“Get out!” Sa labas palang ng opisina ni Zeki ay dinig na ni Vicencio ang malakas na sigaw ng CEO. Dumadagundong ang boses ni Zek, kasunod ng malagom nitong sigaw ay ang paglabas ng humahagulhol na empleyado. Pumasok si Viz sa loob ng opisina ng CEO at naupo sa couch, pailalim na inobserbahan ang kapatid. Did Zek even notice that he was there? Tutok na tutok ito sa pinipirmahan pero tila wala naman doon ang isip nito. Napailing si Vicencio. Nagkaganoon na si Zeki magmula nang sabihin niya ditong dumistansya ito kay Perlas. Ano ba kasi ang problema nito? Kung gusto nito si Perlas, wala namang masama. Wala naman itong asawa at dalaga naman si Perlas. Kung bakit sukdulan ang pagpipigil nito sa sarili, gayung halata naman na interesado talaga ito sa dalaga. “Sh*t! Bullsh*t!” Nagulat pa s