Chapter 6
BRIE
Napasinghot siya at naitago ang mukha sa ulo ng aso niyang may baon na pagkain na masarap. Naiinis siya na bakit naluha siya dahil lang sa simpleng sagot na ‘yon ni Tommy sa kanya na kung ayaw niya ay di huwag siyang kumain.
Ang sama ng ugali. Palibhasa ay ang tanda na tapos mukhang matandang kambing pa.
Nag-iba na talaga iyon sa paglipas ng mga panahon at hindi na iyon malambing na tulad ng dati. Siya lang yata talaga ang mahilig na umasa sa mga kung anu-anong bagay kaya siya madalas na bigo.
Umungol siya at napapiksi nang tumulo ang luha. Even her breathing suddenly becomes difficult to bear. Parang may bara sa dibdib niya at gusto niyang habulin ang paghinga samantalang naglakad lang naman siya nang mabilis papalabas.
Nahimas ni Brie ang dibdib nang mapaubo siya at eksakto naman na may pumarang tricycle sa may harap niya.
Humakbang na siya papasok pero bigla siyang napatili nang may malakamay na bakal ang humawak sa braso niya at hinila siya pabalik.
“You’re childish. Come on. Don’t grouch.” Medyo may lambing na ang boses ni Tommy pero naroon pa rin ang tigas at awtoridad dito.
Napaiwas siya ng tingin dahil nakukunsumi siya sa lintik na balbas nito na parang maraming garapata.
“Alis na. Hindi siya sasakay.” Iling pa ng binata sa driver ng tricycle na parang pumangit lang lalo ang tabas ng dati ng pangit na mukha.
Hawak niya ang dibdib ay nakamasid lang siya kay Tommy. Hinihingal talaga siya at nakumpirma niya iyon. She feels hot, too not because of the man in front of her but because she feels bad. Kanina pa siya may lagnat nang umalis siya sa bahay pero naglakad naman siya papuntang labasan ay hindi naman siya hiningal. Ngayon parang gusto niyang magkabit ng oxygen sa ilong at doon kumuha ng supply ng hangin.
“I’m sorry. Okay? Don’t get mad now.” He touched her cheek and she just nodded.
“Please…buy me meds.” Pakiusap niya rito at talagang naiiyak na naman siya. Hindi naman siya nahihiyang makita ni Tommy na naghihirap siya dahil tatlong buwan din sila nitong nagkasama noon at ang mga panahon na iyon ay isa sa mga araw na hindi niya kinalimutan.
Araw-araw niyang inaalala ang lahat ng nangyari sa loob ng clinic ni Dra. Genesis habang tumatanda siya para hindi kasamang lumipas ng panahon na daraan sa buhay niya. He’s the sole person who is very dear to her heart, next to her parents and her yaya.
“I’ll buy you. I never said I would never. You just overreacted. Are you okay? You look terrible.” Iniangat nito ang baba niya at mataman siyang pinagmasdan hanggang sa alisin nito ang suot na leather gloves at tuluyan na sinalat ang noo niya.
“Jesus! You’re hot!” bulalas nito at saka parang tumigas na naman ang mukha.
Napaubo si Brie at huli na para makuha pa niya ang panyo sa bulsa ng suot niyang pantalon kaya nang hindi niya makontrol ang paglabas ng laway sa bibig niya ay laking hiya niya na sa kamay iyon ni Tommy tumalsik.
“Yay!” tinangka niyang kunin agad ang kamay nito at ipapahid niya sana sa blouse niyang suot pero parehas silang natilihan nang ilayo nito iyon at madilim ang mga mata na tumingin sa mata niya.
“Blood?” bakas sa boses ni Tommy ang galit sa mga oras na iyon at hindi siya nakapagsalita.
“Damn it, Brie! You’re killing yourself!” he almost shouts at her but somehow he still managed to control his voice.
Hindi naman siya pinanghihinaan ng loob dahil lang sa sitwasyon niya o may sakit siya kaya hindi niya rito ipakikita na apektado siya.
“Huwag ka ng magalit. I…just need medicine.” Kukurap-kurap na tumingin siya sa mukha nito habang pinupunasan nito ang kamay gamit ang sariling panyo.
Wala siyang makitang bakas ng pandidiri sa mukha nito maliban sa mumunting galit.
“Medicine?” sinulyapan siya nito kaya napasimangot siya dahil masungit pa rin ang mga mata ni Tommy.
“Huwag magalit?” he still added. You’re not taking this seriously, are you?”
“Not really.” She coughs.
Umiling ito at tumingin sa dibdib niya kaya napatingin din siya roon. Anong sinisilip nito, boobs niya? Nakatago ang boobs niya. Kung alam niyang magkikita sila at sisilipin nito iyon, sana pala nagsuot siya ng hawal ang neckline. Iyong labas na rin pati u***g niya.
“Ahm…” nahawakan niya ang dibdib.
“Don’t cover it.” Nakapameywang na utos ng binata kay Brie kaya nakagat niya nang palihim ang labi.
Minamanyak siya ng matandang kambing.
Matapos ang ilang sandali ay isinuot na nito ang helmet sa ulo niya.
“Lead the way. We’ll get your things and you need confinement.” Deklarasyon nito kaya natanggal ni Brie ang helmet.
“Confinement? Hindi ka duktor.” She sassed but Tommy puts back her gear.
“I don’t have to be a doctor to see how bad your condition is.”
Tinanggal ulit niya ang helmet at magsasalita pa sana pero tinakpan nito ang bibig niya.
“Stop ar-gu-ing, Peaches. Lead the way and we’ll get your things. You need a doctor. I’ll take care of everything and you don’t have to pay it.” Nalipat ang kamay nito sa likod ng ulo niya at marahan siyang kinabig at hinalikan sa noo.
Parang mas lalo siyang kinapos ng hininga dahil sa ginawa nito. Did he just really kiss her? After ten years she felt it again? Lito siya sa kasiyahan na nararamdaman. Humahanga pa rin ba siya rito o baka talagang malapit lang ang puso niya kay Tommy?
…
Para na lang na naengkanto si Brie nang makalipas ang wala pang kalahating oras ay papasok na ang motorsiklo ni Tommy sa eskinita papunta sa tinitirhan niya. Walang habas ang bibig nito sa pagbitaw ng mura dahil talagang halos kasya lang ang tao sa daanan na iyon na kanal pa ang isang gilid.
“Jesus Christ. I never knew this place exists in this world. You’ll really get sick here, Brie Addison. What kind of demon has gotten into your mind?” walang humpay na daldal ng binata habang bumabalanse sa ilang daang metrong eskinita habang angkas siya.
“I don’t have demon inside my head, agent. I am a good person and you know that. I only have flying angels inside my pretty mind.” Biro niya rito at pansin niya ang pag-iling nito.
“You grew up really different. I never thought you could be this hilarious. Nakakapagbiro ka pa sa sitwasyon mo.” Masungit na sabi pa nito.
“Life is too precious to waste it and die lonely, agent Tommy. You should remember… that. Happiness is not… about limousines or money. I’m happy though I’m living in this kind of place where I so called little piece…of junk on Earth’s crust.”
“And you’re happy with your pneumonia?” sarkastikong tanong pa nito sa kanya.
Huh? Paano naman nito nalaman na may Pneumonia siya? Hindi nga niya alam ang sakit niya. Ang alam niya ay Bronchitis.
“Pneumonia?”
“Trust me, lady. I know so many things. You’re too young to weigh your own mind over mine.”
Hmp! Oo na matalino ka na.
“‘Yan! D’yan. Titigil na tayo r’yan.” Inalog niya nang husto ang t’yan ng binata na parang nanigas kaagad at napatigil sa pagmamaneho.
“s**t! Easy. Baka kung saan mapunta ang kamay mo.” Saway ni Tommy sa kanya kaya napaawang ang bibig niya.
Bakit? Saan ba mapupunta ang kamay niya?
Dala ng kainosentehan ay kinapa niya ang abs nito. T’yan niya ito.
Kinapa pa niya pababa at matigas ang nakapa niya na parang belt kaya ibinaba pa niya at mas matigas ang nakapa niya.
“f**k!”
“Yik!” nabawi ni Brie ang kamay at napahagikhik. Ang laki. “Iba na pala ‘yon. Sorry.”
“You’re so immature. All these stupid things happened in day first. How much more in day 2 or even 5?” bugnot na bugnot na naman ang mukha nito at siya naman ay nangingiti lang kahit na hihika-hika na siya sa kaunting salita lang na bitiwan niya.
“Umuwi ka na po para wala kang kunsumisyon. You see…I’m okay. I’m strong. I’m not a ten year old kid anymore who…needs bodyguard and a hero. I am—”
“Childish and stubborn little brat, killing herself for nothing, wasting her life for stupid reasons. Am I right?” he added
Ngumanga siya nang tanggalin ang helmet para sumagot pero nagsalita ito ulit.
“Don’t utter anything. You’re catching your breath and you must hurry. Can you walk?”
“Kakargahin mo ako?” nakuha pa niyang tumawa nang mahina pero nasundan iyon ng paghingal.
Mukhang tama ito na habang lumilipas ang mga sandali ay lumalala ang kundisyon ng katawan niya. Pilit lang niyang nilalakasan ang loob pero pati nga yata paghawak niya sa alagang aso ay kinapapaguran na ng kanyang braso.
“I can do that.” Seryosong sagot nito nang tumingin sa side mirror kaya nagtama ang mga mata nila.
If he doesn’t have that beard and nasty hair, he would probably still look so handsome. He’s still good looking though he has those silly things.
“I’m tired.” Sumandal ang pisngi niya sa balikat nito at totoong iyon ang nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Wala iyong halong kalokohan dahil talagang iniinda niya ang paghahabol ng hininga.
Pinainom naman siya nito ng paracetamol bago sila umalis sa labas ng restaurant pero kaunting pawis lang naman ang inilabas niya pero naroon pa rin ang lagnat niya.
Tommy tsked and gently climbs down from his motorcycle. Ibinigay niya rito si Tammy na kagat pa rin talaga ang karne.
“Drop it Tam. I’ll just…” huminga siya. “Drop it.” She commanded and the dog obeyed.
Padila-dila iyon sa ilong at hinabol ng tingin ang spareribs ba nahulog na sa sementadong basketball court.
Inalalayan siya ng binata na bumaba at halos kargahin na nga rin siya.
Pinilit pa rin niyang humakbang at nang makarating sila sa barung-barong ay siya na namang pagsulpot ng matandang nagpapa-upa.
“Allison! Iyong upa mo. Sino iyang kasama mong matanda?”
Halos matawa pa rin siya nang tingalain si Tommy sa may tabi niya dahil para itong nabwisit nang matawag na matanda.
“May lolo ka palang jeproks.”
Susko! Kung hindi lang siya hihikain ay talagang hahagalpak siya ng tawa. Maka-jeproks naman ang babae akala ay kung sinong bata samantalang mas matanda pa nga si Candelaria sa Daddy niya.
“Who’s this woman?” pabulong na tanong ng binata sa kanya nang itulak nito ang pinto pero agad na tumabingi.
“Holy s**t!” nasalo ni Tommy ang pinto na akala yata ay babagsak.
“Leave it.” Mahinang utos niya rito. “The landlady.” Nguso na lang niya kay Aling Candelaria at sapilitan na inabot ang maliit niyang papag.
Napaupo siya roon at hinahabol ang papatakas na paghinga niya. Bakit ba nagmamadali ang hinga niya ay wala naman party na pupuntahan? Habol siya nang habol hindi naman siya taya.
“Allison! Ano na?! Akin na at may ipaaayos ako sa kabilang apartment. Lintik kang bata ka. Baka naman costumer mo ito at hindi ka pa nag-uumpisa na bumukaka ay hinihingal ka na. Bayad muna bago hubad, ineng. Baka madenggoy ka.” Walang habas na daldal ng bungangerang matanda. Ang tanda-tanda na, parang walang natutunan sa buhay.
Pinto niya na bisagra lang ang kulang hindi maipaayos tapos sa kabila ay ipaaayos dahil mayayaman ang nakatira? Ganoon ba talaga ang mga tao sa mahihirap lang? Sa halip na tulungan ay lalong aapakan?
“Can you…lend me money?” pagod na pakiusap niya kay Tommy na ang sama ng tingin sa matandang butanding.
“Yes you pay her money before she bukaka to you. Come on. Give me money. If not, palayasin me siya here to my apartment.” Nakalahad na ang palad ni Candelaria sa harap ng binata na parang nagtitimpi.
Ang ikinatatakot ni Brie ay baka iumpog din nito ang babae sa kahoy na poste.
“You call this s**t, apartment?!” pintas na nga nito sa tirahan niya kaya tumigas din ang mukha ng may-ari dahil mukhang nakakaintindi naman ng English kahit na parehas kaliwa ang dila sa pagsasalita ng ibang lenggwahe.
“Hoy mister Balbas sarado, you don’t have the face to insult my apartment. This is my land and you’re trespassed against me.” Duro pa niyon.
“I have all the guts. I’ll demolish this hell.” Galit na dumukot ito ng pitaka at hindi peso ang inilabas nito roon kung hindi dolyar. You need money? Here’s the money.” Nilamukos iyon ni Tommy saka initsa sa labas ng pintuan.
“Get it, old woman. Wala kang modo. Sa susunod na insultuhin mo si Brie, mag-research ka muna. Baka lahat ng apartment mo, hindi pa makatumbas sa halaga ng kama ng babaeng hinahamak mo.”
“Ah letse kang matanda ka! Allison ang pangalan niyan at hindi Brie! Tanga! Lumayas na kayo! Mga bastos!” palatak ni Candelaria habang hindi magkandaugaga sa pagtuwad para pulutin ang pera.
Nakatitig lang ang dalaga sa bintana at pinagmamasdan ang babae. Nakakaawa ang mga tao na may ganoong ugali. They just live in this world, thinking about money and not the life after their deaths. Ayaw niyang manukat ng ibang tao dahil hindi naman siya perpekto, pero kung ang pagpapatuloy sa isang tulad niya na halos wala na at nagsusumikap naman para makapagbayad ay isang maliit na paraan para mapunta sa langit, bakit hindi iyon magawa ng mga tulad ni Aling Candelaria?
“We’ll leave this place in an instant and I swear, Peaches, I’ll burn this trash. Where are your things?” kumakamot sa kilay na tanong nito sa kanya at hindi maipinta ang mukha.
“I don’t have…much. I sold…many of…them. J-Just the tra-velling bag.” Turo niya sa isang pink na maleta at napamaang saglit doon si Tommy bago siya tiningnan.
His blue eyes showed compassion but she just lazily smiled.
“My poor girl.” Puno ng awa na sambit nito pero yumuko lang siya.
She doesn’t need pity. She knows the consequences of her actions and she’s willing to face each wholeheartedly.