“Does it really have to be her? She is only f*cking eighteen! She’s just a girl. Ano’ng alam niya? Baka nga hindi pa niyan kayang mabuhay nang walang umaalalay na magulang?” nababagot na tanong ni Mr. Castoldi. Hindi ito minsan man sumulyap sa dako niya. Kahit saang anggulo ay halatang hindi ito interesado. Umalma na si Perlas. “Teka lang, ha. Hindi na ako ‘girl’, matanda na ako. Legal na ako. Kaya sana naman huwag mo akong tratuhin na parang batang walang alam. Bah, baka nga mas marami pa akong napagdaanan kaysa sa iyo.” Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Vicencio na kaagad din nitong sinupil. Inayos nito ang salamin sa mata at pinapormal ang ekspresyon. “She knows too much. Didn’t you say that there should only be three people directly involve in this matter? Ikaw, ako, at ang babymake