Chapter 5

1959 Words
Chapter 5         TOMMY     He couldn’t take his eyes away from her arm, hugging his. Brie is eating like she’s never eaten for decades yet her arm is firmly locked against his arm. Iisang kamay ang gamit nito sa pagsubo at maya’t mayang ikikiskis ang pisngi sa braso niyang balot ng leather. The girl really grew up not only stunning but also sweet. Parang wala ni katiting ang nagbago sa pakikitungo nito sa kanya at pakiramdam niya ay naging mas palakaibigan pa ito at lumaki na mabait. Sinarili niya ang pagngiti nang saglit itong titigan. And then, he dropped his gaze, mentally shaking his head as he feels his heart skips a beat. Hindi pa rin makapaniwala si Tommy na magku-krus ang landas nila ni Brie sa hindi niya inaasahang pagkakataon. Lilipad pa naman sana siya papunta sa Canada kinagabihan pero ang babaeng hahanapin niya roon ay nasa tabi niya ngayon, mukhang dugyot. “Gusto mo?” ngumiti ito sa kanya matapos na ipihit ang mukha niya at ipinakita ang kinagatan na manok. He was stunned; mesmerized by her beautiful and innocent smile. He can’t still believe that she’s in front of him. Alam niya sa sarili niyang ito ang trabaho niya pero bakit para siyang nae-engkanto? Umiling si Tommy pero hindi niya nagawang ngumiti. Bigla na lang kasing gumuhit sa mukha ni Brie ang mukha ni Genesis kaya ginitara na naman siya ng kanyang konsensya. “May ubo nga pala ako.” Parang bigla itong nalungkot at napatingin sa manok na kinakain. “I’m afraid you may catch it, too.” “It’s not that.” Nagsalubong ang mga kilay niya at tinangkang agawin ang ipiniprisinta nitong pagkain na tuluyan nitong inilayo. Napamaang si Tommy sa dalaga lalo nang umiling ito. Hindi siya bulag para hindi makita ang pangangalumata nito at mukhang may sakit talagang iniinda. Hindi rin siya makaisip ng dahilan kung bakit ito naroon sa gasolinahan at mukhang gasoline girl talaga. Hindi naman ito payat na masasabi at tama lang ang katawan pero kung talagang hindi ito kilala ng taong tumitingin, mukha talaga itong isang ordinaryong magandang babae lang. Hindi ito pagkakamalang anak mayaman at mas lalong anak ng PM. Kung makasubo ito ng mga pagkain na in-order sa restaurant ay parang hindi ito nakatikim ng ganoon. Ang isang 2.5 gallon na ice cream ay nahati nito kaagad at ilang minuto lang ‘yon. The people were looking at them a while back but Brie seemed not to care at all and so he was. Nagtataka lang siya sa lahat, naguhuluhan at kahit na gusto na niyang usisain ito ay hindi pa niya magawa. He’s afraid that if she will find out the truth that he’s really searching for her, it might only trigger her to run away again. Mukhang may hindi ito pagkakaintindihan at ang ama o ang ina, at kung may obligasyon man siyang dapat na gawin ay ang siguruhin na hindi ito mapapahamak at hindi na mauulit ang mga narinig niya kaninang panghahamak at pambabastos dito. Nakapila siya sa hilera ng mga magpapa-gas kanina at hindi niya akalain na ang babaeng nakatalikod kaharap ang isang babae rin at may binabasang ledger ay si Brie. Pinagmamasdan niya ito dahil hinihintay niyang lumingon, wishing at the back of his head that the woman is beautiful; and she really is. Nang pumihit ito at nagmamadaling lumapit sa meter stand ay para siyang ginulantang ng gyera. Pakiramdam niya ay huminto ang lahat sa paggalaw kaya lang laking gulat niya nang ito mismo ang kumuha ng dispenser at nag-umpisang magsalin ng gas. Paano na ang isang tulad nito na buhay prinsesa ay marunong ng ganoon? Paano na ang suot nito ay kupas na pulang polo shirt at ang pantalon ay punit-punit? Ang sapatos nitong puti ay may mga punit din. Disguise ba iyon o sadyang wala na itong pambili ng damit? Sumama ba ito sa isang demonyong tambay kaya ngayon ay parang sabik na sabik sa masasarap na pagkain? Is his Peaches not innocent anymore? Kumurap si Brie kaya parang nasaulian si Tommy sa pagkakatulala rito. Nakatingin pa rin ito sa manok at kung bakit parang may kung anong hindi kaaya-ayang bagay itong nakikita roon. “Are you okay?” kunot-noong tanong niya at parang nagulat pa nang unti-unting lumuwag ang pagkakayakap nito sa braso niya at umusog papalayo sa pandalawahang upuan na inuukupa nila. Tommy hangs his mouth open. “You better throw the helmet and never use it again, agent…” luminga ito sa paligid at natutop ang labi. “Call me the way what you used to call me, Brie.” “Okay.” She softly replied. “Why should I never use the helmet again?” kunot-noong tanong niya sa dalaga. “Are you sick? Do you have Acquired Immune Deficiency Syndrome?” “What?!” bulalas nito at halos manlaki ang may kaliitang mga mata nang humarap sa kanya. Tinakpan nito ang bibig na para bang ayaw na maamoy niya ang hininga nito. “Of course not! What makes you even say that? And AIDS can’t be transmitted through saliva. Excuse me?” mataray na sagot nito at kusot na kusot ang hugpungan ng mga kilay. Malay ba niya. Baka mamaya sa kagipitan ay kumapit na ito sa patalim at nagbenta ng sarili sa maruming lalaki. Oh God! If that thing really happened, he’d kill that guy even if he has to twist the world just to find the filthy rag. Hindi siya sumagot dahil mukhang hindi pa naman ito tapos na kumain. Kinalma niya ang sistema at tinanguan lang ito. “Finish your meal and we will talk.” Nanulis ang mga labi ng dalaga at sumimangot na parang bata. She’s still the same after all this time. She’s still childishly gorgeous and so alluring. “Do you really understand Tagalog now? Do you…speak Tagalog, too?” she almost whispered, taking another small bite on her chicken. “Oo.” Sagot ni Tommy dito. He has Filipino blood, too. He’s actually half. Ina niya ay isang Filipina na nakatira ngayon sa New Zealand kasama ang haciendero niyang ama at mga adopted siblings niya. Iniwan niya ang mga iyon dahil nasa kainitan siya ng trabaho bilang isang Federal agent. He wanted safety for his family so he chose to live all alone after Genesis’ death. Bumibisita naman siya roon noon pero kung ilang taon na siyang naglulungga sa condo niya sa Pilipinas ay ganoon na rin naman kahaba ang panahon na hindi niya nakikita ang mga iyon. Though it’s safe now to live with his family, he’s still not done with his wound. Ngumiti nang kaunti si Brie tapos ay lumabi ulit. “Nandito ka na rin lang naman, I wish you could buy me these.” From her pocket, she fished out a small wallet. Nasilip niya ang isang family picture roon pero hindi siya umimik. Hinintay niya ito hanggang sa may ilabas itong papel na parang mapupunit na sa pagkakatiklop. She nipped her bottom lip shyly and extended her arm to hand him the paper. Kinuha naman niya iyon kaagad at binuklat. Reseta iyon ng isang duktor at may bilang ng mga tabletas na dapat na inumin. May naiiwan pang ilan na hindi nabibili kaya lalo siyang napamaang. She’s really sick. “Please. I’ll pay you when I find another job.” Pakiusap nito sa kanya na puno ng paglalambing pero tumigas ang mukha niya. Job? Another job? Ibig sabihin matapos ng nasaksihan niya kanina sa gasolinahan ay wala pa rin itong balak na umuwi at talagang gusto pang maghirap? Hindi ba ito nakapagtapos sa Canada kaya walang makuhang matinong trabaho? Sa inis niya ay nilamukos niya ang papel at inilagay sa baso na puno ng malamig na tubig. Brie’s face is indescribable. Ngumanga ito na napahabol ng tingin sa kawawang papel pero kapagkuwan ay tumaray ang mukha at buong kasungitan siyang sinamaan ng tingin. “Why did you crumple it?!” her voice hitched but he just rested on the chair. “Eat.” “Eat?! After what you’ve done, eat?! Oh my goodness, Tommy! That’s my doctor’s prescription!” tumaas ang boses nito kaya pinagtinginan sila ng mga tao. Actually they look so weird together. Mukha siyang isang matanda na nabartolina sa Munti ng ilang dekada dahil sa buhok niya at mahabang balbas habang ito naman ay parang batang naghahanap ng sugar daddy dahil sa walang kasing bata nitong itsura at idagdag pa na talagang ubod ito ng ganda. “Prescription? Your doctor’s prescription? Hell, Brie the person who prescribed you those medicinal drugs isn’t  your doctor. Nakakalimutan mo yata na nasa Pilipinas ka at ang duktor mo ay nasa Canada.” Seryosong pahayag niya rito at hindi ito sumagot pero mataray na sumimangot at sumandal sa upuan. Gusto niyang ipaintindi rito na hindi dito ang buhay nito at kapalaran kung hindi sa bansa kung saan ito ipinanganak at lumaki, doon kung saan naroon ang mga magulang nito at naghihintay. “Hindi ako kakain kapag hindi mo ako binili no’n. I am no longer in Canada so my doctor isn’t my doctor anymore. Uuwi na ako.” She pouts and looks so disgusted. “Then don’t eat.” Matigas din na hamon niya rito at sukat doon ay tumingin ito sa kanya na parang nasaktan. Pinakatitigan siya ng dalaga kaya lumaban siya, at napapikit siya nang makaramdam din ng awa. She’s  still that girl after all—that sweet little girl who said that she’d buy him to be her boyfriend. “I guess you’re not the same person that I used to know when I was still a kid. Naaabala ba kita, agent Villaverde?” she now sounded so upset. Siguradong hindi talaga nito magugustuhan ang katotohanan kapag sinabi niya na siya ang napag-utusan na hanapin ito. Sa tingin niya rito ay isa na itong babaeng matapang ngayon at hindi na tulad ng dati na hindi nito kaya ang sarili at dapat ay may tulad niya na handa ritong magligtas. She’s fully grown, bold and really strong. Kung hindi ito matapang ay magkakaroon ba ito ng lakas ng loob na lumayas? “Uuwi na ako. Babayaran na lang kita.” She coughs and he’s alarmed when she stood up. Wala naman siyang sinabi na hindi niya ito ibibili ng gamot. Naiinis lang siya na pinipilit nitong gawing miserable ang sarili at kailangan pang magkasakit dahil sa katangahan pero hindi pa rin magising sa katotohanan na hindi iyon ang klase ng buhay na dapat dito. She’s more than just a rich kid. Her family belongs to noble kind of people. Hindi ito basta mayaman lang dahil ang ama nito ay malapit sa reyna. Ano bang kalokohan ang pinaggagagawa ng babaeng ito? For f**k’s sake! He was madly in love with her ever since and there’s no way he’d let her run away. He’d send her home again whatever it takes. “Goodbye, agent. Kasama ka rin pala ng mundo na tumanda. Ang malala ay sumabay ka pa sa climate change! Ermitanyong gurang!” Maluha-luhang lingon ni Brie sa kanya at hindi siya nakakilos nang humakbang ito papalayo, bitbit ang aso na may baon pang spareribs sa nguso. Holy s**t! Lumabas na ang pagiging spoiled brat. Napintasan pa siya at kulang na lang ay i-announce sa buong restaurant na pangit na siya ngayon.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD