“I think I saw her,” wala sa loob na sambit ni Zeki kay Vicencio. Nakaupo siya sa backseat ng kanyang brand new, Santorini black, Land Rover. Magkasalubong ang mga kilay niya at pilit inaalala ang mukha ng estudyanteng pumasok kanina sa lecture hall. He only caught a quick look of the student’s face. Hindi siya nabigyan ng pagkakataong titigan ang mukha nito nang maigi. Nang matapos ang klase niya ay hinanap niya ang babae pero wala na ito roon.
Sumulyap si Vicencio sa kanya sa rearview mirror. “Saan mo siya nakita?”
“You won’t believe it... in my f*cking class.”
“Baka kamukha lang?”
“I don’t know. I’m not a hundred percent sure.” Hindi rin naman siya sigurado. Pero kakaiba ang pagkabog ng dibdib niya kanina. It was already bad that he slept with an 18-year old girl. Sana naman ay hindi na magtagpo ulit ang landas nila ng babae.
Napabuga siya ng hangin at nahilot ang pagitan ng magkabilang kilay. “God, I hate this feeling.”
“Stop overthinking.”
“F*cking headache,” he grumbled.
Bumuntong-hininga si Vicencio at napailing. Mayamaya’y inabutan siya nito ng cooling patch. “Gamitin mo ‘to. Makakatulong sa sakit ng ulo. And I’ll add alcohol in the ‘x’ list. Ang listahan ng mga bawal ibigay sa iyo.”
Idinikit niya agad ang cooling patch sa kanyang noo saka ipinikit ang mga mata. Gusto niya lang magpahinga saglit pero sa unang segundo palang nang paglapat pasara ng talukap niya ay ang pagsariwa ng maiinit na eksena sa kanyang gunita.
He remembered how his c*ck went inside her p*ssy. And how he tore her hymen in a careless way.
Napatuwid siya at malakas na napamura. Bakit naman sa lahat ng lasing ay siya pa ang may matalas na utak na tila ayaw burahin ang mga alaala ng gabing nakipagtalik siya sa napakabatang babae?
Nagulat si Vicencio sa bigla-bigla niyang pagmumura at nawala sa kalsada ang atensyon. Eksakto namang naging pula na ang kulay sa ilaw trapiko kaya tumawid ng pedestrian ang isang babae.
Zeki was beyond horrified. “Mabubundol mo ang babae, Vicencio!” hiyaw niya.
Vicencio did all that he could to remain calm and maneuvered the steering wheel carefully, at the same time stepping on the brake pedal. Tamang-tama lang na huminto ang sasakyan nang gapulgada na lang ang kulang para matamaan niyon ang babae.
Hindi nakagalaw ang babae at namumutlang napatingin lang sa sasakyan nila. Ang buong mukha nito ay natatamaan ng ilaw mula sa unahan ng sasakyan.
“Oh, sh*t. Nakikita mo ba ang nakikita ko, Vicencio?” tapik niya sa balikat ng assistant.
“Hmmm, ang babae sa hotel.” Bumaba si Vicencio at nilapitan ang babae.
Naghintay lang si Zeki sa loob ng sasakyan at nakatingin sa dalawa na nag-uusap sa labas. Nakita niyang inabutan ng pera ni Vicencio ang dalaga pero pilit iyong tinatanggihan ng huli.
Napahugot siya ng hangin, inayos ang kurbata sa leeg, at bumaba na ng sasakyan.
_____
NATULALA si Perlas nang mapagsino ang binatang bumaba ng sasakyan na muntik nang makabundol sa kanya. There must be something wrong with her but she felt like everything around her became insignificant. Pakiramdam niya ay ang lalaki lang ang tanging makabuluhan. Her brain was exaggerating things. Parang pinababagal niyon ang paggalaw ni Mr. Zeki Castoldi. Tila rin nahulog mula sa kung saan ang mga kulay rosas na talulot.
Pagpitik ng mga daliri ang gumising sa naglalakbay niyang diwa. She shook her head and gazed up at the man who was now standing tall in front of her. Itim na itim ang kulay ng buhok nito. His hair was carefully fixed, the length of his bangs was perfectly measured to suit a man’s style, the length at the back was just enough, touching just the upper part of his clean nape.
He was wearing an all black suit. Hindi iyon ang suot nito kanina sa lecture hall. Siya man ay nakapagpalit na rin. Kupasing pantalon na maputlang bughaw ang kulay at itim na T-shirt. Papunta siya ng Castoldi Labs para magtrabaho. Hapon ang shift niya sa araw na iyon.
Marahil ay patungo ring opisina nito si Mr. Castoldi. Sa suot nito ngayon, mas nagmumukha itong katakam-takam. At hindi ba talaga namang katakam-takam ito? Nakumpirma na niya iyon. Sa kagaya nga niyang wala pang karanasan nang gabing may mangyari sa kanila ay nakailang beses niyang pinayagan na maulit ang pag-angkin nito sa kanya. Kung hindi ito masarap, siguro ay nag-iiyak na siya palabas ng hotel. But she stayed. And she enjoyed the s*x with him.
Paggising niya kinabukasan ay iika-ika lang siya pero bumuti naman ang paglalakad niya matapos maligo ng maligamgam na tubig.
“Miss?” pukaw sa kanya ni Mr. Castoldi.
“H-ha? Ano iyon?” Nagkandautal na siya sa harapan ng lalaking ito. Paano naman kasi, kagalang-galang ito at pormal na pormal. He was no doubt one of the most famous businessmen in the world. And he screamed delicious authority—his all black suit, cleanly combed black hair, and eyes that were as black as his expensive car.
“Here’s my assistant’s business card. You have to accept the money. Muntik ka na naming mabundol. Being in this situation can be mentally damaging. You may need psychological assessment. So, you should contact my assistant.”
Umiling siya.
Pinukol siya ng nababagot na tingin ni Mr. Castoldi. Kinuha nito ang kamay niya at ipinatong sa palad niya ang tarheta saka pinakuyom ang kanyang kamay. Pagkatapos ay walang paalam na itong tumalikod.
Wala ba talaga itong interes na alamin ang pangalan niya? Hindi nito kailanman tinanong iyon sa kanya. Nakaramdam siya ng lungkot. Yumuko siya at pinaraanan ng tingin ang nakasulat sa business card:
Vicencio / Executive Assistant / Office of the CEO / Castoldi Labs and Technologies
“Are you sure you’re not hurt?” tanong sa kanya ni Vicencio.
“O-okay lang talaga ako.” Pilit siyang ngumiti at magalang nang nagpaalam. Itinuloy niya ang pagtawid pero bago pa niya marating ang kabilang bahagi ng kalsada ay naagapan na siya sa kamay ng lalaki.
“You’re bleeding.” Kontrolado ang emosyon sa boses ni Vicencio.
“B-bleeding? Ako?” Namilog ang kanyang mga mata. “Ha! Saan?” Pilit niyang nililingon ang bandang puwitan.
Vicencio held her arm tighter. “Could you be pregnant?” he asked straightaway. Wala nang paliguy-ligoy.
Kung hindi lang siguro siya naunahan ng kaba ay maiisip niyang napakaaga pa para makumpirma ang bagay na iyon. Pero una niyang naisip ang mga magulang niya at ang magiging reaksyon ng mga ito kung totoong nagdadalangtao siya. Nawalan ng kulay ang kanyang mukha at nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod.
Binuhat siya ni Vicencio at i-deniposito sa backseat ng sasakyan katabi ng boss nito. Sa kabila ng pamumutla at pagsama ng pakiramdam ay hindi nakalagpas sa kanya ang hitsura ni Mr. Castoldi nang ipasok siya ni Vicencio sa sasakyan nito. Napanganga ito at mabilis na umisod palayo sa kanya.
“What the hell is this, Vicencio?” Hindi ito nagtaas ng boses subalit ang pag-iigting ng mga ugat nito sa leeg ay nagsasabing hindi nito gusto ang nangyayari. He loosened his tie and tried his hardest to stay calm, despite the obvious irritation in his eyes.
“She might be pregnant.”
“What?”
“Ilang beses mo ba ipinutok sa loob?” derechong tanong ni Vicencio.
Namula si Mr. Castoldi at napaubo. He looked very uncomfortable. Siya man ay nailang.
“I thought we agreed that you have to use the formal tone when we are not alone?” pasitang tanong nito sa assistant.
“I’m sorry, Sir. I have prepared the confidentiality form. We can have her sign the agreement. I know she isn’t over 30 and a virgin, well… uh… not anymore after that night. But the point is, buntis na siya. So, we’ll have to choose her.”
“Choose me? Para saan?” Naguguluhan siya.
“Malalaman mo mamaya.”
_____
DUMATING lang pala ang buwanang dalaw niya.
Napaungol si Perlas. Nasa convenience store siya at nakapila sa cashier para bayaran ang sanitary pads. Suot niya sa baywang ang business coat ni Mr. Castoldi. Galing na sila sa ospital na pag-aari ng kakilala ni Mr. Castoldi at na-eksamin pa siya ng doktor sa pribadong silid. Sobrang nakakahiya. She was treated like a VIP and her situation was handled as a confidential case. Hindi sila dumaan sa information desk at may private lift pang nakalaan para sa kanila.
Tapos malalaman niya na dumating lang pala ang buwanang dalaw niya. Nakapagsuot na siya ng sanitary pad pero ipinilit pa rin ni Mr. Castoldi na bumili siya ng extra dahil baka raw matagusan siya.
“Are you done here?”
Napaigtad siya nang biglang nasa harapan na niya si Vicencio. “Ito na, nilalagay na sa paper bag ang binili ko.”
“Let’s go.”
“S-saan na naman? Uuwi na ako.”
“No. Masyado ka nang maraming alam.”
“Ha? Bakit ba?” Gusto na niyang pumalahaw ng iyak. Kanina pa siya nabibilad sa mga eksenang lakas makaagaw pansin. Pagod na pagod na siya. Hindi rin naman niya kasalanan kung marami siyang natuklasang sekreto. Si Vicencio naman kasi ang kusang nagbabahagi ng mga impormasyon sa kanya.
He mentioned that Mr. Zeki Castoldi wanted to have a child, but not a wife. Iyon daw ang dahilan kung bakit nasa hotel ang CEO nang gabing may nangyari sa kanila. He wasn't supposed to be drunk, but something happened. Marami pang sinabi si Vicencio.
“This way, Miss.” Iminosyon nito ang exit at ang nakaparadang sasakyan sa labas ng convenience store.
Wala siyang nagawa kundi ang sumunod dito. Bago pumasok sa backseat ay hinubad muna niya ang business coat ni Mr. Castoldi at inabot dito pero hindi nito tinanggap iyon.
“Keep it. I won’t be using that again.”
Napasimangot siya. Diring-diri lang? Agh!
They went inside one of the country’s most luxurious restaurants. Derecho sila sa pribadong silid. Nauuna sa paglalakad si Mr. Castoldi. Siya sa gitna at nasa likuran si Vicencio. The private room was huge with a massive round table at the center. Nasa labindalawa siguro ang bilang ng mga upuang nakapaikot sa lamesa. May mga mamahaling paintings sa pader. Hindi talaga niya naitago ang panlalaki ng mga mata sa pagkamangha sa silid na iyon.
Pagkaupong-pagkaupo niya ay inilatag agad ni Vicencio ang mga dokumento sa mesa. “Sign this.”
“Para saan ‘to?”
“Contractual terms, consent forms, confidentiality, et cetera. These are for your new job.”
“Bakit kailangan kong pirmahan ang mga ito? At anong trabaho?”
“Zeki’s babymaker.”