Nunka niyang ilalagay ang sarili sa ganoon na sasayaw nang naka-bra at panty at malala ay aalisin pa ang mga kakapirasong tela na iyon tapos kikendeng-kindeng na parang alimangong hubad sa gitna ng buhanginan?
Over her head sexy and beautiful body!
Ikatlong araw na ng ibinigay na ultimatum ng matandang babae sa kanya at sa oras na hindi pa niya makuha ang kakarampot na sukli sa sweldo niya ay talagang sa kalye na yata siya titira. Saan naman siya uutang ng pera kung ang kaibigan niyang si Mariana ay iisa rin naman na kumakayod para sa apat na kapatid at isang nanay na hikain? Pasan niya ang daigdig at hindi niya iyon ipasusunong sa kaibigan niyang kusinera lang din naman sa isang kainan.kainan. Ang kaibigan ay kaibigan kahit hindi niya pwedeng gawing bangko na utangan.
Ilang beses na siyang naalok na sumabak sa TV commercials pero ngiii, hindi pwede dahil makikita siya ng ama niya sa telebisyon. Baka naman baluktutin no’n ang buong Pilipinas kapag nalaman na naroon siya. Hindi niya alam kung kailan siya uuwi dahil hindi pa tapos ang eleksyon sa Canada at siguradong hindi pa rin malalaglag sa pwesto ang Daddy niya.
Nagmamadaling kinarga ng dalaga ang aso niya at saka siya lumabas ng bahay. Ni nakapagsuklay siya ay hindi na dahil dapat abutan niya ang manager ng gasolinahan. Doon na siya makikiusap dahil mukhang hindi naman inaasikaso ng lintik na kahera ang papel niya. Kung bakit naman kasi siya na tao ay siya ang kahol nang kahol kagabi at si Tammy ang tulog na tulog sa higaan nito? Napuyat siya sa pagkahol halos buong magdamag at sumasakit na nga ang likod niya pero wala pa rin siyang tigil. Mag-uumaga na siya napahinto sa pag-ubo dahil pagod na rin malamang ang lalamunan niya at masakit na masakit na ang dibdib niya sa kakaubo.
“Allison, anong petsa na?” umpisa na naman ni Aling Candelaria sa kanya nang matanawan siya ng babae mula sa pagwawalis no’n sa garahe.
“Oho!” sigaw niya pero bigla siyang napaubo at laking gulat niya nang sa pagtingin niya sa hawak na panyo ay may dugo roon.
Brie was alarmed. Kinabahan siya nang husto at ibang senyales na iyon na may kasama na rin siyang lagnat. Alin ba ang uunahin niya? Ang kakatiting na sweldo o ang magpa-checkup kahit sa health center lang?