S1 EP1. Pilot

1014 Words
Adrianna (Music: 7 Rings song by Ariana Grande) Yeah, breakfast at Tiffany's and bottles of bubbles Girls with tattoos who like getting in trouble Lashes and diamonds, ATM machines Habang nakikinig ng music ay patuloy ako sa pagda-drive pabalik sa bayan ng Santa Catalina. Ang bayan na aking kinalakihan. Pagkalipas ng limang taon ay nagpasya ako’ng bumalik sa maliit na bayan na ito, sinasabayan ko pa ng pagkanta ang pagda-drive ko para pampatanggal ng antok at inip. I want it, I got it, I want it, I got it You like my hair? Gee, thanks, just bought it I see it, I like it, I want it, I got it Haha nakakatawa naman itong kinakanta ko malayong malayo sa totoong nangyari sa akin, kaya nga ako babalik sa bayan na kinalakihan ko ay hindi ko nakuha ang lahat ng gusto ko. In short, I was a failure. Sa loob ng limang taon na paninirahan ko sa Maynila ay hindi ako pinalad magkaroon ng masasabi ko’ng maganda at permanenteng trabaho, ni hindi man lang ako nakatikim ng regularization hanggang probation period lang at kapag hindi ko na bet ay nagre-resign na agad ako. Naka graduate naman ako ng College. Bachelor of Elementary Education ang kursong natapos ko, yun nga lang ay hindi ko magamit ang pinag-aralan ko dahil hindi naman ako nagtake ng LET (Licensure Examination for Teachers) Ewan ba tinamad na kasi ako, may nangyari kasi noon eh nagulo ang puso at isip ko tapos ayun pinili ko na lang lumuwas ng Maynila para makapagtrabaho na agad agad. Tuwing may okasyon naman ay nauwi naman ako para makasama si mama pero mga dalawang araw na ata ang pinakamatagal na inilalagi ko tapos babalik na ko ulit sa lungsod. Matagal ng pumanaw si papa, nasa high school pa lang ako ng iwan niya kami. Kinukumbinsi ko nga si mama nasa Maynila na kami tumira pero ayaw niya at ano naman daw ang gagawin niya doon pero sabagay okay na din pala na hindi ko siya nakumbinsi dahil hindi rin naman naging maganda ang pakikipagsapalaran ko doon at eto nga ako sumuko na at uuwi na. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko at bakit ganito ako. Madami ang nagsasabi sa akin na mahirap ang buhay kaya pasalamat ka nga at may trabaho ka. Pwede na yan. Pagtiisan mo yan. Ang mahalaga may income ka. Mga salitang ilang beses ko ng narinig pero matigas ang ulo ko at hindi ko ata kayang magtiis sa trabaho na hindi ko naman gustong gawin. (Flashback) “Sir, pwede na po bang umuwi, alas nuebe na po ng gabi, wala na naman po akong ginagawa.” Ang tanong ni Adrianna sa boss niya na hindi pa siya pinapauwi kahit wala na naman ginagawa. “Makakauwi ka lang kapag pinagbigyan mo ko.” Hinawakan ng boss niya ang ibabaw ng pantalon at hinimas himas iyon sa harapan ni Adrianna sa takot ng dalaga ay bigla na lang ito tumakbo pero bago ang lahat ay kinuha muna niya ang kanyang bag at tuluyan ng umalis at hindi na muli pang bumalik sa trabaho. (Another flashback) “Bakit ganyan kaganda ang sekretarya na kinuha mo, paalisin mo yan, ayoko na siya ang maging sekretarya mo.” Si Adrianna na ang nahihiya dahil harap-harapan ng nag-aaway ang kanyang boss at ang asawa nito sa mismong harapan pa niya. Selosa ang asawa ng boss niya at ayaw niya ng gulo kaya ang ending ay nagresign na naman siya. (Another flashback) Sunod sunod na test papers ang ibinabagsak sa desk ni Adrianna para sa pagchecheck ng mga paper ng mga estudyante. Natanggap siya sa isang University at ang trabaho niya ay maging assistant ng mga professor na nagtuturo doon, okay sana sa una pero hindi naman niya alam na halos lahat pala ng professor sa loob ng faculty room ay magiging utusan siya. Hindi lang pagche-check ng exam papers ang inuutos sa kanya, ultimo pagbili ng pagkain at ang masaklap pa minsan pati pinagkainan o pinag-inuman ng kape ay pinahuhugasan pa sa kanya kaya ang ending ay resign na naman siya. (Another flashback) Naging assistant naman ng doctor ang naging trabaho niya sa dami ng pasyente nito ay piling niya ay magkakasakit na din siya karamihan kasi ay may mga lagnat, ubo at sipon kaya todo todo ang pag-iingat niya pero nag-aalala pa din siya sa kalusugan niya kaya ayun resign ulit. (Another flashback) This time sinubukan naman ni Adrianna na magtrabaho sa Call Center pero ang problema ay hindi kinakaya ng katawan niya, hindi siya sanay sa puyatan at parang madalas siyang nagkakasakit kaya ayun resign na naman. (Another flashback) Sinubukan din niya magtrabaho sa bangko bilang Bank Teller, okay na sana dahil ito na ata ang pinakamatagal na napagtrabahuan niya, umabot siya ng sampung buwan kaso nagkaroon ng conflict dahil niligawan lang naman siya ng manager nila na may asawa na kaya ayun resign ulit. (Back to the Present) Although papalit palit ako ng trabaho ay matipid naman ako dahil hindi naman ako inoobliga ni mama magpadala sa kanya kaya may naipon naman ako ng konti kasi kahit paiba-iba ako ng trabaho ay hindi naman ako nababakante, yun nga lang hindi napipirme. Welcome To Santa Catalina ang pambating pambungad na mababasa sa pagpasok sa lugar. Ipinagpatuloy ko lang ang pagmamaneho sa kotse kong punong puno ng mga kung ano anong gamit ko, partida halos lahat na nga ng gamit ko ay ibinenta ko na pero ang dami pa din natira kaya ayan pinagsisiksik ko. Sa wakas nandito na ako. Hindi ako nagsabi kay mama dahil gusto ko siya surpresahin pero tila ako ata ang nasurpresa hindi pa man ako nakakababa ng kotse ko ay nabasa ko na agad ang karatulang nakalagay sa may gate ng bahay namin. May nakasabit na malaking karatula na nakalagay ay FOR SALE tapos tinakpan yun ng SOLD. Agad ako’ng bumaba sa kotse ko para kumpirmahin ang nakita ko at baka namamalik mata lang ako. Lumapit ako sa harapan ng gate pero ayun talaga ang nakalagay at ang masaklap nakakandado na ito at hindi ako makakapasok. Nasaan si mama?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD