KABANATA 4

2126 Words
Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Malakas na pagkabog ng aking puso ang tanging aking naririnig. Aaminin kong lalo lamang nahuhulog ang aking loob para sa aking amo, kay Sir James, at alam kong hindi dapat. Hindi ako dapat o hindi ko dapat hayaang tuluyan akong mahulog, lalo't kung sa huli ay ako lang din ang talo. Mayaman si Sir James, kilala sa lipunan at makapangyarihan sa lahat ng aspetong ginagalawan, ngunit sa kabila ng karangyaang iyon ay hindi mo kakikitaan ng kayabangan. Napakasimple at mapagpakumbaba ni Sir James ayon na rin sa pagkakakilala ko rito sa loob ng mahigit apat na taon kong pagtatrabaho sa J-Bar. Subalit sa kabila rin ng pagiging pribado ng buhay nito ay hindi pa rin nakakatakas sa mga media ang mapagkawang gawa nito mula sa ilang mga bahay ampunan na patuloy nitong sinusuportahan ganoon na rin ang ilang mga eskwelahan na binibigyan nito ng scholarship ang mga mag aaral na kapos sa pamumuhay upang maitaguyod ang pag aaral ng mga ito, at isa ako sa maswerteng nabigyan ng scholar na iyon. Si Sir James ang nagiging instrumento ng Panginoon upang magkaroon ng kaganapan ang mga nais o pangarap ng ilang mga kabataan, kaya naman sa kabila ng lahat ay hindi ko napigilan ang pag usbong ng aking lihim na paghanga para dito. Pilit kong ikinukubli ang paghangang iyon sa loob ng mahigit apat na taon, ngunit dahil sa insidente kahapon sa unibersidad ay napunta ako sa sitwasyong ito na hindi ko na rin napigilan ang aking sarili na mismong ipagkanulo ng aking nararamdaman. "Ineng, hindi ka pa ba lalabas diyan? Nakahanda na ang iyong almusal." Agaw ng ginang sa aking diwang naglalakabay. Bahagya akong napapitlag dahil sa gulat. Hindi ko man lang naramdaman ang pagpasok nito sa loob ng silid dahil sa lalim ng aking mga iniisip. Agad naman akong napatayo at mabilis na humakbang papalapit rito, pagkatapos ay bahagyang yumukod sa harapan nito. "P-Pasensya na po, lola." Hingi kong paumanhin at hindi na lamang nagpaliwanag pa. Ngumiti naman ito, "Oh, eh, sumunod ka na sa akin at nang makakain ka na bago ka umuwi. Tuyo na rim ang uniporme mo, kaya pagkatapos mong mag almusal ay maaari mo na ring suotin." Tumango na lamang ako at sumunod na rin dito, gustuhin ko mang mag tanung ng ilang mga bagay rito tungkol sa kung paano ako nakarating sa bahay ni Sir James ay hindi ko magawa dahil waring agad akong pinangungunahan ng hiya. Naupo ako sa upuang itinuro ng ginang habang ito naman ay naupo rin sa upuang nasa tapat ko. Saglit pa akong natigilan nang makita ko ang ilang mga pagkaing nasa aking harapan. Hindi rin naman bago sa aking paningin ang mga pagkaing iyon o mga pagkaing pangkaraniwan, ngunit sa pagkakataong ito ay para bang napaka sosyal at mamahalin ng mga iyon dahil na ring marahil sa napaka presentable ng pagkakalagay sa pinggan at pagkakahanay sa mahabang lamesa Piniritong itlog na buo ang dilaw, longanisa, tosino, hotdog, toasted bread at sinangag na may kung anoanong nakahalo. At may juice rin na nasa ibabaw ng lamesa na kahanay ng nga pagkaing iyon sa halip na kape ayon na rin sa aking nakasanayan tuwing umaga. "Hindi mo ba nagustuhan, ineng o may iba ka pa bang gusto?" tanong ng ginang na marahil ay napansin na bahagya akong natigilan. Agad akong umiling saka tipid na ngumiti, "Naku! Hindi po, lola. Ayos na po lahat ito, natuwa lang po ako kasi 'yong mga inakala ko pong simpleng mga pagkain ay puwede po palang maging pang mayaman." Napatawa naman ang ginang, "Naku! 'Tong batang 'to! Sige na, kumain ka na d'yan. Maya maya lang ay pababa na rin si Sir James. Ibinilin n'ya rin pala na pag natapos kang kumain ay hintayin mo siya." Napakunot naman ang aking mga kilay dahil sa huling sinabi nito, at agad napaangat ang aking mukha. "B-Bakit daw po, lola?" hindi ko napigilang mautal dahil na naman sa biglang kaba na dumaab sa aking dibdib. Ngumiti naman uli ang ginang, "Huwag kang mag alala, ineng. Mabait na bata naman 'yang si James. Nakakatakot lang talagang tingnan pero sa kabila noon ay may ginintuan at mahabaging puso naman 'yan." Agad namang sambit ng ginang na marahil ay napansin