Agad bumangon si Adrianna mula sa pagkakadulas. Kahit nakaramdam siya ng sakit sa kanyang kaliwang sakong ay nagawa pa din nito'ng makapasok sa loob ng kanyang kwarto ng mabilis kahit pa pa-ika-ika ito ng lakad. Nang makapasok sa loob ng kwarto ay agad niyang ini-lock ang pinto at sumandal doon. Sobrang kaba at pagkapahiya ang nararamdaman ngayon ni Adrianna at bukod pa dun ay nadagdagan pa ng takot ng simulang kumatok si Brion mula sa labas. Thud Thud Thud Thud... Natatakot man ay kailangan niya'ng maging matapang. "Ano ba magbibihis ako, umalis ka diyan sa pintuan!" Ang sigaw niya dito. "Sweetie, okay ka lang ba? Bakit ka biglang tumayo baka lalo'ng napasama yung biglang tayo mo sa pagkakadulas mo, patingin nga ng paa mo." "I'm not your sweetie, tumigil kana, umalis ka diyan sa