JAMES
"Sir, tumawag na po ang secretary ni Sir Bustamante, hihintayin n'ya raw po kayo ng 5 PM sa Bustamante University bago raw po dumiretso sa airport si Sir Bustamante." Agaw ng aking sekretarya na si Miss Geronimo sa aking atensyon.
Tumango ako saka ko dinampot ang aking cellphone at susi ng sasakyan. Alas tres y media na at tamang tama lang ang aking biyahe upang makarating sa university bago mag alas singko.
Nagpa set ako ng meeting kay Kenneth, isa sa aking matatalik na mga kaibigan upang magbigay nang karagdagang pundo para foundation scholarship na pinagtutuunang pansin naming magkakaibigan.
Kabilang na roon ang Bustamante Foundation Scholarship na isa sa pag aari ni Kenneth na patuloy ko ring sinusuportahan.
Isa lamang ang Bustamante University sa ilang mga eskwelahang pag aari ni Kenneth mula sa mga probinsya hanggang mismong dito sa Manila.
Karangalan naming limang magkakaibigan na makatulong sa mga taong nangangailangan ng sapat na tulong mula sa amin.
Sina Vince, Carlo at Jeffrey naman ay may iba't ibang foundation din na sinusuportahan at kahit busy sa iba't ibang propesyon ang mga ito ay hindi rin nagagawang makalimot sa tungkuling sinimulan ng bawat isa.
Paglabas ko ng aking opisina ay bahagya akong napalingon sa desk ni Josephine ng aking sekretarya nang tumunog ang phone desk nito.
Hindi ko naman na pinansin pa at nagpatuloy na lamang sa paglakad, subalit bago pa man ako makarating sa elevator ay muli akong natigilan ng tinawag ako ni Josephine.
"Ahm, Sir James!" malakas nitong tawag sa akin.
Lumingon ako, "Yes, Miss Geronimo?" tanung ko.
"Si Maam Cassandra po tumawag. Hindi raw po kasi kayo sumasagot sa cellphone n'yo. Pinapasabi po na hihintayin n'ya raw po kayo mamaya sa mansyon para sa family dinner n'yo raw po." Imporma nito.
Tumango lamang ako at hindi na tumugon pa. Napa buntonghininga na lamang ako nang maalala ko ang family dinner na in-set ni Cassandra sa mansyon na kahit sabihin kong hindi ako pupunta dahil busy ako ay hindi pa rin ito tumitigil.
Maging si Mom ay kinulit pa nito para maisakatuparan ang mga plano. Ayaw man ni Mom ngunit alang-alang na lamang kay Cassie ay sumusunod ito.
Wala pang alas singko nang makarating ako sa Bustamante University at alam kong tamang tama lamang din ang oras ng pagdating ko dahil kilala ko ang ugali ni Kenneth, hindi ito maghiihintay ng matagal lalo na at may ibang bagay pa itong gagawin o pupuntahan.
Habang papasok ang aking kotse ay napansin ko na naman ang ilang mga estudyanteng papalapit sa aking sasakyan lalo na sa part ng mga kababaehan, at hind na bago sa akin ang ganitong senaryo.
Napapailing na lamang ako sa ugaling ipinapakita ng mga ito. Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkairita sa tuwing magbibigay o magpapakita ng motibo ang mga kababaehang estudyante sa unibersidad na ito.
Maaari sigurong matukso ako sa mga ito kung noong kapanahunan ko pa o namin nina Kenneth. Wala kaming pinalalagpas na magkakaibigan sa tuwing may lumalapit sa amin na animo'y mga manok at gustong magpatuka.
Iniayos ko ng pagkaka park ang aking kotse saka ko kinuha ang aking cellphone upang tawagan si Kenneth, ngunit muli kong naibaba ang aking cellphone nang maagaw ng isang babaeng naglalakad papalabas ng gate ang aking pansin.
Napansin ko ang waring hirap nito sa paglalakad na para bang may iniindang sakit. Hanggang sa mag angat ito ng mukha at tumingin sa aking direksyon ay saka ko lang nakilalang si Miss Pajares ang babaeng iyon.
Isa si Miss Pajares sa mga empleyadong mapagkakatiwalaan sa aking bar. Mabait ito at masipag. Kahit ang minsan sa loob ng mahigit apat na taon ay hindi ko ito naringgan na nag reklamo, kaya naman nang araw na malaman kong nag aaral ito sa Bustamante University ay ipinaasikaso ko kay Kenneth ang mga kakailanganing papel nito para mapabilang sa mga estudyanteng karapatdapat mabigyan o mapasakop sa aking scholarship.
Ayon na rin kay Kenneth ay maayos naman ang mga grades nito kaya't naisipan kong dagdagan ang budget na nakalaan para dito na hindi tulad sa iba.
Hindi ko maiwasang humanga at matuwa sa determinasyong nakikita ko mula sa dalaga, kaya't alam kong kung magpapatuloy ito sa ganoong estado ay hindi malabong magkaroon ito ng magandang bukas.
Plano ko ring oras na matapos ito sa pag aaral bilang isang nurse ay irerekomenda ko sa Luke sa Delgado Hospital dahila alam kong maayos at maganda rin ang benepisyo ng hospital na iyon para sa mga tulad nito.
Agad akong naalerto at mabilis napabba ng sasakyan nang makita kong hindi na maayos o hindi na pantay ang paglalakad ng dalaga. At alam kong sa mga sandaling ito ay may mali sa kondisyon ng kalusugan nito.
Hindi nga ako nagkamali nang tuluyan na nga itong bumagsak sa simento bago pa man ako makalapit sa kinaroroonan nito.
Malalaking hakbang ko itong nilapitan at agad binuhat saka ko mabilis na ipinasok sa kotse na hindi ko rin maintidihan sa aking sarili na imbes sa clinik ng paaralan ko ito dalhin ay mas ninais kong dalhin na lamang ito sa aking penthouse.
Habang nasa biyahe ay hindi ko maintindihan ang aking sarili habang paminsan minsang nililingon ang dalaga sa likurang bahagi ng aking kotse habang nakapikit ang mga mata at walang malay.
Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng pag-aalala para dito. Sa kung ano ang kalagayan nito ngayon lalo na't mababakas sa mukha nito ang bahagyang pamumutla at waring pagod na pagod.
Bumuntonghininga ako saka ko dinampot ang aking cellphone upang tawagan si Dr. Miguel, subalit bago ko pa man mapindot ang mga numero nito ay bigla naman tumunog ang aking cellphone at lumitaw sa phone screen ang pangalan ni Kenneth.
Bigla kong naalala ang dahilan nang pagpunta ko sa Bustamante University, at dahil lamang sa dalaga ay agad kong malimutan ang bagay na iyon.
"s**t! I almost forgot!" mariin kong sambit saka ko pinindot ang answer button.
"Fvck, dude!" mura ko.
Imbes ay isang matunog na pagngisi ang sumalubong sa akin na para bang may nais iparating.
Napailing ako, "Let us move the meeting to another day. Something unexpected has just happened."
Muli ay narinig ko ang pagngisi nito kasabay nang ilang tunog na waring may tinutuktok na kung anong bagay sa lamesa.
"Yeah, dude, I saw what happened with my own two eyes. Kaya 'wag ka nang magpaliwanag pa." Pagkatapos ay malakas itong tumawa.
Muli akong napailing dahil kilala ko si Kenneth. At sa aming lima ito ang pinakamalakas mang bully, sumunod si Carlo. Sa kabila ng mga seryosong itsura ay hindi alam ng lahat na may pagkaisip bata ang aking mga kaibigan.
"Saan mo naman siya planong dalhin, dude? Sa pagkakaalam ko kasi may clinic naman ang napakalaki kong university. Kumpleto rin ang mga kagamitan at may tatlong doktor at limang nur–––"
"Shut up, Bustamante!" malakas kong sambit, pagkatapos ay bahagya akong lumingon sa walang malay na dalaga.
Malakas na halakhak naman ang naging tugon nito na waring hindi alam kung paano titigil mula sa kakatawa.
"Fine!" humalakhak nitong tugon. "Okay, pagbalik ko na lang from Hong Kong. I will call you. Goodluck, dude. Be careful lang baka makarating 'yan Cassandra, kaawa naman 'yang bata pag napag initan ng asawa mo."
Hindi na ako nakatugon pa dahil agad na rin nitong ibinaba ang linya. Napa buntonghininga na lamang ako saka lumingon sa dalaga.
Sunod sunod akong bumusina sa harapan ng gate, at kita ko naman ang pagkataranta ni Manong Berting habang binubuksan ang gate.
Agad kong binuhat ang dalaga at mabilis na ipinasok sa loob ng aking bahay. Sumalubong naman ang nagtatakang si Manag Raquel habang nakatingin sa dalaga.
"Manang Raquel, please follow me upstair and bring extra clothes for her to wear." Utos ko sa matanda.
Alisto naman itong sumunod at agad na tumungo sa silid nito upang kumuha ng damit para sa dalaga.
Maingat at dahan dahan ko itong ibinaba sa ibabaw ng kama nang makapasok na kami sa guest room.
Inayos ko ang pagkakahiga nito, pagkatapos ay dahan dahan kong hinubad ang suot nitong sapatos saka ko inilagay sa gilid ng kama.
Tumayo ako saka ko inayos ng lagay ang comporter sa katawan nito. Handa na sana akong tumalikod ngunit muli akong natigilan ng bumaling ito sa gilid kaya ang ilang hibla ng buhok nito'y tumakip sa muka.
Maingat kong inayos ang buhok nito at dahan dahang inilagay sa gilid. Natigilan ako nang matitigan ko ang namumutla at waring pagod na pagod nitong mukha, ngunit sa kabila noon ay mababakas pa rin ang maganda at simpleng itsura nito.
Hindi ko maintindihan ang aking pakiramdam nang mapadako ang aking paningin sa labi nitong may katamtamang hugis na bahagya pang nakabuka. At para bang sa ganoong itsura ng labi nito ay inaanyayahan ang aking labi na halikan iyon.
Nasa tagpo akong dahan dahang bumaba ang aking mukha papalapit sa mukha ng dalaga nang biglang bumukas ang pinto, kaya't dahil sa gulat ay agad dumulas ang aking kamay na nakatukod sa gilid ng kama.
Fvck!
Malakas at mariin kong mura sa aking isip dahil muntik nang magkaroon ng totoong kaganapan ang kanina'y pagnanasa lamang dahil sa pagkakataong iyon ay bumagsak ang aking mukha sa mukha nitong halos ga-sinulid na lamang ang pagitan ng aming mga labi.
Agad akong napalayo at mabilis na tumayo nang marinig ko na ang muling pagsara ng pinto.
D*mn it!
Muli kong mura sa aking isipan ng makaramdam ako ng init na nagmumula sa loob ng aking katawan, kaya't bahagya kong niluwagan ang suot kong kurbata.
"Sir James, nandito na ang damit na puwede n'yang isuot. Wari ko naman ay kakasya na ito sa kanya," sambit ni Manang Raquel nang makalapit na ito sa amin.
Tumango ako at humarap dito, "Kayo na po ang bahala sa kanya Manang Raquel. At pagkatapos n'yo po sa kanya ay magluto na rin po kayo nang para sa hapunan, para makakain na rin muna s'ya pag nagising."
Bahagya namang tumango si Manang Raquel at hindi na tumugon pa. Tumalikod na ako at dumiretso na rin palabas ng silid.
Hindi ko na rin tinawagan pa si Miguel para masuri ang dalaga dahil base na rin naman sa obserbasyon ko ay maayos lamang ito. At marahil lamang ay dahil sa pagod at puyat kaya ito nagkaganoon.
Ilang gabi ko na ring napapansin na lagi itong nag o-over time at halos alas tres o alas kuwatro na rin ng madaling araw umuuwi mula sa bar, na hindi ko rin maintindihan kung bakit nito kailangan pang mag over time lalo't alam rin naman nitong nag aaral ito sa umaga.
Bumuntonghininga na lamang ako at dumiretso na sa banyo upang mag shower, dahil plano ko ring kausapin ang dalaga pag nagising na ito.