Pagkalabas na pagkalabas ng kwarto ni Adrianna ay sinalubong siya agad ni Brion at ang nakakagulat ay bigla bigla na lamang siya’ng binuhat nito. “Teka teka, Ano ba!” Ang protesta ni Adrianna sa ginagawa sa kanya ng lalaki pero parang automatiko naman naipulupot niya ang kanyang dalawang kamay sa leeg ni Brion para kumapit dahil natatakot siya mahulog. "Ano ba baka mahulog ako?!" Ang reklamo ni Adrianna sa lalaki. "Sa akin ka lang mahuhulog sweetie!" Ang swabeng sagot naman ni Brion sa dalaga. Hindi na nakaimik pa si Adrianna sa banat nito at baka kung ano ano pang lumabas sa bibig ni Brion. Buhat buhat siya ni Brion hanggang makarating sa labas at ibinaba siya sa tapat ng kotse. Binuksan naman ni Brion ang kotse at inalalayan siya para makapasok sa loob. Hindi na nagawa pa’ng magp