"Manang Raquel, how is she? Is she awake?" tanong ko sa matanda nang mabungaran ko itong naghahanda ng pagkain sa lamesa.
Alas siyeta na rin ng gabi nang magpasya akong lumabas ng aking opisina. Mas minabuti kong doon na lamang dumiretso kanina nang matapos akong mag shower upang malipat ang aking presenya sa ilang mga dokumentong dapat kong pirmahan dahil kung hindi ko iyon gagawin ay baka tuluyan lamang akong magkasala sa dalaga pag pinakinggan at sinunod ko ang ninanais ng aking katawan. At iyon ang hindi dapat mangyari.
Aminado ako sa sarili kong pag ginusto kong gumamit ng babae ay nagagawa ko iyon agad sa isang pitik lamang ng aking daliri, ngunit sa mga babaeng hayok din lamang sa laman at hindi tulad ng dalagang nasa loob ng aking pamamahay na mababakas ang kainosentehan sa anyo at pagkatao nito.
"Kabababa ko lang, Sir James. Tatawagin ko na sana muna para makapaghapunan na, pero mukhang masarap pa ang tulog, eh. Naririnig ko pa nga ang mahinang paghilik." Tugon ni Manang Raquel saka ito ngumiti.
Tumango na lamang ako at naupo na rin sa hapag kainan, maging si Manang Raquel ay ganoon na rin ang ginawa.
Sampung taon na ring naninilbihan sa akin si Manang Raquel, at sa sampung taong iyon ay ito na ang tumayong guardian sa aking tabi.
Hindi na rin iba ang turing ko rito. Maging ito man ay ay isang anak na rin ang turing sa akin. Kahit pa ilang beses kong sabihin na huwag na lamang akong tawaging sir at sa pangalan ko na lamang ay hindi pa rin ito sumasang ayon.
Hinayaan ko na lamang ito sa kung ano at saan ito kumportable. Isang tunay na anak ang pag aalaga at pag aasikaso nito sa akin na hindi ko gaanong naramdaman sa aking totoong ina dahil mas pinili pa nitong mamasyal sa iba't ibang sulok ng mundo, habang ang aking ama naman ay abala at naka pokus lamang sa pagpapaunlad ng mga negosyo nito.
"Matanong ko lang, Sir James. Sino ba ang batang iyon at bakit walang malay tao nang dalhin mo rito? Nadisgrasya mo ba s'ya?" halatang naguguluhan at hindi na rin napigilang tanong ni Manang Raquel.
Nag angat ako ng mukha at tumingin dito, "Hindi po, Manang Raquel. Nasa Bustamante University po ako kanina nang makita ko s'yang bumagsak sa simento."
Napansin ko naman ang bahagyang pagkunot ng mga kilay nito kasabay ng marahang pagtango na waring may mas higit pang nais marinig sa akin.
"Okay, alam ko pong nagtataka kayo dahil bakit dito ko s'ya dinala instead of what should be at the hospital or school clinic. Nataranta na rin po ako kanina at base na rin po sa nakita ko sa kanya ay hindi naman po talaga siya nawalan ng malay. Maybe it is just that she is tired from working late," imporma ko, saka ako muling sumubo ng pagkain.
Napatango tango naman ito na para bang pilit na lamang inuunawa ang aking mga sinasabi.
"Actually, she is one of my employees at the bar. Isa rin po s'ya sa estudyanteng nasusuportahan ng aking scholar foundation, kaya nakilala ko po s'ya kaagad kanina." Pagkatapos ay tumayo na rin ako nang matapos akong uminom ng tubig.
Ngumiti ako, "I have to go, Manang Raquel. Kayo na po ang bahala kay Miss Pajares pag nagising na s'ya. Sasaglit lang po ako sa bar."
Tumango naman, " Sige, Sir James. Ako na ang bahala sa kanya. Mag iingat ka."
Narinig ko pang sambit ni Manang Raquel habang paakyat ako sa itaas. Hindi na ako lumingon o tumugon pa, bagkus ay itinaas ko na lamang aking kanang kamay.
Pagdating ko sa bar ay abala na ang mga empleyado sa mga trabahong nakalaan sa bawat isa. At halos sabay sabay namang bumati ang mga ito nang makita ako.
Tumango naman ako at bumaling kay Norman. Isa si Norman sa lahat ng akung empleyado na mapagkakatiwalaan.
Sampung taon na rin itong nagtatrabaho rito kaya't tulad ng iba ay binigyan ko rin ito ng nararapat na benepisyong dapat lamang matanggap.
"Norman?" tawag ko. Agad naman itong lumingon at mabilis na lumapit sa akin.
"Yes, sir?" magalang nitong tanong na bahagya pang yumukod.
"Is everything alright?" tanong ko saka ko inilibot ang aking tingin sa kubuoan ng bar.
Hanggang sa mapadako ang aking mga mata sa dalawang empleyado na regular na ring nagtatrabaho rito sa bar, habang nag uusap na waring ang isa ay hindi maganda ang timpla ng mood dahil nakasimangot ito at halata sa kilos nito ang pagdadabog.
Marahil ay hindi pa rin napapansin ng dalawa ang aking pagdating, dahil base na rin sa itsura ng mga ito ay waring kadarating lamang din na hindi ko rin agad nakita kanina nang dumating ako.
"Yes, sir. Everything is fine. Maliban na lang po sa isang empleyado na hindi po pumasok ngayon. Si Miss Jenniel po. Hindi ko pa rin po alam ang dahilan dahil hindi pa rin naman po nag–––"
"I know, and she is not going to work today." Putol ko sa pagsasalita nito habang nananatiling nakatuon ang paningin sa dalawang empleyado.
Hindi ko na nagugustuhan ang kilos ng isa sa pagkakataong ito dahil patuloy pa rin ito sa pagdadabog, habang ang isang kausap nito ay tumatawa lamang.
"What is their problem?" seryoso kong tanong.
"Ah, sir. Hindi ko po alam. Hayaan n'yo po at kakau–––"
"No need. Go back to your work." Muli kong putol sa pagsasalita nito, saka ako lumakad papalit sa dalawang empleyado.
"Ano ka ba, Mercy. Baka naman magkasakit na 'yong tao, alam mo namang nag aaral 'yon, 'di ba? Kaya nga hindi na 'yon pinag o-over time ni Sir Norman kasi iyon daw ang utos ni Sir James," mahinang sambit ni Liecel kay Mercy habang nakatungo at patuloy sa pagpupunas ng mga lamesa.
Ngunit imbes na makinig si Mercy ay waring lalo pa itong nagalit na lalo ko namang hindi nagustuhan.
"Humanda talaga sa akin ang Pajares na 'yan. Mas lalo ko s'yang pahihirapan. Alam n'yang male-late ako ngayon ng pasok kasi nga may date kami ng boyfriend. Sinabihan ko na s'yang gawin ang trabaho kaya dapat umagap s'ya. Pero hindi pa rin n'ya gina–––"
"Come to my office right now, both of you!" galit kong sambit at hindi ko na pinatapos pa sa pagsasalita si Mercy.
Nakita ko ang kabiglaan ng dalawa, mas lalong higit kay Mercy bago pa man ako tumalikod.
Pagpasok ko ng aking opisina ay napa buntonghininga na lamang ako upang mabawasan ang init ng aking ulo dahil sa dalawang empleyadong nagmamanipula kay Miss Pajares. At ang pagsuway ng mga ito sa aking mga patakaran ang mas lalo kong ikinagalit.
Ayaw na ayaw ko sa lahat ay ang may naaagrabyadong empleyado sa loob ng aking mga nasasakupan lalo na kung kapwa din lamang mga empleyado ang sumisira sa bawat isa.
"Speak up!" malakas kong sambit na hindi ko na napigilan pa ang matinding galit.
"S-Sir," halos pabulong na bigkas ni Miss Aban o si Mercy.
"D*mn it!" muli kong sigaw. "Magsasalita ka o tuluyan ko nang puputulin ang dila mo!"
"I'm– I'm s-sorry po, sir. H-Hindi ko na po uulitin. H-Hindi lang po k-kasi kinaya ng oras ko 'yong mga ila–––"
"D*mn it!" mura ko, kasabay ng malakas na paghampas sa aking lamesa. "Is that reason enough for you to torture a coworker? At sumuway sa aking mga patakaran?"
Nakita ko ang sunod sunod na pag iling ng dalawa habang kababakasan ng matinding takot at panginginig ng mga kamay.
Hindi ko rin maintindihan sa aking sarili kung bakit ganito na lang katindi ang galit na aking nararamdaman. Hindi ko alam kung saan at ano nga ba talaga ang ikinagagalit ko, basta ang alam ko lang hindi ko na mapigilan ang aking emosyon nang marinig ko ang pangalan ni Miss Pajares at sa kung ano ang ginagawa ng mga ito nang hindi ko alam.
"And you, Miss Caguioa!" malakas kong sambit sa kasama nitong si Liecel kasabay nang ginawa kong pagturo ng daliri sa mukha nito.
"You simply remained silent and allowed her to do the wrong thing na hindi mo man lang naisip na sabihan at ipaalam kay Norman ang mga nangyayari!?" muli kong sigaw.
Bahagya itong nag-angat ng tingin ngunit hindi pa rin nito magawang tumingin sa akin ng diretso.
"S-Sir, s-sinasabihan k-ko n-naman po si M-Mercy, k-kaso po a-ayaw rin pong m-makinig," nauutal nitong sambit.
Mabilis namang napabaling ng tingin si Mercy kay Liecel at kita ko ang galit na rumehistro sa mga mata nito. Kahit ang ginawa nitong bahagyang pagsiko sa isa ay hindi nakatakas sa aking pansin na lalo kong ikinainis.
"D*mn it! Parehas lang kayo! At hindi ko kailangan ng mga tulad n'yo sa bar na 'to! This is your last night at bukas na bukas ayaw ko nang makikita pa ang mga pagmumukha n'yo!" malakas at ma-awtoridad kong sambit.
Nagulat naman ang mga ito at sabay pang nag angat ng tingin sa akin. Nakita ko ang masaganang pag agos ng mga luha ni Liecel na waring tinanggap na lamang ang pagkatalo na imbes magmaakaawa tulad ng ginagawa ngayon ni Mercy ay mas pinili na lamang nito ang manahimik.
"Sir James, 'wag n'yo naman po kaming alisin sa trabaho. Wala na po kami ibang mapapasukan. Matagal na rin naman po kami ritong nagtatrabaho kaya san–––".
"Out!" sigaw ko kasabay ng pagturo ko sa pintuan. "I don't want to see your faces anymore!"
Napaigtad pa ang mga ito nang muli akong sumigaw pagkatapos ay daldaling nang lumabas ang mga ito. Napa buntonghininga na lamang ako nang tuluyan ng makalabas ang dalawa, pagkatapos ay dinampot ko ang telepono at tinawagan si Norman upang ipakuha ang record nina Mercy at Liecel, maging ang record ni Miss Pajares ay ipinakuha ko na rin dahil may isang bagay lamang akong gustong matiyak.
Ilang sandali pa'y nakarinig na ako ng ilang mga pagkatok mula sa labas ng aking opisina.
"Come in!" malakas kong sambit.
Bumukas ang pinto at bumungad si Norman na may dalang ilang mga dokumento.
"Good evening po, sir. Nandito na po ang ipinag-uutos ninyo." Sambit ni Norman pagkatapos ay ibinaba nito sa ibabaw ng aking lamesa ang dokumento.
Tumango lamang ako at hinayaan na rin itong lumabas. Dinampot ko ang dokumento at inisa-isang sinuri.
Ganoon na lamang ang mas lalo kong ikinagalit nang makita kong ang record ng pasahod ni Miss Aban sa loob ng pitong araw dahil sa mga araw na iyon ay bayad ang over time nito habang sa record naman Miss Pajares ay walang nakalagay.
"D*mn those two fvcking women!" mariin at puno ng galit kong sambit.
Alam kong sa loob ng pitong araw na iyon ay palagi kong nakikitang nag o-over time si Miss Pajares na taliwas naman kay Miss Aban, kaya't ngayon'y hindi ko maiwasang mag-isip kung paanong nangyari iyon.
Umigting ang aking mga panga sa isiping maaaring may isa pang taong nagtatakip sa maling ginagawa ni Miss. Aban. At iyon ang aking aalamin.
Hindi ako natutuwang may mga ganoong klaseng empleyado akong pinapasahod at binibigyan ng tamang benepisyo ngunit nagagawa pa ring sumuway sa aking mga batas at patakaran.
Tumayo na ako at nagdesisyon na ring umuwi. Nawalan na rin ako ng ganang manatili rito sa bar dahil sa mga nangyari. At isa pa'y waring hinahatak na rin ako ng aking kagustuhan na umuwi na lamang ng penthouse.
Habang nasa biyahe ay muli ko na namang naalala ang nakakahabag na itsura ni Miss Pajares kanina, nang makita ko ang matinding pagod nito sa mukha habang mahimbing sa pagtulog.
Napailing na lamang ako kasabay nang paghigpit ng hawak sa aking manibela dahil sa aking mga empleyadong nagpapahirap sa kalagayan ni Miss Pajares.
Alas diyes na rin ng gabi nang makarating ako sa penthouse. Agad na rin akong dumiretso sa itaas dahil hindi ko na rin nakita pa sa paligid si Manang Raquel, at marahil ay nagpapahinga na rin ito.
Tangka ko na sanang pipihitin ang doorknob ng pinto ng aking silid ng matigilan ako dahil para bang may nagtutulak sa aking isip na silipin ang dalaga sa katabing silid.
Nagtatalo ang aking isip kung pupuntahan ang dalaga o hindi, ngunit sa huli'y nanaig pa rin ang aking kagustuhan.
Maingat at dahan-dahan akong lumalapit sa dalagang mahimbing sa pagtulog habang naririnig ko pa ang mahihina nitong paghilik, kaya't hindi ko naman napigilan ang mapangiti.
Mariin ko itong tinitigan at sapat lamang ang liwanag na nagmumula sa lampshade upang matitigan ko ang simple at maamo nitong mukha.
May maliit at hugis puso itong mukha na binagayan naman ng katamtamang hugis ay tangos ng ilong habang ang mga labi nito'y katamtaman din lamang ang hugis.
Subalit sa pagkakataong iyon ay waring hinihigop ng labi nito ang aking kamalayan, na para bang sinasabi ng labi nito na lumapit ako at damhin ang labi nito. At sa huli'y ang ganoong pakiramdam ko pa rin ang nanaig.
Dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha sa dalagang mahimbing sa pagtulog at sa mga oras ito'y puno ako ng pagnanais na madampian ko ng halik ang labi nitong para bang ang sarap tikman.
Subalit bago ko pa man tuluyang maidikit ang aking labi sa labi nito ay bigla akong natigilan at agad natauhan sa aking ginagawa. Mabilis akong lumayo mula sa dalaga at inayos ang sarili.
D*mn it! Ano bang iniisip mo, James! Hindi mo kilala 'yang tao pero nagagawa mong pagnasaan! Fvck those lips!
Napailing na lamang ako kasabay ng pagkastigo ko sa aking isipan dahil sa aking mga ginagawa. Mali ito at hindi ko dapat ginagawa.
Tumalikod na lamang ako at nagdesisyon nang bumalik sa aking silid dahil kung hindi ko pa iyon gagawin at mananatili pa ako rito ay baka hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili ay tuluyan ko nang magawa ang kagustuhan ng aking katawan. At iyon ang hindi ko dapat hayaang mangyari.