“Tumaba ka ‘ata, Perlas?” tanong ni Pelang sa anak nitong si Perlas. Naghuhugas ng pinggan ang dalawa at kamuntikan nang dumulas sa kamay ng dalaga ang pinggan na hawak dahil sa pamumuna ng ina sa katawan niya. “Nay, ako tumaba?” Kunwari ay natawa siya kahit ang totoo ay kumabog ang dibdib niya. Kabilin-bilinan pa naman ng Nanay niya na huwag siyang maglalandi habang nag-aaral. Kapag nalaman daw nitong pakikipaglandian lang ang inaatupag niya, kakaladkarin daw siya nito pabalik ng probinsya at itatali sa punong Balete nang patiwarik. Hinayon siya ng tingin ni Pelang mula ulo pababa, nagtagal nang kaunti ang tingin nito sa balakang niya. “Kung wala akong tiwala sa iyo, iisipin kong buntis ka.” Napaubo siya at alanganing ngumiti. “Si Nanay talaga, binisita mo lang yata ako para pintasan a