“Ahhhhhh.”
Napasigaw si Adrianna sa gulat ng makita si Brion na nakapikit at nakahiga sa tabi niya ng pagkamulat na pagkamulat pa lang ng kanyang mga mata.
Bigla naman nagmulat ng mata si Brion ng marinig ang malakas na pagtili ng dalaga.
Napabalikwas ng tayo si Adrianna sa gulat na malaman na katabi niya ang lalaki, agad ito'ng dumampot ng unan at agad na pinagpapalo ang lalaki.
Napatayo naman si Brion para makalayo at maka-iwas sa ginagawang paghampas sa kanya ng dalaga.
Nakaluhod si Adrianna sa may kama habang hawak ang unan na kanyang pinanghahampas at nasa harapan naman niya si Brion na ngayon ay nakatayo na.
“Sweetie naman eh katatabi ko lang sa’yo, bakit ka naman nambubogbog eh hindi pa naman tayo mag-asawa?” Ang reklamo ni Brion sa ginawang panghampas sa kanya ni Adrianna.
“Ano’ng sinasabi mo? Bakit ka nandito? Bakit hanggang dito ba naman sa kwarto ko ay kinukulit mo ‘ko? Maaa!!!” Ang nanggigil ng sabi ni Adrianna sa lalaking anak ni mayor sabay tawag sa kanyang ina.
“Sweetie ah, nanggigil ka na sa akin, I like it, wala na si Mama Rose pumasok na ang sabi niya hintayin na lang daw kita magising habang nag-aantay ako sa sala.”
“Sa sala ka pala pinag-aantay eh bakit tumabi ka na sa’kin ng higa?” Ang asar na asar na tanong ni Adrianna.
“Dahil kasalanan mo! Hindi mo ko pinatulog kagabi, pinatayan mo pa ko ng cellphone.”
Lalong nainis si Adrianna sa mga sinasabi ni Brion ano'ng sinasabi nito na kasalanan niya, pati ba naman ang hindi pagtulog ay isisisi sa kanya.
Nagpasya siya'ng tumayo sa kama para lumapit sa binata'ng anak ng mayor para mapalo niya ito ng unan.
“Teka wait Sweetie lalapit ka ba talaga sa akin ng ganyan ang ayos mo, totoo pala talaga na wala ka’ng bra.”
Dahil sa sinabi ni Brion ay imbes na ihampas ni Adrianna ang unan na hawak niya ay ipinatakip na lamang niya ito sa kanyang dibdib.
Sobrang pagkahiya ang naramdaman ni Adrianna, kanina pa pala nakikita ni Brion ang nakabakat niya nipplés.
“Ang bastos mo, manyak, isusumbong kita kay mayor!” Ang sigaw ni Adrianna kay Brion.
“Sweetie ah, wala pa ko'ng ginagawa sa'yo pero sige kung yan ang gusto mo eh, maganda ngaun eh kasi kapag nagsumbong ka panigurado ipapakasal tayo agad ni daddy!"
"Lumabas ka na dito!" Ang halos pasigaw ng sabi ni Adrianna sa lalaki.
"Okay hintayin na lang kita sa sala," sabay labas ni Brion sa kwarto niya.
Hindi na makapaniwala si Adrianna sa mga nangyayari kaya sinampal niya ang isang pisngi niya at baka nananaginip lang siya pero hindi gising talaga siya dahil masakit, walang hiya talaga ang anak ni mayor.
Ang sabi niya ay huwag na siyang sunduin sa school pero mas malala ang nangyari.
Ngayon naman ay sa mismong kwarto na siya sinusundo at ang masaklap pa eh tinabihan pa siya ng higa sa kama.
Iniisip pa niya kagabi kung paano niya ito iiwasan dahil sa sobrang nakakahiyang tawag na naganap sa kanila kagabi, hindi niya akalain na pagmulat ng mga mata niya ay mukha agad ng lalaki ang mabubungaran niya.
Hindi na malaman ni Adrianna ang gagawin.
Kailangan pa niya'ng maligo.
Shìt! Wala siyang banyo sa loob ng kwarto at tiyak makikita siya ni Brion kapag nagpunta doon dahil nasa sala ito ngayon at hinihintay siya.
Inis na inis si Adrianna dahil kailangan niya pa tuloy magsuot uli ng bra tapos huhubarin din naman niya ulit kapag nasa loob na siya ng banyo, pero naisip niya pwede rin naman pala niya'ng takpan ang kanyang dibdib gamit ang tuwalya para hindi bumakat ang dapat bumakat.
Nagpakawala si Adrianna ng isang malalim na buntong hininga bago tuluyan lumabas ng kwarto, agad naman niya'ng nabungaran si Brion na prenteng naka-upo sa sofa habang nagse-cellphone.
Ang kapal talaga ng mukha sa isip-isip ni Adrianna.
Nang makita ni Adrianna na nag-angat ng tingin sa kanya si Brion ay nagmadali na siya maglakad papunta sa kanilang banyo.
Hindi talaga makapaniwala si Adrianna sa mga nangyayari, inisip na lang niya na saglit na lang naman eh magkakahiwalay na sila dahil papasok na din naman siya.
Tapos ng maligo si Adrianna ng may mapansin siya.
Shìt! Nakatapis lang siya ng tuwalya'ng kulay puti, naalala niya nandun nga pala si Brion sa sala.
Sa araw-araw naman kasi eh ganito naman palagi ang ginagawa niya dahil sa kwarto siya nagbibihis dahil mahirap naman kung sa banyo pa siya magbibihis baka mabasa pa ang kanyang uniform.
Nakakahiya baka isipin ng lalaki ay inaakit niya ito, pero sa isip niya bakit nga ba siya mag-a-adjust eh unang-una hindi naman niya inimbitahan ang lalaki na dumalaw sa bahay nila at ang aga aga pa dinaig pa nito ang nagpapa-five six na bumbay.
Bahala na magmamadali na lang siya hindi na lamang niya ito titignan hanggang sa makapasok siya sa loob ng kwarto niya at agad niya ito'ng ila-locked ayun ang plano niya.
Nagpakawala na naman si Adrianna ng isang malalim na buntong hininga bago tuluyan lumabas ng banyo.
Dali daling naglakad pabalik sa kanyang kwarto si Adrianna at ng dahil sa kanyang pagmamadali ay nadulas siya at sa kanyang pagkakahiga sa sahig ay hindi inaasahan na pangyayari ay biglang natanggal ang tapis ng tuwalya niya sa mismong harapan pa ni Brion.
Agad naman ibinalik ni Adrianna ang pagkakatapis ng puting tuwalya sa katawan niya.
Wala ng maitatago si Adrianna sa lalaki kung kanina ay nakita na nito ang bakat niya'ng nips ngayon naman ay nakita na ni Brion ang hubad na katawan niya.