Chapter 1
BRIE
Owned physically by North America but politically owned by United Kingdom. Iyon ang katotohanan tungkol sa bansang kanyang tinitirhan, Canada.
Ang ama niya ay isang Prime Minister na parating wala at bilang na bilang sa daliri kung makita niya at makasama.Her mother is a supportive wife, living for charitable works and other humanitarian foundations. Kahit naman ganoon ay pinipilit naman ng mga iyon ang magpakamagulang sa kanya kahit na nga kulang na lang ay literal na maging mag-asawang lagari ang mga magulang niya. Busy ang mga iyon sa buhay habang siya ay busy sa wala lang. Busy siya sa paghihintay na umuwi ang dalawa at makakasama niya.
Pumangalumbaba si Brie sa harap ng napakatayog na shelf sa loob ng library at iirap-irap ang mga mata habang nakikinig sa tutor niya sa Political Science. Akala niya ngayon na graduate na siya ay hindi na siya mag-aaral pa pero hindi iyon ang nararanasan niya. Her tutor is tighter than her baccalaureate studies.
Kung lugaw ang tawag sa utak ng tao na mahina, ano na lang ang tawag sa utak niyang walang ni katiting na naiintindihan sa bwisit na itinuturo ng tutor niya na mukhang mas matanda pa kay Einstein?
Oh my God! What a very boring life, Papa Jesus. Let me escape, please. Buntong hininga niya sa kawalan.
Mabuti man lang sana kung ang kinuhang tutor ng Daddy niya ay singpogi ni Mark-Paul Gosselaar ng palabas sa FOX na, ‘The Passage’ kaso hindi kaya bored na bored siya sa isa at may kalahating oras ng session niya kay Professor Wilson. Kasingtanda ito ng Daddy niya at kasing amoy pa—amoy matanda.
Gusto na niyang mag-asawa para sana magkaroon na siya ng dahilan na huwag ng mangandidato para pumalit sa ama niyang Prime Minister. The Queen made an assurance that if she’d win, hundred and one percent sure that she’d replace her father’s throne—which she really quietly dislikes.
She means, proud siya sa achievement ng Daddy niya pero hindi niya talaga pangarap na sumunod sa yapak no’n. Sana nga ay nagkaroon siya ng kuya para iyon na lang ang pumalit sana kaya lang wala. Nag-iisa siyang anak dahil mantanda na ang Daddy niya nakapag-asawa. Bente dos anyos pa lang iyon ay may mataas ng katungkulan sa bansa kaya doon na naubos halos ang buhok niyon sa ulo at sa nguso. Her Dad was already thirty-seven when she was born and now the old man is fifty-seven years old. Ang Mommy niya ay mas bata ng pitong taon pero matanda na rin nang manganak. Isa naman iyong duktor at siya naman ay gustong maging isang guro sa Science, Chemistry.
Her Dad granted her wish to study Education, major in Chemistry but with a special attachment—a tutor about Politics.
“Brie?” untag ng matanda sa kanya kaya napatuwid siya ng upo.
“Yes, Prof?” she smiled, the cutest one. Maanong madala naman sa pa-cute ang repolyong matanda para sana huwag na siyang tanungin nang tanungin.
“Are you listening?”
“Maanong boyfriend na lang ho Prof ang ibigay niyo para makawala ako sa deal namin ni Daddy.” matatas na sagot niya sa wikang Filipino na mina-master niya dahil ang dugo naman niya ay Pilipino talaga.
“Pardon?”
Kitam! Sino ang bobo sa kanila? Hindi ito makaintindi.
Her mother is partly Chinese and Pilipino while his father is a pure Pilipino, only adopted by a Canadian couple that’s the reason why she’s still mastering her Filipino language because she’s still purely Asian. Besides, she likes it. Nagagamit niya iyon kapag nabubwisit siya sa mga kaklase niya noon kaya kinakausap niya sa Tagalog.
Tulad ngayon na nabubwisit siya sa walang sawang pagtabil ni Professor Wilson.
“I asked you about our lesson yesterday. Are you still with me, Brie Addison?” umarko ang mga puting kilay ng matanda kaya lalong nanulis ang mga labi niya.
Buong pangalan niya ang binanggit nito na kulang na lang pati middle name at apelyido ay idagdag pa.
“I’m sorry, Prof I’m not in the mood.” ismid niya at natutop lang ng lalaki ang noo.
“And when will you be in the mood, Brie?” tanong ng isang boses na nagpatuwid lalo sa likod niya. “You’re not always in the mood to learn politics.”
Shit! My Daddy!
Lumingon siya sa bukana ng library at naroon na ang ama niya sa suot nitong Tuxedo. Kahit na naiinis siya sa tanong nito ay agad pa rin siyang ngumisi at tumakbo papalapit. She missed him.
“Daddy!” Brie immediately wraps her arms around her father’s waist and kisses the old man’s cheek. “Daddy,”
Ngumiti naman si Samuel sa kanya at pinakamasdan ang mukha niya. Kailan ba niya ito huling nakita? Dalawang linggo na ang nakalilipas. Dinaig pa nito ang isang militar na parating malayo sa pamilya kaya sabik na sabik siya sa mga magulang lalo na sa ama niya dahil kahit na madalas siya nitong paghigpitan ay hindi siya rito takot. Mas takot pa siya sa Mommy niya na kapag tumaas ang mga kilay ay parang mga sungay.
“You’re not paying attention. We had a deal and it’s been six months since the last time we talked about your career as a professor in College and your career as a politician...including your career as a woman.”
“Oh please…” napapakamot na tumikal siya rito at padabog na naglakad papabalik sa swivel chair. Iyon na naman ba ang topiv nila? Hindi man lang ba nito aalamin kung kumusta ang dalawang linggo niya na wala ito sa tabi niya?
“Excuse me.” Anang propesor saka iyon naglakad papaalis na tinanguan naman ng ama ni Brie.
“Please what, darling? You aren’t married yet and a deal is a deal. Wala ka pa sa aking ipinakikilalang boyfriend man.” naglakad naman si Samuel papunta sa couch na ilang metro ang layo mula sa harap ng mesa na inuukupa ng dalaga at doon iyon naupo na parang pwede ng ipalit sa namayapang asawa ng reyna sa sobrang tikas kahit na hindi maitatago na may edad na rin naman.
“Marami akong boyfriend.” she replied but her father chuckled.
“Paid boyfriends, my precious daughter. You were paying those poor men to stand in front of me and make me believe that you’re both into each other’s interests while apparently, you only want to escape your destiny. Your time is over, honey. You will now pursue your political career and drop your dream of becoming a Chemistry professor.” utos nito na sinimangutan lang niya.
Ipinatong niya ang baba sa mesa at naiiyak na lalong pinahaba ang nguso. That’s so unfair. No matter how she talks to her father, he won’t listen to her. Kapag naman Mommy niya ang kinausap niya ay sasabihin no’n na makinig siya sa Daddy niya dahil alam nito ang dapat at tama. She’s twenty but her parents still decide for her life and what she’s supposed to be or who to become. The most painful part, they never ask for her approval or opinion.
“Daddy…” parang batang ungol niya nang tumayo si Samuel at naglakad papalabas.
Habol niya ito ng tingin at nanlulumong napatitig na lang.
“No more Daddy, Daddy this time, Addison. Come and check your new pet. It’s my gift.” aniyon at tuluyang lumabas na nga.
Kahit naman nagtatampo siya ay napatayo rin siya at excited na sumunod. Could it be a new dog? Namatay na kasi ang alaga niyang Yorkshire Terrier at humihingi siya ng bago sa Mommy niya kaya lang naman ay allergic naman iyon sa mga hayop na maraming balahibo kaya hindi siya pinansin at ang Daddy daw niya ang kausapin niya. She called her Dad and now he came home with a gift.
Napasilip si Brie sa pintuan ng library at napatalon siya nang makita ang isang Shih Tzu na may ribbon na pink sa ulo at ang buhok at tuwid na tuwid at abot sa talampakan no’n.
“Oh my God! Yess! Yess!” walang habas siyang nagtatalon papalabas dahil nakaupo sa mamahalin nilang sofa ang aso na parang aristokratang bisita.
“Her name is Tammy. She’s timid...not like you.” anang ama niya kaya nalukot ang mukha ng dalaga nang mapagtawanan siya ng ilang bodyguards ng ama.
“Thank you.” masama ang loob na sabi niya saka niyakap ang bagong alaga. Gustuhin man niyang maging masaya ay binabagabag siya ng katotohanan na isasabak na siya ng ama niya sa susunod na eleksyon, and that is months from now. Hindi niya alam kung paano niya ipaiintindi rito na hindi pa siya handa at hindi iyon ang mundo na gusto niyang tahakin.
She wants a simple life for her family. She wants a parent to have when she has fever and not the one who’s not there even when she’s in the hospital and has dextrose. Puro na lang yaya ang nag-aalaga sa kanya at kailan lang ba niya nakasama ang mga magulang niya sa iisang kama? Noon iyong lumabas siya sa clinic ni Dra. Genesis matapos siyang sumailalim sa isang treatment dahil sa nangyari sa kanyang masama sa kamay ng mga kidnappers.
She was so happy and thought that her parents would stay beside her all the time but after three weeks, they’re back to their normal habits, neglecting their only daughter because of their careers.
Mabuti pa nga ang yaya niya ay alam ang lahat ng petsa ng mga importanteng araw sa buhay niya samantalang ang sarili niyang ina ay hindi.
Mabuti pa nga si Agent Tommy noon ay hindi siya iniwan sa loob ng clinic kahit na hindi naman sila magkadugo.
That man even asked her father to take care of her and her Dad also promised the same but what happened now? Nakalimutan na nito ang ipinangako na mas lalo siyang aalagaan at poprotektahan. Para itong nagkaroon ng amnesia at hindi na iyon maalala pa.
The promise is gone and it broke her heart. She’s surrounded by the most expensive things but she’s not happy. She doesn’t have a parent to stay beside her.
Sana nga nakapag-asawa na lang siya nang maaga para hindi matuloy ang napagkasunduan nila ng ama niya na kapag sumampa siya ng 20 years old na wala pa siyang asawa ay kakandidato na lang siya.
Hindi niya alam kung anong nangyari sa kababata niyang si Liam na nangako na pakakasalan siya noong desi-otso sila. Ipinagpalit siya ng lalaki sa pag-aaral sa mamahaling unibersidad sa UK at parang binalewala na siya simula noon.
Para iyong nahipan ng masamang hangin at bigla na lang na nagbago ang pakikitungo sa kanya at sino naman iyon para pag-aksayahan niya ng oras? Kung ayaw sa kanya ay di huwag!
“Our deal, Addie, remember our deal. You must stay focused for your future.” ani ni Samuel na nakapamulsa sa may harap niya pero ipinatong lang niya ang baba sa ulo ng aso.
Future?
Hindi pa ba sapat na nakapagtapos na siya ng Bachelor’s degree at pwede siyang magturo sa college? Pwede siyang mag-masters o mag-doctorate degree para pwede siya sa mataas na Unibersidad sa Canada makapagturo. Bakit ba parang hindi pa rin iyon sapat sa Daddy niya? She’s not him and she’s not her Mom. She has her own life and she has her own mind. She has dreams of herself and that excludes being a politician or worse a nerve-wracking Prime Minister.