Para mawala ang pagkayamot ni Adrianna ay agad siyang naligo at baka sakaling mawala ang pagka-inis na nararamdaman niya sa lalaki.
Agad siyang dumapa sa kama pagkabihis niya at kinuha ang kanyang cellphone, naisip niya tignan kung may social media account ba si Brion pero bago pa man niya mai-search ay nakita niya na may friend request na pala ito'ng isinend sa kanya.
Pinag-isipan niyang mabuti kung i-accept ba niya ito pero siguro wala naman masama dahil peysbuk lang naman yun, hindi rin naman siya active sa pagpost so pinindot na niya ang accept button.
At syempre dahil ini-accept niya ang friend request ay tinignan niya ang profile nito.
Wala naman ibang makita puro mga projects lang ng ama niya na pino-promote nito naku mukhang may balak din ata pumasok sa pulitika sa isip isip niya.
Bigla naman niya naalala na parang may kinalikot or may itinayp si Brion sa cellphone niya kaya kinalikot din niya ito at hindi nga siya nagkamali nakita niya agad ang number ng lalaki na nasa unahan pa talaga ng contact list niya, pero ang nakakapag-init ng ulo eh ang nilagay nito na pangalan.
A- Brion Your Boyfriend Call Me
At parang talagang sinadyang lagyan ng lalaki ng A sa unahan para makita niya agad agad at ang malala ay nagkaroon pa siya agad ng instant boyfriend.
Dahil sa inis at pagkabigla ay agad siya nag-type ng message.
Adrianna: Tumigil ka na please, huwag mo na akong sunduin bukas.
Huli na ng ma-realize niya na nabigla siya sa pagtext sa lalaki pero tinignan naman niya ang pinadala niyang mensahe, sa tingin naman niya eh maayos naman ang ipinadala niya'ng text message sa lalaking anak ng mayor.
Kahit na naiinis na siya sa lalaki ay kailangan niya magpigil dahil nga sa boss ng nanay niya ang ama nito at ayaw din niya na siya ang pagsimulaan ng gulo kung sakali man.
Maya maya pa ay tumunog ang cellphone niya tanda na may na received siyang message.
A- Brion Your Boyfriend Call Me: Sabi ko tawagan mo ko pero okay na din ang text atleast alam ko na ang number mo
Parang nagsisi naman si Adrianna at bakit ba niya bigla biglang itinext ang lalaki, ito pa tuloy ang naging dahilan para malaman ang cellphone number niya.
Binitawan niya saglit ang cellphone niya para ayusin saglit ang gusot sa kama niya ng bigla naman ito'ng umilaw at tumunog, natawag ang lalaki.
Hindi na malaman ni Adrianna ang gagawin para bang takot na takot siya at parang ayaw na niyang hawakan ang cellphone niya, pinanood niya lang ito habang nagri-ring.
Nawala naman ang kaba niya ng tumigil ito sa pag-ring kaya kinuha na niya at hinawakan ulit ang cellphone niya at umayos na siya ng higa, mag scroll na lang muna siya sa soc med pero maya maya ay nag ring na naman ito.
Wala na naman nagawa si Adrianna kung hindi pagmasdan at hintayin matapos mag-ring ang cellphone dahil ayaw niya talagang sagutin ang tawag ng lalaki.
Nang mawala na ang tawag na kanyang iniiwasan ay nagpatuloy naman si Adrianna sa pag-i-iscroll ng bigla na naman tumawag ang anak ni mayor at sa hindi inaasahan pagkakataon ay aksidente niyang na accept ang call.
Gusto sana niyang i-cancel ang tawag pero ayaw naman niyang masabihan na bastos kaya nagpasya na si Adrianna na tuluyan ng sagutin ang tawag.
Adrianna: H-hello
Brion: Hello sweetie
Ang bilis na naman ng tìbok ng puso ni Adrianna at saka parang iba ang boses ng lalaki parang mabigat ang paghinga nito.
Hindi na niya sinagot ito pero muling nagsalita ang lalaki.
Brion: Ano'ng ginagawa mo ngayon.
Bumuntong hininga si Adrianna naisip niya wala naman sigurong masama kung kausapin niya ang lalaki.
Adrianna: Nakahiga na sa kama
Brion: Ano'ng suot mo
Gulat na gulat si Adrianna sa itinanong sa kanya ni Brion, talaga ba'ng pati ang suot niyang damit ay gusto nitong malaman napatingin tuloy siya sa suot niyang damit. Simpleng pajama set na may Winnie the Pooh lang naman ang design nun.
Adrianna: Ah naka pajama na, matutulog na kasi ako.
Brion: Hindi mo ba ako tatanungin kung anong suot ko uhmmm
Hindi malaman ni Adrianna kung tama ba ang pagkadinig niya na parang umungol ang lalaki pagkatapos sabihin ang salitang binitawan nito pero hindi na lamang niya pinansin.
Adrianna: A-anong suot mo?
Nagtaka pa si Adrianna at bakit parang napasunod siya ng lalaki at talagang nai-tanong niya din yun at huli na para bawiin pa ang sinabi niya.
Brion: Wala uhmmm
Parang hindi kumbinsido si Adrianna sa narinig, medyo mahina din kasi ang pagkabigkas.
Adrianna: Ano'ng sabi mo? Hindi ko masyadong narinig.
Brion: Wala akong suot uhmmm
This time malinaw na malinaw ang pagkakasabi ng lalaki.
Hindi naman makapaniwala si Adrianna sa narinig sa sinabi ng lalaki or tamang sabihin na hindi siya makapaniwala sa kung ano man ang pinag-uusapan nila at parang narinig na naman niya na umungol ito.
Parang alam na niya ang nangyayari, hindi rin naman siya inosente pagdating sa sèx, although wala pa siyang karanasan eh kahit papaano naman ay hindi naman siya ignorante pagdating sa bagay na iyon dahil sa panahon ngayon napakadali ng manood or maka access sa mga porn sites, isang search at click lang ay makakapanood ka na.
Hindi na mawari ni Adrianna ang kanyang nararamdaman it feels like something awakened inside her, the wetness began to spread down there, alam niya kung ano'ng nangyayari pero hindi lang niya matanggap na bakit sa ganito'ng pagkakataon o senaryo pa.
Isa lang ang sigurado her panty is ruined at kailangan niyang magpalit kahit kaliligo pa lang niya.
Dahil sa sinabi sa kanya ni Brion na wala itong suot ay hindi tuloy niya mapigilan na ma-imagine na nakahubad nga ito.
Matikas ang tindig, matangkad at matipuno ang katawan nito na mababakas sa suot nitong t-shirt at maong pants kanina nung magkasama sila at ngayon ay nahubaran na niya ito sa kanyang isipan.
Brion: Anong kulay ng bra mo?
Sinasabi ng isip niya na mali na sagutin niya ang mga tanong ng lalaki pero parang nakaramdam siya ng excitement na ngayon lang niya naramdaman.
Nahihiya man pero nagawa niya itong sagutin sa mahina niyang boses.
Adrianna: Wala ako'ng suot na bra
Brion: Fuckkkk!
Nagulat si Adrianna na may halong pagkatakot na siyang dahilan para i-end niya ang call ng marinig niya ang malakas na pagmumura ng lalaki.
Agad naman niyang binitawan ang cellphone at muli na naman ito'ng nag-ring.
Tinatawagan na naman siya ng anak ni mayor
Parang takot na takot naman siyang sagutin ito.
Pinanood niya lamang ito habang nagri-ring at ng matapos ay agad niyang ini-off ang cellphone niya para hindi na siya matawagan pa ng lalaki.