ang aking bahagyang pagkautal. Tumango na lamang ako at bahagyang ngumiti saka muling nagsimulang kumain. Subalit muli akong napatigil nang muli kong maalala ang mga nangyari kung paano ako nakarating dito na hindi ko na rin kaya pang hindi magtanung o mag usisa. "Ah, Lola Raquel?" tawag ko rito sa pangalan nito base na rin sa pangalang sinabi kanina ni Sir Jame. Agad naman itong napabaling ng tingin sa akin mula sa tangkang paghigop ng tsa-a at may mga matang nagtatanung. "P-Paano po pala ako nakarating dito? Ahm, ibig ko sabihin si Sir James po ba ang nagdala sa akin dito?" medyo nahihiya kong tanong. Ngumiti ito kasabay ng marahang pagtango, "Oo, ineng. Dumating dito sa Sir James kahapon habang buhat buhat ka at walang malay. Agad ka niyang dinala sa guest room at inutusan akong bihisan ka at linisan dahil na rin sa ilang dumi na parang natuyo na sa braso mo." "Ibig sabihin po, si Sir James pala ang taong bumuhat sa akin kahapon nang matumba ako sa school?" tanong ko sa aking sarili. "Oo, ineng. 'Yon ang kuwento ni Sir James. Inutusan pa nga niya akong magluto ng hapunan para sa iyo, eh. Kaso hindi ka naman nagising kagabi, kaya kami na lang ni Sir James ang kumain." Imporma ng ginang na alam kong narinig nito ang mahina kong sambit sa aking sarili. Shit na malagkit talaga! Sir James, tantanan mo ang puso ko utang na loob! Baka lalo lang tuluyang mahulog sa iyo pero hindi mo naman kayang saluhin. "Are you done?" tanung na gumising sa aking diwang nagsisimula na naman sanang maglakbay. Agad akong napabaling ng tingin kay Sir James at sunod sunod na napatango rito. Pagkatapos ay mabilis kong ininum ang juice saka ako tumayo at dinampot ang aking mga gamit. "Aren't you going to change your uniform?" nakakunot noo na tanong ni Sir James saka ako nito sinuri ng tingin pababa. Natigilan ako at agad napabaling ng tingin sa ginang nang maalala ko ang aking uniform na sinabi nito kanina. Hindi na ako umimik at agad na lamang sumunod sa ginang nang tumungo ito sa kabilang dulo ng kusina. Diyos miyo, Marimar! Ihahatid ba ako ni Sir James? Enebe! Heweg nemeng genete may gad ang hair ko humahaba! Hindi ko napigilang kiligin sa aking isip sa posibilidad na maaaring ihatid ako nito, kaya nagbilin kay Lola Raquel na hinrayin ko ito. Habang nasa biyahe ay hindi ako mapakali na wari bang sinisilihan ang aking puwet dahil sa nararamdamang tensyon. "Do you want to say anything, Miss Pajares?" tanong ni Sir James. Marahil napansin nito ang pagiging hindi ko kumportable na iyon rin naman talaga ang totoo dahil para bang maiihi o matatae ako sa aking kinauupuan dahil sa presensya niya. Ngumiti ako ng tipid kasabay ng aking pag iling, "W-Wala po." Wala naman na akong nakuhang tugon mula kay Sir James hanggang sa tuluyan na kaming nakarating sa aking tinitirhan at agad nitong itinigil ang sasakyan sa tapat na maliit naming apartment no Sandino. Ngunit bago pa man ako bumaba ay naiilang akong tumingin dito at pinilit ang sariling maging kalmado kahit alam kong hindi ko magagawa dahil sa matinding kabog ng aking dibdib. "Ahm, sir?" naiilang kong bigkas. Lumingon naman ito habang mariing nakatingin na waring naiinip sa kung ano pa ang aking nais sabihin. "G-Gusto ko lang pong mag-thank you sa pagtulong po n'yo sa akin kahapon, at ganoom na rin po ngayon," mahina kong sambit at agad napaiwas ng tingin dahil sa mga tingim nitong hindi ko na matagalan pa. Tumango ito, "Get rest." Tanging salitang lumabas sa bibig nito at hindi na ako muling tinapunan nito ng tingin. Napatango na lamang ako at bumaba na rin ng sasakyan nito. Napasunod na lamang ako sa sasakyan nitong papalayo. Ilang saglit pa ay nagdesisyon na rin akong pumasok sa maliit naming gate. Bago pa man ako tuluyang makarating sa harap ng pintuan ay bumukas na iyon at iniluwa ang nanunuring tingin ni Sandino. "Bakit ngayon ka lang na mahadera ka, at sino 'yong nakapang mayamang kotse aber?" mataray na sagot ni Sandino. Umiling na lamang ako at tangka na sanang lalakad papunta sa aking silid nang muli akong matigilan dahil humarang ito sa aking harapan saka ako muling tinapunan nang mapanuring tingin mula ulo hanggang paa. "Huwag mong sabihing haliparot ka na isinuko mo na ang sariwa mong tilapya?" nakataas kilay nitong sambit. "Naku, Jenniel! Sinasabi ko sa 'yo. Hindi ako nagkulang ng mga pangaral at paalala sa 'yo na huwag ka munang bubukaka kung talagang gusto mong maiahon sa lusak ang mga kapatid mong patabaing baboy!" may kalakasan nitong sambit habang nakapamaywang sa aking harapan. Tumikwas naman ang aking kilay na hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa mga salitang lumalabas sa bibig nito. Napailing ako, "Wagas ka naman, Sandy, sa mga patabaing baboy. Hindi ba puwedeng wala pa lang talagang mahanap na trabaho." "Sus! Wala raw! Sabihin mo mga tamad talaga at ayaw magsipagbanat ng buto dahil kung talagang gusto ring makatulong ng mga 'yan sa mga magulang n'yo lalo na sa 'yo, eh, kahit construction papasukin ng mga yan. Pero hindi, kasi mayayabang at maaarte!" malakas nitong talak. Aaminin kong sa puntong iyon ay tama rin naman ito dahil simula nang makapagtrabaho na ako ay hindi na rin talaga nagpupursige pang maghanap o mag trabaho ang mga kapatid ko at umaasa na lamang din sa kakarampot kong padala sa aking mga magulang. "Oo na! Tumigil ka na, okay! Eh, ano magagawa ko 'yon ang gusto nila, eh. Saka okay na rin 'yon atleast may kasama palagi sina Nanay at Tatay, alam mo namang matatanda na rin sila. At saka isa pa may sa–––" "Oo na, alam ko na! Pero bago pa mapalayo ang usapan, sino ang lalakeng iyon? At bakit ka niya inihatid? Anong ginawa n'yo magdamag at sinabi n'yang hindi ka makakauwi kagabi dahil nasa bahay ka n'ya? Naku! Jenniel! Nanggigil talaga ako!" pagbabalik tanong nito tungkol kay Sir James. Bumuntonghininga ako, "Si Sir James 'yon, Sandy. At nagmagandang loob lang 'yong tao na tulungan ako kahapon." Nakita ko ang pagkagulat ni Sandino kasabay ng pagtakip sa bibig na waring hindi agad makapaniwala. "Actually, hindi ko alam na si Sir James 'yong taong bumuhat sa akin kahapon nang mawalan ako ng malay dahil na rin siguro sa sobrang pagod ko sa ilang sunod sunod na gabing pag o-over time. Pero alam mo ba? Grabe hindi ako makapaniwala na gagawin 'yon sa akin ni Sir James, para bang ang h–––" "Hoy! Jenniel! Huwag kang mag-assume, ha! Baka mamaya niyan dahil lang sa gwapo 'yang boss mo at sa ginawa sa 'yong pagmamagandang loob, eh, bumukaka ka!" putol nito sa aking pagsasalita. "Tse!" hasik ko saka ko ito inirapan at hinawi pagkatapos ay dumiretso na sa aking silid. "Hoy! Huwag mo akong ma-tse-tse-tse d'yan, ha? Baka tsepain kitang babae ka! Sinasabihan lang kita, kaya makinig ka!" pagtataray naman nito. Humarap ako rito, "Opo, 'tay! At memoryado ko na po 'yang mga linyahan mong 'yan kaya imposibleng makalimutan ko! Isa pa, nagtanung ka 'di ba? Sinagot lang naman kita, ah. Tapos ngayon kung pag isipan mo na ako ng hindi maganda, wagas." Umirap ito, "Dapat lang, dahil para sa 'yo rin 'yan, kaya kita hinihigpitan. Sige na, magpahinga ka na diyan. Papasok na rin ako sa trabaho, nakaluto na ako diyan. Kakain ka na lang." Pagkatapos ay tinalikuran na rin ako nito at tuluyan nang lumabas ng silid. Napapailing na lamang ako habang napapangiti. Alam kong kahit naman ganoon si Sandino ay mahal na mahal ako nito. Hindi lang isang kaibigan ang turing sa akin kundi isang kapatid na lubos ko namang ipinagpapasalamat dahil aaminin kong mula pa noon ay hindi talaga ako nito pinabayaan, kaya't hindi ko maitatangging malaki ang utang na loob ko rito. Nagpalit na lamang ako ng damit at agad na rin akong nahiga, susulitin ko ang araw na ito. Total mismong boss ko na rin naman ang nagsabi na magpahinga na muna ako. Mamaya ko na rin lang tatawagan si Analyn para sa mga subject na hindi ko napasukan ngayong araw dahil na rin sa nangyari. At tulad na rin ng sabi ni Sir James tumawag na rin naman ito sa university para ipaalam na hindi ako makakapasok. Napa buntonghininga na lamang ako nang muli ko na namang naalala ang mga nangyari. Sir James, ano ba 'tong ginagawa mo sa akin. Hindi ako puwedeng ma-inlove sa 'yo ng todo todo. Hindi puwede! At hindi talaga puwede.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD