Seriously! Siya pa talaga ang makikita ko dito at may kasama pang dalawang lalaki na pareho pang nakasuot ng kulay blue na polo shirt habang siya ay naka-suot naman ng white polo.
Ang yabang talaga. Akala mo kung sino eh demonyo naman.
Agad akong tumalikod at nagkunwari na hindi ko siya nakita.
Narinig ko naman ang pagbati ng customer na kumakain.
“Good afternoon, Mayor.”
Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang pagbati na ginawa ng customer na iyon sa kanya.
Mayor? It means siya na ang mayor ngayon.
Napaghulihan na ako sa balita ah!
Ang huling balita ko sa kanya ay konsehal pa lang siya pero ngayon siya na pala ang pumalit sa tatay niya.
Hindi naman kasi ako naboto.
Hindi ako registered voter, ewan ba pakiramdam ko kasi wala rin naman mangyayari eh kaya hindi ko inaalam ang mga balita kapag tungkol sa politics.
Aaminin ko minsan nai-stalk ko siya nung mga panahon na wala akong ginagawa.
Inan-block ko siya tapos sinearch ko kung anong ganap sa kanya ang huling kong balita ay konsehal pa lang siya at pagkatapos nun at ibinilock ko ulit siya at hindi ko na alam kung ano ng ganap sa kanya.
Ibig sabihin pagkatapos ng isang term ay mayor na agad ang itinakbo niya sabagay malakas ang pamilya nila sa bayan na ito dahil matagal din nanilbihan ang ama niya na si dating Mayor Joselito Buenavista.
Shit naman oh, ang awkward lang na magkita kami dito.
Kung ang iba ay kayang makipag-kaibagan sa mga Ex nila pwes ako hindi, kung pwede nga lang na habang buhay ko siyang huwag makita ay okay lang pero imposible dahil maliit na bayan lang ito at halos lahat ng tao dito ay magkakakilala.
Nakaka demonyo lang kasi talaga ang ginawa sa akin ng lalaki na ito eh.
.
.
.
.
.
.
(Flashback)
Third Person Narrative
Five years ago.
Simula ng nagsimula ang Teaching Internship ni Adrianna ay lagi nitong dinadaanan ang kanyang mama para sabay silang umuwi dahil magkatabi lang ang school kung saan siya nagpapractice for teaching at ang munisipyo kung saan nagtatrabaho ang mama niya bilang staff sa tanggapan ng mayor’s office.
Wala ang mama niya sa pwesto nito may meeting ata, ganun naman lagi ang dinadatnan niya mahilig kasi magpatawag ng pulong ang mayor ng bayan nila sa mga empleyado kaya sanay na siya ang tanging ginagawa na lamang niya ay umupo sa swivel chair ng mama niya at magpasak ng headset sa tenga niya while waiting.
Iyon lagi ang kanyang ginagawa pampatanggal ng inip, hindi rin naman matagal ang iintayin niya dahil oras na makalabas na sa meeting ang mama niya ay umuuwi na rin naman sila agad.
(The music she listens: Don’t Let Me Down Song by The Chainsmokers)
Running out of time
I really thought you were on my side
But now there's nobody by my side
I need you, I need you, I need you right now
Yeah, I need you right now
So don't let me, don't let me, don't let me down
I think I'm losing my mind now
It's in my head, darling, I hope
That you'll be here, when I need you the most
So don't let me, don't let me, don't let me down
Kumakanta si Adrianna ay may kasama pang pagtapik tapik ng kanyang mga daliri sa ibabaw ng working desk ng mama niya, malakas ang loob niya’ng gawin yun dahil wala naman mga tao sa paligid pero laking gulat niya ng biglang sumulpot sa harapan niya, isang lalaki.
Nakaramdam ng pagkapahiya si Adrianna dahil ang unang pumasok sa isipan niya ay ang cute ng lalaki pero hindi cute ang tamang term dahil very manly ang aura nito, lalaking lalaki ang dating nito.
He is sexually appealing or thrilling na parang hindi ka makakatanggi kung may hingin man siya sa’yo ay mapapa-yes ka agad.
Nagsalita ito, pero hindi niya narinig kaya tinanggal niya ang headset na nakasalpak sa may tenga niya.
“Sorry, anong sabi mo?” Ang mahina na boses niyang tanong at nahihiya siya dahil nahuli siya nitong kumakanta at ang isa pa alam niyo yung feeling kapag sobrang ganda o gwapo nung tao ay parang nahihiya kang kausapin ito.
“The Chainsmokers,” ang ulit na sabi niya or kung ayun ba talaga ang sinabi nito kanina na hindi niya narinig
Hindi naman nakapagsalita pa si Adrianna.
“You have good taste in music.” Ang wika pa nito sabay alis at nakita niya itong pumasok sa may Mayor’s Office.
Anong nangyari? Hindi siya nakasagot sa lalaki.
Bigla naman nagsidatingan ang mga empleyadong galing sa meeting kasama na ang mama niya at umuwi na sila.
Hindi nakatulog si Adrianna ng gabing iyon at hindi niya makalimutan kung sino man ang lalaking iyon.
Kinabukasan ay dating gawi na naman.
Pinuntahan na naman ni Adrianna ang mama niya pero wala na naman ito sa pwesto nito at ang mas nakakagulat pa eh naunahan na siya ng lalaki na umupo sa swivel chair na inuupan ng mama niya.
Tatalikod na sana siya pero tinawag ng lalaki.
“Adrianna, wait!” Takang taka si Adrianna kung paano nalaman ng lalaki ang pangalan niya kaya napalingon siya dito.
Tumayo naman ang lalaki at nagsalita.
“Wala sila, may dinner group sila. Pinapasunod nila tayo dun.” Hinila nito ang kanyang kamay na siyang naging dahilan para rumagasa ang kaba sa dibdib niya ng maramdaman ang pagsaklop ng kamay niya sa kamay ng lalaki na hindi niya alam kung anong pangalan.
Nang maisip niya ang bagay na iyon ay agad niyang tinanggal ang pagkakahawak ng kamay nito sa kanya.
“Sandali. Sino ka? I mean hindi kita kilala.” Ang mahina at nahihiya niyang tanong sa lalaki pero sa isip niya ay hindi naman siguro ito gagawa ng masama lalo pa at nandito sila sa loob ng munisipyo.
Bahagya naman natawa ang lalaki sa mga tanong niya.
“Pasensiya kana hindi pa pala ako nakapagpakilala, I’m Brion the mayor’s son.” At pagkatapos magpakilala ay hinawakan nito ulit ang kamay niya para makaalis at wala na siyang nagawa para bang naging sunud sunuran si Adrianna kay Brion gayun na hindi pa man sila close.
Pagkadating sa restaurant ay wala naman dun ang sinasabi ni Brion na dinner ng office staff pero nakakuha na ito ng lamesa at pina-upo na sila.
Lumingon lingon siya sa paligid at baka nandoon ang mama niya.
“Tapos na pala sila kumain nahuli na tayo ang tagal mo kasi dumating.” At parang sinisisi pa siya ni Brion.
Itetext sana ni Adrianna ang kanyang mama pero agad inagaw ni Brion ang kanyang cellphone.
“Mamaya kana mag-cellphone, mag-order muna tayo at gutom na ako, ano bang gusto mo,” sabay abot sa kanya ng menu.
Wow ha, grabe maka-utos sa kanya, dinaig pa ang mama niya sa isip-isip ni Adrianna.
“Eh pwede ba’ng umuwi na ko, busog pa kasi ako.” Ang sabi ni Adrianna kay Brion.
“Hindi pwede kailangan mo’ng kumain, siguro nahihiya ka lang di bale ako na lang ang oorder para sa atin sweetie.”
Hindi naman makapaniwala si Adrianna sa narinig at tinawag pa siyang sweetie ng lalaking bagong kakilala pa lang niya at ang pakiramdam niya ay nagde-date sila.
Kung may tinatawag na Shotgun Wedding malamang ang nagaganap sa kanilang dalawa ay tinatawag na Shotgun Dating.