S1 EP2. He's Here

954 Words
Nasaan si mama? Bigla akong kinabahan. Anong nangyayari? Bakit ibinenta niya ang bahay namin ng wala akong kalaalam alam. Although hindi ako masyadong nauwi eh may komunikasyon naman kami, hindi natatapos ang isang linggo na hindi kami nagkakausap or kung hindi man ay sigurado naman nagkakatext or chat naman kami. Muli ako’ng pumasok sa loob ng kotse para kunin ang cellphone ko na nakalagay sa aking bag. Agad ko’ng idinayal ang numero niya. Ring ring ring.. Mama: Hello nak, bakit ka napatawag? Me: Thank God, akala ko kung anong ng nangyari sa’yo, nasaan ka ngayon? Mama: Ah eh, ano nasa bahay. Napailing naman ako, bakit nagsisinungaling siya? Eh nakakandado ang gate at sigurado ako na wala naman tao sa loob. Ano yun ikakandado niya ang sarili niya sa loob? Me: Anong nangyayari sa’yo ma, may problema ka ba? Mama: Ano naman ang poproblemahin ko? Me: Like sa pera or something, or the worst may sakit ka ba? Ang tanong ko na may pag-aalala, hindi ko maiwasan mag-isip at baka nga may sakit siya at inilihim niya sa akin kaya nagawa niyang ibenta ang bahay namin. Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa niya sa kabilang linya. Mama: Ano bang pinagsasabi mong bata ka, malakas pa si mama mo pwede pa nga ata akong manganak eh. Parang nagulat naman ako sa sinabi nito parang perstaym lang niya mag-joke ng ganito ah. Me: Sure ka ba ma? Baka naglilihim ka na sa akin ah, may hindi ka ba sinasabi sa akin? Hindi ito agad sumagot para mga ilang segundo pa bago siya magsalita pero hindi naman niya sinagot ang tanong ko. Mama: Ah eh ano bang nangyayari sa’yo at tanong ka ng tanong ng ganyan anak. Me: Dahil nasa harapan ako ngayon ng bahay natin or masasabi ko pa bang bahay natin ito ngayon. There sinabi ko na sa kanya na nandito ako sa harapan ng bahay namin, tutal naman ay ayaw naman niya magsabi ng totoo. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya bago magsalita. Mama: Doon ka muna mag-stay sa resto bar ng ninong mo at may susundo sa’yo dun, tapos saka tayo mag-usap. At ibinaba na ni mama ang tawag. Anong nangyayari? Naguguluhan man ay sinunod ko ang gusto niya, pumunta ako sa resto bar ni Ninong Omar, matalik itong kaibigan ni papa ng buhay pa ito. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at mga alas kwatro na ng hapon. Pumasok ako sa loob at medyo namangha ako dahil ang laki ng improvement ng resto bar ni ninong, pina-renovate niya pala ito. Agad naman ako’ng umupo sa may bar counter para hintayin kung sino man ang susundo sa akin na sinasabi ni mama ng bigla naman lumabas si Ninong Omar galing ata sa kitchen area sa loob. Parang nagulat pa ang itsura nito ng makita ako. Is that you, Adrianna Luisa De Santiago. Natawa naman ako at binanggit pa talaga niya ang buo kong pangalan. Tumayo ako para mag manong dito. “Ang tagal na kitang hindi nakita ah, anong balita, ano nakadali ka na ba?” “Anong nakadali?” Ang tanong ko naman sa ninong kong joker. “Nakadali, Nakaloko,Naka uto in short may boyfriend ka na ba or mapapangasawa?” Hanep ang definition ni ninong sa pakikipagrelasyon ah NAKADALI talaga! “Naku ninong wala pa po, single pa din po ako.” “Ang hina naman ng inaanak ko, dinaig ka pa ng mama mo!” Huh, nagulat naman ako sa sinabi nito, tama ba ang pagkakadinig ko, kung kanina ay ang paningin ko ang pinagduduhan ko ay ngayon naman ay pandinig ko na. “Ano po’ng ibig sabihin niyo ninong?” Ang tanong ko at gusto ko’ng kumpirmahin kung ano ang sinasabi niya. Ngunit parang natigilan ito sa itinanong ko sa kanya. “Ah eh, bahala na si mama mo mag-explain teka balik lang ako sa loob at may niluluto ako.” Ano yun? Parang iniwasan ako ni ninong? Naku talaga, ano ba talagang nangyayari? Ang dami ko ng tanong ah! Inikot ko naman ang paningin sa kabuuan ng resto na ito, isa lang ang customer at nakain na. Ano kaya yung babalikan ni ninong sa loob, mukhang iniwasan lang talaga yung tanong ko ah. Lumabas naman ang isang staff niya at inabutan ako ng maiinom “Ma’am pinabibigay po ni sir, on the house na daw po.” Napangiti naman ako, hindi pa rin nakalimutan ni Ninong Omar ang paborito ko na Chocolate Milkshake. Ang tagal ko ng hindi nakatikim nito ah, ang daming memories ng inumin na ito, tuwing napunta kami dito ni mama at papa ay hindi mawawala sa order ang drink na ito. Inunti-unti ko ang pag-inom nito habang nag-aantay kung sino man ang susundo sa akin. Tinry ko ulit tawagan si mama pero hindi na niya sinasagot, nagtext at chat din ako pero wala pa din sinabi ko lang na nandito na ako at waiting. Habang waiting pa ay nag scroll muna ako sa cellphone pampatanggal ng inip, nood nood muna ng reels, kalimitan ng pinapanood ko ay mga tungkol sa mga pagluluto. Hilig ko kasi ang magluto, ito nga ang gusto ko’ng i-business pag nagkataon kaso ay parang mag-iiba ang plano ko at wala na pala kaming bahay. Bumalik na naman ang iniisip ko. Ano ba talagang nangyari at binenta ni mama ang bahay. Ang tagal naman ng susundo sa akin, kung sino man siya na sinasabi ni mama. Naubos ko na yung chocolate milkshake na iniinom ko at ang dami ko na din napanood, napapagod na ang mata ko kakanood. While nag-o-overthink ako sa kung ano ang mga nangyayari ay biglang tumunog ang bell sa may pintuan tanda na may papasok na customer kaya napatingin ako banda roon. Holy s**t! He’s here.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD