Still wearing a robe, Zeki sat on the couch, feeling uneasy. Nakatingin siya sa dalagang nakaupo sa katapat na silya. Nakayuko ito at nakapako ang tingin sa sahig. She was now wearing her casual-formal dress. Baka may dinaluhan itong party bago nagkrus ang landas nila kagabi.
Napakunot-noo siya nang mapansing may punit iyon sa harapan. And then he remembered the face of the person who destroyed the girl's dress--it was him. Bumaling siya kay Vicencio. "Ask someone to get her a new dress. Ipa-deliver mo na lang dito sa hotel."
Tumango si Vicencio at may tinipa sa cellphone nito. "The dress should be delivered here in less than 10 minutes."
Nakaupo sa upuan malapit sa dalaga si Vicencio. Napakapormal nitong tignan. Inayos nito ang salamin sa mata at bumaling sa dalaga. “My boss here was not in his normal thought process when the incident happened. And I have reviewed the CCTV footages in the hallway, there wasn’t any behavior displayed by Mr. Castoldi that would qualify the case for seduction of a minor as there was no form of deceit and—”
“She is not a minor,” pagdidiin niya.
“Are you not?” baling ni Vicencio sa dalaga.
Saglit na nakalimutan ni Zeki kung paano ang huminga nang hindi agad kumibo ang dalaga. Saka lang siya napabuga ng hangin nang umiling ito. “Thanks, God!” he sighed out loud. Kahit papaano ay nakahinga na siya nang maayos. Kung nagkataong batang-bata pa sa inaasahan niya ang dalaga ay talagang mangungumpisal siya at magpepenetensya.
“Disiotso na po ako.” Bumuntong-hininga ito. “A-ano ba talaga ang gusto n’yong sabihin sa akin?” mahina nitong tanong.
He tapped his fingers repeatedly against the arm rest of the couch as his frustration grew bigger. Hindi siya makapaniwalang nakipagtalik siya sa babaeng mas bata sa kanya nang mahigit isang dekada. “Vicencio, let me handle this,” singit niya.
Tumango naman ang lalaki.
Tumikhim siya at pinagmasdan ang kaharap niya. “What happened last night was a mistake. Hindi dapat nangyari iyon. I would never do anything even remotely close to that if I was not drunk.” He paused to clear his throat again. “Listen, I can offer you money. Just tell me how much—”
“Hindi ba puwedeng kasal ang i-alok mo sa akin?”
Napaubo siya. He didn’t expect that from her. Nag-angat ng mukha ang dalaga at sinalubong ang mga titig niya. Nagulat siya. He wasn’t prepared for that eye contact. Sa isip ay napapamura siya. The woman had a face that can seduce several men.
“I don’t believe in marriage. And I do not ever want to get married. So, marriage is not one of the options I can extend to you.”
“Hmmm, pera lang ba talaga?”
Tumayo siya at sinenyasan ang kanyang assistant. “I should rest now. Vicencio, ikaw na ang bahala rito.” Tumayo na siya at pumasok sa pinakasilid ng VIP room. But it was a mistake that he did, because the moment he entered the room, he immediately felt the warmth of her breath as if she was still breathing against his ear.
Napaungol siya sa eksasperasyon at naupo sa kama. He was guilty, yes, because that girl was barely legal! And she was a virgin! He deflowered that little girl. Pero dapat kalimutan na niya ito at ang nangyari sa kanila dahil pihado namang iyon na ang huli nilang pagkikita.
Hindi naglipat oras ay kumatok na sa pinto ng pinakasilid si Vicencio. Hindi siya sumagot. He heard the assistant let out a long sigh. “Umuwi na siya, Sir.”
Nang marinig ang kumpirmasyong nakaalis na ang babae ay saka palang niya binuksan ang pinto. “Ano’ng napagkasunduan n’yo? Ano ang hininging kapalit sa nangyari?”
Umiling ang assistant. “Tinanggihan niya ang pera.”
“Ano raw ang gusto niya?”
“Walang sinabi. Basta raw hindi siya interesado sa pera.”
Napabuga siya ng hangin. Nakaligo at nakapagbihis na siya. He wore a comfy white shirt and straight cut jeans that his assistant brought to him when he got there. Pero parang gusto niyang maligo ulit. Naka-cool high na ang AC unit subalit tila ang init-init pa rin. Pinagpapawisan siya.
“I can’t believe this. I f*cked an eighteen-year old girl!” Nasapo niya ang batok.
“Paano ba kayo humantong sa kama?” pang-uusisa ni Vicencio.
Ikinumpas niya ang mga kamay. “You saw the footages! I was drunk. Wasted. Iyong babaeng iyon ang nasa maayos na huwisyo. Mukha ngang hindi naman nakainom. Hindi ko maarok kung bakit pinayagan niyang may mangyari sa amin. Last night was her f*cking first time, Vicencio! And no matter how hard I deny it, I think I was really rough on her. Did you see the bruises on her arms? My, God, ako ang may gawa niyon!”
“And I thought you were the gentle type,” komento ng lalaki.
“I thought so, too!”
Vicencio fished out a gum from his pocket. Inihagis nito iyon sa kanya. “To calm your nerves.”
Sinalo niya iyon at pinilas ang wrapper sabay subo. “I don’t think I’ll ever see her again, right?”
“Mukhang matino namang kausap. Sa tingin ko, hindi naman siya ang tipong mag-ieskandalo.”
Nakahinga siya nang maayos. He didn’t want drama in his life now.
Tumikhim si Vicencio at medyo nag-alangan kung itutuloy ang gustong itanong.
He groaned. “Ask away, bastard.”
“Uhm, naisip ko lang… Uhh, paano kung magbunga iyong nangyari sa inyo?”
Namilog ang mga mata niya. Huminga siya nang malalim at pinuno ang dibdib. “Well, they say that drinking alcohol can reduce a man's fertility, so… I think she won’t get pregnant. Lasing na lasing ako kagabi, eh.”
Nasamid si Vicencio at natawa. “Naniniwala ka talaga diyan? O sinusubukan mo lang kumbinsihin ang sarili mo?”
Napasimangot siya. “Get lost.”
“Whoa, pagkatapos kong halos paliparin ang kotse ko makarating lang dito, paaalisin mo ako nang ganiyan-ganiyan lang ngayon?”
Pinukol niya ng matalim na tingin si Vicencio. The taunting smile on his assistant's face was so annoying. “Ano ang nginingiti-ngiti mo riyan?”
“Judging by how bad you marked her, I think you enjoyed f*cking her.”
“Vicencio!” saway niya rito.
Umiling ito. “Such a beast. Kawawang bata.”
“Look, she’s not a kid. She’s a teenager.”
“Batang-bata pa rin. But kidding aside, paano nga kung mabuntis?”
“Then, we’ll have to bring her back here. I want to keep and raise my child.”
“And the mother?”
“We’ll make an arrangement.”
Nahiga siya sa kama na mabilis niyang pinagsisihan. Bumangon siya at mabilis na lumayo. “Change the sheets, ASAP!”
"Consider it done. I'll immediately contact the hotel's housekeeping unit." Napangiti lalo si Vicencio nang makita ang pulang mantsa sa puting kubrekama. “A virgin, indeed.” Mayamaya’y pumormal na ito. “So, about the babymaker—”
“Put it on hold. Ayaw ko munang isipan iyan.”
“Duly noted. Do you need anything else before I go?”
“Wala na. Iwan mo na akong mag-isa.” Gusto niyang magmuni-muni at balikan sa isipan ang nangyari at baka may hindi pa siya naaalala. Gusto niya ring hilingin nang buong taimtim sa langit na sana nga ay lasing din ang mga semilya niya at hindi nasapol ang puntirya.
_____
INIS na hinipan ni Perlas ang hibla ng buhok na kumawala sa kanyang pagkakatali at ngayon ay nasa tapat ng mukha niya. Nauubusan na siya ng pasensya na ayusin ang sarili. Ang totoo ay sariwang-sariwa pa rin sa utak niya ang nangyari sa kanila ng university lecturer s***h CEO ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya.
In-lock niya ang pinto ng kanyang silid at tumapat sa salamin saka hinubad ang damit. Naroroon pa rin ang marka ng mga halik nito sa balat niya. He kissed her everywhere! He left kiss marks even on her inner thighs. Ilang pulgada na lang at nasa puwerta na niya iyon.
Naipilig niya ang ulo nang makaramdam ng biglang pag-iinit ng katawan. Naisabunot niya ang mga kamay sa buhok. Dahil kahit baligtad-baligtarin pa, nasa matino ang pag-iisip niya nang gabing iyon. Pero naging marupok siya! She allowed the man to touch and kiss all parts of her body. Nagpaangkin siya at gusto niya talaga iyon.
Napatalon pa siya nang biglang tumunog ang kanyang aparato.
Zendaya calling…
“O, bakit?” tanong niya pagkatapos tanggapin ang tawag.
“Hoy, bruha, nasaan ka na? Hindi ka ba papasok? Baka lang nakakalimutan mong biyernes ngayon.”
Nakagat niya ang labi. Ayaw sana niyang lumapit ng universidad dahil baka makasalubong niya si Mr. Castoldi. “Ahh, m-masama ang pakiramdam ko ngayon, eh. Baka hindi ako—”
“Huwag ako, Perlas. Sino’ng niloloko mo? Pakita nga ng mukha mo.”
Hindi puwede! Makikita nito ang mga nagpupulahang marka sa leeg at dibdib niya. “Lowbat ang phone ko—”
“Hihintayin kita sa gate ng university. Kapag hindi ka dumating, susugurin kita riyan. Dali na!”
Napaungol siya nang matapos ang pakikipag-usap sa kaibigan. “Patay talaga ako nito.”
She wore the most conservative blouse. Hanggang leeg ang natatakpan, longsleeve, at kagalang-galang tignan. Sa ibaba ay kaakit-akit na tight-fitting jeans. Para hindi naman magtaka si Zendaya kung bakit biglang nagpaka-konserbatibo siya. Binalanse niya lang ang pang-itaas at pang-ibaba.
Pagdating na pagdating niya ay hinila agad siya ni Zendaya patungong lecture hall.
“Saan tayo pupunta? Sa kabilang building ang klase natin.”
“Wala si Prof. Nagkasakit daw ang asawa.”
Namilog ang mga mata niya. “Bakit pala pinapunta mo pa ako rito? Sabi ko naman sa iyo, masama ang pakiramdam ko—”
Huminto si Zendaya at nilingon siya. Sinalat nito ang kanyang noo. “You look well. Huwag ka nang magsinungaling.”
“H-ha?” Pambihira itong kaibigan niya. Hindi siya makalusot.
“Tara na. Kanina pa nagsisimula ang klase ni Mr. Castoldi.”
“Teka lang.”
Nakaladkad siya ni Zendaya hanggang lecture hall at buong puwersang itinulak papasok. Natumba tuloy siya at nakaagaw ng atensyon.
She almost fainted when all eyes went to her direction. Maingat siyang sumilip sa unahan. Nakatingin din sa dako niya si Mr. Castoldi. Mabilis siyang umuklo at hinagilap ang bag. Iniharang niya iyon sa mukha niya habang naghahanap ng bakanteng mauupuan.
Pakiramdam niya ay kakainin na siya ng lupa. Sana ay hindi siya nakilala ni Mr. Zeki Castoldi!